TWENTY FOUR

1703 Words
PAGLAMPAS namin sa madulas n daan, naglakad pa kami nang kaunti sa pababang daan. Ang kwento sa amin ni Lance, dati raw itong malaki at mataas na bundok, ang kaso nga lang noong pinamunuan daw ito ng mataas na opisyales ng gobyerno, plnapagdiskitahan ang lugar na ito at ginawang daan, hanggang sa nadiskubre at nakagawa na sila ng kanya-kanya nilang bahay sa ilalim ng bundok. Marami pang ikinuwento sa amin si Lance. Halatang sa tagal niya rito ay alam na niya ang apsikot-sikot na daan. Nakikinig lamang kami at kumukuha ng impormasyon sa sinasabi niya. Kapag tinatanong niya kami, tipid lang ang sagot namin. Sa totoo lang, mas naniniwala kami kay Mario ngayon kaysa kay Lance. "Malapit na tayo, kaunting hakbang na lang," ani Lance na mukhang pagod na rin sa pag-akyat baba. Hindi kasi niya pwedeng ipasok ang tricycle dito dahil kamindin ang mahihirapan sa pag-akyat niyon lalo na matarik ang daan. "Iyon na ba 'yon?" Turo ni Johnson sa isang puting rebulto. Ang tawag daw doon sabi ni Lance ay "Christ the Redeemer." Sa sobrang laki siguro niyon ay tanaw na tanaw na namin siya kahit malayo-layo pa kami. "Oo! Sigurado matutuwa kayo kapag nakapunta na tayo doon," magiliw na sabi ni Lance kaya naman nagmadali na kaming maglakad. Nagreklamo pa nga si Johnson na pagkatapos daw kaming busugin ni Lance ay may kapalit naman palang hirap ang ipapagawa niya sa amin. Natatawa na lang kami dahil habang pagod kami ay nag-joke pa si Lance na lalong nakapanlambot ng aking tuhod. Pagkaraan ng limang minuto, sa wakas ay nasisilayan ko na ang talampakan ng rebulto. Pagod na pagod kami ngunit nang masilayan ko ang kabuuan ng view, parang napawi nga lahat ng iyon. Totoo nga ang sabi sa amin ni Lance. "Sa wakas!" Sabay-sabay naming sabi nang makaupo na kami sa isang bench na katabi ng rebulto. Tingin ko ay nasa limampung talampakan ang laki nito, kaya parang abot na niya ang mga ulap. Ang dami ring nakapaligid na mga puno na nakakadagdag sa presko ng hangin. "Isa ito sa nagustuhan ko sa Monasterio. Halos nakikita ko ang kabuuan ng Qari. Napakatahimik, at parang wala kang makikitang gulo sa ibaba," palowanag ni Lance. Totoo nga naman. Pakiramdam mo habang nandito ka ay malayo ka sa gulo. Tahimik ang baryo sa ibaba at pinapakinggan mo lang sa itaas ang huninng mga hayop pati na ang pagaspas ng dahon dulot ng malakas na hangin. Inilatag naman namin ang isang banig na aming dinala. Habang si Lance ay nagsisimula nang ayusin ang mga pagkain na binaon niya para dito raw kami kumain. Mabuti nga raw at nagdala si Lance, eka ni Johnson dahil base sa mukha niya halatang gutom na naman siya ngayon. "Madalas ka ba dito Lance?" tanong ni Laurenz. "Medyo. Bumibisita lang ako dito kapag naisipan ko o kaya mahina ang byahe. Minsan dito rin ako nagpapahangin, kaya nawawala ang inis ko sa iba kong mga kasamahang driver." "Matanong ko nga." Tumayo ako at humarap sa kanila. "Bakit sa lahat ng driver na natatakot ihatid kami sa Shibuyan, ikaw lang ang naglakas loob? Lagi ka bang ganun sa mga dayuhan?" Tumawa siya. "O...oo? Medyo. Minsan naman kinakausap ko muna sila nang masinsinan, pinapaliwang kung ano ang kakaharapin nilang panganib sa bundok. Kapag ayaw nilang maniwala, wala na akong magagawa. At least nagawa ko ang part ko hindi ba? Tsaka ganun din naman ang sinabi ko sa inyo noong una. Binalaan ko kayo." Sa bagay, may punto nga siya. Iyon nga lang hindi talaga naniwala si Johnson at tumuloy pa rin kami. "Pero bakit noong nakita mo iyong tattoo namin sa batok parang nagtaka ka pa?" tanong ni Johnson habang sinisimulan na niyang kumain. "Ah iyon ba?" Nagbago ang ekspresyon niya. Tumayo siya at mukhang iniiwan ang tanong ni Johnson. "Kasi madalas s amga hinahatid kong dayuhan papunta sa Shibuyan, wala naman silang ganoong tanda. Tapos pagbalik ng iba kung buhau pa sila nakikita ko rin ang mga tandang iyan. Teka, para saan ba iyan?" Nanlaki ang mata ko. "Ibig sabihin... matagal nang ginagawa ito ni Lola Elena? Lahat ng umaakyat sa bundok?" "Lola Elena?" Mukhang wala siyang ideya sa sinasabi ko. "Oo. Iyong caretaker sa bundok," paliwanag naman ni Laurenz. "Ah! Oo iyon nga. Baka nga siya ang naihatid ko kahapon, mukhang maayos-ayos ba ang supt niyang puting damit? Tapos hanggang balakang ang mahaba at putinniyang buhok? Tumango ako. "Oo siya nga! Pupuntahan nga sana namin siya at hahanapin ang bahay namin, kaso hindi naman siya kilala ng ibang tao rito. Parang wala naman kasi silang pakialam sa mga katabing bahay nila." Hindi na nagsalita pa si Lance at inaya na lang kaming kumain. Masaya naman siyang kasama. Kahit panandalian ay nakilala namin siya pati na ang malungkot niyang buhay. Nalaman namin na dalawa lang silang magkapatid. Ang papa niya ay namatay dahil may sakit ito sa puso. Ang mama naman niya ay kasamang namatay ng kanyang kapatid sa bundok ng Shibuyan, kaya ganon na lamang ang pagkagusto niya na mahuli kung sino man ang may gawa niyon sa pamilya niya. Kahit minsan weird ang kinikilos ni Lance, medyo naging palagay na rin ang loob ko sa kanya. Nananatili siyang positibo sa kabila ng nangyayari sa buhay niya. Kaya rin pala madalas ay lumuluwas siya ng manila para manguha ng ibat-ibang armas. May kamag-anak daw kasi siyang nagtatrabaho sa arm forces, kaya madali labg sa kanyang makakuha ng baril at kung ano pa. Nagtagal ang pagkukwentuhan namin, hanggang sa namalayan naming maga alas-tres na ng hapon. Ang sanang pagpunta namin sa bahay ni Lola Elena at sa tindahan ay naudlot dahil sa mga nangyari. "Paano, bukas magkita na lang ulit tayo ha? Sa susunod sasama na ako sa inyo sa taas ng bundok. Tayo-tayo lang din naman ang magtutulungan dito," ani Lance pagkahatid niya sa amin sa tabi ng kalsada. Kailangan na naming umuwinngayon, dahil nakwento namin kay Lance na ninakaw ang iba naming gamit. Ganoon daw talaga ang ibang mga naninirahan dito. Sa hirap ng buhay ay napipilitan silang gumawa ng masama, kaya nga nagpresinta siya na kahyt man lang gamit sa pangkain ay ipapahiram niya sa amin. Habang tahimik kaming bumalik sa bundok, rinig pa rin namin ang kabilaang sigaw ng mga batang naglalaro sa kalsada. Sumasalubong tuloy sa amin ang alikabok dulot ng kanilang ginagawang pagtakbo. Natigilan kami sa paglalakad nang may humarang sa aming dinadaanan. "Ano pang ginagawa ninyo rito? Binalaan na namin kayo," wika ng isang matanda habang matalim naman kaming tiningnan ng dalawa pa nitong kasama. Sasagot pa sana ako ang kaso lang ay tinapik ni Laurenz ang balikat ko. Nararamdaman siguro niya na naiinis na ako sa tatlong ito. "Hayaan na natin sila," ani Laurenz at akmang maglalakad na sana kami ngunit patuloy pa rin sila sa pagharang sa aming dinadaanan. "Ano bang problema niyo?" galit na sabi ni Johnson. "Noong nakaraan pa kayo! Hinaharangan ninyo ang tindera na magsabi sa amin ng totoo, tapos kinabukasan nalaman na lang namin na patay siya! Siguro kayo ang may gawa non no?!" bintang niya. Kaagad naman namin siyang hinila. Sa sobrang galit niya, hindi na niya napigilan ang kanyang sinasabi. Tiim bagang namang tumingin sa amin ang tatlo at mukhang pinipigilang makagawa ng anumahang dahas. "Matapang ka, bata!" pagbabanta ng nasa kaliwa. Naalala ko ang sinabi sa aking pangalan nito e. Si...Lourdes. Sa tindig niya ngayon, para nansiyang gagawa ng masama. Kaya siguro halos lahat ng tao rito takot sa kanila. Napatingin din ako sa ibang bata na kanina ay naglalarp, ngayon tahimik lang silang nanunuod sa amin. "Sinasabi na namin sa inyo, habang may panahon at may oras pa umalis na kayo rito. Hindi namin kontrolado ang bawat paggalaw niya." "Alam mo, kahit anong sabihin mo wala kaming pakialam!" Mataman siyang tiningnan ni Johnson. Tinulak pa niya ang huling nagsabi non kaya pati kaminni Laurenz ay nagulat. "Tumabi ka nga riyan! Wala kaming panahon para sa inyo!" Bago kami maglakad, nagsalita pa ang matanda. 'Mamamatay kayong lahat! Mamamatay kayo!" at saka sila nagtawanan. Kami naman ay dumiretso sa paglalakad. Kahit nakakaramdam ako ng kaba at takot, tinago ko na lang sa sarili ko iyon at paulit-ulit akong napalunok. Masyadong mabigat ang binitawan nilang salita kaya sana, sana walang mabgayring masama sa amin pag-akyat namin ng bundok. "Akala siguro nila masisindak nila tayo! Manigas sila. Kung magpapakaya lang tayo sa kanila, wala tayong mapapala," singhal ni Johnson habang paakyat kami sa bundok. "Pero Johnson, mali naman kasi na akusahan mo sila na pumatay doon sa tindera," kahit natatakit ay nagsalita na ako. "Alam mo, Mellisa! Huwag ka nang plastik. Alam nating lahat na sila ang pumatay sa tindera. Ngayon, kung ako na ang mamamatay alam niyo na kung sino ang ha-hunting-in ninyo!" Nagtinginan na lang kami ni Laurenz at nagmaling umuwi sa taas ng bundok. Pagakrating doon, laking pasasalamat naman namin na wala nang nawala sa aming gamit. Mabuti na lang at pinabaunan pa kami ng ulam at kanin ni Lance, kaya hindi na namin problema ang pagkain para mamaya. Mayroon pa rin naman kaming tubig na sapat hanggang bukas. Siguro ay pupunta na lang kami ng ilog at sasabay na rin sa paghahanap ng tuyong kahoy. Bumababa na ang araw, kaya naman nagsimula nang magsunog ng apoy si Laurenz. Kami naman ni Johnson ay nagpupulot sa gilid ng maliliit at tuyong dahon. Kahit lumipas na ang dalawang oras ramdam ko pa rin ang inis ni Johnson sa tatlong matanda na iyon. Hindi na lang ako umimik dahil baka malipat pa sa akin ang galit niya. Mabilis lang nakapagsindinng apoy si Laurenz, medyo malamok na rin sa aming pwesto, kaya pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami kaagad sa aming tent. Magkakaharapan lang ang aming tent, para kapag may nangyari ang isa sa amin, makikita kaagad namin kapag gumalaw ang kanilang tent sa loob. "You know guys, medyo nakukuha na ni Lance ang tiwala ko," pagbubukas ni Johnson ng usapan. Kaming dalawa naman ni Laurenz ay nakikinig lang. "Ewan ko sa inyo ha? But when he spoke up? Feeling ko malaki ang tiwala niya sa atin. Sabihin na kaya natin ang plano sa kanya?" "Huwag!" kaagad na umalma si Laurenz. "Marami pa siyang kailangang patunayan sa atin. Hindi siya ang mawawalan kapag pinagkatiwalaan natin siya, tayo mismo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD