Melissa's POV Hanggang sa aking pagtulog ay naaalala ko pa rin ang aking mga nabasa sa diary na iyon. Tila ba hindi ako mapakali. Hindi ko naman alam nuon ang mga bagay na ito pero ngayon ay isa-isang bumabalot ay bumabagabag sa akin ang mga laman niyon. Dahil hindi ako makatulog, minabuti kong lumabas na muna dala ang isang lampara na binunot ko sa hallway ng bahay. Nang makalabas na ako ng bahay ay dumako ako sa tabing puno na may bakal na upuan at doon nagpahangin. Nahiga ako sa mahabang upuan na iyon at tumingin sa mga bituwin. Napakarami. Ang ganda. Tumingin ako sa mga bituwin hanggang sa marinig ko ang kaluskos ng mga damo at dahon at nakita kong naglalakad si Laurenz papunta sa akin dala ang isang malapad na blanket. Inilatag niya ang blanket at saka sinilaban ang mga

