KAHIT nababalot na kami ng kaba at takot dito sa taas ng bundok ay nanatili pa rin kaming kalmado, dahil nais naming mahuli at malaman kung sino ang may gawa nito kay Addison. Nandito pa rin si Addison sa tabi ko at hindi ko hinayaan na itapon nila sa ilalim ng bundok. Gusto ko siyang iuwi, o hindi kaya ihukay na lamang dito. Basta, ayaw ko sa suhestiyon ni Mark at Johnson.
Kahit malalim na ang gabi ay hidni pa rin kami dinadalaw ng antok at binabantayan namin ang bawat isa. Palagi ring silip ng mga lalaki sa gilid ng bundok, dahil baka umatake na naman ang hindi naming malaman na kalaban at may isususod na naman sa amin. Habang pinagmamasdan ko ang katawan ni Addison, ay hindi pa rin ako lubos na makapaniwala sa sinapit niya. Parang kanina lang ay pinipilit niya pa kaming mag-stay dito dahil wala siyang kasama.
"Are you sure na hindi mo talaga nakita iyon, Alyssa?" tanong ni Alex nang paulit-ulit. Nay kung anong nais siyang iparwting da akin, ngunit hindi ko na iyon pinagtutuunan ng pansin dahil mapupunta lang sa argumento ang aming usapan.
"Basta paalis na sana kami non, kaso bigla na lamang...biglang bumulagta si Addison dito."
Hindi na siya nagsalita pa. Ako naman ay ineeksamin ko ang katawna. i Addison. Dumako ang tingin ko sa sibat na nakatusok pa rin sa leeg niya. Saktong dakto ang talim nitos a mismong numero sa leeg ni Addison. Parang iyon ang target ng mamamatay tao.
"Ano naman kaya ito?" Napakunot ang noo ko nang may makita akong sulat sa talim ng sibat. Hindi ko maintindihan iyon, dahil bukod sa maliit na hulma at iba rin ang alpabeto sa ng pagkakasulat nito.
Bumalik ako sa ulirat nang marinig sina Laurenz na parating. Sigurado ako, wala na naman silang napala sa paghahanap. Pagod na pagod at humahangos pa silang pabalik sa amin. Napansin ko naman si Mark na may dalang isang punggol ng bunga. Hindi ko mawari kung anonang bungang iyon. Habang si Johnson naman ay puno na ng tubig ang Jar na dinala niya kanina. Paubos na rin kasi ang stock namin dito, kaya kailangan naming umasa sa gubat.
"What? Wala pa bang balita?" salubong ni Alex.
Umupo naman si Johnson sa tabi niya at lumagok ng tubig. "Wala e. Sinubukan rin naming humingi ng tulong sa ibaba, pero wala ng tao. Hindi namin maaninag ang mga bahay sa baba, dahil wala naman silang mga kuryente."
"Anong gagawin natin sa katawan ni Addison niyan?" tanong ni Mark. "Hindi naman natin pwedeng ilagay lang dito, dahil mamamaho iyan. Kailangan na nating itapon."
Kaagad akong umalma." Hindi pwede! Kung maaari iuwi natin ang katawan niya sa bahay nila! Tiyak, sa atin din naman siya hahanapin ng kanyang magulang." panenermon ko.
"Tama." kumbinsi naman ni Laurenz. "Pero hindi natin pwedeng iuwi si Addison ng ganiyan. Kailangan din ay maayos na paliwanagan sa pamilya niya ang mangyayari."
Habang iniisip namin kung ano ang gagawin ay muli kong naalala ang nakaukit na sa talim ng sibat. Baka alam ni Laurenz ito. Tiningnan ko siya at sakto namang nagtama ang aming mata. Pasimple ko siyang tinawag, kaya lumapit siya sa akin.
"May nakita akong nakasulat sa sibat, kaso hindi ko maintindihan kung ano ang nakalagay 'e. Baka makatulong ito." bulong ko sa kanya. Hindi naman narinig iyon nina Mark, Johnson at Alex, dahil may sarili silang pinag-uusapan.
"Tumabi ka muan," seryosong sbai ni Laurenz.
Inihiga niya sa damo si Addison. Hindi ko alam kung anong binabalak niya, pero nanlaki na lamang ang mata ko ang bigla niyang binubot ang sibat mula sa leeg ni Addison. Tuloy ay sumirit na naman ang dugo.
Pinunasan niya ang dulo ng sibat at maige niyang tiningnan ang isang pulgadang nakasulat doon. Noong una ay nahihirapan pa siyang basahin sa sobrang liit at labo, ngunit paunti-unti ay kanya itong sinubukan.
"Death?" Hindi niya pa sigurado ang knyang sinabi.
"Death?" pag-uulit ko.
Tumango siya at maige pa ring tiningnan ang nakasulat. Lumapit na rin ng iba pa naming kasamahan at tinanong kung anong ginagawa ni Laurenz.
"Isang latin na salita ito. Death nag nakaukit sa sibat. Dalawa lang ang pinapahiwatig sa atin ng mamamatay tao.
"Ano na namang kagaguhan 'yan?" tanong ni Johnson.
"Bago kami umalis, nakita namin kung paano matumba si Addison. Kita rin namin ang pagdanak ng kanyang dugo, dahil sa sibat. Nakita ko na nagmula ang sibat sa kanan, kaya kaaga dkong pinuntahan doon. Hindi ko alam kung anong nais nitong iparating sa nakaukit. Death. I ig sbaihin lang ay umalis na tayo, o tapusin natin ang panggulo natin dito."
"Wait." Umalma si Alex. "Hindi ba yung mamamatay tao 'yung matandang si K—ka Marsing? Baka siya ang pumatay kay Addison, dahil nabastusan siya kay Johnson?"
Oo. May punto siya. Masama rin ang tingin sa amin ng mga fao sa baba, oaglapag pa lang ng aming kotse sa lugar nila. Pero hindi ko rin maisip kung paano makakaakyat dito si Ka-Marsing, gayong hirap na hirap na nga itong maglakad. Tsaka bakit kailangan pa niyang patayin, kung pwede namang kaming paalisin.
"Huwag muna tayong mambintang ng kuno sino-sino." seryosong sabi ni Laurenz. "Mas maige ay maging mapagmatiyag tayo at kung maaari ay wag munang matulog ngayon. Hindi natin alam ang ating kakaharapin. Nagbababa na ang mamamtay tao, at ginamit pa niya si Addison."
Masyado na akong naguguluhan sa pagpapalitan nila ng ideya, pero hindi ko pa rin maalis ang isip ko, kung bakit sa dami-dami ng pwedeng panain sa katawan ni Addison, bakit sa leeg pa niya? Isa pa, anong kasalanan ni Addison? Kung may una mang papatayin dapat, si Johnson iyon, dahil sa pambabastos niya sa mga tao sa ibaba.
Pubog na ang buwan, ngunit wala pa ring sumusuko sa amin. May dala na rin kaming isa-isang mga armas para kung sakali man na atakihin kami ay maaari naming depensahan ang aming sarili.
Unti-unti ay nanunuod na ang lamig sa aking katawan. Si Alex ay tila pinipigilan lamang matulog, dahil kinakabahan siya at natatakot. Ang mga lalaki naman ay nagpapainit sa tabi ng apoy na aming ginawa, habang tahimik silang nagmamasid-masid sa gilid.
Upang hindi ko gaanong maramdaman ang antok, tinanggal ko ang suot kong kwintas. Tiningnan ko iyon at wala pa ring kupas. Matagal na itong bigay sa akin ni Lola. Gustong-gusto ko ang kwintas na ito, dahil may pendant siya, kung saan mukha namin ni lola ang nasa loob. Nitong mga nakaarang araw ay naalala ko si lola at nami-miss ko siya, hinahalikannko lang ang litrato niya, kaya nababawasan ang kaba ko.
"Ang mga gusto ng matulog, matulog na. Salitan na lang ang pagbabantay," suhestiyon ni Johnson.
"I'm out!" Kaagad na tumayo si Alex at dumiretso sa tent nila ni Johnson. "Gigising na lang ako nang maaga. Hindi ko na talaga kaya," saad nito.
Pumayag naman sila, pagkagapos lumipat ang tingin sa akin. .
"Hindi pa ako inaantok. Siguro, si Mark na lang muna. Sasamahan ko si Laurenz na magbantay," saad ko. Napapansin ko kasing papikit-pikit na si Mark kanina pa. Nakaramdam naman ako ng awa. Mabuti na lang pala at nagkape ako kaninang umaga. Hindi pa rin nawawala ang talab hanggang ngayon.
"Sure ka ba, Mellisa?" tanong ni Mark.
Tumango lang ako. Nagpasalamat naman siya sa akin at dumiretso na sa kanilang tent. Kaming tatlo na lang ang natitira ngayon, kaya lumapit na rin ako sa pinagsisigaan nila.
"Sino sa tingin ninyo ang may gawa nito, Mellisa, Laurenz?" tanong ni Johnson.
"Ayaw kong manghusga, Johnson. Pero hindi ko maiwasang hindi isipin iyong sinabi ni lola sa akin. Hindi kaya totoo talaga ang mga nababalita sa TV?" kinakabahan kong tanong.
"I don't know, Mellisa! Pero please, huwag mo muna ngang isingit dito si lola mo. Kailangan nating hanapin 'yang gagong pumatay kay Addison!"
Hindi na kami muling nakapagsalita pa ni Laurenz. Napatingin ako sa wristwatch ko at hindi ko namamalayan na past 2:00 am na pala. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako dinadalaw nang antok. Kinakabahan pa rin kasi ako hanggang ngayon. Sana huli na itong mangyayari. Huwag naman sanang matuluyan pa ito sa naiisip kong posible pang dumating na kalbaryo sa amin.
Habang abala kami sa pag-uusap tungkol sa bangkay ni Addison, bigla na lamang may kumaluskos banda sa amin. Sa pagihing alerto naming tatlo, kaagad kaming dumukot ng kahoy na mayroon pang apoy, upang tingnan kung ano ang pinanggalingan ng kaluskos na iyon. Kahit kinakabahan ako ay sumama ako sa dalawa, papunta sa kinaroroonan niyon. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita namin na isang naligaw na pusang itim lamang pala ang pinanggagalingan ng ingay.
"Bwisit. Akala ko pa naman..." Napatigil si Johnson at kinuha ang malaking pusa. "Saan naman kaya nanggaling ito?" tanong niya.
Balak pa niyang gawin naming ulam para mamayang umaga, ngunit kaagad kaming umalma ni Laurenz. Nakakaawa kasi ang mukha ng pusa. Isa pa, hindi ko maasiwang lagyan ng laman ang kumukulo kong tiyan, kalapit ng buhay ng hayop na iyan. Maaari pa kung ligaw na mga kambing o baboy ramo iyan. Huwag lang sanang pusa.
Kaagad namang pinakawalan ni Johnson ang pusa at bumalik kami sa aming pwesto. Unti-unti na ring namamatay ang apoy na nagsisilbi naming ilaw, dahil ramdam na namin ang ambon na bumabagsak sa amin.
PAUNTI-UNTING sumisikat ang araw sa hilagang bahagi ng bundok. Ramdam na rin namin ang ibang klase ng hanging dumadsmpi sa aming balat. Ganito pala sa taas ng bundok. Akala mo ay umuulan sa umaga, bagkus ito ay makapal na ambon lamang. Kahit papaano any napangiti ako, dahil walang nangyari sa amin.
Maaga ring nagising sina Alex at Mark, dahil balak nilang makipagpalitan sa amin. Sa wakas naman ay naramdaman ko na ngayon ang antok. Nagsimula nang magpainit nang tubig sina Alex at Mark, habang kami namang tatlo ay naghahanda na sa aming pagtulog.
"Huwag pa rin tayong maging kampante. Magmasid-masid pa rin kayo sa paligid ninyo," paalala ni Laurenz. "Hindi porket umaga ay hindi sasalakay ang mamamatay tao."
Sumang-ayon naman kaming lahat. Nagpasya rin sila na sila munang dalawa ang magbabantay sa tent namin. Mabuti na lang at may natira pa kaming pagkain kahapon, ayos na sigurp iyon para sa isang buong araw.
Pagpasok ko sa tent ay binagsak ko na kaagad ang katawan ko sa higaan. Naramdaman ko na naman ang lungkot, dahil naalala ko si Addison. Inilagay nuna namin ang katawan ni Addison sa tabi ng puno. Medyo malayo iyon sa amin, at tinakpan lang namin siya ng dhaon ng saging. Siguro naman ay walang mangyayari sa bangkay niya.
Pinikit ko ang mata ko. Hindi ko lubos maisip na ang masaya sana naming trip dito sa Shibuyan ay mauuwi sa isang bangungot.
—
"APO. Nasaan ka na ba? Kanina pa ako nakabihis dito. Akala ko ba ay alas otso at aalis na tayo?" Basa ko sa text message ni Lola.
Napabuntong hininga na lamang ako. Mayroon lamang kasi akong binili sa bayan, upang sana ay iregalo ko sa kanya pero ganito naman ang inabot ko. Napakahabng traffic.
"Opo, la. Papunta na po, na-traffic lang." sagot ko, sabay buntong hininga.
Napansin siguro ni Manong Driver na ilang beses na akong napabuntong hininga, kaya napatingin siya sa rear view mirror.
"Pasensya na Ma'am ah? May nadisgrasya po pala roon, kaya traffic. Baka mamaya pa uusad ito."
Hindi na nauubusan nang disgrasya ang lugar na ito, kaya hindi na ako nagtaka pa.
"Sige po manong, pero kapag inabot tayo ng isnag oras dito, babayaran ko na lang ang metro ko ha? Maglalakad na lang siguro ako. Birthday kais ni Lola 'e. Hinihintay na niya ako sa bahay."
"Sige po, Mam."
Lumipas ang tatlumpung minuto, ngunit bahagya lamang umusog ang aming sinasakyan. Hinfi pa rin sila tapos sa kanilang ginagawa. Napagdesisyonan ko nang lumabas, upang tingnan kung napano ba iyong nadisgrasya. Medyo mainit na rin kasi sa pwesto namin, kaya lalabas muna ako.
"Manong, sa labas lang ako ha?" paalam ko. Tumango naman si Manong, kaya binuksan ko na ang pinto at diretsong naglakad palayo. Iniwan ko naman ang paperbag sa loob ng taxi na naglalaman ng damit ni Lola, upang sana ay susuotin niya sa paggala namin. Mabuti na lang pala at nakauwi na ako, mula sa Shibuyan. Naabutan ko pa ang birthday niya.
Sampung dipa ang layo ng mga nagkukumpulan sa akin. Malalaking hakbang rin ang ginagawa ko, para mabilis akong makarating doon. Habang papalapit ako, tila biglang nakaramdam ako ng kaba. Ano ba itong nararamdaman ko? Sigurado naman akong hinfi ko kilala ang naaksidente rito, kaya bakit ganito na lamang kalakas ang t***k ng puso ko.
Habang palapit ako nang palaoit, tinig ko na ang bulong-bulungan ng mga tao. Mayroon pa nga na tumingin sa Id ng biktima at sinasabi ang pangalan nito.
Pagtingin ko sa bangkay, halos manginig ang tubod ko sa bigla. Hindi ako makakilos at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Hindi. Hindi maaaring siya ito! P—paano nangyari?
"Miss? Kilala mo ba ang naaksidente?" tanong sa akin ng katabi ko, ngunit halos hindi ko maibuka ang bibig ko.
"Miss?"
"M—Mark?"