WALANG TIGIL sa pag shoot ng bola si Enday habang habang hindi inaabala ang pawis sa kanyang noo. Lumilipad ang isip niya sa kung saan at pilit lang na inaabala ang sarili sa paglalaro ng bola.
"Hoy! Kaninang umaga kapa diyan ah. Problema mo?" Napatigil siya saglit sa boses na iyon at napalingon sa kapatid na nakasandal sa gilid ng pintuan habang nakatingin sa kanya.
"Wala, may iniisip lang ako." Aniya nang makita ang nakakatandang kapatid na babae. Nagpatuloy siya sa paglalaro ng bola at himinto saglit na tumingin sa kapatid. "Wala kang pasok, Ate?" Tanong niya dito.
Inikot nito ang mga mata na para bang sinasabing ang tanga niya. "Duh! It's Saturday right? Mukha bang may pasok ngayon? Saan ba tumatakbo ang isip mo at mukhang wala ka sa katinuan? Itigil mo na nga yan, ako ang napapagod sa'yo eh!" Anito. Huminto nalang si Enday at kumuha ng tubig upang pahupain ang sarili. "So? What's the problem?" Tanong pa ng kapatid niya habang inu-obserbahan siya.
"Halata bang may problema ako?" Natatawang tanong ni Enday.
"Yeah, it is! Kung wala kang problema, edi sana kanina pa pumapasok iyang bola mo sa ring. Ang kaso, sa gilid lang lahat tumatama at kanina ka pa sumasablay." Natigilan si Enday. Hindi man niya sinasabi sa ibang may problema nga siya pero halata pala talaga sa kilos niya. Ni hindi man lang niya matago ang sarili niyang nararamdaman sa mga pinapakita niya. Napaupo siya saglit at napabuntong-hininga.
"Ate, mukha ba talaga akong Witch?" Seryosong tanong niya sa kapatid.
"Tagal na, ngayon mo pa na realise yan?" Pang-uuyam nito sa kanya. "Di mo naman pinuproblema iyan dati ah, mukhang tanggap mo nga kung ano ang ayos mo kahit sobrang badoy naman, ano't parang pinuproblema mo iyan ngayon?" Ani ni Eris sa kapatid.
"You're right, Ate Eris! It's not a problem for me because I think that I look okay with how I dress myself. I don't care about what other people's opinion because you know... this is me. Ewan ko ba kung bakit ako nasasaktan nung umagree siyang mukha akong mangkukulam. I don't even know how to do the work of those that they said, so why would they think that I'm one of them?" Litanya ni Enday sa Ate niya.
"Who agreed whom? Your boyfriend?" Her sister asked. She nodded and bite her lower lip. She feels sad with the thoughts that Drey thinks about her being a witch. She knows that their is something wrong with them being in a relationship in the first place for other people's opinion, because it's really unbelievable to think that a handsome campus heartthrob like Drey would fall in love with someone like her. Nakakadown man isipin pero alam ni Enday na iyon nga ang tingin ng ibang tao sa kanya, at nasasaktan siyang isipin na ganun din ang tingin ni Drey sa kanya. A witch who cast an evil spell to make Drey fall in love with her.
"Masyado ka namang mag-isip. Baka kaya umagree iyong jowa mo sa sinabi ng kung sino man na witch ka, ay dahil baka tanggap ka niya kung sino ka pa. Like me, right?" Her sister Eris pointed out. "And I know the fact that you're not a witch since I'm your sister, kung mangkukulam ka edi parang tinanggap ko narin na ganun din ako, like ewww! Yung ayos mo lang ang nagmukhang mangkukulam pero okay ka naman." Kumento nang kapatid na ngumiwi pa sa kanya.
"Talaga bang tanggap niya ako?" Naniniguradong tanong niya sa kapatid. Kagabi pa kasi siya nag-iisip ng tungkol doon, kaya nade-depress siya dahil dun.
"Ako, tanggap kita!" Ani ng Mommy niya na sumilip mula sa likod ni Eris. Kanina niya pa kasi napapansin ang problemadong mukha ng bunsong anak, at ngayon nga ay narinig niya ang usapan ng dalawa. Her elder daughter asked her about their youngest wanting to change her style na hindi niya pinaniwalaan. Si Eriella kasi ang tipo na hindi palaayos sa sarili at Daddy's girl din, kaya pati ang konserbatibong pananaw ng asawa ay nakuha nito kahit wala naman sa hwesto.
"Ikaw pala, Mommy. Narinig mo ba ang problema ng bunso mo?" Tanong ni Eris sa ina. Tumungo ito at pinakatitigan ang bunsong anak.
"I heard from your sister that you want to change your looks, is that right?" She asked confirming if it's really true because dressing her daughter was one of her dream all along since she was young but she can't do that before because Eriella doesn't like girly stuff that girls usually likes. She's planning to do that today and schedule her youngest make-over since it's weekend, but she failed to ask earlier because of Eriella's troubled face.
Nang tumungo si Eriella ay napangiti ang Ina. Finally! Her youngest has woken up from her husband's weird ideologies. But she thinks that's all thanks to that Drey that she heard about, her youngest daughter's boyfriend. "Well, I know for sure that you won't change what you think is good for you just because you've fallen in love since you thinks like your father. And I know that you're comfortable with how you dress yourself. We'll just lessen your weird style for a bit and completely straighten up your hair. You've got that from me so it's curly. Nakakatamad pa suklayin kaya siguro ang tamad mo ding magsuklay. Mukha na siyang pugad ng ibon, Nak!" Kumento nito sa buhok ni Eriella.
"Hoo! So ano pang hinihintay natin dito? Arat punta sa mall, si Mommy ang gagastos!" Excited na ani ni Eris at hinila ang bunsong kapatid papasok. "Bilis! Maligo kana at magbihis!" Ani pa nito.
"Yung kapatid mo lang Eris, hindi kakasali sa budget. Alam kong mapera ka!" Kumento ng Ina sa nakakatandang anak na babae.
"Si Mommy parang others. Haler, anak mo din kaya ako! Libre mo din ako, kunin mo nalang yung card ni Daddy!" Anito habang paakyat ng hagdan.
"Oo nga nuh? Sige, magbibihis na rin ako!" Excited na ani nito at nagmamadaling umakyat na rin sa sariling kwarto.
"Wow, anong meron?" Tanong ng asawa ng makitang bihis na bihis ang misis niya.
"Akin na card mo!" Inilahad nito ang kamay sa harap ng asawa.
"Ha? Bakit?" Takong tanong nito.
"Manlalaki ako!" Pabiring sagot niya sa asawa na biglang sumimangot sa harap niya.
"Essay!" May pagbabantang boses nito kaya napatawa siya sa asawa.
"Parang sira nito, ang tanda na eh! Kala mo talaga magluluko. Gagala kami lang naman kami ng mga anak mo, girls bonding kami. Bilis na, akin card mo!" Utos niya sa asawa habang natatawa parin sa itsura nito.
"Sinong matanda?" Nakasimangot ang mukhang tanong nito habang kinukuha ang card mula sa wallet nito.
"Para kang ewan, hahaha!"
"Sama ako!" ungot nito.
"Hala siya, girls bonding nga e. May nakita ka bang nag girls bonding na may kasamang lalaki? Dun ka sa mga anak mong lalaki." Ani ni Essay sa asawa.
"Sige na! Hindi ko ba pwedeng makasama ang reyna at mga prinsesa ko? Kahit driver nalang ako." Ungot pa nito.
"Ayaw mo din kasama yung mga prinsipe mo?" Tawang ani ni Essay sa asawa.
"Kasama nila mga Girlfriend nila kaya baka ako lang maiwan ditong mag-isa."
"Hmm... Sige, pero huwag kang makiki-alam sa gagawin namin ah? Driver at bodyguard kalang for today." Ani ni Essay. Napa-yes naman ang asawa sa isip. Hindi lang naman dahil mabo-bored siyang mag-isa dito sa loob ng bahay ang problema niya, kung hindi dahil baka tutuhanin ng asawa ang sinabing manlalalaki ito. May tiwala siya sa asawa, kaso sa sobrang ganda nito, baka may magkamaling pumurma kahit pa may katandaan na. Ah, sino bang tumatanda? Kalabaw lang ang tumatanda.
Nang matapos si Enday sa pag-aayos ay bumaba na siya at nag-antay nalang sa mga kasama sa sala. Bumaba si Eris sa hagdan na sobrang sophisticated sa ayos nito, subalit napatigil siya nang makita ang kapatid sa suot nitong puting plain na t-shirt at paldang itim na sobrang haba. Napakurap-kurap pa siya at napa-iling dito. "Huwag mong sasabihing magca-cap ka din? Teka-hindi ka ba nagsuklay?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa kapatid na nakapakamot nalang sa ulo.
"Ang hirap kasi suklayin, matigas kaya pinony ko nalang." Aniya sa kapatid na tila biglang na stress sa kanya.
"My God, Eriella! Did you not used conditioner?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito. Nag-iwas lang siya nang tingin dito.
"Are you done, girls?" Ani ng Mommy nila na sumulpot mula sa likod ni Eris habang sa likod naman nito ay ang Daddy nila na bihis na bihis.
"Are you going with us, Dad?" Asked by Eriella.
"Wait, I thought it's girls bonding? Why is he going with us, Mommy?" Tanong ni Eris sa Ina. Alam kasi niyang sobrang konserbatibo nito kaya baka makasagabal lang ito sa make-over nila.
"Don't worry, he's just our driver and bodyguard today. He won't interfere with our bonding." Ani ng Ina.
"Parang ayaw mo akong kasama ah!" Tampo ng Ama sa panganay nito.
"No, Daddy! I know you, so you might comment something weird again about your ideologies when in fact you just don't have any sense of fashion!" Prangkang ani ni Eris sa ama na ikinatawa ng kanyang Ina.
"Grabe itong anak mo ah, mana sayo!" Ani nito sa asawa.
To be continued...
Not Edited.