NINE

1583 Words
UMALIS na ang matanda, pagkatapos kaming tatakan ng numero sa aming leeg. Limang pulgada ang laki niyon at naunang nalagyan si Addison ng may numero na 001. Sunod naman ay si Mark na numerong 002. Si Johnson naman ay 003. Alex ay may 004, pagkatapos niyon ay ako na may 005 na numero at ang panghuli ay si Laurenz na may 006. Sabi ni Lola Elena sa amin ay palatandaan lamang daw iyon n nagbibigay respeto kami sa bundok, dahil ligtas daw kaming natuntong sa tuktok. Naitanong din namin ang tungkol sa mga nagkalat na balita, mga p*****n dito sa Shibuyan. Natawa pa nga si Lola Elena, dahil lahat naman daw iyon ay walang katotohanan. Iyong iba raw na hindi mapalad, nahuhulog mula sa itaas, dahil kung minsan ay mga lasing ito at wala sa sarili, kaya kinabukasan ay nakikita na lamang sa ibaba. Sinabi rin niya na maayos pang nakakapagpaalam sa kanya ang mga turista, pagkababa nila kaya hindi raw siya naniniwala sa ganung mga haka-haka. Dumating ang dapit-hapon. Masayang-masaya kami, dahil sa wakas ay ligtas na kaming narito at nagkakasiyahan. Isang bagay lang naman ang pinabulaan sa amin ni Lola Elena. Huwag daw kaming maghiwa-hiwalay tuwing gabi. Hindi namin alam kung anong ibig sabihin no'n, pero inisip ko na lang na baka may mga ligaw na hayop ang narito kaya pinag-iingat lang niya kami. "Sa wakas!" Humiga si Johnson sa nilatag na banig ni Addison. "I told you, guys! Hindi totoo ang kwento sa atin ng mga magulang natin! All news are fake! Si Lola Elena na mismo ang nagsabi sa atin!" pagyayabang pa niya. "But we don't know, If she's telling the truth talaga," pambubuska ni Alex, habang naninigarilyo na naman siya. Tama. Hindi dapat kami magpadala sa lahat ng salita ni Lola Elena. Lalo na't kakakilala pa lang namin sa kanya. Tsaka itong numero sa aming leeg, kailangan ba talaga ito? Anong magiging ganap nito sa amin? "Huwag na nga tayong mag-isip ng kung ano-ano!" ani Addison. "Magsaya na lang tayo! Feeling ko, magtatagal ako sa lugar na 'to. This is best and nice view of all!" "Yeah, right! Kaya tara na at umpisahan na natin ang jamming! Ano ba kayo guys?!" Dagdag pa ni Mark na sinang-ayunan ng lahat. Dahil mag dalang gitara si Laurenz, nagsimula na siyang magpatugtog. Habang kami naman ay nag-aasikaso ng aming kakainin. Sina Mark at Johnson naman ay inaayos na ang aming iinuming mga alak. May isang set pa sila ng Johnnie Walker at Royal Stag. Habang lumalalim ang gabi, mas na-aapreciate ko ang kapaligiran. Tuwang-tuwa pa ako nang mapanuod ko ang paglubog ng araw. Parang kasabay niyon ang pag-alis ng kaba at takot ko sa lugar na ito. Nagsimula na ring umihip ang presko at mabangong hangin sa bundok. Mabuti na lang pala at nagdala ako ng jacket. "Mellisa!" tawag sa akin ni Addison. Nilapitan naman niya ako, at lumayo muna sa mga nag-iinuman. "You okay?" tanong niya. Tumango ako at ngumiti. "Oo naman. Bakit?" "Nothing. I thought. I'm just a little bit uncomfortable with this." Turo niya sa nilagay na marka sa kanya ni Lola Elena. Ngumiti ako at tiningnan ang kanya. Si Addison ang unang-una sa amin. Sana lang ay hindi ito ang maging numero sa aming kapahamakan. "Masasanay ka rin. Ano, nagustuhan mo ba ang view?" "Yup. Actually, this is my first time. First time ko ring mag-travel with you at happy ako na buo tayo!" Habang nagkukwentuhan kami ay tinawag naman kami ni Johnson na nagsisimula nang lumaklak ng alak. "Ano ba? Magkukwentuhan na lang ba kayo riyan? Dito, mag-enjoy tayo!" tawag niya. Nagtinginan naman kami ni Addison. Oo nga, kaya nagpunta kami dito para mag-relax, hindi apra mag-inip ng kung ano-ano. Kasabay ng aming pagsisiyahan at pagkanta naman na ginagawa ni Laurenz. Lumalalim na ang gabi, kaya nagsisimula nang mag-ingay sina Mark at Johnson. Lumalabas na ang pagiging makulit nila, dahil nagtanggal pa sila ng damit at sumayaw sa gitna namin. Lumalakas na rin ang apoy na ginawa kanina nina Laurenz, na ngayon ay nagsisilbi naming ilaw sa buong paligid. Mabuti na lang at hindi pa gaanong malamok dito at matingkad din ang sinag ng buwan na sapat naman upang makita namin ang magandang paligid. Napansin rin namin na hindi pala uso ang kuryente sa lugar na ito, dahil wala kaming nakikitang ilaw sa ibaba. Tanging sa malalayong lugar o lungsod lamang mayroon na tanaw namin mula dito sa itaas. Nagsisimula pa lamang akong uminom ng alak, pero sino Johnson ay lasing na. Mabuti na lang at sakto ang dala naming tent. Nagpasya si Johnson na magkasama sila sa loob ng tent ni Alex, magkasama naman kami ni Addison, habang si Laurenz at Mark at magkasama. Huwag lang sanang magsuka si Addison, kapag matutulog na kami. "Babe...can we sleep?" lasing na pahayag ni Johnson kay Alex. Hinatid naman siya nito sa patungo sa kanilang tent na katabi ng amin. Akala ko pa naman ay malakas mag-inom itong si Johnson, dahil ang lakas niya maghamon sa amin. Ngayon ay alas otso pa lamang, pero bagsak na agad sila. Pati si Mark at pumasok na rin sa kanilang tent, kaya naman kaming tatlo na lang ang naiwan dito sa labas. Kinuha namin 'yung mga tinuhog na barbecue kanina ni Mark at saka naman namin ipinainit sa apoy. "Ang mga ito, ang lakas-lakas mag-aya, ang hihina naman palang mag-inom!" singhal ni Addison. Natawa naman ako. Kaming dalawa lang kaai ni Laurenz ang hindi tumikim ng alak. Gusto ko kasing matunghayan ngayong gabi kung may mangyayari ba rito o kung anong pakiramdam na matulog sa bundok. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang excitement ko sa mukha. Kapag nakauwi kami sa bahay, tiyak pagmamalaki ko kay Lola itong lugar! Kung pwede nga ay dadalhin ko pa siya rito, para makita nita at malaman kung gaano kababaot ang mga tao. Minsan nga lang ay weird sila. Nag-usap naman kaming tatlo nina Addison at Laurenz, tungkol sa mga bagay-bagay. Nalaman ko rin na hindi rin pala nagpaalam si Laurenz sa parents niya at tumakas lang din. Ayaw din daw kasi siyang payagan ng daddy niya dahil sa napapabalitang p*****n sa lugar na ito. Pakiramdma ko naman, haka-haka lang ang mga iyon at walang katotohanan. Sa kabilang banda, naalala ko na naman ang kwento ni Lola Elena. Hindi ko kasi lubos maisip ang kwento niya na may nahuhulog sa bundok na ito at diretso sa mga bato sa ibaba? Hindi ba dapat, gugulong muna sila sa kailaliman ng gubat, bago sila mahulog doon? Hays! Bakit ko ba pinopoblema ang mga 'yun? Tsaka mukhang ako lang ang nag-iisip niyon. Masaya naman silang lahat at walang iniisip na problema. Masyado lang siguro akong o.a. Tsaka lumaki kasi ako sa pamahiin ni Lola, kaya ganito ako mag-isip. "Inaantok na ako." Paalam ni Addison, tsaka siya tumayo. "Kaya niyo na ba riyan?" tanong niya. Tumango naman kaming dalawa ni Laurenz." Good night." "Good night, guys!" paalam niya, tsaka pumasok na sa tent namin. Medyo nakainom din si Addison, kaya halata ang pagka-groggy niya. Hindi naman kami nagkikinuan ni Laurenz. Abala siya sa paggigitara, habang ako naman ay nag-iihaw ng pagkain. Mabuti na lang at malamig ang simoy ng hangin ngayon, saktong-sakto ang dala kong mga damit. "Naniniwala ka ba?" Bigla akong napatigil sa pag-iihaw at hinarap si Laurenz. Hindi ko gaanong narinig ang sinasabi niya, kaya nagtanong ako. "Ha?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya. "Naniniwala ka ba sa sinabi kanina ng matanda?" tanong niya. Sa totoo lang, may parte sa akin na hindi at may parte na oo. Pero kahit ganoon, nagpapasalamat pa rin ako dahil hanggang ngayon ay buhay pa naman ako. "Bakit mo naman naitanong ang ganyang bagay?" kuryos na tanong ko. "Wala lang. Pakiramdam ko kasi may mali. At habang nandito tayo, kailangan kong hanapin ang mali na iyon. Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya. Kahit ako ay nagdududa din sa kinikilos ng matanda. Nagulat pa nga ako nang bigla siyang sumulpot sa harapan namin. "Akala ko, ako lang ang nakapansin." saad ko. Naalala ko rin kanina iyong pruras na bigay ni Lola Elena. Gusto kong tanungin kay Laurenz kung bakit hindi niya kinain iyon. "Siya nga pala, nasaan na 'yung prutas na bigay kanina ni Lola?" tanong ko. "Iyon ba?" tumawa siya nang bahagya. "Tinapon ko na." "Ha? Bakit naman?" "Baka mamaya, may lason pa iyon. Mas maige nang nag-iingat ako. Ikaw, bakit hindi mo siya kinain? Mukhang takam na takam ka kanina, kaya hindi ako naniniwala na busog ka." "Madalas kasi iyon ang habilin ni Lola. Kahit man lang doon ay sumunod ako sa kanya. Naaawa nga ako 'e. Iniwan ko siya mag-isa roon sa bahay. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya ngayon. Baka nga nagpa-blottef na 'yun sa sobrang pag-aalala sa akin." Hindi naman na sumagot si Laurenz at nagpatuloy lang sa pagtugtog. Nakapagkwentuhan na rin kami ni Laurenz tungkol sa pamilya niya. Nalaman kong dalawa lang pala silang magkapatid. Iyong bunso ay siyam na taong gulang pa lang. Ang mama at papa niya ay laging wala, dahil laging out of town para sa kanilang business. Inaalala din daw ni Laurenz ang kanyang kapatid, dahil mga yaya lang ang kasama nito sa bahay. Isa pa, hindi rin daw sila ayos ng kanyang ama, dahil sa pagtakas niya. Nag-open din ako ng buhay sa kanya. Sinimulan ko sa pag-alis sa trabaho, hanggang paglipat sa kanila. Nagbiro pa siya sa akin pagkasabi ko na nangpapasalamat ako, dahil sinama nila ako sa grupo nila. "Nagkamali ka ng sinamahan, Mellisa," saad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD