bc

Gayuma ni Drey Silvano

book_age16+
225
FOLLOW
1.2K
READ
possessive
kickass heroine
sporty
bxg
humorous
lighthearted
campus
school
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kawalan ng lakas ng loob, kumapit si Drey Silvano sa isang Gayuma. Ginawa niya iyon para mapaibig ang babaeng nagugustuhan niya.

Sikat naman siya. Katunayan isa siyang Campus Heartthrob at tinitilian ng mga babae. Wala lang talaga siyang lakas ng loob.

Nang minsang dumalaw sila sa Hacienda nila sa probinsya, nakilala niya ang Lola ni John. Ang matandang manggagamot na isa sa kanilang mga tauhan kasama ang asawa nito. Doon niya nakuha ang gayumang magpapa-ibig sa mahal niya. Pero sa kamalas-malasan sa maling tao niya naibigay iyon. Ang masama pa dun ay kay Enday iyon.

Enday o Eriella Deane Forteza. Isa siyang babaeng 'Freak' kung tawagin ng marami. Palaging magulo ang buhok niya at di mahilig sa suklay. Mukhang maton at mahilig sa Basketball.

Expect the worst thing. Dahil nagkaluko-luko na ang buhay ni Drey. Palagi niya nang nakikita ang mukha ng babae. Palagi siya nitong sinusundan kahit saan siya magpunta. Kahit sa CR pa yan ng mga lalaki.

Ito yata kabayaran sa mga kalokohang nagawa niya.

Damn... This must be crazy!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Third Person POV: "Pass!" Sigaw niya habang nakatingin sa bola. Hindi niya iyon hiniwalayan ng tingin kahit nasaan iyon mapunta. Agad namang pinasa ng kasama niya ang bola. Kakahawak niya palang niyon ay agad na siyang tumalon para i-shoot iyon. Pasok at walang mintis ang tira niya. Humihingal na huminto ang mga kasama niya. "Woah, walang kupas Captain!" Ani ni Arcille na hinihingal pa. "Galing talaga ni Captain, walang kapantay." Ani naman ni Amon. "Tapos na ang practice, Guys. Magpahinga na kayo!" Matigas niyang sabi saka inalis ang pagkaka-ponytail ng kanyang buhok. Napangiwi ang mga ka team mates niya sa buhok niya. 'Parang pugad ng ibon.' Ani ni Daisy sa isip na napangiwi pa. 'Hindi ba talaga nagsusuklay si Captain? Ang sama ng buhok niya, para talagang mangkukulam.' Napa-iling naman si Jackie sa naisip. Siya si Eriella Deane Forteza o mas kilala bilang “Enday Mangkukulam” ng Silvano University. Isa siyang babaeng may mahaba at curling buhok, ngunit dahil tinatamad siyang magsuklay ay nagiging wasak ang itsura niyon kaya naman napagkakamalan siyang mangkukulam ng marami. Isa din siyang Amazona dahil sa pagiging boyish ng dating niya. Mahilig siya sa larong Basketball at sa kasalukuyang Team Captain ng Women's Basketball Team ng University nila. Mahilig siya maluluwang na damit at ang paborito niyang kulay ay itim. Kaya naman lahat ng damit niya ay purong itim. Isipin niyo ang itsura niya. Isang babaeng may mahaba at itim na itim na buhok na parang pugad ng ibon dahil hindi nasusuklayan. Nakasuot ng itim at maluwang na damit tapos nagpa-palda pa ng mahaba na kulay itim din. Kulang nalang mag dala siya ng walis tingting at sumbrerong pang witch para makumpleto ang outfit niya eh. Pero sa halip na Walis tingting ang dala niya ay bola iyon at isang normal cup na kulay itim. Ibig sabihin, isa siyang Boyish, Manang, Nerd, Mangkukulam at Amazonang tao. Sino bang magkakagusto sa kanya?? Baliw ang taong papatol sa kanya kung meron man. Pero sadyang tamad siya at aksaya lang sa oras niya ang pag-aayos sa sarili ay nakasanayan na niya iyon. Wala naman kasi siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao eh. Kung ano lang ang kukuha ng interes niya ang kanyang pinagtutuunan ng pansin. “Oh si Enday.” Ani ni Bogz, ang captain ng Mens Basketball team. “Bogz! Kayo na!” Sigaw dito ni Enday, saka pawisang naglakad palabas ng court. Nadaanan niya ang buong Men's Basketball team kasama ng mga ka team niya habang naglalakad palabas. “Enday, malapit na ba birthday mo? Reregaluhan sana kita ng suklay.” ani Rionnel. Napalingon dito si Enday. “Hindi na, marami ako nun sa bahay, di ko nga lang ginagamit.” Pigil na napatawa si Drey sa sinabi ni Enday kasama ng mga ka team niya. “Hanep talaga tong pormahan ni Enday nuh, yan ba tawag sa mga modern witch?” Lucas. “Hindi yan, parang mahihiya ang mga modern witch na sinasabi mo pag kinumpara mo sa kanya. I think nag-aayos sila kisa kay Enday.” Natatawang ani ni Jacob. “Tingin niyo may magtatangka kayang manligaw dun?” Tanong ni Bogz. “Baka siya yung manligaw, Capt. Kung sa akin rin lang, baka maging sumpa pa pag nangyari yun.”- Drey. Nagtawanan ang lahat. “Oo nga, alam na namin mga tipo mo Drey. Si Shanaih nuh?”- Lucas. Nailang bigla si Drey ng biglang napunta sa kanya ang atensyon ng lahat ng may nanunuksong ngiti. “Ah damn, wag kayong maingay baka may makarinig. “Wooooooh, yun oh. Natotorpe agad, para saan pa at tinitilian ka ng mga babae dito sa University?” Jacob. “They’re just doing that because I’m the school owner’s son.” Drey. “And your looks too.” Bogz. “Tingin niyo paano kaya ma-inlove ang isang Enday?” Rionnel. “May balak ka bang maging subject of affection niya? Supportado ka namin pre.” Nagtawanan ang lahat. “No, naiisip ko lang na magiging disaster pag nangyari yun. Sa ating lahat dito, si Drey ang nangungunang magiging subject of attention ng isang Enday. Tiyak yan.” Rionnel. “Dinamay mo pa ako, sobrang layo ni Enday sa tipo kong babae. There’s no way I would fall in love with her.” Drey. “Hoy, wag magsalita ng patapos, baka kainin mo yang sinabi mo.” Natatawang tugon ni Jacob. “f**k! Bakit ba sa akin niyo pinapasa si Enday? May ibang babae na akong nagugustuhan, sa inyo nalang.” Naiilinmg na sagot n i Drey. “Galaw-galaw kasi pre, baka mamaya maunahan kana ng iba diyan sa ganda niyang si Shanaih.” Lucas. “Madaling sabihin, pero mahirap gawin.” Drey. “Kay Enday kana lang kasi, HAHAHAHAHA!” Jacob. “Oh tama na yan, practice na tayo.” natatawang ani ng captain nilang si Bogz. Napailing naman si Drey habang pumapasok sa kanyang isipan ang itsura ni Enday. Napangiwi siya ng maalala ang ayos nito. There is really no way that he would fall in love with her. ****** “Hello, Shanaih!” Bati ni Bogz sa dalaga. “Captain! Tapos na ba kayo sa practice niyo?” Shanaih. “Yes, how about you guys?” -Mahinang siniko ni Drey si Bogz ng lumapit sa kanila si Shanaih. “Mamaya pa kami captain, magpapa audition nga kami for new recruits, medyo kulang kami sa tao e.” “Active na active kayo ah. Nga pala, Hi daw sabi ni Drey.”- Jacob. “f**k you!” Pahiyang ani ni Drey kay Jacob na tinawanan lang nito. “Hi din!” Nakangiting reply ni Shanaih. Kaya medyo napatulala si Drey. ‘s**t, ang ganda niya!’ “Yun oh, completo na araw ng tropa namin dito.” -Rionnel. “Hi, Lucas!” Shanaih. WTF? Napatahimk ang lahat. “Sige Capt, una na ako.” Ani ni Shanaih at umalis na sa harap nila. “f**k you, Lucas!” Ani ni Drey. “Teka, bakit ako? Wala naman akong ginagawa ah?” Lucas. “What the- Ikaw pala gusto?” Rionnel. “Come on, guys! Inosente ako dito.” Lucas. “Inosente ba? Wasak na puso ng isa dito.” Jacob. “s**t, what just happened right now?” Tila hindi pumasok sa utak ni Drey ang nangyayari sa paligid. “Di ka gusto, pre!” Jacob. “Sorry, pre! Mukhang mas pogi ako sayo.” Lucas. Napahawak si Drey sa puso niya at napaluhod. “Agh… ang sakit!!!!” “Ambulance! Tumawag kayo ng Ambulansya!” Rionnel na nagpapanick. “What the heck?” Nawe-weirduhang pinanood ni Bogz ang mga kaibigang parang mga baliw na nagda-drama sa gitna ng daan. Pinagtitinginan na sila ng ibang mga estudyanteng dumadaan. Parang siya na ang nahiya sa mga pinag-gagawa ng mga ito. “C-capt!” Itinaas ni Drey ang isang kamay paabot kay Bogz, habang ang isa naman ay nakahawak sa puso niya habang nakahiga at inaalayan ni Jacob. Tumutulo pa ang mga luha ng mga ito. “Stop that! You’re embarrassing me!” Ani ni Bogz at medyo lumayo sa mga weirdong kaibigan. “Ang sakit!” Naluluhang pagda-drama ni Drey. Parang nawala na ang mga image ng mga ito sa mga pinag-gagawa. “Tumayo kana nga diyan. Mag-inom tayo mamaya para mawala na yang sakit.” Ani ni Bogz. “Effective ba yun?” Tanong ni Rionnel. “Sige, pero wag nating isama yang taksil na yan!” Ani ni Drey na nakatingin kay Lucas. “Di ko naman kasalanan kung ako ang crush ng crush mo ah. Si Athanasia lang gusto ko. ” Depensa ni Lucas sa kanya. “Athanasia? Sino yun?” Rionnel. “Ah basta yun na yun! Bakit ba ako may kasalanan? Inosente ako ditong nakasupporta lang sayo pre.” -Lucas. “Basta, ayaw ko munang makita ang pagmumukha mo. Humarap ka sa likod!” Dali-dali namang humarap si Lucas sa likod. Napailing si Bogz. Wala na, malala na talaga mga kaibigan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.0K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook