"Sinong Ana?" takang tanong pa rin namin. Tsaka totoo pala ang sinabi ni Lance sa amin na babae nga ang pumapatay sa lugar na ito?"
"Paano mo ito nalaman? Paano mo nalaman ang lahat?" tanong ni Laurenz.
"Isa akong mangangaso noon. Nakita ko kung paano patayin ni Ana ang isa sa mga dayo rito. Wala akong magawa noon kung hindi...tumakbo. Ni hindi ko sila matulungan, at imbis na lumaban ako tumakbo lang ako dahil sa pagkaduwag," paliwanag niya.
"Teka," tila may gumugulo sa isip ni Johnson. " Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito sa amin?"
"Dahil gusto kong magtulungan tayo. Gusto na naming mawakasan ang paghihirap ng aming lugar sa dami ng p*****n dito. Kung hindi pa tayo gagawa ng aksyon, mas marami pang inosenteng tao ang magbubuwis ng kanilang buhay."
Tama ang sinasabi ni Mario. Kung magtutulungan kami kasama si Lance, panigurado ay mahuhuli namin ang pumapatay na ito, ngunit hindi namin alam kung ano bang klaseng tao iyon. Isa ba siyang halimaw? Dambuhala? Tsaka bakit Ana? Isang babae ang pumapatay sa luagr na ito kaya binabalot ng takot ang buong baryo?
Pagkatapos naming-usap, sakto namang palabas na kami nang may bago muling lalaki na sumulpot sa tapat ng pinto. Mukhang kakagaling lang nito sa trabaho,dahil halata ang damo na dumikit sa kanyang mahabang damit. Isa pa, pawis na pawis din siya buhat sa kanyang suot na sumbrero. Nasa 30's din siya, mukhang kasing edad lang ni Mario.
"Kris, nandiyan ka na pala," bati ni Mario.
Hindi naman nagsalita si Kris at direkta lamang ang tingin nito sa amin. "Hindi ba sinabi kong huwag ka nang magpapapunta ng kung sino-sino rito? Mamaya madamay p tayo sa kinakaharap nilang gulo," makahulugan ang sinabi niyang iyon kaya lalo tuloy akong nagtaka.
Tumaw anang bahagya si Mario. "Nako hindi. Siya nga pala, Kris sina Johnson, Laurenz at Mellisa nga pala. Kapatid ko 'yan si Kris, kasamahan ko dati sa pangangaso pero noong madisgrasya ako, siya na lang ang nagtatrabaho para sa amin," paliwanag niya.
"Umalis na kayo, bago pa magdilim," malalim na sabi ni Kris.
Nagpaalam naman kami kay Mario at tuluyan nang lumabas ng bahay. Habang naglalakad kami papunta sa butas na aming dinaanan kanina, manghang-mangha pa rin ako sa paligid. Sa likod ng nakakatakot na lugar ng Qari meron pa ring natitirang parte nito ang maganda.
"Kailangan muna nating itago ang mga nalaman natin," ani Laurenz. "Hindi ninyo ako masisisi kung bakit hindi ko masyadong pinagkakatiwalaan si Lance. Sana maintindihan ninyo ako. Kailangan tayong gumawa ng sarili nating plano. Masyadong mapanganib ngayon lalo na may pinatay nang isang tao."
Sumang-ayon naman kami. Sa huli ay kami pa rin angagdedesisyon ng aming gagawing hakbang. Nang makalamoas na kami sa butas, abala kaming naglalakad pabalik sa bundok nang biglang sumulpot sa aming harapan si Lance. Bakas ang gulat sa aming mata nang makita siya, hindi kasi namin napansin ang pagsulpot niya at saka... susulpot siya bigla sa kakahuyan?"
"L—Lance? Bakit ka nandito? Nagulat naman kami," saad ko.
Ngumiti lang siya. "Kanina ko pa kayo hinahanap. Akala ko tuluyan na kayong umalis dito sa Qari. Hay, kinabahan ako."
"Bakit? Kung umalis na kami may masama ba?" Singhal ni Johnson.
"Hindi naman. Kasi... may balak pa tayo hindi ba? Kaya tara na sa bahay namin!" Ani Lance na nangunguna sa paglalakad.
Nagtinginan lang kaming tatlo at sumunod na lang kay Lance.
Paglampas namin sa kakahuyan, dinamaan muli namin ang nagkulumpulan. Kinuha na ito ng iilang mga tao na may dala ng malaking higaan. Sako iyon na dugtog-dugtong at ang kanilang hawakan ay lumang kawayan. Kahit wala na ang namatay, bakas pa rin ang dugo nito sa kanyang pinanggalingan. Pinagmasdan ko lang ang mga tao kung saan nila dadalhin ang namatay na iyon. Tsaka nagtataka rin ako bakit parang wala man labg pamilya ito na umiiyak sa pagkawala niya?
"Saan kaya dinadala ang mga namamatay?" tanong ko.
"Ang mga namamatay?" singit naman ni Lance. "Doon iyon sa may bundok. Doon nila inililing ang mga kauri nila. Nilalagyan lang nila ng krus para kanilang tanda. Pero kapag mga dayuhang kagaya natin, wala silang pakialam. Kahit nga makita nila ang katawan nating tinapon labg sa baba ng bundok, parang normal na lang sa kanila iyon 'e. Ewan ko, ang weird talaga ng lugar na ito."
"Pero bakit parang wala silang pamilya na umiiyak sa bangkay? Bakit kaagad nilang inililibing?" tanong ni Johnson.
"Dahil sumumpa sila kay Ka-Marsing na kahit anong pagsubok ang dumating ay hindi maaaring umiyak. Hindi na nila maaaring ipakita ang kahinaan nila sa bawat isa. Parang kaugalian na nila iyon dito, kaya kahit ako parang nasanay na rin akong hindi nalulungkot kapag may namamatay."
Ikinuwento rin ni Lance na kaya niya kami inaya sa kanila ay dahil kaarawan niya. Gusto niya kaming imbitahan dahil ito pa lang ang unang beses na nagkaroon siya ng kaibigan dito sa Qari. Pumayag naman kami dahil sakto rin at wala kaming pagkain sa bundok. Isa pa nanlalambot na kami pare-pareho dahil hindi kami gaanong nakakain kagabi. Sakto lang itong pamatid gutom.
Nang makarating na kami sa bahay niya, tumambad sa amin ang laman ng kanyang mesa. Parang biglang kumalam ang tiyan ko nang makita ang ibat-ibang putahe ng ulam. Mayroong adobo, caldereta, menudo, kare-kare at iba pa.
"Maupo na kayo. Ipaghahanda ko lang kayo ng maiinom," aniya.
"B—bakit ang dami naman yata nito, Lance? Hindi bat nag-iisa ka lang?" tanong ni Laurenz.
Natawa si Lance habang kukukuha ng juice sa galon. "Naparami kasi ang pamamalengke ko kahapon sa syudad. Alam niyo naman nakarami din ng pasada kahapon kaya swerte dahil nakapagluto ako ngayon. Isa pa, binigyan pa ako ng tip ng matanda! Napakabait nga 'e."
"Matanda?" tanong ko.
"Oo! Nakalimutan ko ngang itanong ang pangalan niya 'e. Basta matanda na siya, mahaba ang kanyang buhok at nakaputi. Baka kilala niyo? Hindi ko kasi siya masyado nakikita dito kaya pakiramdam ko dayuhan lang. Pero napakabait niya! Dinagdagan niyang isang daan ang pasahe niya." Halata ang tuwa sa kanyang mukha. "Sige na at kumain na kayo!" pag-aaya niya.
Iniisip ko tuloy kung si Lola Elena iyon. Base kasi sa pagkakasabi niya, ganoon din ang hitsura ni Lola Elena, tsaka matagal ko na siyang hindi nakikita dito at hindi nagpupunta sa taas ng bundok. Baka lumuwas na siya dahil natatakot na rin siya.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at kumain na ako. Inuna ko ang menudo dahil amoy pa lang ay mukhang masarap na. Sina Johnson at Laurenz naman ay pata ang kanilang nilantakan. Natatawa ako dahil halata talaga sa kanila ang pagkagutom. Si Lance naman ay pinagmamasdan lang kami habang nakangiti siya. Medyo nahiya tuloy ako sa pagiging masiba nina Laurenz at Johnson, kaya inaya ko na lng si Lance.
"Sige. Kumain lng kayo riyan! Kakakain ko lang kanina bago ako umalis at hanapin kayo. Siya nga pala..." Umupo siya sa tabi ko. "Bakit kayo nasa kakahuyan kanina? Anong ginagawa ninyo roon?"
Magsasalita pa lang sana ako, kaso bigla nang sumabat si Johnson. "Alam mo, Lance! Ang sarap ng luto mo ha? Ikaw ba talaga ang nagluto nito?" tanong niya.
"Oo, Johnson! Kumain na kayo riyan, para mamaya mag-uuwi na lang kayo ng uulamin ninyo para mamayang gabi."
Tuwang-tuwa naman kami. Parang hulog ng langit si Lance sa sinabi niyang iyon. Sakto at hindi na kami mamomoblemang humuli pa ng hayop. Parang sa pagtatagal namin sa lugar na ito, paubos nang paubos ang mga ibon sa amin sa kakaulam namin sa kanila.
"Naalala ko tuloy si lola dito sa kare-kare mo, Lance," malungkot kong sabi.
Heto kasi ang hinahanda sa akin ni lola tuwing malungkot ako. Pareho sila ng lasa, kaya napangiti ako nang mapait. Mag-iisang buwan na rin pala kami rito sa bundok. Nami-miss ko na si Lola, pero kailangan pa naming hanapin ang pumatay sa kaibigan namin. Konting tiis na lang din at makikita na namin ito. Malalaman kung bakit niya ginagawa ang pagpatay ng mga dayuhan sa lugar na ito.
Pagkatapos naming kumain, tumayo kami habang haplos-haplos ang aming tiyan sa sobrang dami naming nakain. Natatawa pa si Lance kay Johnson dahil hindi na ito makatayo pa sa upuan.
Pagkatapos naming kumain, magpapaalam na sana kami kay Lance ngunit inaya niya kami na mag-ikot-ikot muna, tutal daw nabawi na niya ang boundary niya kaya pahinga niya ngayong araw.
"Saan naman tayo pupunta?" tanong namin.
"Basta! Mag-enjoy kayo rito. Para naman hindi kayo laging stress. Kalimutan muna natin ang mga p*****n na 'yan. Kahit minsan sa buhay ko, gusto ko rin mapahinga."
KAAGAD kaming sumakay sa tricycle ni Lance. Kaming dalawa ni Laurenz sa harap, habang sa likod naman si Johnson katabi si Lance. Sinabi niya sa amin an dadalhin niya kami sa isang sikat na destinasyon dito sa Qari. Malayo raw ito sa p*****n o kung ano pa man.
Limang minuto lang ang byahe namin nang tumigil kami sa isang waiting area sa gitna ng zigzag. May kalumaan na ang waitinga rea na iyon at halatang hindi na napupungahan ng mga tao. Bumaba si Lance at naglakad s aisang papasok na eskinita.
"Tara dito!" aya niya kaya sumunod kami.
Medyo madulas ang daan papunta sa parteng ito. Siguro dahil hindi nadadaanan, kaya nagtipon na ang lumot sa daan. Medyo liblib din ang dinadaanan namin, dahil napakaraming puno na nakapaligid sa aming dinadaanan. Pati ang mga ugat ng puno ay nakalitaw na nagsisilbing silong namin.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Johnson, habang nangunguna si Lance sa amin.
"Basta! Dito ako madalas nagpupunta kapag may problema ako o kaya malungkot. Pakiramdam ko kasi nawawala ang lungkot ko, kapag nagpupunta ako doon. Corny pero parang hinihigop ng rebultong iyon ang negative energy na nananalaytay sa katawan ko," saka siya tumawa.