PEAK THIRTY NINE Laurenz's POV Nakahandusay, hinang-hina ako. Nahihirapan na ako sa paghinga. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata. Tila ba natanggap ko na na katapusan ko na. Nag pagdilat ng mga mata ko, nakita ko si Melissa. Ibang-iba siya sa kanina. Punong-puno ng luha ang kaniyang mga mata, nagmamakaawang gumising ako. Melissa's POV Nagising ako sa ingay ng paghilig nitong si Laurenz. Kakaibang hilik na ito. May halong pagsasalita na eh. Hindi ko nga lang maintindihan. Napansin kong nakahawak siya sa tagiliran niya at tila hindi ito makahinga. Sa takot ko ay tumayo ako agad sa kinahihigaan upang gisingin siya. "Laurenz! Laurenz! Binabangungot ka!" sigaw ko sa mukha nito na naging dahilan upang magising din si ginoong Mario. "Anong nangyari?" 'ka niya. "Si Laur

