CHAPTER 17

1330 Words
Enday's POV: Matapos kong kausapin si Drey ay tumuloy na kami sa loob. Nakamasid lang ito sa akin habang inaasikaso ako ng mga tauhan ni Ate Stella. Katabi niya si Daddy na kinakausap siya o kinikilatis pa. Pero madalas na sa akin siya nakatitig kaya naa-awkward tuloy ako. "Aray!" Ngumiwi ako nung subukang suklayin nang baklang nakatoka sa akin ang buhok ko. "My God, Sis! Ilang years na bang hindi nasusuklayan itong buhok mo? Ang tigas!" Natitilihang ani nito. "Ang haba ng buhok niya, Day! Pero kulot at natural pa. Virgin!" Ani nang isa pang kasama nito. "Mukhang mapapalaban tayo nito." Ani pa nung isa. Tatlo kasi silang sinusuri ang buhok ko. "Nga pala, Madam. Boyfriend mo ba yung pogi na yun na kasama niyo?" Tanong nung isa. Tumungo lang ako sa mga ito at nag-iritan na sila ng pinong-pino. "Ay sh*t! Saan ka ba nakabingwit nang ganyang kapoging nilalang, Momsh? Baka may kapatid pa yan, parito naman sa amin." Natitilihang kumento nung isa. Sa school po namin, marami sila doon nagkalat. Abangan niyo nalang po sa gate ng school namin baka makabingwit din kayo dun." Pakikisama ko sa kanila na tila kilig na kilig kay Drey. "Saan ba school mo, Momsh?" Tanong ng isa. "Silvano University po." Sagot ko. "Legit? Yung sikat na school na pang mayaman?" Nanlaki ang mata ng isa. Tumungo lang ako at ngumiti. "Ay kaloka, mahirap makabingwit dun kasi mga sosyalera ang mga nag-aaral dun. Pero himala ma'am at hindi kayo mukhang pasosyal. Wag sana kayong mao-offend pero ang chaka niyo pumurma. And this cap too na suot niyo hindi bagay sa get-up niyo." Kumento ng isa sa kanila. "Ayos lang po, sanay na akong masabihan niyan." Ani ko sa kanila. Tutuo naman e. Walang kaso sa akin kung ano ang sasabihin ng iba tungkol sa pananamit at ayos ko. Ang kaso, nasasaktan ako bigla kapag si Drey na ang may nasasabi nang tungkol sa akin. Ganoon talaga siguro kapag importante sa iyo ang isang tao, lahat ng kumento niya ay malakas ang hatak sa iyo. Pero siguro kaya di hindi na gaano kasakit kahit pa sabihin nila ngayon na ang panget-panget ko at hindi bagay kay Drey, kasi hanggang ngayon ay ang lakas parin ng epekto sa akin nung sinabi niya kanina. Na tanggap niya ako kahit ano pa ako. Napatitig ako bigla kay Drey na sa akin din pala nakatingin. Sh*t, legit na ang pogi niya. "Wag kang mag-alala, Ma'am. Kami na bahala sa transformation mo. Tiyak na mas lalong mahuhulog sa iyo yung jowa mo." Tila excited na sabi agad nung isang bakla. "Of course, pagagandahin natin yan! Gupitan nalang natin yung dulo since dry siya, and make it straight na parang model ng shampoo." Ani nung isa. At nabusy na sila sa pag-aayos sa akin. Halos aray ako ng aray dahil sa tigas ng buhok ko kapag sinusuklay nila. Binasa narin nila iyon at shinampoo. Nakakarelax lang sa ulo, inaantok tuloy ulit ako. **** Drey's POV: Nakatitig lang ako kay Enday habang inaayosan ang buhok niya. Nakapikit na ang mga mata niya at parang inaantok na. Napangiti ako dahil mukhang hirap na hirap ang tatlong baklang nag-aayos sa kanya at panay aray pa siya kanina habang sinusuklayan ang buhok niya. Mukha kasing hindi nadadaplisan ng suklay ang buhok niya sa loob nang isang taon. Kaya tuloy mukha na siyang pugad ng ibon. "Hijo, hindi ka ba nagugutom? Mukhang matatagalan pa yan sila, kumain ka kaya muna?" Tanong sa akin bigla ni Tito na katabi kong nakaupo. Dalawa kaming naiwan dito sa upuan dahil nagpaayos din ang Mama at Ate ni Enday. "Hindi naman ako gutom, Tito. Ayos lang sa aking maghintay." Ani ko sa kanya. Kanina ay mukhang hindi niya ako gusto para kay Enday, pero buti nalang at nakuha ko ang loob niya lalo pa at mahilig din siyang maglaro ng basketball. Siya pala ang dahilan kung bakit ganoon mag-ayos at kumilos si Enday. Nakikita ko sa ugali niya ang pagiging matigas din ni Enday, but it's cute that there is a soft side hidden between them na madali lang naman e point out lalo na kung tungkol sa mga taong mahalaga sa kanila ang pag-uusapan. "Ganoon ba? O sige, mamaya nalang at mukhang magsa-shopping pa ang mga iyan. Buti at nang may makakasama akong magbitbit nang mga pinamili nila." Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Mukhang sinama nga lang si Tito para may tagabitbit at driver na kasama ang mga ito. Wala namang kaso sa akin kahit maging tagabitbit pa ako ngayong araw na'to. Sa tutuo lang, mas nakaka-inip maghintay sa bahay habang inaabanagan kung magte-text o tatawag ba si Enday. Buti nalang at pumayag silang kasama ako sa bonding nila. Tumitig lang ako sa mga ginagawa nila kay Enday habang pinagmamasdan ang mga expression niya sa mukha. Minsan ay napapangiwi ito at minsan naman ay napapa-aray habang iniuunat ang buhok nito. "Maganda ang buhok niyang si Eriella. Ang kaso nga lang ay hindi naa-alagaan dahil sa hindi mahilig mag-ayos ang batang iyan. Nanghihinayang tuloy ako sa natural na kulot ng buhok niya." Ani ni Tito nang mapansing kay Enday lang ako nakatingin. "Hindi nga po siya nag-aayos, lagi lang siyang naka-cap at nakapusod ang buhok. Minsan nakita ko siyang nakalugay pero napagkamalan ko siyang multo dahil sa gulo ng buhok niya." Napapapangiti ako habang naa-alala iyon, hinding-hindi ko iyon makakalimutan dahil sobrang nagulat ko nun sa kanya. Sa sobrang asar ko ay nakipag-away nalang ako sa kanya sa pamamagitan ng basketball. I don't really care whatever her hairstyle is. Eriella Deane is still Enday no matter what her hairstyle is. But maybe, the new Enday now that she wants to change is an upgraded version of the usual Enday that I know. Not a witch girl but a kikay one? Well... Let's see! ***** UMABOT nang ilang oras bago natapos ang pag-aayos sa kanila. Sa wakas ay tila gamaan ang pakiramdam ni Enday sa bago niyang buhok. Parang hirap pa siyang igalaw ang ulo dahil sa takot na baka masira agad ang pagawa sa buhok niya, kaya naman parang tanga siya na may stiff neck habang sinusundan ng ulo niya ang bawat galaw ng buhok niya. Parang robot na ewan tuloy ang itsura niya. Nag inat-inat muna si Enday habang tinitingnan ang ate niyang nakikipagchismisan pa kay Ate Stella sa may counter. Mukhang biglang nagkasundo ang dalawa dahil sa pag approve ni Eris sa kinalabasan ng buhok ni Enday. Tingin ni Enday at magiging mag bestfriend pa ang dalawa dahil sa kilos ng mga ito na para bang sobrang close na sa isa't-isa habang kanina ay parang may alitan pa. Nang matapos ni Enday na sa pag stretch ay naglakad na siya papunta sa kinaroroonan nang ama at nang nobyo. Napatigil siya saglit sa harap ni Drey nang mapansing titig na titig lang ito sa kanyang mukha. "Ayos ba?" Tanong ni Enday dito. "Maganda!" Parang wala sa sariling sagot ni Drey habang nakatitig sa mukha nang nobya. Nahiya tuloy bigla si Enday sa mga titig nito at bumaling sa ama. "How do I look, Dad?" She asked. Nag approve sign naman ang ama na ikinangiti niya. Umupo siya sa pagitan nang nobyo at nang ama niya. Habang hinihintay ang Ina at kapatid na nag-aasikaso nang total amount na babayaran nila. Ikinawit ni Enday ang kamay sa braso ni Drey at sumandal sa balikat nito habang nakatitig sa gawi nang Ina at nang kapatid. Si Drey naman ay nakasuporta ang kamay sa likod ni Enday at awtomatikong umalalay ang kamay sa bewang nito. Habang sa kabilang gilid naman ni Enday ay napapa-iling nalang ang Ama nito habang nakatingin sa anak na tila naglalambing na kumapit sa nobyo nito. Nagmukha tuloy hangin ang tingin niya sa sarili habang nasasaksihan ang natural na kilos magkasintahan nang dalawa. "Hey, we're done na! Now, let's go to our next stop, the boutique!" Ani ni Eris na excited na lumapit sa kanila matapos nito at nang inang makapagbayad. ****** To be continued... NOT Edited.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD