TWENTY ONE

1324 Words
Dahan-dahan kong minukat ang mata ko nang maramdaman ang malamig na hanging sumampal sa mukha ko. Nakalimutan kong wala pala akong kumot, kaya pinasok na ako ng lamig dito sa loob ng tent. Umagang-umaga tuloy nainis na naman ako sa magpapamilyang iyon. Pati kasi kumot ay kinuha nila, pero sa bagay, baka sa hirap ng buhay dito ay wala silabg mga gamit kaya nagagawa nilang gumawa ng masama. Humihikab pa akong palabas nang tent at biglang umurong iyon nang hindi ko makita sina Johnson at Laurenz. Bigla akong kinabahan na baka pati sila ay nakuha na o hindi kaya may nangyari nang masama. Inikot ko ang buong paligid, ngunit wala pa rin sila. "Johnson? Laurenz?" tawag ko upang kumpirmahin. Baka kasi ay nasa gilid lang sila o hindi kaya tinataguan ako. "Nandiyan ba kayo?" Ilang segundo na ngunit wala pa ring sumasagot. Napagdesisyon ko nang hanapin sila kahit hindi pa ako nakapagmumog at nakapag-ayos ng sarili. Kahit sino naman siguro kakabahan kapag nakitang wala ang mga kasamahan mo. Sila na lang nga ang kasama ko rito, mawawala pa. Magsisimula na sana akong bumaba nang bundok nang marinig ko naman ang boses nila dalawa na nag-uusap. Kaagad ko silang sinalubong at nakita si Johnson na may bitbit na puting sako. "Oh, Alyssa! Gising ka na pala, tamang-tama may nahuli kaming dalawang ibon dito," ani Laurenz. "Kumain muna tayo bago ulit tayo bumaba sa bundok." "Anong klaseng mukha 'yan?" natatawang sabi ni Johnson habang pinagmamasdan akong tulala. "K...kasi kinabahan ako 'e. Akala ko pati kayo nawawala na," saad ko. Nagtawanan naman silang dalawa habang nilapag ang sako sa damuhan. Nagsindinmuna ng apoy si Laurenz at kinuha ko ang isang natitirang kawali namin. Nilagyan ko iyon ng tubig at pinainit. Habang kumakain kami, napag-usapan na naming tatlo kung saan kami unang magpupunta. Balak talaga namin puntahan si Ka-Marsing ngayon, hindi para manggulo. Magtatanong lamang kami sa iilang bagay, kung pahihintulutan nila kami. Pangalawa, hahanapin namin ang bahay ni Lola Elena. Umasa kasi kami na pupuntahan niya kami kahapon, ngunit ilang araw na rin siyang hindi nagpapakita sa amin. Kung hindi naman namin siya makita, didiretso na lang kami sa bahay ni Lance, dahil iyon naman talaga ang orihinal na plano. "Laurenz, Mellisa?" tawag ni Johnson, kaya natigil ako sa pagsubo ng kanin. Seryoso ang mukha niya, kaya pati si Laurenz ay nag-aalala. "Ano 'yon?" tanong ko. "Paano kung...kung isa na naman sa atin ang mamatay? Paano kung nagpapahupa lang ang mamamatay tao na iyon? Hindi ba kayo natatakot? Hindi konalam kung anong pattern ang ginagamit ng mamamatay tao dahil parang ginugulo nila tayo." "Kung may papatayin man na isa sa atin, sisiguraduhin kong pupuruhan ko na iyon," seryosong sabi ni Laurenz. "Matagal ko nang iniisip ito. Naunang mamatay si Addison an may numerong 001 sa leeg. Pangalawa naman si Mark na mag numerong 002. Pero oarang nililito tayo ng killer na iyon dahil imbis na si Johnson ang sunurin niya, mas inuna niya si Alex na simpleng pagsakal lamang sa leeg ang kanyang ginawa." "Tsaka..." sabat ko. "Bakit kaya ang kinamatay nila lahat konektado sa leeg? Hindi niyo ba napapansin? Si Addison, tinamaan ng sibat sa leeg, si Mark naman naputol ang ulo. Si Alex sinakal, hindi kaya..." "Malabo!" singhal ni Johnson. "Hindi pwedeng si Lola Elena iyon. Nakikita niyo naman, napakabait niya sa atin. Ni minsan, hindi sumagi sa isip ko iyon. Tsaka bakit niya gagawin ang ganun bagay? Mas mukha pa ngang siraulo si Ka-Marsing kesa sa kanya e! Ang creepy ng mukha." "Ikaw talaga, bunganga mo!" bawal ko naman kay Johnson. "Totoo naman diba? Tsaka pinaliwanag na sa atin ni Lola Elena na ang numero sa leeg natin, palatandaan na nagbibigay tayo ng respeto dito sa bundok. Nagkataon lang siguro na pare-parehas ang pagkamatay nina Addison, Mark at Alex. Tsaka kung sino mang killer 'yan? Kailangan na niyang maghanda. Hindi pa kami nagkikita, pero alam kong hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa mga kaibigan natin." Pagkatapos naming kumain ay nag-ayos na kami ng aming mag dadalhin at gagamitin pababa muli ng bundok upang mangalap ng impormasyon. Hindi ko na mabilang kung ilang araw na kaming nandito, pero sa totoo lang habang patagal kami nang patagal sa bundok, parang nakukuha ko na ang gustong iparating sa akin ni Laurenz noong una pa lang. Hindi na ako nag-stay dito para makapaghiganti o kahit ano. Gusto kong matunton kung sino ang killer na pumapatay ng daan-daang tao, para mawala na sa isip ng mga tao na nakakatakot ang lugar na ito. Sa totoo lang, napakaganda ng lugar ng Qari. Marami kang pwedeng puntahan, pati na ang mga tao rito ay mababait. Hindi lang namin alam kung sino ang mga nagbabalat-kayo. Pero malakas talaga ang kutob ko, may koneksyon ang tatalong matatandang babae na nakita namin kahapon sa kung anong nangyayari dito sa bundok. Hindi lang masabi ng tindera kahapon dahil nakabantay ang mga iyon. Bigla tuloy akong napaisip. "Paano kaya kung balikan natin 'yung tindera kahapon? Siya muna ang puntahan natin, bago si Ka-Marsing?" suhestiyon ko. Kaagad naman silang sumang-ayon sa akin. Sigurado naman ako na wala na doon ang tatlong matanda na nagbabantay, kaya mas makakausap namin iyong tindera nang masinsinan. Pagbaba namin sa bundok, kaagad kaming dumiretso kung saan kami dumaan kahapon. Bigla naman kaming napatigil sa paglalakad nang may nakuta kaming tao na naglulupong sa tapat mismo ng tindahan na pinuntahan namin kahapon. "Ano na naman kayang meron doon? Bakit ang dmaing tao?" tanong ni Johnson. "Tara, tingnan natin!" ani Laurenz at dali-dali kaming tumakbo patungo sa kinaroroonan ng mga tao. Pagdating namin doon, nanigas ang paa ko at tila hindi makapaniwala sa aming nakita. Ang tindera na sanang pupuntahan namin ngayon, heto at duguan. May tama ng sibat sa kanyang leeg, at ang mas nakakabahala sa amin. Ang sibat na ginamut sa kanya ay ang sibat ding ginamit na pang patay kay Addison noon. "Hindi. Hindi maaari..." bulong ko sa sarili. Ang buong paniniwala ko ay ang mga taong umaakyat lamang sa hundok ang nabibiktima ng ganito kaharas na pagpatay. Pati pa pala ang mga walang malay na tao dito sa Qari pinapatay na rin. Rinig ko pang usapan ng mga katabi namin dito na kaya pala raw kagabi ay sigaw nang sigaw si Linda. Linda pala ang pangalan nito at humihingi daw siya nang tulong. Nakakapagtaka lang, dahil naririnig na pala nila iyon kagabi, bakit hindi pa nila magawag tulungan ito? Isa pang pumapasok sa isip ko, hindi normal ang pagpatay kay Linda. May motibo ang gumawa nito sa kanya, parang...parang pinatahimik siya, dahil may alam siyang sikreto ng lugar na ito? Hindi ko masabi, pero may hinala na ako kung sino ang may gawa nito. Bigla namang hinila ni Laurenz ang kamay ko, kaya bigla akong nagising sa pagmumuni-muni. Lumayo na kami sa nagkukumpulang mga tao. "Hindi maaari." ani Johnson. "Nakita niyo ba ang sibat na ginamit sa pagpatay sa kanya?" "Oo." sagot ni Laurenz. "Iyon din ang sibat na ginamit sa pagpatay kay Addison. Kung hindi ako nagkakamali, mukhang alam ko na kung sino ang mga killer. Hindi ito isa, kung hindi tatlo." "Pero paano nga tayo makakasiguradong sila iyon?" tanong ko sa kanila. "Alyssa, hindi mo pa ba nahahalata?" bulong ni Johnson. "Kahapon hindi ba bantay sarado nila ang tindahan ni Linda? Habang kinakausap ka rin ni Linda, binabantayan siya ng tatlong babae? Hindi pa ba halata na sila ang pumatay?" "Kaya ba hindi sila tinulungan ng mga kapitbahay nila?" tanong ko. "Maaaring ganun nga, Mellisa. Maaaring alam na nila ang nangyayari sa lugar na ito at alam na nila kung sino ang pumapatay, kaya imbis na lumaban sila ay nanatili lamang saradonang kanilang bibig sa nangyayari dito," paliwanag sa akin ni Laurenz. "Ngayong may duda na tayo kung sino ang gumagawa ng karumal-dumal na ito, sa pangalawang plano na tayo. Gumawa na tayo ng paraan upang kumpirmahin na sila nga talaga iyon." "Paano?" tanong ko. "Sumunod kayo sa akin," ani Laurenz at tumakbo pabalik sa kakahuyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD