MAAGA akong nagising nang maramdaman ko ang malamig na hanging dumampi sa balat ko. Medyo masakit din ang likod ko, dahil comforter lang ang baon ni Addison na sapin namin. Kulang pa ang tulog ko, peor pinilit ko nang bumangon. Nakakainis kasi iyong Laurenz na 'yon. Tinakot-takot pa ako na baka raw biglang may mantaga sa akin, kaya dapat maging alerto ako sa paligid ko. Iyon tuloy hindi ako makatulog.
Si Addison naman, mahimbing pa rin ang tulog. Kahit gusto ko oang matukog, hindi ko na makuha ang pwesto ko, kaya wala na akong choice, kung hindi lumabas na lang sa tent. Sinilip ko muna kung sino na ang mga gising. Nakita ko sina Mark at Johnson na nagkakape, habang masayang nagkukwentuhan sa ginawa nilang papag kahapon. Binuksan ko naman ang zipper ng tent at dahan-dahang lumabas mula roon.
"Oh, gising ka na pala Alyssa!" bati sa akin ni Mark.
Ngumiti naman ako at tiningnan ang pinapainit nilang tubig sa kumpol-kumppl na tuyong kahoy.
"Here. Mag-coffee ka muna," aya ni Johnson. Lumapit naman ako sa kanika at umupo sa papag.
"Ang lamig pala rito kapag umaga," saad ko.
"Yes. Kaya nga maaga akong gumising 'e," ani Johnson. "Feeling ko rin nawala lahat ng stress ko sa trabaho. Parang gusto kong mag-extend."
"Extend?" sabay pa naming sabi ni Mark. Tila nagulat din sa Mark, dahil sa sinabi ni Johnson.
"Ayaw niyo ba?" tanong ni Johnson.
"Hindi naman sa ganon, dude. Nagpaalam kasi ako kina mommy na isang araw lang tayo rito. Tsaka 'yung damit na dala ko, sakto lang din hanggang mamaya."
Tumingin sa akin si Johnson.
"Pasensya na, Johnson. Kaarawan kasi ni lola kinabukasan, gusto ko na rin umuwi para naman may kasama siya. Nangako kasi ako 'e."
"Fine!" Ako na lang ang mag-stay dito. O kaya papasama ako kina Alex at Addison. For sure, papayag ang mga 'yon," anito na tila nagpapaawa pa.
Napabuntong hininga na lang si Mark. Ang bilis talaga niyang madala sa sinasabi ni Johnson. "Fine," tamad na sabi nito. Awtomatiko namang sumilay ang ngiti sa labi ni Johnson at bumalik ang tingin sa akin.
"Kung papayag ang lahat na dumito muna, wala naman akong choice. Wala naman akong sasakyan pauwi, diba?"
"Promise guys, last na bukas! Gusto ko lang kasing ma-refresh bago tayo bumalik sa manila. Ang toxic at polluted sa lugar natin. Diba kayo masaya rito?" paliwanag ni Johnson.
Sa bagay, may point naman siya. Kaso...inaalala ko si lola. Sino na lang ang kasama niya bukas sa kaarawan niya? Siguro maaga na lang ako mag-aayang umuwi. Tutal naman, limang oras ang byahe, siguro bandang tanghali ay nasa bahay na ako noon. Tatanggapin ko na lang din ang mga sermon ni Lola. Bandang huli naman, ako pa rin ang may kasalanan. Babawi na lang talaga ako bukas kay lola.
Habang nagtitimpla ako ng kape ay sakto namang gumising na rin sina Addison, Laurenz at Alex. Hawak pa ni Alex ang kanyang likod dahil sa sakit nito.
"Good morning, babe!" salubong ni Johnson at saka hinalikan si Alex.
"Eww, Gross!" bulong ni Mark na ikinatawa ko.
"So guys!" panimula ni Johnson. "Magkakaroon tayo ng poll."
"Poll?" takang tanong ni Addison na humihikab pa. "Para saan?"
"Sa pag-stay natin dito. Extended hanggang bukas!"
"What?!" tanong ni Alex. "Napakasakit na nga ng likod ko, mag-extemd pa?" reklamo niya.
"Relax babe. Mamaya, mas lalong sasakit 'yan. So here's the tea. Nag-usap-usap kaming tatlo kanina nina Mark at Alyssa. Nag decide si Mark na samahan ako rito, hanggang bukas. Si Alyssa naman ay base sa boto ng iba. Kung saan ang lahat, doon din siya."
"Uuwi na ako..." Biglang sabi ni Laurenz, kaya nawala ang ngiti sa labi ni Johnson.
"W—what?" hindi makapaniwalang sabi ni Johnson. " Dude, isang araw na lang, hindi ka pa mag-agree?!" Hindi nito makapaniwalang tanong.
Prente lang tumingin si Laurenz. As usual, walang emosyon ang lumalabas sa kanyang mukha kaya hindi tuloy alam ng kausap niya kung ano ang nararamdaman niya.
"Hinihintay ako ng kapatid ko. Wala sina mommy at daddy sa bahay, kaya kailangan ko ng umuwi." dire-diretso lamabg niyang sabi.
"Well then, who else?" wala nang gana si Johnson habang nagtatanong.
Napapikit muna ako, bago ako magtaas ng kamay. Savior ko talaga itong si Laurenz, minsan. Kahit madalas weird siya.
"Sorry," saad ko.
"Mellisa? Hindi makapaniwalang tanong ni Addison. "Ang ganda-ganda rito oh. Hindi ka ba nag-eenjoy? Isang araw lang naman tayo extend e, please!" Iyan na naman si Addison at dinadala niya ako ng puppy eyes niya.
"Addison, hindi talaga pwede e. Alam naman ninyo na tumakas lang ako. Baka mapano na si lola sa bahay," saad ko.
"Then. I don't have a choice. Maiiwan kami rito nina Addison, Mark and Alex. Kayong dalawa, umuwi na kayo at maghanap na lang kayo ng sasakyan."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya! Wala sa usapan ang ganito, parang sarili lang niya ang iniisip niya.
Nagtinginan lang kaming dalawa ni Laurenz at hinihintay na magreklamo siya.
"Okay." Kibit balikat na sagot ni Laurenz.
Hindi ko talaga alam ang takbo ng itak ng lalaking ito. Okay lang sa kanya na mahirapan kaming umuwi? Okay lang sa kanya na hindi kami ihahatid ni Johnson? Paano kung maligaw kami? Paano kung wala kaming masakyan?!
"Pero, Johnson—" Hindi na ako pinatapos pa ni Johnson na magsalita.
"No buts, Mellisa. If want to leave, then go. I don't f*****g care! Maiiwan kami rito, at umalis na kayo. I thought, magkakasama-sama tayo hanggang pag-uwi. Well, it's your choice pa rin," anito.
Hindi na ako sumagot pa. Unagang-umaga ito ang entrata ni Johnson sa amin. Gusto kong mainis sa kanya, sigawan siya o kaya sabunutan man lang kahit minsan. Ganito ba talaga siyang kaibigan? Kapag hindi nasusunod ang gusto niya, kailangan apektado ang lahat?
"Okay," sagot pa ni Laurenz at kumuha ng kanyang tasa at nilagyan ng kape.
Hindi talaga ako makapaniwala sa lakas ng loob ni Laurenz. Hindi siya natatakot kay Johnson, kahit anong sabihin nito. Chill lang siya, parang hindi niya pinopoblema ang sasakyan namin mamaya!
"Laurenz!" mahinang tawag ko. Kaagad naman siyang lumingon.
"Ano ba! Bakit wala ka man lang reaksyon? Wala tayong sasakyan mamaya puwi!" inis kong sabi.
Lumayo naman siya sa amin at umupo sa damuhan, katapat ng magandang view. Sinundan ko naman siya, dahil kailangan kong malaman ang balak niya para mamaya. Hindi kami pwedeng maglakad pabalik ng manila! Baka sa makalawa pa kami makakauwi kapag ganon. Wala ring sasakyan ang dumadaan sa lugar na ito, kaya hindi namin alam kung paano at ano ang sasakyan namin.
"Laurenz, ano ba? Hindi ka ba namomoblema sa sasakyan natin pauwi?!" sugod ko.
Humigop muna siya ng kape bago sumagot. "Maglalakad tayo."
Lalo akong nainis sa sinabi niya. "Alam mo, alam kong inaalala mo ang kapatid mo! Pero hindi naman pwede 'yun. Naalala mo bang alas dos na tayo umalis galing manila? at 7:00 na tayong nakarating dito! Five hours, Laurenz! Paano tayo maglalakad ng ganun katagal?!"
Sana lang ay maayos na ang sagot niya ngayon, kung hindi baka hindi ko mapigilan ang kamay ko at mababatok ko na talaga siya!
"It's fine for me. Ewan ko lang sa'yo. Nag taba mo kasi," pang-aasar pa niya saka siya biglang tumawa.
Nako, Lord! Pwede bang manakal? Kahit once lang please! Nanggigil ako sa damuhong ito!
KANINA pa ako pinipigilan ni Addison na mag-impake. Kanina pa siya nagmamakaawa sa akin na huwag munang umuwi, pero kahit si Laurenz e disidido na rin.
"Mellisa, please. Wapa akong kasama rito. Walang magtatanggol sa akin dito."
Pagkatapos kong ilagay sa bag ang damit ay hinarap ko siya at huminga. "Sorry, Addison. Alam mo namang matanda na ang lola ko diba? Tsaka iisang damit lang ang dala ko. Sigurado, wala na rin tayong kakain para bukas kung mag-extend pa tayo. Huwag kang mag-alala, magkikita pa naman tayo sa manila diba?"
"Pero Mellisa..."
Niyakap ko na lang siya, para hindi na siya magkulit pa. Alam niyang kahinaan ko ang pagmamakaawa niya, pero hindi muna sa ngayon. Tsaka nakausap na rin ni Laurenz ang driver nila, nagpapasundo siya rito kaya isasabay niya ako. Ngayon ay al ko na kung bakit ganun na lamang siya ka-chill. May tagasundo siya.
Tumingin ako muli sa wristwatch ko. Ang sabi ng driver nila ay by 4pm e nandito na siya. Sakto at alas tres pa lang ay nakahanda na kami. Hindi ko lang alam kay Laurenz. Si Johnson din, hindi niya maitanggi ang inis sa amin. Kahit anong paliwanag naman ang gawin namin, sarado pa ang utak niya ngayon.
Pagkatapos kong ilagay ang gamit sa bag ay saka naman ako lumabas. Wala pa rin si Laurenz hanggang ngayon. Marami ba siyang dinalang gamit? Nakakalungkot, dshil hindi man lang kami makakapagpaalam ng maayos ngayon kina Johnson, Mark at Alex, dahil mas pinili nilang maligo sa ilog, kaysa samahan kami. Si Addison naman, hindi pa rin nawawala ang lubgkot sa kanyang mata at umaasang hindi kami tutuloy.
Ilang minuto rin at sa wakas ay lumabas na si Laurenz, dala ang kanyang malaking bag.
"Nandyan na ba lahat ng gamit mo? Wala ka nang nakalimutan?" tanong niya.
Tumango ako at ngumiti. "Tara na?"
"Mellisa, please? Hindi na ba talaga kita mapipigilan? Ayaw mo ba rito?"
Hinawakan ko ang kamay ni Addison at tiningnan siya sa mata. Baka sakali ay maintindihan niya ang paliwanag ko.
"Addison, kung gusto mong sumama sa amin, pwede naman e. Huwag kang matakot kay Johnson, tingnan mo nga kami oh."
"Pero Mellisa, masaya rito please..."
"Let's go, Mellisa. Nasa baba na ang driver namin."
Wala naman akong magawa kung hindi yakapin na lang si Addison bago umalis at paalalahanan.
"Mag-ingat ka rito ha? Huwag masyadong iinom ng alak."
"Bye Addison," simpleng paalam ni Laurenz.
Kumaway naman ako at nagsimula na kaming maglakad palayo, nangingilid pa ang luga ni Addison, pero hindi ko na iyon pinansin at tumalikod na. Nang malaoit na kami sa pagbababaan namin ay muli pa akong humarap lngunit laking gulat ko na lamang sa aking nakita.
"Mellisa!" Tawag pa sa akin ni Addison, bago bumulwak ang dugo niya sa leeg dahil sa pagkakatama ng sibat sa kanya.
"Addison!"
Kaagad kaming tumakbo ni Laurenz pabalik sa kanyang pwesto. Halos hindi ko siya matingnan dahil punong-puno ng dugo ang kanyang mukha at damit dahil sa panang nakasaksak sa kanyang leeg. Hindi ko magawang umiyak o ano, dahil nagsisimula na akong kabahan.
"Isang pana?" tanong ni Laurenz habang pinagmamasdan ang matulis na dulo ng sibat.
Nakamulat pa si Addison at wala ng buhay. Nanginginig ang laman ko habang dahan-dahan kong sinara ang mata niya. Nanginginig ang kamay ko at tuluyan ng umiyak.
"Addison!"
Habang pilit kong tinatanggal ang sibat sa leeg ni Addison at umaasang magkakaroon pa siya ng buhay, si Laurenz naman ay binitawan ang kanyang bag at nagpunta sa kinaroonan ng sibat, habang dala niya ang isang bote na wala ng laman.
"Jusko, Addison. Anong nangyari..." Hindi ko alintana ang dugo na dumikit sa damit ko habang inihiga ko si Addison sa hita ko. Hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang luha ko, kasabay ng panginginig ng kamay ko.
Hindi. Hindi pwedeng walang may kasalanan nito.
Mabuti na lang at dumating na sina Mark, Johnson at Alex. Patakbo silang lumapit sa amin at hindi makapaniwala sa nangyari kay Addison.
"Napano si Addison?! Anong nangyari? Bakit ganyan?!" sunod-sunod nilang tanong. Wala akong masagot kung hindi ang iyak.
"Nasaan si Laurenz?!" tanong ni Johnson. Tumingin lang ako sa dinaanan niya kanina.
"Kailangan talaga umalis na tayo rito! Mukhang iisa-isahin na tayo!" kinakabahang sabi ni Mark.
"No." Matigas na saad ni Johnson. "Kailangan nating hanapin kung sino ang may gawa niyan kay Addison!" Humarap siya sa akin. "Mellisa, tell us what happened. Ano ha talagang nangyari nung wala kami?"
Habang kinukwento ko sa kanila ang nangyari, humahangos naman pabalik sa kinaroroonan namin si Laurenz, dala pa rin ang babasaging bote ng alak.
"What happened? Nahanap mo ba ang may gawa nito kay Addison?" Tanong ni Johnson.
Umiling si Laurenz. " Hindi pa, pero sisiguraduhin kong hahanapin ko 'yon. Halikayo at tulumgan ninyo ako!" sigaw niya.
Nangtinginan naman kaming lahat at nagsimula nang tumakbo ang tatlong lalaki.
"Maiwan muna kayo riyan, Mellisa, Alex. Hahanapin lang naman 'yung gagong may gawa nito kay Addison." Matigas na sabi ni Mark.
Wala naman akong masabi kay Alex nang magtinginan kami. Pati siya ay hindi makapagsalita dahil shock pa rin sa nangyari.