Drey's POV:
Napabuntong-hininga ako habang nakayakap si Enday sa akin. Mahina siyang humihikbi at alam kong nagtatampo siya sa akin ngayon.
Si Daddy kasi, pinag-arrange ba naman ako ng mga files niya sa office kasama si Rionnel. Hindi ko tuloy siya nasundo agad. Humanda talaga siya mamaya sa bahay. Kukunsensiyahin ko siya.
Nang matapos kami ni Rionnel sa ginagawa ay tumakbo agad ako papuntang cafeteria. Iniwan ko na si Rionnel doon at sinabihang siya na ang bahala kay Raylene. Nang makarating ako sa cafeteria ay hindi ko agad siya nakita kaya medyo nag-aalala ako. Hindi din siya sumasagot sa mga text at tawag ko. Sabi nina Jackie ay nag-cr lang daw ito, pero alam kong may problema na dahil sa binilin niya sa akin kaninang umaga. At ito na nga at umiiyak na siya.
"Sshh, tahan na. Tara na at mag lunch na tayo, libre nalang kita, hmm?" Pang-aalo ko sa kanya.
"Pag inulit mo pa yun talagang lagot kana sa akin!" Banta niya. Inangat niya ang mukha niya sa akin at nakikita ko ang medyo nanunubig niya pang mata." s**t, kasalanan ni Dad to e.
Pinisil ko ang pisngi niyang medyo namumula. Napangiti ako nang sumimangot siya. "Hindi na po." Ani ko. "Tara na?" Pag-aaya ko sa kanya.
"Ok!" Aniya.
"Yung sombrero mo?" Tanong ko sa kanya. Itinuro naman nito ang sombrerong nakalagay sa may lababo. Kinuha ko iyon at inayos nang kunti ang magulo niyang kulot na buhok bago isinuot ang sombrero.
Inilahad niya ang kamay dito upang ayain itong lumabas pero hindi nito iyon kinuha, yumakap lang ang isa nitong kamay sa bewang niya at medyo nakasimangot na tumingin sa kanya. Napangiti siya bahagya sa kinilos nito at inakbay nalang ang kamay sa balikat nito.
THIRD PERSON'S POV:
Hindi iniinda nina Drey at Enday ang mga tinginan ng ibang estudyante sa kanila habang naglalakad patungo sa cafeteria.
Nakakapagtaka man na tila ang laki ng pinagbago ni Enday mula nang mainom nito ang gayuma, pero hindi maikakaila ni Drey na nagugustuhan niyang makita ang ganitong mga sides nito. Maybe he doesn't know her that much before, but knowing Enday now is like discovering a cute animal who's possessive and obsessive only with him. And he can't deny the fact that he likes the way her attention is focused on him. He likes her cute sides, though she looks like a boyish sss witch girl in the eyes of many.
Maybe this is one of the side effects of the love potion that she drinks before, but who knows? As long as she's in love with him then he'll take all the responsibility to be with her till the end.
When they reach the cafeteria, all eyes were on them. The gasp and curious look of the students were heard inside the cafeteria.
Napatigil naman si Enday nang makita ang isang familiar na mukha sa isang pinagtatabing mesa na inuupuan ng mga kaibigan.
"What is she doing there?" Mahinang tanong niya. Napatingin naman si Drey sa tinitingnan niya at napangiwing tinakpan ang mata ni Enday upang di makita ang ayaw nitong tanawin. Kinabig ito ni Drey paupo sa ibang bakanteng upuan si Enday upang iiwas sa maaaring magpasama na naman ng timpla nito.
"What do you want to eat?" Patay malisyang tanong ni Drey kay Enday. Pero tila nagdududa ang mga tingin nito sa kanya.
"Don't mind her, just focus on me, okay?" Ani ni Drey kay Enday.
"Okay!" Nakangusong sagot nito.
Nakanganga naman ang mga itsura ng mga nakatingin sa kanila lalo na at asikasong-asikso ni Drey si Enday. Ito na ang nag-order para sa kanilang dalawa at magkatabi pang naka-upo. Habang kumakain ay paminsan-minsang sinusubuan ni Drey si Enday na kusa din naman nitong tinatanggap.
"Wow!"- Bulong ni Amon na kaibigan ni Enday.
"Hanep, ang daming langgam dito." Kumento din ni Rionnel.
"Ang sweet naman nila." Ani ni Raylene na kasama nina Rionnel at ng iba pang barkada nilang kumakain. Ito ang nakita ni Enday kanina na kasama nila sa iisang mesa na nagpatigil dito. "Di nga lang bagay, ang panget niya." Bulong pa nito sa isip.
"Kumain nalang tayo, baka maumay ako sa tamis nitong kinakain ko. Sana all kasi!" Medyo natatawang sabi ni Jackie.
Natigilan ang lahat ng biglang lumapit ang groupo nina Eross sa inuupuan nila Drey at dinisturbo ang pagkain ng dalawa.
"Woah! Iba talaga kamandag nitong si Drey oh, pati si Enday nahulog." Nagngisihan ang mga kasama nito na ikinasama ng timpla ni Drey.
"Mind your own business, Steven. Don't disturb our time!" Ani ni Drey na natigil sa akmang pagpapakain sana kay Enday.
"Oh, wag iinit ang ulo. Gusto lang namin kayong e congratulate dalawa. Kayo ata ang sikat na couple ngayon sa university. Alam niyo ba title niyo sa forum? "Ang Principe at ang Mangkukulam." HAHAHAHA!!!" Nagtawanan at nag-aperan ang mga ito.
Uminit ang ulo ni Enday sa narinig pero bago pa siya magsalita ay sinubo niya muna ang pagkaing nakaumang sa kanyang bibig na hawak ni Drey. "And so? Inggit ba kayo? Hanap din kayo ng jojowain niyo para magkaroon din kayo ng kanya-kanyang title sa forum. Tss!" Aniya pagkatapos lunukin ang kinakain.
Pina-inom muna siya ni Drey ng tubig at hindi na pinansin ang mga bastos na groupong disturbo sa lunch nilang dalawa.
"Tapang ah, if I know baka kinulam mo lang si Drey para patulan ka." Singit pa ng isang atribidang babaeng kasama nila.
'That's wrong! Because I'm the one who made the potion.' Kumento ni Drey sa isip. Ganun siguro talaga kapag pogi ka. Hindi ka paghihinalaan ng kung sino na ikaw ang nang gayuma.
"Lah, inggit ka lang! Kasi ako pinatulan, pero ikaw na puno ng make-up ay kuntudo pumurma hindi! Lol!" Sita ni Enday sa babae at inirapan pa ito.
"Burn!" Sigaw na ani ni Arcille na nasa kabilang mesa.
"Just eat, Babe! Don't mind those monkeys." Ani ni Drey na sinubuan ulit si Enday.
"Babe, pfft!" Tawa ni Eross. "Congrats, Drey. Bagay talaga kayo." Tawang ani nito.
"Thanks." Balewalang sagot lang ni Drey.
Tila naasar si Eross sa asta niya. "Yuck! They're so gross looking. A witch with a prince? Eww! Dapat ipagamot na si Drey, baka kung anong pinakain sa kanya ni Enday kaya siya nagkakaganyan." Tili ni Vien na kasama ni Eross.
"Right, they should do that. I'm much more pretty than that gross-looking girl." Someone said on her head.
"Okay lang yan, talagang bagay naman sila. Bagay si Drey sa isang mangkukulam." Umiinit na ang ulo ni Enday sa mga naririnig niya. Gusto lang naman niyang kumain pero sumasama ang timpla niya sa mga pinagsasabi ng mga ito.
Pero si Drey ay tila nakakabiglang kalmado lang sa mga nangyayari. Nakahawak ito sa bewang ni Enday na tila pinipigilan itong tumayo.
"You're right! I know I'm good-looking. Who can deny that? And yeah, she's the right one for me and no one else." Tila nang-aasar na ngumisi ito sa groupo.
"Hoy! Hindi mo man lang ako ipagtatanggol sa kanila sa sinabi nilang mangkukulam ako?" Sita dito ni Enday.
"Hah? Mukha ka naman talagang mangkukulam, bakit ko ipagtatanggol yun kung tutuo naman?" Takang tanong ni Drey kay Enday.
"Ah ganun?!" Inis na kinagat ni Enday ang tenga nito na siyang ikinasigaw ni Drey.
Nagtawanan ang mga nakakita sa kanila habang ang groupo naman nina Eross ay asar na asar sa nakikita.
"Sh*t! Aray! Tama na, masakit! Hindi ka lang talaga mangkukulam. Aswang kapa! Aray ko! Aray! Di na nga!" Sigaw ni Drey sa kagat nito at naptayo palayo kay Enday.
"Saan ka pupunta ha? Balik!" Utos na ani ni Enday dito.
"Tss! Opo!" Napabalik din agad si Drey sa kinauupuan habang nakahawak sa taengang kinagat ni Enday.
"Pasalamat talaga tong babaeng to at gusto ko siya. Putek, ang sakit ng taenga ko." Bulong ni Drey sa isip.
"Kayo? Di pa ba kayo aalis? Mga disturbo kaya sa pagkain ko. O baka naman gusto niyo din masampulan?" Inis na baling ni Enday sa groupong nakatayo sa harapan nila. Nakatanga lang ang mga ito doon at tila di makapaniwala sa nakikitang eksena.
Si Drey naman ay kuntudo senyas sa kanila na magpakalayo-layo na kung ayaw nilang malumpo bigla.
"ANO!" Biglang sigaw ni Enday at ibinagsak pa ng hawak na kubyertos para harapin ang mga ito.
Maging si Drey ay nagulat sa ginawa ng dalaga at napalunok nalang. Suminyas siya sa groupo na lagot ang mga ito kapag hindi pa umalis gamit ang hinalalaking daliri na nakaturo pababa sa leeg nito at sinenyas na putol ang mga ulo ng mga ito kapag nanatili pa sila doon.
Agad na kumaripas ang mga ito ng takbo palayo sa kanila lalo na ng makita ang nakakuyom na kamao ni Enday. Habang ang mga nanunuod naman ay napaiwas ng tingin nang bumaling ang atensiyon ni Enday sa kanila.
Ngunit si Eross ay tila matapang na nanatili parin sa harap nila. "Ikaw, ano pang inaantay mo?" Inis na baling dito ni Enday.
"Woah! You're really something you know? What kind of potion did you make for Drey to follow you around?" Ngising tanong nito kay Enday.
Napatawa si Enday. Kanina pa siya naririndi sa naririnig niyang sinasabi ng mga ito. Badtrip din siya kanina dahil kay Drey na matagal siyang sinundo. Tapos kakain na nga lang sila ay may didisturbo pang ganito.
"Gusto mong malaman kung anong pinakain ko sa kanya kung bakit siya ganyan umakto sa akin?" Nag-isip siya kunwari kung sasabihin ba niya kung ano iyon.
Tila na curios naman ang mga nanunuod kung sasabihin nga ba talaga niya iyon.
"Babe, wag mong gagawin yan!" Tila alam na ni Drey kung anong naiisip niya kaya nasabi niyo ang mga katagang iyon. Tumayo ito at hinila siya pabalik sa inuupuan.
"You should go now and don't provoke my girlfriend again. You wont like what would I do with you if you do." Baling dito ni Drey. He shoo Eross away and prompted his friends tk get the guy out of his sight. Agad naman nagsitayuan ang mga kaibigan at kinuha nga si Eross doon palayo sa kanila.
"Tss, epal ka talaga!" Ani ni Enday dito.
"I'm sure if I did not drive him away you'll make that guy unconscious on the ground now. Although I don't mind that, but you will get suspended if you did." Sagot dito ni Drey.
"How sweet of you to think that." Sarkastikong sabi ni Enday kay Drey. "But still, I will not forget that you agreed to them when they said that I'm a witch!" Galit na tinusok niya ng tinidor ang pagkain.
Napalunok nalang si Drey sa ginawa niya.
To be continued...
Not Edited.