CHAPTER 16

2004 Words
Enday's POV: Today is the day of my transformation at hindi pa nga nag-uumpisa ay parang gusto ko nang mabaliw sa pinagagawa ng Nanay at Ate ko sa akin. We went to a salon first and they choose a service package for me habang kasama sila. Una naming ginawa ay ang magpa body scrub with massage tapos nagpalinis narin ako ng kuko sa paa. Hindi na ako nagpakulay since masisira lang naman iyon dahil naglalaro ako ng basketball. Matatakpan lang iyon ng sapatos ko kaya useless lang. Nagpa massage narin sina Mommy at Daddy kasabay ko habang si Ate naman ay nagpapamanicure, pedicure and foot massage lang. Feeling ko nang mga oras na iyon ay natanggal lahat ng libag ko sa katawan. Although naglilinis naman ako lagi ng katawan pero nakakarelax talaga yung body massage na ginawa nila sa akin. Siguro mapapabalik ako dito everyweek para magpamasahe lalo pa at lagi akong naglalaro ng basketball. Nakakaganda kasi sa circulation ng dugo iyon sabi ni ateng nagmamasage. Saka magaan ang kamay ni ate kaya sakto lang ang pressure niya para sa katawan ko. Nakatulog pa ako habang minamasahe. Nang matapos kami ay naisipan naming kumain muna bago pumunta sa salon para magpa-ayos ng buhok ko, iyon ang sabi ni Mommy. Tanghali na kasi kaya gutom na rin kami. Enjoy lang, para kaming nagpa-family bonding minus yung mga kapatid kong lalaki na hindi namin kasama. "Hey, what are you doing?" Basa ko sa cellphone ko nung tumunog iyon. It's from Drey. Himala at naisipan akong e text nitong lalaking ito. Palagi kasing ako ang nauunang nagte-text sa kanya. Siguro nagtataka siya kasi mula kaninang umaga ay wala siyang natatanggap na text mula sa akin. "I'm outside, with my family." Reply ko sa kanya. Maya-maya ay tumunog agad iyon. "Where exactly? Can I join you?" He asked. Nilunok ko muna ang kinakain ko at napatingin kay Ate. "What?" She asked nang mapansing nakatingin ako sa kanya. "Drey asked if he can join us?" Ani ko sa kanya. "Are you crazy? Don't you want to surprise him?" Ani nito sa akin. "Who's Drey?" Biglang tanong ni Daddy na nagpatigil sa amin. Napalunok ako at tumingin kay Mommy. "Her Boyfriend." Baliwala lang na sagot ni Mommy. "At sinong nagsabing pwede ka ng mag boyfriend?" Tanong nito bigla. "Bawal ba?" Nakasimangot na tanong ko. Wala naman kasi siyang sinabing bawal magboyfriend, siguro akala niya ay hindi ako magkakaroon ng nobyo since maypagka maton ako kumilos. "Maniwala ka diyan, siya nga ang dami nang naging jowa kahit hindi pa 18 tapos ngayon magbabawal." Kumento ni Mommy. "Iba naman ako." Depensa ni Daddy. "Sus, sige ka. Paano pag hindi talaga iyan nagkaboyfriend tapos tumandang dalaga? Edi magiging mag-isa nalang iyang anak mo sa buhay. Walang mag-aalaga tapos mamamatay ng malungkot? Igagaya mo pa dito kay Eris itong bunso mo." Anito kay Daddy. "Hoy, bakit pati ako nadamay? Nananahimik po ako ditong kumakain." Kumento ni Ate na ikinatawa ko. "Malayo pa yun e. Saka na pag matanda na sila. Buti pa tong si Eris, no boyfriend since birth." "Di mo sure, Daddy!" Hirit ni Ate. "What? May boyfriend kana din?" Anito. "May sinabi ba ako, Dad? Sabi ko lang, di mo sure kung wala nga akong boyfriend since birth. Haler? Sa ganda kong to? Pinagpipilahan nga itong anak niyo tapos poproblemahin niyo pa kung tatandang dalaga. Kung sakali mang magkaganun nga, aba'y wag kayong mag-alala. Maghahanap ako ng donor para sa susunod na lahi natin." Ani ni Ate na ngumisi pa kay Daddy. "Ito talagang anak mo, Essay." Reklamo ni Daddy. "Kung talagang pinagpipilahan nga kayo, bakit wala man lang naisipang pumunta sa bahay para umagkyat ng ligaw?" Tanong pa ni Daddy. "Ahm!" Umubo ako saglit at nag-iwas ng tingin. Paano ko ba sasabihin sa kanyang ako yung nag propose upang maging jowa si Drey? Lagot ako nito. "Napaka old fashion mo talaga Daddy. Uso pa ba yun ngayon?" Kumento ni Ate. "Kapag seryoso sa iyo ang isang lalaki, kahit hindi pa uso iyan ay pupunta at pupunta sila sa pamamahay ko bilang respeto sa panliligaw nila." "Hindi ka nga pumunta sa bahay para magbigay ng respeto sa magulang ko e." Ani ni Mommy. "Buking ka, Dad!" Natatawang ani ko sa kanya. Tumatawa narin si Ate dahil sa sinabi ni Mommy. "Hon naman, iba yun e." Ngumusong sabi ni Daddy. Napa-iling nalang ako at napatitig sa cellphone ko. Di ko napansin na nag text pala ulit si Drey. Na miss ko tuloy siya bigla at parang gusto ko siyang makita. Sana tulad nina Mommy at Daddy ay sabay din kaming tatanda at maging masaya tulad ngayon. "I can't?" Tanong nito sa text. Napatingin ako kay Daddy at Mommy. "Can Drey join us, Mom, and Dad?" I asked. Tumingin ulit sa akin si ate na parang sinasabing nababaliw na ako. I don't need surprises. I just want to be with the person I miss the most and face the changes that will happen together. "Sige, at nang makilatis ko iyang boyfriend mo." Ani ni Daddy. Tumungo naman si Mommy kaya napangiti ako. "Sa Northwest mall nalang, see you at Adveca's Salon." I replied. Nang matapos kaming kumain ay dumeritso na kami sa mall. Lingon ako nang lingon habang tinitingnan kung nandoon na ba si Drey. Napangiti ako nang makita ko siyang nakasandal sa isang pader malapit sa Adveca Salon. Nakatutok ang mga mata niya sa cellphone niya kaya hindi niya kami napansin. Napakunot ang noo ko nang makitang may lumapit sa kanyang isang magandang babae at nginitian niya iyon at kinausap. "Hoy! Ano, nakita mo na boyfriend mo?" Tanong sa akin ni Ate. "Oo, Ate. Ang sakit na nga niya sa mata e!" Inis na sabi ko kay ate. Sina Mommy at Daddy ay nasa likuran namin. Ang babagal kasi nila maglakad, naglalandian pa. "Hoh! Ayun, may kalandian pala. Sure ka ba diyan sa boyfriend mo? Gusto mo ipasalvage? Sabihin mo lang kay Daddy, willing yun para sa iyo." Ngumisi si ate nang makita kung anong tinitingnan ko. "Tss, bat kasi ang pogi niya. Agaw tingin kahit saan magpunta." "Maghanap ka kasi ng pangit para hindi agaw pansin." Ani ni Ate. "Asa ka, Ate. Sabi nga sa kanta, kahit pangit ngayon ay nagluluko. Kung hindi naman ay mapili din nang maganda." "Oh, swerte nang napili mo. Bukod sa pogi na, hinid pa mapili since jinowa ka niya. Oh, mukha ding mayaman." Ani ni Ate habang inoobserbahan si Drey mula sa malayo. "Oh, bat kayo natigil diyan? Sino bang tinitingnan niyo? Boyfriend mo, Nak?" Ani ni Mommy nang makalapit na sila sa amin ni Daddy. "Saan? Yung may kausap na babae?" Tanong naman ni Daddy. "Mismo, Dad! Pogi nuh?" Ani ni Ate. "Mukhang babaero." Kumento ni Daddy. Napatawa si Mommy. "Kayo talaga, bakit ang judgmental niyo, baka kakilala lang." Kumento niya na ikinataas ng kilay ko. Lagot talaga sa akin itong lalaking ito. "Halika na, lapitan natin nang magka-alaman na." Hinila ako bigla ni Ate palapit kay Drey na siyang ikinalingon nito sa gawi namin. "Babe!" Tawag nito. "Hey!" Malamig na tawag ko dito at nag-iwas nang tingin. Naiinis kasi akong tingnan siya ngayon. "Hi! You're Drey, right? I'm Eris, Eriella's older Sister. And... they are our parents!" Pagpapakilala ni Ate habang nakahawak parin sa braso ko. "Yes, I'm Drey! Nice to meet you po!" Pagpapakilala nito kay ate at sa mga magulang ko. Hindi ako nakatingin sa kanila at kung saan-saan lang iginagala ang mga mata. Bahala sila diyan, naba-bad mood na naman ako parang bumabalik yung pakiramdam ko kaninang umaga. Iyong pakiramdam na nababadtrip ka na nalulungkot na niiinis na hindi mo maintindihan. Sumasama ang timpla ko. "Aba, ang pogi mo nga iho! Sino naman itong kasama mo?" Tanong ni Mommy dito. Si Daddy ay parang ako lang na nanahimik sa gilid at inoobserbahan ang mga nangyayari. "Ah, right. This is my cousin, Stella Adveca. She's the owner of the salon po, Tita!" Napalingon ako bigla sa kanila. "Ah, cousin pala." natatawang kumento ni Ate at kinurot pa talaga ako ng mahina. "Hello po, natutuwa akong makilala kayo. Sabi ni Drey magpapap-ayos daw kayo sa shop ko? Welcome po kayo dito, aba'y natutuwa akong magkaroon ng bagong customer na tulad niyo." Anito at bumulong pa talaga kay Drey na rinig naman namin. "Sino ba sila, Insan?" "Ah, Ate Stella, this is Eriella Deane, my girlfriend. And they are her family." Pagpapakilala nito sa amin. "G-GIRLFRIEND?!" Gulat na sigaw nito at napatitig pa talaga sa akin mula ulo hanggang paa. Tinaasan siya ni Ate ng kilay na parang sinasabi na, "sige, magkumento ka lang ng masama tungkol sa kapatid ko at makakatikim ka sa akin ng masama din kahit tutuo naman ang sinasabi mo." Awkward na tumawa ito. "Ang unique pala ng type mo Drey, kaya pala ngayon ka lang nagkagirlfriend." Kumento nito. "Talaga? Ngayon ka lang nagka Girlfriend, Hijo?"Di makapaniwalang tanong ni Mommy na siniko pa si Daddy. "Ay aba Oo po. Mahiyain kasi yan si Drey kaya ngayon lang nagkagirlfriend." Ani pa ni Ate Stella. 'Mahiyain?' Kontra ko sa isip. Hindi ako naniniwalang mahiyain iyan kasi nung una niya akong kinausap ay kung tudo na kung makapagsalita sa akin at makapanglait sa suot ko. Ginigigil niya ako noon tapos maiinlove din naman pala sa akin. 'Hah! Ganda ko talaga!' Ani ko sa utak ko. Pero bigla kong naalala na nagulat ko nga pala siya noon kasi akala niya multo ako. Sa ganda kong to, multo lang sa pangin niya? 'Ha! ngayon in love ka sa akin nuh?' Nakataas ang kilay ko habang nakatitig kay Drey poero nung lumingon siya sa akin ay napa-iwas ako nang tingin. Lintek na puso, nagulat ako dun ahhh... ang lakas tuloy ng t***k ng puso ko. "Nga pala, Tita. Pasensiya na at nakadisturbo ako sa family bonding niyo. Ayos lang po ba kung sumama ako sa inyo? Gusto ko lang pong makasama si Deane." Ani ni Drey kay Mommy. "Ayos lang sa amin, Hijo. Actually para nga kay Deane itong bonding namin ngayon." Ani ni Mommy. "Buti alam niyang disturbo siya nuh?" Mahinang bulong ni Daddy kay Mommy na siniko siya ng mahina sa gilid kaya hindi nakapalag. "Para po kay Deane? Why?" Takang tanong ni Drey. "Make-over!" Kumento ni Ate dito. "Ohh, that's our specialty! Wow, I'm excited to see the changes from her, Drey!" Kumento ni Ate Stella. "That's good! I'll judge what you'll work for later." Ani ni Ate. "That's fine! I will not disappoint you girl, I'm sure you'll like the result.": Ngisi ni Ate Stella kay Ate Eris na ngumisi din sa kanya. Inaya na nito kami sa loob ng salon pero nanatili lang ako sa labas nang hindi pumasok si Drey at parang inaantay na kausapin ako. Nakatingin lang ako sa buong reaksyon niya na tila nagulat sa sinabi ni Ate. Pasimple siyang lumapit sa akin upang kausapin ako. "Are you sure about this?" He asked, but I answered him coldly. "Yes! Ayaw mo nun? Wala ka nang magiging girlfiend na mangkukulam." ani ko sa kanya. "I did not say that. Teka galit ka ba sa akin? You're cold to me since earlier." anito. "Pansin mo?" Pilosopo kong sagot. "Eriella Deane!" Seryoso niyang tawag sa buong pangalan ko. "Oh, hindi na pala Enday pangalan ko ngayon. Ayaw mo nun? Hindi na sasabihin nang ibang tao na ginayuma kita, o kung ano-ano pang masasakit na salita na akala mo naman wala silang nasasaktan. Haler! Hindi lang ako palaayos na tao pero maganda kaya ako!" I said as I pointed out my frustration to him. "I agreed to that." Ani ni Drey na ikinasimangot ko. "I also agreed to them when they said those words to you about your look since it's the fact, but you know that I accepted you no matter what you are or how you dress yourself, right? If not, why would I accept your confession then?" Drey said seriously. That shut all my words up and made me stared at him for about half a minutes. This guy really... is making me crazy. To be continued... Not Edited.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD