NANG matapos na kaming kumain, nagpahinga muna kamis a tapat ng apoy na ginawa namin kanina. Nakakapanibago lang dahil iyong mga nakaugalian na naming gawin dito ay hindi na namin magawa, dahil wala na ang mga gamit namin. Pati pala iyong cellphone nina Johnson at Laurenz na nasa kanilang bag, natangay din.
Habang tahimik kaming nagmamasid sa gilid-gilid napag-usapan namin iyong plano na inilatag ni Lance kanina. Sa totoo lang, hindi pa rin ako masyadong kumbinsado sa kanya, lalo na kakakilala lang namin. Pero naniniwala ako sa kanya na kaya siya nagpunta rito para maipaghiganti niya ang kanyang ina at kapatid. Kung tutuusin ay napakasakit niyon sa kanya, lalo na siya na lang ngayon ang natitira.
"Naniniwala ba kayo sa Lance na iyon?" tanong bigla ni Johnson na abala sa pagbubunot ng damo sa kamyang tabi. "If you were asking me kung naniniwala ako? Sasabihin kong hindi, o medyo pwede na. Parang ang dami pa niyang tinatago kasi sa atin," paliwanag pa nito.
"Naobserbahan ko rin iyan kanina," dagdag ni Laurenz. "Noong kinukwento niya na nakita niya ang pumapatay ng tao at nasa harapan na niya iyon, kung tagalagng gusto niya nang katarungan at ipaghiganti ang kanyang magulang at kapatid, hindi na siya magdadalawang isip pa para hindi patayin kung sino man iyon."
Sa bagay, napapaisip din ako sa lagay na iyon. Tsaka isa pang kinakabahala ko, kung umakyat nga siya sa bundok na iyon, bakit wala man lang siyang palatandaan katulad ng sa amin? Saan galing ang mga armas namin? Napakarami kong katanungan na nababalot sa isip ko, pero pinagsasawalang bahala ko lang iyon. Hanggang ngayon kasi, natatakot pa rin ako sa magiging kahihinatnan namin dito.
"One thing more," ani Johnson. " The way he looked at our number sign. Parang hindi naman siya pamilyar dito. Tsaka kung umakyat nga siya, hindi ba sila nagkatagpo ni Lola Elena? For sure, kahit ilang araw naman siya dito dadalawin siya ni Lola Elena, right?"
Sumang-ayon kaming dalawa ni Laurenz.
"Siya nga pala," singit ko. "Ilang araw nang hindi dumadalaw dito si Lola Elena. Ano sa tingin ninyo, sasabihin na ba natin sa kanya ang nangyari kina Alex? Baka sakaling matulungan niya tayo. Isa pa, sumama na rin tayo pababa sa kaniya. Hindi na ako kumportable dito 'e," dire-diretso kong sabi.
"Hindi pwede," seryosong saad ni Laurenz. "Hindi bat sinabi na nating huwag tayong basta-basta magtitiwala sa iba? Kahit sino pa iyan, huwag muna tayong makikibagay. Hindi natin alam kung sino ang nagsasabi ng totoo at hindi. Hindi natin kilala kung sino talaga ang mamamatay tao."
"Pero diba mat hinala na tayo na baka si Ka-Marsing iyon? Paano kaya kung hanapin natin ang bahay niya? Malay niyo may makita tayo doon!" pag-uudyok ko.
"Mellisa, hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos," halata ang inis sa boses ni Johnson.
"Tama siya, Mellisa," dugtong naman ni Laurenz. "Lalo na kung wala pa tayong ideya kung sino ba talaga ang pumapatay sa lugar na ito. Huwag tayong magmadali dahil tayo rin ang mapapahamak sa bandang huli."
"Eh paano na nito? Hahayaan na lang natin ang pagkamatay nina Addison, Mark at Alex? Tutunganga na lang tayo rito at hihintayin ang ibang tao na makatuklas sa tinatago ng bundok na ito?" reklamo ko.
Hindi ko maintindihan kung paano nila nagagawang maging kalmado sa nangyayari ngayon sa amin. Parang wala lang sa kanila na nawala ang aming mga kaibigan.
"Hindi sa ganon, Mellisa!" alma ni Johnson.
"Eh ano? Hahayaan na lang natin na ubusin tayo ng lintek na 'yan?!" hindi ko na maiwasang tumaas ang boses ko.
Upang makaiwas sa namumuong away sa pagitan namin, napili ko na lamang na lumayo muna sa kanila at magpunta sa kinaroroonan ni Addison at Alex kung saan namin sila inilibing. Mabuti pa sil sumasang-ayon sa akin ngayon.
Medyo madilim na sa parteng ito ng gubat dahil hindi na saklaw ng apoy na pinaringas namin. Sa tapat kasi ng puno namin inilibing sina Addison at Alex, habang si Mark naman ay sa kakahuyan na lamang. Ang tanging palatandaan lang kung saan sila nilibing ay ang mga krus na ginawa namin para sa kanila. Kahit wala na sa libingan nito si Addispn ay palagi ko pa rin siyang dinadalaw. Hindi na rin kasi namin mahanap ang katawan niya kahit sa ibaba pa ng bundok.
Tinanggal ko ang tsinelas ko, tsaka ginawa iyong upuan. Tumabi ako sa puntod nila at nagsimula nang magkwento.
"Alex, nakaka-miss din pala ang pagtataray mo ano? Alam mo, simula nang mawala ka parang lumubog na rin sa hukay ang isang paa ni Johnson. Hindi na rin namin alam kung ano ang gagawin. Alex, sana tulungan mo kaming mahanap ang pumatay sa inyo. Gusto naming makamit ang katarungan sa may gawa nito. Gusto naming matapos na ang lahat."
Medyo gumaan naman ang pakiramdama ko habang nagkukwento sa kanila. Kahit hindi sil sumasagot, at least nailabas ko ang hinanai g ko kina Laurenz at Johnson. Bigla naman akong napatayo nang matumba ang krus na ginawa namin para kay Alex. Aayusin ko sana iyon, ngunit biglang lumubog ang paa ko sa hukay. Nanlaki ang mata ko habang kinakapa ko ito...
"Aaah!"
Dali-daling tumakbo sina Johnson at Laurenz sa kinaroroonan ko habang may dala silang kahoy na may apoy.
"Anong nangyari?" kaagad na bungad ni Laurenz.
Hindi naman ako makapagslaita sa gulag, kaya tinuro ko na lamang iyong pinaglibingan kay Alex. Inilawan naman nila iyon at laking gulat din nila nang makitang nakahukay ang lupa.
"Hindi! Hindi pwedeng mawala iyon! Nasaan na ang katawan ni Alex?!" Kinakabahang sabi ni Johnson.
Kaagad naman naming hinanap kung saan maaaring mahulog ang katawan nito, pero kahit anong pilit naming isipin, imposibleng mangyari iyon. Halata rin ang pagkahukay sa libingan ni Alex, wala na kaming ideya kung saan napunta iyon ngunit nang magtinginan kami ay tila iisa lang ang nakuha naming sagot.
"Ang mga taong nagpunta kanina rito na kumuha ng gamit natin. Hindi malabo na sila rin ang kumuha sa bangkay ni Alex," ani Laurenz.
Wala na kaming ibang maisip na pagsususpetsahan, dahil kahit mga maliliig na bagay sa aming tent ay kinuha rin nila. Hindi ko lang lubos maisip na ano ang gagawin nila sa bangkay nina Addison at Alex? Bakit pagkatapos nilang patayin ang mga ito ay saka naman nila kukunin ang katawan.
Napag-usapan din namin na dalawin bukas ang puntod ni Mark dahil hindi malabo na baka ganoon din ang mangyari. Napakarami na ngang problema, dumagdag pa itong mga nawawalang bangkay. Ano ba itong nangyayari sa Shibuyan!
Gusto pang hanapin sa baba ni Johnson ang katawan ni Alex at unaasa siya na baka nahulog lamang, ngunit hindi na namin siya pinahintulutan. Masyado nang malalim ang gabi at baka iba na ang naghihintay sa kanya doon. Hindi namin siya mapakalma s apag-iyak at laging sinasambit ang pangalan ni Alex. Alam kong lahat kami dito ay nahirapan sa pagkawala ng mga kaibigan namin. Kahit ako ay hirap pa ring tanggapin ang nangyari kay Addison. Kita ko rin ang lungkot sa mata ni Laurenz kapag naalala si Mark ngunit ang mas nasasaktan ay si Johnson.
"Pinapangako ko, hinding-hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nbabawi ang katawan ni Alex. Pinapangako ko," matalim na sabi ni Johnson.
Sa ngayon ay bumalik kami sa dati naming pwesto. Napagpasyahan din namin na hanapin muli si Lola Elena. Pakiramdam ko ay siya lang ang makakasgaot ng napakarami naming katanungan. Isa pa, si Lance masyado siyang paligoy-ligoy sa pagkukwento at hindi gaanong tugma ang sinasabi niya sa sinasabi ng mga nani irahan dito. Katulad na lamang ng tindera, hindi ko rin alam kung bakit ganoon na lamang makatingin sa amin ang tatlong matatanda.
Ano kaya ang gusto nilang ipadating?
"Mellisa?" tawag ni Laurenz.
Bigla naman akong nagising sa ulirat nang marinig ko siya. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko pala dito sa tapat ng apoy.
"P...pasensya na, hindi na mauulit," paumanhin ko.
"Hindi, ayos lang. Kaya naman naming dalawa ni Johnson ito. Mas mabuti oang magpahinga kana, para bukas maaga tayong makababa ng bundok."
"Seryoso ka?" nag-aalangan ko pang tanong kay Laurenz.
Tumango lamang silang dalawa. Kahit nahihiya akong tumayo ay kinapalan ko na ang mukha ko, ilang araw na rin kasi akong walang maayos na tulog kaya bumanaba na ang talukap ng mata ko. Siguro tama nga sila, ipagpahinga ko na lang muna ito at bukas ay marami pa kaming gahawin at pupuntahan.