Chelly's POV:
Alas sais ng gabi ang umpisa ng event para sa party na gaganapin sa araw na ito. Nalaman ko kanina na bunsong kapatid pala ni Sir Ethan na babae ang may party ngayong gabi. Kaya naman buong pamilya nila ang andito sa Resort, at mamaya lang ay darating naman ang mga kamag-anak nila at kaibigan.
Isa ako sa mga naka assign na magserve ng foods nila para sa party na to. It's a pool and garden party at naka exclusive para sa party na iyon ang buong Resort. Sobrang yaman nga siguro ng pamilya nila Sir Ethan. Malayo sa kanilang mga simpleng empleyado lang ng Hotel Resort na ito. Malayo sa kanya.
'Ahh... Bakit naman nasali yung sarili mo aber? Gaga ka talaga, Chel! Pa especial ka pa, dapat panglahatan na yung malayo sa inyo. Ano say mo dun? Ambisyosang palaka ka gurl!' Kontra niya sa sarili.
As if naman papatulan siya ng katulad ni Sir- Ethan. Asa pa siya diba?
'Hayst, buhay. Magtrabaho kana nga lang, gaga!'
Nang mag-umpisa ang Birthday party ay talagang nabusy na siya sa kakaserve ng mga foods ng mga ito. Na-espatan niya pa ang poging ayos ni Ethan habang nagse-serve ng food. Katabi nito ang nakakatanda nitong kapatid na kausap nito kaninang nagbe-breakfast ang mga ito. Poging-pogi din ng ayos niyon, pero kita mo ang ka-istriktuhan nito sa awra nito.
Nagse-serve siya ng drinks ng mapasulyap siya sa table nila Ethan na nakita niyang kasalukuyan palang nakatingin sa kanya.
Hala, nakakahiya dahil biglang nag salubong ang mga tingin nila tas ngumiti pa ito sa kanya. Tinunguan niya nalang ito at nag focus nalang sa ginagawa. Wengya, lakas ng kabog ng dibdib niya. Parang aatakihin ata siya puso.
'Hoy Chel, iba na yan. Baliw ka!' Aniya sa sarili. Napatingin ulit siya sa table nila Ethan na ngayon ay nakangiting nakatingin sa bunsong kapatid na babae.
'Ang pogi niya talaga!'
'Ay, Gaga stop! Focus nga e.'
At ayun, natapos nga ang party na puro panakaw na tingin ang ginagawad niya sa table nila Sir Ethan.
Well, hindi lang naman siya dahil maging ang mga kasamahan niyang babae ay ganun din ang ginagawa lalo na si Rhea na palaging bumubulong na 'pogi' kapag napapatingin sa nakakatandang kapatid ni Sir Ethan.
Pero palagi siyang namumula kapag bigla nalang nagtatama ang mga mata nila ni Sir Ethan. Nakakakaba na nakakakilig at the same time. Libre lang naman mag pantasya diba? Kahit na alam kong sa realidad ay napakalabo pa sa malabong tubig na magustuhan niya ako.
Biglang kumirot ang puso niya sa isiping iyon.
Ano bang pinag-gagawa niya? Alam naman niyang mga bagay na iyon pero di niya pa rin maiwasang masaktan. Sino nga lang ba siya?
'Hala uy, ano? Nahulog kana lang bigla? Ahhhh!!! Napakarupok ko talaga.'
Nagliligpit na ng mga gamit since nagsisipasukan na sa kani-kanilang mga kwarto ang iba sa mga guest nila. Subalit ang iba ay nag-iinuman parin, may iba naman na sumasayaw pa, at ang iba ay nagsu-swimming. Buti di sila nilalamig gayong gabing-gabi na.
Nakabihis na siya at papa-uwi na sana ng mapadaan siya sa pool at nakita niya ang isang taong sobrang nagpapalakas at nagpapakaba ng puso niya ngayon.
Putek na! Nakita niya sila Ethan kasama ang nakakatanda nitong kapatid na nagsu-swimming.
Nakapikit ang nakakatandang kapatid ni Ethan na tila inaantok na at nakasandal sa upuan ng cottage. Habang si Ethan naman ay sumisimsim parin ng wine habang nakababad ang kalahati ng katawan sa tubig. Balak atang maglasing ng tudo ng lalaking ito. O mukhang lasing na nga talaga.
Napatingin sa kanya si Ethan at ibinaba ang iniinom nito. Umahon ito sa tubig at naglakad palapit sa kanya.
"Hey Chel, are you going home?" Tanong nito ng makalapit ng tuluyan sa kanya. Nakita niya pa ang hindi diretsong paglakad nito na tila mabubuwal pa ata, pero deritso pa naman siyang magsalita.
"Yes po, Sir Ethan. Nakapag-out na po ako." Aniya. "Mukhang lasing na lasing na po kayo, dapat ata matulog na kayo."
Ngumiti ito sa kanya. "Hmm... I'm still fine though, just a bit dizzy." Anito.
"Lasing parin po kayo. Stop na kayong uminom. Tingnan niyo po yung kapatid niyo oh, nakatulog na ata dun." Turo niya sa kapatid nitong nakasandal ang ulo sa upuan ng cottage at nakapikit ang mata. Nakapang swimming din ito habang may puting tuwalyang nakalagay sa balikat nito pangontra ata sa lamig.
"Tss, don't mind him. H-he's not drunk. He only drank one glass of wine and went like that. I think he's just only thinking about that girl again." anito.
"Who's girl?" curious na tanong niya. Kumunot ang noo nito at tinitigan siya.
"Are you interested in my brother? I'm here, so don't look at him!" Tila galit na ani nito.
"Huh? Hindi-" Pinutol nito ang iba pa niyang sasabihin ng biglang sinandal nito ang ulo sa balikat niya.
"F*ck! I'm dizzy!" Anito. Natahimik siya at parang nagrigudon ang puso niya sa sobrang bilis ng t***k.
"Uhm, akyat kana sa room mo at matulog." Aniya dito.
Inangat nito ang ulo at tinitigan siya. "Accompany me, please?!" He plead.
Waaah, bakit ganito? Bakit sa kanya pinaparanas yung mga ito gayung napakarupok ng puso niya pagdating sa mga ganitong bagay.
"Huh, ahm-"
"Please?" Putol ulit nito sa sasabihin niya na nagpatunaw ng puso niya.
"F-fine." She said na ikinangiti nito.
"Thank you, Chel. Come on!" Inakay nito ang kamay niya at iniwan ang nakakatanda nitong kapatid doon.
"What about you brother?" Tanong niya dito.
"He can handle himself, he's not that drunk, not like me." Anito habang akay-akay siya.
Nung nasa hallway na sila banda ay ipinatong nito ang towel nito sa ulo niya at isinandal iyon sa balikat nito na tila parang inaalalayan siya.
"Anong ginagawa mo?" Nawe-weirduhang tanong niya dito.
"I'm dizzy! And you're too short for me to lean." Anito at ipinatong ang ulo nito sa ulo niyang nakasandal sa balikat nito habang naglalakad sila. Kung titingnan sa malayo ay para silang couple na inaalalayan ang bawat isa sa paglakad.
Weird, pero hinayaan niya lang itong iyon hanggang makarating sila sa pinto ng kwarto nito.
"You're key card?" Tanong niya dito.
Ini-abot nito sa kanya iyon kaya siya na nagbukas ng pinto.
Ginaya niya ito sa kama at ibinaba muna ang bag niya upang alalayan itong maupo. "Ayan, andito na tayo. You should take a shower now and sleep after. Uuwi na ako-"
"No! Stay here, Chel. Can you stay with me, please?" Hinawakan nito ang kamay niya at tila walang balak na bitawan siya.
"But-"
"Please?!" Putol ulit nito sa sasabihin niya.
'God! Bakit ako? Alam niyo pong marupok ako sa mga bagay na ganito, bakit naman pinaparanas niyo sa akin to?' piping bigkas niya sa isip. Sobrang lakas ng t***k ng puso niya lalo na at nakatitig ito sa kanya at nakahawak sa mga kamay niya.
Pakiramdam niya nanghihina siya. She's drawn to him.
Mind, heart, and even her body now. She can't help but to be drawn to him.
Nang hilahin nito ang mga kamay niya ay napaupo siya sa kandungan nito, kasabay ng pagkabig nito sa mga labi niya na siyang mas lalong ikinalunod niya.
Damn... Sinabi na ngang marupok siyang tao e.
To be continued...