bc

One Night Changes

book_age18+
79
FOLLOW
1K
READ
possessive
family
fated
pregnant
others
single mother
bxg
realistic earth
love at the first sight
passionate
like
intro-logo
Blurb

Siguro nga talagang bata pa ako at di nag-iisip ng tama. Hindi ko iniisip ang hinaharap ko, pati na ang kalalabasan ng mga desisyong pinipili ko. Nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko, kaya ngayon ito, dala-dala ko parin ang bunga ng kamaliang nagawa ko noon.

Isang bungang naging sentro ng buhay ko.

Para sa lahat ng maling desisyon na nagawa ko sa buhay ko, ito lang siguro ang hinding-hindi ko pagsisisihan. Ang dumating sa buhay ko ang anak ko.

Kaya naman, lahat gagawin ko para sa kanya. Magpapatuloy ako sa buhay kasama siya at mangangarap ulit para sa aming dalawa. Kaya kung bibigyan man ng panginoon ng isa pang pagkakataon para sumayang muli, sana dalawa kaming matanggap niya.

Kung hindi, di bale nalang.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Chelly's POV: "Hoy Babae! umising kana diyan kung ayaw mong ma-late sa trabaho mo!" Umagang-umaga palang ay ang malakas na bunganga na ng kuya niya ang naririnig niya. Pupungas-pungas niyang kinuha ang kanyang cellphone upang tumingin sa oras. Ah lintek, pasado alas-sais na ng umaga. Tiyak na mala-late talaga siya kapag di pa siya bumangon sa higaan niya. Lumingon siya sa paligid upang hanapin ang apat na taong gulang na anak. Wala na ito sa tabi niya kaya malamang andun na yun sa labas kasama ang kuya niya. Nagmamadali siyang bumangon upang makaligo na at makapag-ayos. Kailangan niyang maging maaga ngayong araw na ito dahil may event na gaganapin sa hotel na pinagtatrabahuhan niya. Napangiti siya ng makitang kumakain na ang anak pagkababa niya mula sa kwarto nila. Humalik siya sa pisngi nito at pinanggigilan muna bago umupo upang saluhan itong kumain. Habang kumakain ay chine-check niya ang mga message sa cellphone niya upang tingnan kung may importanteng mensahe ba na tungkol sa subject nila sa school o sa thesis na ginagawa ng groupo niya. Sa ngayon ay wala pa naman siyang nakitang importanteng gagawin kaya pinatay niya muna iyon at nagfocus sa pagkain. "Ma, baka gabihin ako mamaya dahil may event sa hotel. Ikaw na bahala kay Kai ah." Aniya sa ina na busyng nanunuod ng umagang palabas sa tv. Tumungo lang ang ina at tila focus na focus sa tv'ng pinapanood kaya di na siya sinagot. Napanguso nalang siya at ipinagpatuloy ang pagkain habang paminsan-minsang sinusubuan ang anak. Bilang isang single mother ay talagang kailangan niyang pagsabayin ang pag-aaral, pagtatrabaho, at pag-aalaga sa baby niya. Buti nalang at andito nanay niya upang bantayan ito habang wala siya. Isa siyang single mother na maagang nabuntis dahil maagang lumandi. At Oo, aminado siya doon. Ginusto rin naman niya ang nangyari dahil ngayon ay may cute na cute na anak na siya. Ang isa sa mga pinaka-kinaiinisan niya lang sa past niya ay ang tungkol sa ama ng anak niya na hindi niya makasundo kaya hiniwalayan niya ito. Ngayon, mag-isa nalang siyang pinapalaki ang anak niya, sa tulong at suporta narin ng pamilya niya. Ito siguro ang maganda kapag maaga kang nabuntis. Yung supportado ng pamilya mo kagagahan mo. Oo sa una talagang mapapagalitan at mamumura ka nila, pero sa huli andiyan parin sila at tatanggapin ka sa kabila ng katangahang ginawa mo. Kaya nga ngayon ito siya, ini-enjoy ang single life kasama ang anak niya. Well... partly. Dahil sa totoo lang, nakakamiss yung feeling na may nag-aalaga sayo, yung laging nandyan para sayo. Yung feeling lang ah, hindi yung ex niya. Dahil sa totoo lang, iyon yung taong pinaka-ayaw na niyang pag-usapan. Yung taong laging asa sa magulang, at mama's boy. Lahat nalang inaasa sa nanay nito na siyang pinaka-kinaiinisan niya. Kaya ayun, iniwan niya. Mabuti narin yun at nabawasan na sakit niya sa ulo. Maliban sa anak, ay wala na siyang ibang connection sa ex niya. Ngayon trip niya maghanap ng magiging jowa kaya panay tambay niya sa dating app. Pero wala naman siyang mahanap dun. Kung meron man, matatanggap kaya siya bilang isang single mother? Kaya nga di na lang niya sineseryoso ang mga bagay na tungkol sa love life. Kung may dumating man sa buhay niya edi go, pero kung wala ay magfo-focus nalang siya sa anak niya. At least may mag-aalaga na sa kanya kung sakali mang tumanda na siyang walang kinakasama. 'Hayst, kailan kaya ako magkakajowa ulit? Ka-miss yung feeling na mainlove ka.' Ani sa isip. Ah basta sa ngayon, focus muna sa goal na makapagtapos ng pag-aaral. Buti nalang at online class sila ngayon dahil sa pandemic, kaya di siya nahihirapang pumasok sa klase kahit nasa work. Napagsasabay naman niya, time management lang talaga. Tinapos na niya ang pagkain at nag-ayos ulit ng unti bago nagpa-alam sa ina at anak. "Ma, Alis na ako! Si Kai ah!" Sigaw niya sa mama niyang nanunuod ng TV. "Sige ingat!" Anito. Napa-iling nalang siya at lumabas na ng bahay. Medyo ganyan talaga sila sa bahay mag-usap. Malalakas boses na tila galit kapag nagsasalita, pero hindi naman talaga. Ganyan pag Caviteño. Pagdating niya sa hotel na pinapasukan ay bumati agad siya sa guard at mga kasamahang nakakasalubong. Ngumiti siya sa mga ito at agad na tumulong sa pag-aayos at paghahanda ng mga kailangan ng guest nila. "Breakfast for our guest in room 203. Sila yung kasamahan nung mga a-attend sa event mamaya. Chell, samahan mo nga akong magserve ng mga ito sa table nila." Ani ni Rhea habang ina-abot sa kanya ang isang tray ng pagkain. "Okay, ako tambay sa counter ah." Aniya at ngumiti dito. "Sige, pero samahan mo akong maglinis mamaya para mapadali trabaho ko." "Oh-oh, naka assign ako sa ground mamaya para mag assist ng maglalaro ng golf." Aniya. "Ay, sige si Arji na ngalang. Magpapalibot kana naman malamang sa buong resort mamaya." "Haha, ganyan pagmaganda. Dapat e display ang awra." Nakangising tugon niya dito. "Lol, lika na nga at e serve na natin to." Hinatid na nila ang pagkain sa table na inuupuan ng mga guest nila. Pero medyo di nila napigilang mag chismiss habang papalapit sa table na pagse-servan. "OMG, bat ang popogi naman nitong guest natin?" Tila natitilihang ani ni Rhea sa kanya. "Waah, kaya nga. Mukhang jackpot tayo ngayon at makakasilay ng mga magagandang nilalang. Blessings in our eyes din to, minsanan lang mangyari to." Aniya. Napadako ang tingin niya sa lalaking nakasalamin habang hawak-hawak nito ang cellphone nito. "Gwapo naman." Bulong niya. "T*ng*na, sobrang pogi din nung kasama." ani ni Rhea na napapamura pa. Nang makalapit sila sa table ng mga ito ay tila mga professional na pinag serve nila ito ng pagkain. Nag-uusap ang dalawa kaya rinig nila iyon. "Kuya, maglalaro ba tayo ng golf mamaya? Parang mas gusto kong mag swimming eh." ani ng lalaking nakasalamin. Mukhang magkapatid ang dalawa base sa pagkakasabi nito ng kuya. "Maglaro muna tayo, and then after that we can swim together." Ani ng kuya nito. Napatingin si Chelly dito at nakita niyang sobrang pogi din nito. Pero para sa kanya mas may appeal yung lalaking nakasalamin. "Okay. Sana samahan mo rin akong mamasyal kuya, hindi yung nakakulong ka sa kwarto mo. Medyo matagal narin mula nung huling uwi natin dito sa Pilipinas." Ani nung lalaking nakasalamin. "Sure. Just inform Mom and Dad first. Baka mamaya hanapin tayo ng mga yun. Tss... They can't even let us go alone, afraid that we'll do something they don't like." "Right, when are they gonna let us do what we want? They're controlling us like a puppet. And you-" "Don't talk about me, Ethan." Tumahimik yung Ethan, o yung lalaking nakasalamin ng lumamig ang boses ng kapatid. "Do you miss her?"- Tanong nung Ethan. "Miss who?" "Reese." "It's been four years, Ethan." "But you still love her right?" "I'm already married, thanks to our parents. Tsk!" "Right. But what if you'll meet her again? You made a promise right?" Nanahimik yung kuya nito sa tanong nung Ethan. Hindi man sadya pero gumagana ang pagiging marites ko sa mga oras na ito. Wow, hanep ng usapan ng mga ito. Sino naman kaya yung Reese? "I don't know. Maybe, she already found someone who will not hurt her like what I did. Someone who will be by her side and make her happy." "Hard." Ethan commented. Doon na siya sumingit lalo na at tapos na sila maghanda ng pagkain ng mga ito. "Yan na po, mga Sir. May iba pa po ba kayong kailangan?" Aniya sa mga ito pagka-arrange nila ng order. Bumaling sa kanya yung Ethan at ngumiti. "We're good, Miss. We'll call you if we need something again." Napatitig siya saglit sa mukha nito. Napaka-pogi talaga. "A-ah okay sir. Nasa counter lang po ako kung may kailangan pa po kayo." Aniya at yumuko na sa mga ito bilang paalam. Kinurot pa siya ni Rhea ng tumalikod silang dalawa malayo sa mga ito. "Grabe, Girl. Mga balikbayan pala mga yun. Sosyal. Nakakapogi talaga sa lalaki kapag nagsasalita ng English. Lalo na kung pogi naman talaga." Ani ni Rhea. "Oo nga, ang popogi nila. Lalo na yung Sir Ethan." Aniya. "Ay taray. Nakuha niya name nung isa, kaso yung isa hindi." "Kasal na ata yung isa. Rinig mo naman usapan nila kanina diba?" "Oo nga, sayang." Ani ni Rhea. "Wow, makasayang ka naman kala mo may pag-asa e nuh?" ngisi niya dito. "Aba malay mo? Libre mangarap." Natatawang ani ni Rhea na may paghampas pa sa balikat niya. "Tas hanggang pangarap lang. Saklap naman." Medyo bitter na ani niya. "Ay naku, magtrabaho na nga tayo." Natatawang ani ni Rhea at tumuloy na papuntang Kitchen ng hotel habang siya ay pumunta sa counter upang magbantay sa iba pa nilang guests na nandoon. To be continued...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.3K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.1K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook