CHAPTER 2

1713 Words
Chelly's POV: Busyng-busy sila sa pag-aayos para sa event at pag-aasikaso sa iba pang mga guest. Paroon at parito bawat isa sa kanila habang inaasikaso ang mga naka assign sa kanilang gagawin. Nagbabantay parin siya sa mga guest nila sa counter habang maya-maya ay naglilinis ng mga nakikitang kalat o hindi maayos sa bagay na nakikita niya. Kunti lang ang guest nila ngayong araw dahil yung mga dadalo lang sa event ang nakabook sa kanila ngayon. Kaya naman nakakapagfocus ang bawat isang kasamahan nila sa gagawin sa party habang sila naman ay inaasikaso ang mga guest nila. "Hi Miss- ahh Rachel?" Lumapit sa kanya yung lalaking nakasalamin o yung Ethan at ngumiti sa kanya matapos basahin ang nameplate niya sa uniporme. "Yes po, Sir. Do you need anything?" Tanong niya dito. "Ah yes, may I have additional same order that my brother Liam and I ate to serve at Room 206? My sister's in there, she did not eat breakfast yet. Maybe she'll eat it for brunch." Ngumiti siya dito kahit medyo napapatulala siya sa kapogian nito at sinulat ang inorder nito. "Okay, Sir. Is that all?" Tanong niya dito. "Right. Instead of coffee, please serve a glass of orange juice for her." Anito. "Anything, Sir?" tanong niya ulit dito matapos kumpermahin ang inorder nito. "No, that's all." Anito. Tinawag na niya ang order nito sa kitchen at bumalik agad sa pinuwestuhan niya kanina. Nakita niyang andun pa iyong Ethan na guest nila at mukhang wala pa atang balak umalis. Naka-upo lang ito sa harap ng counter habang nagce-cellphone. Parang nakakahiya naman atang bumalik sa pwesto niya dahil malapit lang ito sa kanya. "Oh, you're back!" Ngumiti ulit sa kanya ang pogi nilang guest. God, nakakatunaw ang ngiti nito. Kung ice cream lang siguro siya ay talagang tunaw na tunaw na siya dito. "Do you still need anything, Sir? Drinks?" She asked to confirm if their guest needs anything he wants her to do. "No, there's none. Just wanna hangout here. It's boring inside the room so I'll stay here for a bit." Anito. Mukhang makwento itong tao at mabait, hindi tulad ng kapatid nito kanina na mukhang strikto. "Ah okay, Sir. I hope you're comfortable there. Or do you want to sit on the sofa so that your stay will be much more comfortable." aniya. "I am okay here. You're very caring, Miss Rachel. Thanks by the way." Anito. Medyo namula siya sa pagtawag sa kanya nito ng Rachel. Sh*t lang. Sobrang nakaka-inlove naman ng ganitong klaseng lalaki. Yung approachable at mukhang down to earth. Hindi katulad ng ibang guest na lagi niyang nakakasalamuha. "No problem, Sir. Just tell me if you need something you want me to do." aniya dito "There is one thing actually." Anito ng nakangiti sa kanya. "Want to chat for a bit? So that I'll not get bored while staying here." Natilihan siya sa sinabi nito. My god, kakayanin ba niyang makipag-usap sa ganito kapoging nilalang ng matagal? Baka mag nosebleed siya nito. Waaah! "A-ah, sure, Sir. If you have anything you're curious about with me, I'll answer it if it's not too private." Aniya. Ngumiti ito sa kanya at tumitig sa mukha niya. Paktay na. Matutunaw na ako nito katagalan. "Let me introduce myself first, Miss Rachel. I'm Ethan Arcedez!" Inilahad nito ang kamay sa kanya kaya di niya maiwasang tanggapin iyon. "Rachel Javier, Sir. But you can call me, Chelly!" Aniya. "Chelly? It's a cute nickname. Very suitable for a very pretty girl like you!" Anito na ikinapula niya ng tudo. Waaah, bat parang lumalandi ito sa kanya? Papatulan talaga niya ito, kung di lang sana bawal sa hotel policy nila. s**t lang, matutunaw ka mamaya chelly. Lagot ka! "Ay si sir nambula. Pero tama po kayo, maganda nga po ako." Maypagkabaliw na sabi niya na ikinatawa nito. "I see, not very humble ah." natatawang kuminto nito kaya gusto niya tuloy mapakamot bg ulo. Kung di lang siguro magugulo ang buhok niya. 'Ang gaga mo, Chel!' Aniya sa sarili. Alanganing tumawa lang siya sa sinabi niyo. Sobrang naiilang talaga siyang kausap ito pero keri lang naman, makalandi lang haha. "So, have you worked here for how many years now?" Tanong nito. "Not years, Sir. Bago lang po ako dito. Nag-umpisa lang po sa on-call gawa ng mga kaibigan kong nagta-trabaho din dito. So far mga anim na buwan na po akong andito kasama na ng pag-on-call." Pagkwento niya. "On call? I thought you're regular here? So, what are you've been doing tell now?" Langya parang na straight English na tong usapan nila ah. Nawa hindi sa lahat ng oras. Nakaka-intindi naman at nakakapagsalita ito ng tagalog. Siguro dahil lang yun sa nakatira ito sa ibang bansa tulad ng narinig niya mula sa usapan nito at ng kuya nito kanina. "I'm still a student, Sir. Uhm, working student actually. Graduating na po this year." Aniya. "Woah, buti napagsabay mo pag-aaral at pagta-trabaho. Di naman mahirap? Especially that we're experiencing this pandemic." Anito. "Medyo mahirap po, Sir. Pero kaya naman po pagsabayin para sa baby ko." Aniya. "Baby? You're married?" Di makapaniwalang tanong nito. Natigilan siya at napatutop ng bibig. Langya, nasabi ba talaga niya iyon? Sobrang tabil talaga ng bibig niya. Waaah, kainin na siya ng lupa ngayon na. "Ah-eh, hindi po. Single mother po ako." Sinabi niya nalang, wala e. Naunahan na siya ng bibig niyang magsalita kesa makapag-isip. Nakakawala ata ng tino ng isip kausap tong pogi nilang guest. "Wow!" Kumento nito. "You handle that all? School, work, and your baby? How old is she or he?" Manghang tanong nito. "Lalaki po baby ko, Sir. Ano Four years old na po." aniya. "And how old are you?" Curious na tanong nito. "Uhm, 22 na po ako sir." Langyaaaaa, parang maku-kwento na niya ata pati nga kabaliwan niya dito. Pwede namang di niya sagutin ang tanong nito, pero nakakawala ng isip kapag nagtatanong ito. Napapa-diretso siya ng sagot. Baliw na nga talaga ata siya. "Amazing! I think you're too young to conceive a child at that time. And yet you still handle it?" "Kaya naman, Sir. Ganun talaga kapag nainlove ka sa taong akala mo siya na talagang para sayo, pero at the end mali pala. Dala lang pala ng bugso ng damdamin. Pero di ko naman po pinagsisihan. At least may cute na baby na ako ngayon." Aniya. Tinitigan siya nito kaya napa-iwas siya ng tingin. T*ngna, buti nalang walang masyadong guest at ito lang andito ngayon sa counter. Kung hindi yung kahihiyan level niya baka umakyat na hanggang utak niya at magpakain na talaga siya sa lupa. "Right. May mga bagay na akala mo sigurado kana, pero kusa din palang mawawala sayo." Medyo may dumaang lungkot sa mga mata nito habang sinasabi iyon. At tila na amaze pa sa kanya dahil sa kabaliwan niyang taglay. "Pero tingin ko mukhang di mo nga pinagsisihan yung pagkakaroon mo ng baby ngayon." "Di nga po, Sir. Masaya naman po ako dahil sa baby ko. Siguro yun yung isa sa mga bagay na nangyari sa akin sa kabila ng katangahan ko." Aniya. Medyo tinitigan niya ng mukha nito dahil sa na curious siya sa dumaang kalungkutang nasilip niya mula sa mga mata nito kanina. Natawa ito ng bahagya sa sinabi niya. "Aminado ka namang katangahan nga yung ginawa mo dati?" anito. "Ay opo. Kung uulitin man, di na po ako uulit lalo na't sobrang pangit nang ex ko na yun. Tuwing iisipin ko nga di ko malaman kung bat nagawa kong patulan yun." Alanganing ani niya. Napahagakgak na ito sa sinabi niya. "You're cool, ain't yah? Sa dami ng nangyari sayo dati natutuwa akong makitang ginawa mong paraan iyon para mag grow ka as a person, at maging daan iyon upang tumapang ka at gawin ang mga bagay na gusto mo ng hindi nagiging hadlang ang mga kamaliang nagawa mo. Nakakaya mong harapin ang ibang tao sa kabila ng mga nangyari sayo." Ngumiti ito sa kanya. "Sana kaya ko ding gawin iyon para sa sarili ko. Na kaya kong maging matapang upang ipaglaban ang lahat ng mga bagay na pinapahalagahan ko. Kaso... pinangunahan ako ng takot kaya ngayon kusa ko ng nawala yung bagay na pilit na pinanghahawakan ko." Nabanaag na naman niya ang lungkot sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Bahagya siyang napalunok. Bakit parang gusto niyang yakapin ito ng mga oras na yun? Bakit tila nasasaktan din siya sa nakikita niyang sakit na dumadaan sa mga mata nito? "Ayos lang kayo, Sir?" Parang tangang inabot niya yung tissueng malapit sa kanya at ibinigay dito. Napatitig ito doon at napatawang tumitig pabalik sa kanya na tila naaaliw sa ginawa niya. "I'm okay, Miss Rachel. I'm not crying." Anito. "Uhm, may mga panahon po talaga sa buhay natin na dumadaan tayo sa isang pagsubok na magda-down sa atin, Sir. Nasa atin din po kung paano natin iyon haharapin, katulad po ng nangyari sa akin. Kung alin man po yung mga nawala sa inyo dati, siguro hindi talaga iyon ang para sa inyo. Ngayon kung ayaw niyo pong mawala ang mga pinapahalagahan niyo tulad ng dati, dapat matuto na kayong lumaban, o ipaglaban yung mga bagay na pinapahalagahan niyo. Kasi buhay niyo yan. Kayo dapat magdikta ng kung anong gusto niyong mangyari sa buhay niyo at hindi ang ibang tao. Nandiyan lang sila para gumabay sayo patungo sa mga desisyong pipiliin niyo, pero at the end kayo parin ang masusunod niyon kung alin ang pipiliin niyo. At syempre dapat piliin po ninyo ang bagay na siyang higit na makakapagpapasaya sa inyo." Aniya. Namamanghang tumitig ito sa kanya. Maya-maya ay bigla itong pumikit at bumuntong-hininga. "Right! Maybe I'm just a fool for not fighting for what makes me happy before. Too foolish to think about ways to get things better. And too afraid to hold for my own happiness. I'm too foolish... ... and my brother too." Ngumiti ito ng maluwag ng dumilat at tumingin ulit sa kanya. "Thanks, Chel. That makes me feel better. From now on, I'll choose the things that'll make me happy." Anito. "Glad to help, Sir." She replied. "You should call me Ethan." He said. "Okay, Sir- ah, Ethan!" Aniya ng bahagyang samaan siya nito ng tingin sa pagsabi niya ng "sir". Ngumiti ito sa kanya pagkatapos. "Good, Girl!" To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD