Story By Yumetrix
author-avatar

Yumetrix

ABOUTquote
I want to try writing those plots I have in mind. I\'m not good but I want to challenge myself to grow more and be better. Hope you all enjoy my stories.
bc
Gayuma ni Drey Silvano
Updated at Jan 6, 2026, 18:00
Dahil sa kawalan ng lakas ng loob, kumapit si Drey Silvano sa isang Gayuma. Ginawa niya iyon para mapaibig ang babaeng nagugustuhan niya. Sikat naman siya. Katunayan isa siyang Campus Heartthrob at tinitilian ng mga babae. Wala lang talaga siyang lakas ng loob. Nang minsang dumalaw sila sa Hacienda nila sa probinsya, nakilala niya ang Lola ni John. Ang matandang manggagamot na isa sa kanilang mga tauhan kasama ang asawa nito. Doon niya nakuha ang gayumang magpapa-ibig sa mahal niya. Pero sa kamalas-malasan sa maling tao niya naibigay iyon. Ang masama pa dun ay kay Enday iyon. Enday o Eriella Deane Forteza. Isa siyang babaeng 'Freak' kung tawagin ng marami. Palaging magulo ang buhok niya at di mahilig sa suklay. Mukhang maton at mahilig sa Basketball. Expect the worst thing. Dahil nagkaluko-luko na ang buhay ni Drey. Palagi niya nang nakikita ang mukha ng babae. Palagi siya nitong sinusundan kahit saan siya magpunta. Kahit sa CR pa yan ng mga lalaki. Ito yata kabayaran sa mga kalokohang nagawa niya. Damn... This must be crazy!
like
bc
One Night Changes
Updated at Aug 6, 2022, 10:00
Siguro nga talagang bata pa ako at di nag-iisip ng tama. Hindi ko iniisip ang hinaharap ko, pati na ang kalalabasan ng mga desisyong pinipili ko. Nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko, kaya ngayon ito, dala-dala ko parin ang bunga ng kamaliang nagawa ko noon. Isang bungang naging sentro ng buhay ko. Para sa lahat ng maling desisyon na nagawa ko sa buhay ko, ito lang siguro ang hinding-hindi ko pagsisisihan. Ang dumating sa buhay ko ang anak ko. Kaya naman, lahat gagawin ko para sa kanya. Magpapatuloy ako sa buhay kasama siya at mangangarap ulit para sa aming dalawa. Kaya kung bibigyan man ng panginoon ng isa pang pagkakataon para sumayang muli, sana dalawa kaming matanggap niya. Kung hindi, di bale nalang.
like