IHAHATID pa sana namin si Lola Elena, ngunit hindi na siya nagprrsinta pa. Kaya na raw niya, kaya naman hinayaan na lang namin siya. Bilib na bilib kami sa kanya, dahil mas matapang pa siya sa akin, habang pababa siya nang burol. Parang hindi man lang niya iniintindinang kanyang buhay, dahil dire-diretso lang siya sa pagbaba. Kung kami ay todo kapitb namin sa mga ugat ng puno, si Lola Elena ay wala man lang bakas ng takot sa kanyang mukha.
"Mag-ingat po kayo, Lola!" sigaw ko, nang medyo malayo-layo na siya. Ngumiti naman siya sa akin at kumaway. Bumalik naman ako sa pwesto namin sa kubo, habang sina Johnson ay hindi na makapaglakad sa sobrang kabusugan.
Nang makabalik na ako sa pwesto ay naabutan ko na lamang na natutulog na sina Johnson at Alex. Siguro dala iyon ng pagod at kabusugan nila. Si Mark naman ay sinisimot pa ang ulam na nasa tupperware, habang si Laurenz ay abala sa pagtingin ng magandang paligid. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang likod niya. Kung hindi lang sana weird itong si Laurenz, pasok siya sa standard ko 'e. Kaso mas mukha pa siyang weird kaysa sa akin.
Naglakad ako at nilapitan ko siya. Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam namin, kahit na nasa isip pa rin namin ang nawawalang bangkay ni Addison. Gusto ko sanang itanong kanina kay Lola Elena kung may insidente na rin bang nangyari na nawala ang bangkay dito, kaso baka matakot pa siya at panghinalaan kami.
Sa pagbibiro niya sa amin kanina, lalo ko tuloy nami-miss si Lola.
"Kumusta? Nabusog ka naman ba?" salubong ko kay Laurenz.
Kaagad naman siyang lumingon sa akin. Nang mapansin niya ako ay bumalik ang tingin niya sa kawalan. "Medyo. Bakit ka nga pala nandito?" tanong niya.
Nagkibit-balikat lang ako. "Wala lang. Gusto lang kitang samahang magpahangin..."
"Walang kwentang palusot." suminghal siya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit mo naman nasabing nagpapalusot ako? Nabusog nga ako sa bigay ni Lola Elena 'e. Nagpapahangin lang ako at nagpapatanggal ng antok."
Tumawa siya nang nakakaloko, sabay umupo sa damuhan. "Huwag mo akong linlangin, Mellisa. Ilang araw na tayong magkasama rito sa bundok, basang-basa ko na ang ugali mo. Alam ko ang gusto mong pahiwatig, kapag lumapit ka na sa'kin ng ganito."
"Hindi kita maintindihan, Laurenz."
"Gusto mong itanong na naman ang bangkay ni Addison?"
Napaupo tuloy ako, dahil sa pagtataka kung bakit ganoon na lamang ang sinabi ni Laurenz. Hindi naman talaga iyon ang pinunta ko rito e.
"Alam mo, Mellisa. Mas okay na 'yung wala na rito ang katawan ni Addison. Isipin mo na lang, ilang araw na rin ay mabubulok iyon dito, pagkatapos ay itatapon din natin sa ibaba ng bundok."
Mayroon namang tama si Laurenz, ngunit gusto ko lang malaman kung saan napunta ang bangkay na iyon.
"Huwag mo nang isipin kung saan napunta ang bangkay. Mag-obserba na lang tayo sa paligid. Sarili lang din natin ang maaasahan natin, kaya ingatan mo ang sarili mo. Sa lugar na ito, hindi natin hawak ang buhay natin." Tumayo siya at iniwan akong may malaking katanungan sa mukha.
Paano niya nalaman ang nasa isip ko?
Sabay kaming bumalik sa kubo. Si Mark ay nagliligpit na ng aming pinagkainan, kaya kaagad ko siyang tinulungan.
"Hay, ang sarap talaga ng pagkaing dinala ni Lola!" manakit-nakit na tiyan niyang sabi. "Mellisa, ikaw na lang ang maghugas nito ha? Ako ang mag-iigib ng tubig." pagpresinta niya.
"Oo naman!" masaya kong sabi, tsaka tumingin kay Laurenz. "Laurenz, tulungan mo si Mark mag-igib ha?" paalala ko.
Inismidan lang ako ng walang hiya.
Habang dinadala ko sa tabi ng puno ang mga hugasin ay nagsimula nang maglakbay sina Mark at Laurenz. Sinabi ko pa na mag-ingat sila, dahil baka kung ano pang mangyari sa kanila doon. Wala naman din akong problema rito, dahil kasama ko sina Johnson at Alex. Ayun nga lang, mahimbing ang tulog nila. Bago ako magsimula sa pagbabanlaw ng mga palto ay tumingin pa ako sa oras.
"4:30 na pala. Ang bilis ng oras dito sa bundok," bulong ko sa sarili. Simula kasi nang dumating kami dito, halos hindi ko na namamalayan ang oras. Napapansin ko na lang ang paglubog ng araw at pagsikat nang buwan. Ganito pala kapag tumira ka sa bundok. Paano pa kaya iyong mga napapanuod ko sa youtube na dito na mismo tumira at namalagi ng daang taon? Paano nila nakayanan?
Habang abala ako sa pagmumuni-muni, sakto namang nagising sina Johnson at Alex. Mukhang bitin pa sila sa pagtulog, dahil inuunat-unqt pa nila ang kanilang katawan habang paulit-ulit na humihikab.
"Mukhang napasarap ang tulog niyo?" pagbibiro ko.
Ngayon ko lang nakitang ngumiti sa akin si Alex. "Ang sarap ng hangin 'e."
Lumapit naman sila sa akin. "Nasaan nga pala sina Laurenz at Mark?" tanong ni Johnson.
"Sinamahan ni Laurenz na mag-igib si Mark sa Ilog. Para hindi tayo gaanong magahol sa tubig," paliwanag ko.
Sumang-ayon naman sila. Nagsimula namang mangahoy sa gilid-gilid si Johnson upang umpisahan na ang pagsisiga. Magsisimula na rin kasing magtipon-tipon ang mga lamok sa banda namin. Habang inaayos ko na ang mga plato, nagkaroon naman ako ng lakas ng loob upang magtanong kay Johnson, habang alaba siya sa pagyitipon ng mga tuyong dahon.
"Johnson, hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko. Hindi naman siya sumagot, bagkus ay natigilan siya sa kanyang ginagawa.
"I don't know, Mellisa. Naisip ko na rin kasi iyan. Kung pwede bukas, why not diba?"
Bigla namang nagningning ang mata ko. "Talaga? Uuwi na tayo bukas?"
"Yup. Tsaka, paubos na rin ang stocks natin. Wala na ring charge ang phone ko. Sana lang ma-contact ni Laurenz ang driver nila. Kaya nga hinahanap ko siya kanina 'e."
Hindi ko mapigilan kaya laking tuwa kong hinarap si Johnson. Parang maiiyak pa ako sa sinabi niya na uuwi na kami. Gusto ko na rin kasing umalis sa lugar na ito, at ayaw ko nang may sumunod pa sa nangyari kay Addison. Pakiramdam ko, kapag nangyari pa iyon, para na akong mababaliw.
Maggabi na, ngunit wala pa rin ang dalawa. Pinipigilan ko lang kabahan, dahil ayaw ko nang dumagdag sa problema nila, pero hindi ko maiwasang isipin an baka may mangyari sa kanilang amsama, oh hindi kaya paulanan ulit sila ng sibat sa kanilang dinadaanan. Angw eird ng iniisip ko nitong mga nakaraang araw, siguro dala na rin ng trauma nang makita ko si Addison na bulagta, habang sumisirit ang dugo sa kanyang ulo. Napailing-iling na lang ako sa iniisip ko.
"Are you okay?" tanong ni Alex, nang mapansin akong balisa.
"Oo. Sige na, mag-asikaso na tayo, bago dumating sina Mark at Laurenz," saad ko habang nagsasandok ng kanin.
Nang magawa na namin ay lahat ay bumalik kami sa pagmumuni-muni. Napapaisip ako, kung saan na ba nagpunta ang dalawang iyon at kanina pang alas kwarto umuwi. 6:30 na, pero wala pa rin sila ngayon. Napagpasiyahan ko. amang kumbinsihin na soi Johnson na sunduin namin sila sa gubat, ngunit bago pa ako magsimula ay inunahan na ako ni Johnson.
"Ang tagal naman ng mga 'yon? Hanapin na kaya natin sila?" suhestiyon niya.
Kaagad naman kaming pumayag, ngunit nagpaiwan na lang si Alex, dahil walang nagbabantay sa aming pagkain at baka kainin pa iyon ng kung anong ligaw na hayop. Nang naglalakad na kami pababa sa bundok ni Johnson ay naisipan ko muling itanong sa kanya ang balak naming pag-uwi bukas.
"Excited na akong umuwi! Makikita ko na ulit si Lola," saad ko.
"Yeah, me too, Mellisa. Hindi na rin ako uulit na magpunta rito. Bukod sa matarik na bundok, hindi ko rin kayang maging taong bundok. You know, this is my first time eating karne ng kambing! It so gross!" may kaartehan sa sinabi niyang iyon.
"At least, na-experience mo," pagdadagdag ko.
Napag-usapan rin namin iyong gagawin namin pagkauwing-pagkauwi namin sa bahay. Kung ako ay yayalapin at mag-sorry kay Lola, siya naman daw ay maghapong hihilata sa malambot niyang kama, dahil nananakit na raw ang kanyang likuran sa matigas na higaan. Medyo nakita ko rin iyong funny side ni Johnson. Medyo light lang ang ugali miya ngayon, kumpara sa mga nagdaang araw. Siguro, dahil na rin iyon sa stress at takot.
Nang nasa b****a na ki ng ilog, napatigil kami nang mapansing wala doon sina Laurenz at Mark. Nagsimula na kaming kabahan ni Johnson, kaya kaagad kaming tumakbo pakaliwa, dahil may daan doon. Wala rin kaming ideya kung saan sila nagpunta, basta ang mahalaga ngayon ay kailangan namin silang hanapin. Lalo pat gabi na at hindi na namin matanw nang maayos ang aming dinadaanan.
Hindi kami tumitigil sa pagtakbo, hanggang sa makaabot kami sa dulo. Sa dulong bahagi ay kita na namin ang malawak na lupain, ngunit parang may mali.
"Tulong!" isang sigaw ang umalingawngaw sa buong gubat. "Tulong! Tulungan ninyo kami!"
"Si Laurenz!" sigaw naming dalawa ni Johnson at mabilis kaming tumungo kung saan nangagaling ang boses.
Kahit nangangatog at takot na takot na ako ay pinili ko pa ring magpakatatag. Nanlalambot na rin ang paa ko at ayaw nang tumakbo, dahil natatakot ako sa maaabutan ko. Huwag naman sana.
"Tulong!" nagsalita pa muli si Laurenz, kaya alam na namin kung nasaan sila. Nasa gitna sila ng gubat!
Kaaagad kaming tumakbo papunta roon, at laking gulat na lamang namin nang maabutan naming nakatayo si Laurenz habang duguan ang buo niyang damit at kamay. Nanginginig siyang tumingin sa amin at mangiyak-ngiyak.
"S—si Mark." Saka siya yumuko.
Halos mapaawang ang bibig ko nang makita si Mark na nakahandusay sa damuhan. Putol ang ulo. Halos hindi ko maigalaw ang paa ko upang lapitan sila. Nagsisimula na naman akong manginig at ma-trauma. Anong klaseng bundok ito?
"f**k!" rinig ko pang sabi ni Johnson at tumakbo papunta sa kinaroroonan nila. Ngunit mabilis naman siyang pinigilan ni Laurenz at pinatigil siya sa pagtakbo.
"May copper wire na nakatali sa magkabilang puno. Hindi namalayan ni Mark....kaya siya namatay."
Maigeng tiningnan ni Johnson ang wire na sinasabi ni Laurenz. Talagang hindi mo aakalaing may tali doon, ay kung hindi ka mag-iingat at nagmamadali ka sa pag-akyat ay tiyak na mapuputol ang ulo mo doon. Tiningnan pa ni Johnson kung gaano kanipis ang wire na nakatali. Naroon pa ang bahid ng dugo ni Mark.
Gusto ko mang pumunta, pero parang bigla akong nawalan ng lakas. Kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba kung bakit namatay siya? Kung hindi ko lang sana...siya pinag-igib ng tubig sana buhay pa siya. Napaluhod na lang ako sa sobrang panlalambot. Mulat na mulat pa ang mata ni Mark, habang nakatingin ito sa akin na animoy hindi rin handa sa kanyang pagkamatay.
"A—anong nangyayari sa bundok na ito?"
"Mellisa! Tawagin mo sa itaas si Alex!" utos ni Johnson, ngunit parang wala ako sa sarioi at kahit narinig ko iyon ay ayaw kumilos ang paa ko.
"Mellisa!" pagtatawag niya.
Napalunok pa ako at pinunasan ang luha sa pisnge ko. Kahit hirap ako sa pagtayo ay pinilit ko at wala sa sariling naglakad pabalik sa taas ng bundok. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng paa na ginagawa ko. Tila nawalan na ng buhay ang katawan ko, habang pabalik ako sa pwesto namin. Akala ko wala ng mabibiktima. Akala ko ay huli na si Addison, ngunit bakit tila iniisa-isa kami?
"Oh, Mellisa! Nasaan sina Johnson? Buti nakabalik ka kaagad?" salubong sa akin ni Alex habang nakangiti.
Hindi na ako nakapagsalita pa at tuluyan nang umiyak.
Sinalubong naman niya ako nang pagtataka sa mata. Dahan-dshan niya akong itinayo at niyakap.
"What happened, Mellisa? Tell me?"
Halos hindi ko maibuka ang bibig ko sa takot at panginginig, ngunit pinilit ko pa rin siuang sagutin. "S—si Mark. Si Mark, patay na."
Ramdam ko rin ang pagbagsak ng kanyang balikat. Halos hindi siya makapagsalita sa sinabi ko at naramdaman ko na lang na tumulo ang kanyang luha sa balikat ko.
"B—bakit? Paano?"
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kahit nanalalambot ako ay inaya ko siya sa kinaroroonan nila. Tulad nang pagkagulat ko kanina ay ganoon din ang naging reaksyon ni Alex. Kaagad siyang tumakbo patungo kay Mark, ngunit kaagad sinaklit ni Johnson ang kanyang kamay. Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng isang matalik na kaibigan tulad ni Addison at Mark. Wala ng mas sasakit pa roon, lalo nang makita mo silang ganito.
Mas nanaisin ko na lang na umuwi na ako sa amin, kaysa magtagal pa sa demonyong lugar na ito. Ngayon ay unti-unti na akong napapaniwala ng balita at nang sinasabi ni lola. Sana ay matagal na akong nakinig sa babala noya, para hindi na nangyari ang ganitong bagay.