BIGLA akong napabalikwas sa paggising nang makita ko ang mukha ni Mark na duguan. Habol-habol ko ang hininga ko, dahil sa takot na baka totoo iyon. Nakita ko kasi na nakahiwalay ang ulo ni Mark, habang pinagkakaguluhan siya ng mga tao. Sana lang ay hindi iyon totoo.
"Nawawala ang bangkay ni Addison!" sigaw ni Alex.
Dali-dali akong lumabas sa tent at tumakbo patungo sa kinaroroonan ng bangkay ni Addison. Naroon na rin sina Mark, Alex, Johnson at Laurenz na mukhang kakagising pa lang din. Nilihis ni Mark ang nakaharang na dahon ng saging at laking gulat nga namin na wala siya.
"Saan napunta 'yon?" tanong ni Mark na takang-taka na habang nakatingin sa paligid.
"What the hell. Anong nangyari? Bakit biglang nawala ang katawan ni Addiso?!" galit ma tanong ni Johnson.
"I don't know," aligagang sabi ni Alex. "Dadalawin ko sana siya rito, pero bigla ko na lang napansin na...na nawawala ang bangkay niya!"
"Sino naman kayang mag-aaksayang kumuha ng karawan ni Addison?" seryosong tanong ni Laurenz habang ineeksamin ang lugar.
Wala akong maisagot dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-move on sa panaginip ko, tapos heto na naman, nawawala ang katawan ni Addison. Habang iniisip ko kung ano ang posibleng nangyari kay Addison, mayroon akong napansing isang bagay.
"Hindi ba kayo nagbabantay?!" Kakatulog lang namin, tapos malalaman naming wala na ang katawan ni Addison?! Hindi naman pwedeng gulmulong iyon dito!" galit na sabi ni Johnson, habang sinusubukan niyang hanapin kung nahulog sa ibabang bahagi ang katawan ni Addison.
Hindi maaaring mahulog iyon, dahil kung mangyari man, makikita kaagad namin. Hindi naman maaaring itapon ang bangkay niya kung saan, dahil tanaw pa rin namin sa ibaba ang mga kaganapan. Nagtataka lang talaga ako kung...kung bakit may dugo sa braso si Alex.
"Alex, bakit may dugo ka sa braso?" tanong ko.
Natigil sa paghahanap ang iba naming kasamahan. Nagtataka rin si Johnson, kung bakit may bakas ng dugo si Alex sa kanyang braso, gayong wala naman itong ginawa. Kitang-kuta ko ang takot sa mukha niya.
"Ah... Kasi kanina, nagkakape kami ni Mark, tapos...biglang kong naiurong iyong kahoy...Tama, iyong kahoy, kaya nagasgasan ako." Hindi siya maayos na nakapagpaliwanag. Hinila naman ni Johnson ang kanyang braso at sinuri ng maayos. Hinihintay namin kung ano ang magiging husga niya, pero ang sinabi lang ni Johnson ay gasgas lamang daw iyon, saka siya tumalikod.
"Huwag na nga nating aksayahin ng oras 'yan! Hanapin natin ang katawan ni Addison!" singhal ni Johnson. "Bwisit naman oh, ngayon lang kami makakatulog ganito pa ang mangyayari!"
Wala naman kaming magawa, kung hindi maghiwa-hiwalay sa paghahanap sa katawan ni Addison. Hindi namin pwedeng pabayaan iyon, dahil baka makita pa ng ibang tao at pagpiyestahan. Isa pa, gusto kong magkaroon ng maayos na libing si Addison, kahit lamang ngayon. Bumaba ako sa isang gilid, kung saan may kapitan ng malalaking ugat ng puno. Habang dahan-dahan ako ay nagulat ako nang biglang sumulpot si Laurenz sa harapan ko, kaya galit ko siyang binulyawan.
"Ano ba, Laurenz! Magpasintabi ka naman!" inis kong sabi.
Hindi naman siya nagsalita at dali-daling bumaba. Mabuti pa siya, walang katakot-takot sa mga bangin, kaya prente lamang siyang bumababa. Sampu ba buhay nito? Habang tahimik kaming naghahanap, nagkaroon naman ako ng tiyansa upang tanungin muli si Laurenz tungkol sa nakita ko sa braso ni Alex.
Malakas talaga kasi ang kutob ko na hindi lang basta gasgas iyon.
"Laurenz?" tawag ko sa kanya, habang siya naman ay nagpupulot ng tuyong kahoy.
"Huy, Laurenz!" pag-uulit ko.
"I don't think na tama ang pagbintangan mo si Alex, dahil sa dugo sa kanyang braso," seryoso niyang sabi. "Iyan naman ang nais mong iparating sa akin diba? I can see in your eyes earlier na pareho tayo ng iniisip, but then I keep my mouth shut."
Nanlaki ang mata ko. Ibig sabihin, hindi lang ako ang nakapansin na tinatago niya ang dugo sa kanyang braso? Nakakapanibago kasi. Kagabi lang ay wala naman iyon. Tsaka iba ang kinikilos kanina ni Alexa, parang hindi siya mapakali. Pero ang malaking palaisipan sa akin, bakit naman niya pagti-trip-an ang katawan ni Addison? Ano ang makukuha niyang benifits doon? Tinapon pa niya? Andaming gumugulo sa isip ko.
"Mellisa, Laurenz!" tawag sa amin ni Mark. Napatingin naman kami sa itaas at nakita sila doon ni Johnson. May bitbit na patay na hayop si Mark sa kanyang kaliwang kamay. Siguro, nahuli niya iyong kambing sa ibabang bahagi ng bundok. Napansin kasi namin nung paakyat kami ruto ay maraming nagkalat doon.
"Heto na!" sigaw ko. Bumalik naman sila sa pwesto namin, kaya dali-dali akong tumakbo paakyat.
Aakyat na sana ako, ngunit bigla muling magsalita si Laurenz. "Mellisa?"
Kaagad akong humarap sa kanya na diretso ang tingin sa akin. "Huwag kang masyadong magpapakawala ng salita sa bibig mo. Hindi natin alam kung sino ang kalaban at sino ang kakampi natin ngayon. Hanggat hindi natin nahahanap ang pumatay kay Addison, huwag tayong maging kampante."
Tumango ako at nagpatuloy.
Naabutan naman naming nagpapakulo ng tubig sina Johnson sa siga na kanilang ginawa. Masyadong malaki nag kambing na nahuli nila. Siguro, kasya na iyon para sa tatlong araw namin dito. Nakakalungkot lang, dahil ngayon mismo ang kaarawan ni Lola, ngunit dahil sa insidente ay hindi pa kami makakaalis sa ngayon. Kahit papaano ay gusto ko ring bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Addison.
"Mabuti na lang at may nahuli pa kaming kambing sa ibaba. Pwede na ito hanggang dalawang araw," suhestiyon ni John, habang sinisimulan nang gilitan ang leeg ng kambing. Kung may choice lang kami sa aming kakainin, hindi ko rin pahihintulutan na kainin namin ang kaawa-awang kambing, ngunit mamamatay kami sa gutom kung paiiralin ko pa ngayon ang pagiging mapagmahal ko sa mga hayop.
"Kailangan ko na lang mamaya kumuha ng tubig sa ilog. Medyo paubos na rin kasi 'e," saad naman ni Mark. Gusto pa sana siyang samahan ni Laurenz, ngunit sinabi niya na dapat daw dalawang lalaking ang magbabantay dito. Hindi rin namin alam kung anong oras o araw sasalakay ang mamamatay tao. Kahit walang nangyari sa amin kagabi, hindi pa rin ako mapanatag.
"Laurenz, pakikuha nga ang balde," utos ni Johnson, habang sinasalo nila ang dugo ng kambing. "Pwede nating ilaga itong dugo. Lamang tiyan din 'to."
"Babe, kailan ba kasi tayo aalis dito? Natatakot na ako! Ilang araw na tayong nandito, pero wala naman tayong napapala sa kakahanap ng pumatay kay Addison," natatakot na pahayag ni Alex.
Hindi ko tuloy maiwasang panghinalaan siya.
"Babe, hindi pa tayo pwedeng umalis dito. Ano na lang sasabihin ng daddy ni Addison? Alam mong pulis 'yon! Mag-iimbestiga siya sa atin."
"Edi mag-imbestiga siya! Wala naman tayong kasalanan e. Babe, umuwi na tayo, I miss my home! Hindi tulad dito napakalamok—" Hindi na siya natuloy sa pagrereklamo nang samaan siya ng tingin ni Johnson.
"Cut it, Alex. Hindi nakakatulong ang pag-iinarte mo."
Wala namang umimik sa aming lahat. Nagpatuloy lang sila sa paghiwa ng karne. Nagpasya naman kami nina Laurenz na maghanap ng gulay na maaaring ihalo namin doon, ngunit sinabi ni Johnson na maaari na iyon. Ipapakulo lang at lalagyan ng kaunting lasa. Mayroon pa namang natira na ibang pagkain sa aming bag. Mayroon ding mga delata, ngunit kakaunti na lamang iyon.
Nang maluto na ang sinabawan, kaagad kaming sumandok. Kahit antok na antok ako ay nalalabanan ko pa rin iyon, dahil sa gutom ko. Kahit pati sina Johnson at Lauren, ay lubog din ang kanilang mata sa puyat. Siguro ay magsasalitan na lang kami mamaya, para hindi na maisahan pa sina Alex at Mark.
Nagsisimula na ring sumikat ang araw, kaya masakit na ito sa balat. Mabuti na lang pala at hiniram muna namin ang maliit na barung-barong ni Lola Elena, kaya dito muna kami namamalagi, kapag ganitong patirik na ang araw.
"Malaki din pala ang silbi ng kubong ito," saad ni Laurenz habang ngingiya ang karne.
"Oo. Pero bakit naman kasi nagtayo ng ganitong barung-barong si tanda?" nagkaroon ng malaking katanungan sa mukha si Johnson.
"Gago, syempre. Malay mo, minsan nagpupunta siya rito para magpahangin," ani Mark.
"Sa bagay."
Nang matapos na kaming kumain, nagpasya kami na dumiretso sa ilog upang mabawasan ang aming init. Lalo na ako, ilang araw na akong hindi nakakaligo kaya amoy pawis na rin ako. Dinala na rin namin iyong mga pinagkainan namin, para doon na lang din namin iyon hugasan. Si Mark naman ay nagdala ng malaking galon, para sa aming inumin. Mabuti na lang at malinis ang tubig dito sa gitna ng gubat. Hindi rin pala nagbibiro iyong mga umaakyat sa bundok na nag-documentary pa at sinasabing matamis ang tubig. Talagang mauuhaw ka, kapag natikman mo iyon ng unang beses.
Nang marinig na namin ang malakas na agos ng ilog, tumakbo na sina Johnson, dahil hindi na nila makayanan ang init na kanilang nararamdaman. Kaagad nilang tinanggal ang kanilang damit at nilublob ang sarili sa malamig na tubig. Kami naman ni Alex ay tinanggal na ang aming mga suot na t-shirt. Kahit nahihiya ako ay sumabay na rin ako, dahil wala na akong susuotin para bukas. Nilabhan ko na rin iyon, bago pa ako lumublob sa tubig.
Naalala ko pa lang dalhin iyong damit na namanstahan ng dugo ni Addison.
Nakakita naman ng panibagong hinog na prutas si Mark sa di kalayuan, kaya kaagad kaming unahon, upang kuhanin iyon.
"Sakto ito pra mamayang gabi!" takam na sabi niya, habang inaakyat ang puno ng Chesa. Talaga nga namang nakakatakam ang hinog nitong bunga, lalo na ang kulay nito kapag hinog. Hindi na nag-atubili pa si Mark at dirr-diretsong umakyat.
"Dude sa akin!" aigaw ni Johnson na ginawang pansalo ang kanyang damit. "Dito mo ihulog!"
Habang naghuhulog ng mga napitas na bunga si Mark, bigla naman kaming nagukar nang may nagsalita sa aming likuran.
"Nandito lang pala kayo, mga anak!" masayang bati ni Lola Elena. Kaagad naman kaming nagmano ni Laurenz. Nakakagawa ang ngiti niya.
"Naku, lola! Talagang pinuntahan niyo pa kami rito?" masaya kong sabi.
"Aba syempre naman! Bisita kayo rito." Nagpalinga-linga siya. "Teka, nasaan na ba iyong kasama ninyong isa na may kulay ginto ang buhok? Iyong maganda?" takang tanong niya.
Biglang nawala ang ngiti ko sa labi at sasabihin sanang patay na siya, ngunit kaagad na nagsalita si Johnson. "Naku, nauna na hong umuwi, Lola! Naiinip na kasi rito 'e," pagsisinungaling niya.
Kaagad namang nakumbinsi si Lola Elena, kaya tumabgo-tango pa siya. "Sayang naman ay may dala pa naman akong prutas para sa inyo. Nagluto rin ako ng kalderetang baboy, para sana may maiulam kayo," aniyapa.
Bigla namang nagningning ang mata namin. Pati si Mark ay natigil sa pagpitas.
"Talaga po?!" sabay-sabay naming sabi. Kitang-kita ko rin ang takam sa mukha ng mga kasama ko.
"Oo! Halina kayo at bumaba kana riyan, anak. Masyado nang amrami ang prutas na nakuha ninyo. Maghapunan muna kayo ulit!"
Bago kami bumalik sa itaas ng bundok, nag-igib muna kami ng tubig. Hidni naman kami nainip sa paglalakad, dahil laging nagbibiro si Lola. Kahit panandalian ay nakalimutan rin namin ang aming problema, dahil sa kanya.
Nang makarating na kami sa barung-barong, kaagad kaming umupo sa papag, habang nangingislap ang aming mata sa mga pagkaing nakahapag sa amin. Mayroon pang kanin na dinala si Lola. Siguro ang tagal din namin sa ilog, kaya ganito niya kabilis naidala ito rito.
Habang kumakain ay kinukwentuhan ni Johnson si Lola Elena. Hindi naman ako makapagsaluta dahil napakasarap ng niluto niyang kaldereta. Ang lambot din ng karne ng baboy at talaganv sisimutin mo hanggang buto.
"Ang sarap ng luto ninyo Lola! Dapat pala ay dinala namin sa bahay ninyo, itong kambing nang maisabay na ninyo ito," ani Johnson na mayroon pang sarsa sa kanyang bibig.
"Nako, mga anak. Malayo-layo pa rito ang bahay namin. Tsaka hindi maaari doon, dahil marami akong alagang aso, baka imbis na makapagpahinga kayo ay habulin pa kayo ng mga 'yon.
"Sa bagay," saad ni Mark tsaka kami nagtawanan.
Naikwento rin ni Lola Elena sa kabilang bahagi pa ng gubat ang bahay nila, kaya malayo-layo ito rito. Nasasanay lang siya sa pag-akyat sa bundok, dahil maraming turista ang nagpupunta rito. Hindi raw niya kasi kami maaaring pabayaan, para maging memorable ang aming trip dito. Napangiti lang ako nang mapait.
Kung alam mo lang, Lola Elena.