hurriedly ran into the coffee shop. Palagi na lang akong minamadali ni Johnson. Hindi naman kasi sinabi kung mahalaga ang pag-uusapan namin o hindi. Malay ko naman ‘di ba? Ayan tuloy, white t-shirt lang ang nasuot ko at black na jeans. Sa pagmamadali ko rin, hindi ko na nasuklayan ang buhok ko. Malamang, sabog na naman ito mamaya.
"Sorry, I'm late!" Bungad ko sa kanila. Hindi naman nila ako tinapunan ng tingin, abala kasi sila sa pagtipa sa kanilang cell phone.
"You're always late. Wala ng bago," mataray na sabi ni Alex.
Hindi ko na siya sinagot, umupo na lang ako sa tabi ni Addison na isa ring busy. Hinahanap naman ng mata ko si Laurenz, nang makita ko siya na abala rin sa pag-cellphone. Bakit gano'n? Ang gwapo pa rin ni Laurenz kahit saang anggulo.
"Kumusta na?" biglang tanong ni Laurenz sa akin, kaya nagulat ako at kunwaring inilipat ang tingin sa dala kong bag. Mukhang napansin niya ata na nakatitig ako sa kanya.
"Ah, okay lang." Mabilis kong iniba ang usapan dahil nararamdaman ko na naman ang pamumula ng pisnge ko. Ayaw ko namang isipin niya na kinikilig ako sa ginawa niya sa akin kagabi. Akala siguro niya malilimutan ko ang pagnakaw niya ng halik sa'kin.
"Psst, Addison?" Kalabit ko kay Addison, upang mawala ang nararamdaman kong hiya sa sarili.
Lumingon naman siya sa akin at umayos ng upo. "Oh! Mel, buti naman at nakarating ka," anito.
"So guys! May big announcement ako," wika ni Johnson, kaya napalingon ang lahat sa kanya.
"Na naman?" Kunot-noo na tanong ni Mark.
"Yep. Nakikita ko kasi na sobrang stress na natin sa work. Isa pa, matagal-tagal na rin tayong hindi nakakapagjamming."
"P-pero, kaka-jamming lang natin kagabi, hindi ba?" nahihiya kong tanong.
"Oo. Pero iba naman 'yon, Melissa. This will be exciting!" Nangingislap ang mata ni Johnson nang sinabi niya iyon.
"Ano ba kasi 'yon? Kanina pa kita tinatanong!" inis na sabi ni Alex at umayos na rin ng upo. Kinuha niya ang tasa na nakapatong sa glass table saka humigop ng kape.
"We're going on a vacation! Nag file na ako ng leave para sa ating anim. Pupunta tayo sa probinsya namin!"
"Saan?" tanong ni Laurenz na mukhang curious na rin.
"Sa Tagaytay. Sinabi ko na 'to kina Mom and Dad. Pumayag naman sila, basta huwag lang daw tayong gagawa ng masama doon. Well, hindi sila sigurado." Sabay hampas ni Johnson sa legs ni Alex kaya naman nagtawanan sila.
"Ano? Payag ba kayo? Masaya 'to, guys! Ito ang unang bakasyon natin na magkakasama!"
"P-pero baka hindi ako payagan ni lola..." Nahihiya kong sabi, kaya napayuko ako.
"Come on, Melissa! You're 26, yet kailangan mo pa ng approval ng lola mo? Okay, okay. Ganito na lang, ipagpapaalam ka namin bukas sa kanya," wika ni Johnson na sinag-ayunan naman nina Adisson, Mark at Laurenz ngunit umalma si Alex.
Si Alex, ang kontrabida sa buhay ko.
"What? Ang tanda-tanda na niya! Tapos, kailangan pa natin siyang ipagpaalam? No way! Kayo na lang!" inis niyang sabi.
"Babe," wika ni Johnson, saka pinalupot ang kamay sa bewang ni Alex. "Kawawa naman si Mel oh. Ipagpaalam na natin. Saka, ngayon pa lang natin siya makakasama kung sakali."
"Guys wait! Tingnan niyo ito o!" sabat ni Addison saka inilapag ang kanyang cellphone sa mesa. Mabilis itong kinuha ni Johnson, kaya hindi ko na nakita kung anong mayroon sa litrarong iyon.
"Ano 'to? Panibago na namang biktima sa Shibuya?" tanong ni Johnson, kaya mas lalo akong na curious.
Sikat kasi ang bundok na iyon na nangunguha ng buhay.
"Ew! Grabe namang pagpapahirap niyan!" nandidiring saad ni Alex habang tinitingnan ang picture.
Hindi na ako nakapagtimpi pa at tumayo na. Naglakad ako papunta sa likuran nina Johnson at Alex para tingnan iyon. Sumilip na rin si Mark para makiusyoso.
Napaatras ako nang makita sa larawan ang isang babae na wala ng buhay. Nakatusok ang katawan nito sa matutulis na bato sa ilalim ng bundok. Parang pinahirapan muna ang babae, bago itapon dahil puno ito ng saksak sa mukha at may hiwa pa sa leeg.
Bigla namang pinatay ni Johnson ang screen.
"Mukhang exciting 'to," bulong niya sa sarili.
"What? Anong binabalak mo?" tanong ni Alex.
"Change plan tayo guys!" Nilapag ni Johnson ang cellphone ni Adisson sa mesa kaya bumalik kami sa dating upuan. Sa totoo lang, ang nakakalokong ngiti ni Johnson ang lalong nakakapagpakaba sa akin.
"We're going in Shibuya!" saad niya kaya lahat kami at napakunot ang noo.
"No!" sabay-sabay naming sabi.
"Guys, I'm out! Hindi nakakatuwang biro 'yan," seryosong sabi ni Laurenz.
"Me too! Papasok na lang ako sa work, kaysa sumama sa'yo!" suhestiyon naman ni Addison. At nang dumako ang tingin sa akin ni Johnson, lalong nangatog ang paa ko.
"N-No. Ayoko, masyadong delikado diyan," nag-aalangan kong sabi ngunit nag-iba ang awra ni Johnson kaya napalitan ang sagot ni Mark.
"Okay fine! Sa baba lang naman tayo ng bundok, hindi ba?" tanong niya.
"Mark?! Alam mong delikado doon, ‘diba?" suway sa kanya ni Addison.
"Yes. Pero experience din naman 'to. Saka gusto ko rin patunayan na hindi totoong diyan namamatay ang mga 'yan! Maybe, diyan lang nila tinatapon."
"Sino pa?" tanong muli ni Johnson.
"Okay fine." Tinaas na ni Alex ang kanyang kamay, sumabay na rin sina Addison at Laurenz.
Ngayon ay ako na lang ang natitirang hindi pa sumasang-ayon.
"Okay, majority wins. It's a yes for you, Melissa."
Sa huli ay wala na akong magawa kung hindi pumayag na lang sa trip nila. Pero sa kabilang banda, kinakabahan talaga ako sa balak ni Johnson. Sigurado rin ako na hindi ako papayagan ni lola. Basta! Bahala na nga.
Pagkauwi sa bahay, bagsak ang balikat kong sinalubong si lola na naghahain ng pagkain.
"Ano apo? Kumusta na ang meeting ninyo?" tanong ni lola bago inilapag ang mangkok sa mesa.
Bago ako sumagot, nilapag ko muna ang bag sa may sofa. "Ayun 'la, mukhang hindi mo rin magugustuhan ang pinag-usapan namin."
"Tungkol ba saan 'yan?" tanong ni lola saka nilapitan ako.
"Kasi... 'yung mga kaibigan ko… balak magpunta sa..."
"Saan?" Nakataas na ang kilay ni lola. Alam na alam ko kapag ganito na siya ay may naamoy na siyang kakaiba sa akin.
"Sa S-shibuya," mahina kong sabi ngunit mas nabigla ako noong sumigaw siya.
"Ano?! Hindi pwede!" Tumalikod siya sa akin at hinawakan ang sandalan ng upuan. "Umupo ka na rito! Hinding-hindi kita papayagan. Kung hindi nila magawang respetuhin ang desisyon mo, humanap ka na ng ibang kaibigan!" Sa sobrang galit ni lola ay napa-walk out siya at nagpunta sa kusina.
Hindi na ako muling sumagot, dahil kapag ganito na ang tono ng pananalita ni lola, parang ako na mismo ang lumalapit kay kamatayan.
Madalas sinasabi sa akin ni lola, piliin ko raw ang mga kaibigan na may magandang impluwensya sa akin, pero paano ko makikita 'yon kung wala namang may gusto na kaibiganin ako? Kung hindi ako sasama kina Johnson, baka layuan din nila ako katulad ng ginawa nang iba ko pang naging kaibigan. Kung sasama naman ako, maiiwan kong mag-isa si lola dito, saka tiyak itatakwil niya ako pagbalik ko.
"Kumain na tayo," walang ganang saad ni lola saka umupo sa tapat ko.
Wala naman kaming kibo sa isa't-isa. Kapag ganito kasi ang sitwasyon ay hinahayaan ko munang kumalma si lola bago ko ulit siya kausapin. Hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit bigla na lang siyang nagalit sa akin. Isa pa, kahit sino naman sigurong magulang, hindi papayagan ang anak sa ganu'ng bagay, lalo na kalat na kalat na maraming namamatay sa bundok na iyon.