Emma's POV Ngayon, binigyan ako muli ng isa pang pagkakataon para itama ang isa kong pagkakamali. Hindi ko na hahayaang magkaroon pa ako ng isa pang bagay na pagsisisihan ko sa tala ng aking buhay. Napagbintangan ako nang walang kamalay-malay, sa isang kasalanang kahit sa isip ko ay hindi ko magagawa; ang pumatay ng isang bata. Magulang din ako at ang mawalan ng isang anak ang isa sa mgapinakamasakit na naranasan ko kaya't hinding-hindi ko magagawa ang ibinibintang sa akin ng baliw na iyon. Nakuha pa niya talagang magsulat ng diary na punong-puno ng mga kathang isip. Ang buong akala ko pa naman ay ang galit lang ni Elena tungkol sa pagtugis namin sa kanila ang dahilan kung bakit niya gustong paghigantihan si Melissa. Ngunit mayroon pa palang mas malalim na rason at yaon na laman

