CHAPTER 7

1253 Words
Drey's POV: Wala siyang kilalang Eriella, pero ang alam niya ay may isang babaeng kailangan niyang ilibre nang lunch. "May pa-Eriella ka pang nalalaman, si Enday ka lang pala." Text ko sa kanya. Nag message ulit ito sa kanya. "Eriella Deane Forteza ang pangalan ko. Kayo lang nagpa-uso nang Enday na yan kaya wag kang magreklamo. E order mo na ako at nagugutom na ako!" Utos nito sa kanya. "Wow, maka-utos ka, akala mo kung sino. Lagyan ko kaya ng lason yang pagkain mo?" Reply ko. "Subukan mo lang. Pag ako namatay, tityakin kong may katabi kang matutulog na multo sa gabi." Banta nito. "Gross!" Isipin ko palang ang sinabi niya at kinikilabutan na ako. Inorder ko nalang yung pagkain niya para wala nang problema. Nang maluto na ang lahat ng order ko ay inayos ko na ito lalo na ang pagkain na para kay Shanaih. I asked the staff to deliver it on our table. Andun na lahat ng mga kaibigan ko na di ko kaklase pati narin si Shanaih at yung mga kaibigan niya na pinaaya ko pa kay Lucas na umupo dun at samahan kaming kumain. Pero di ko inexpect na andoon din si Enday kasama ng mga kateam din nito sa basketball at nakiki-upo sa table namin. Pinagdikit nila ang mga lamesa na upang magkasya ang lahat. Naka-order narin ang iba mula sa buffet na nandoon sa cafeteria. Sadyang gusto ko lang talaga special amin kaya pinaluto ko pa iyon. "Hi, Shanaih!" Bati ko sa babaeng minamahal ko. Ang ganda niya talaga. "Drey, hello! Wow, isang linggo kitang di nakita kasama ng groupo ah. Vacation?" She asked. "Yeah, in the province." Matamis na ngumiti ako sa kanya lalo na at nasa akin ang buong atensiyon niya ngayon. "DREY! YUNG PAGKAIN KO!" Basag na sigaw nang isang taong kina-iinisan ko ngayon. Bwiset na yan, panira ng moment tong witch na to. "Ito oh, kainin mo! Sana mabilaukan ka!" Inis na bigay ko sa kanya nung hawak kong pagkain na dala-dala ko pa. "Oh, my special order. Salamat, Dude!" Anito at nilantakan na agad yung binigay ko. Mabilaukan sana, apaka-takaw. "Nga pala, Drey. Kulang to, san na yung chicken cordon bleu ko at yung strawberry shortcake at magic lemonade?" Tanong nito sa akin. Natulala ako bigla sa sinabi niya at napatingin sa kinakain niya. "Ha?" Parang tangang tanong ko. "Yung pagkain ko, kulang kam-" Hindi niya natuloy ang sinasabi niya at bigla nalang napatitig sa akin. Maya-maya ay namumulang nag iwas ng tingin. "Sir, ito na po yung kulang sa order niyo." Ani nung staff na kasunod ko. 'Oh sh*t, did I just gave her the food with love potion? F*ck, NOOOOO!!!' "Sir, yung order niyo po." Ulit nung staff pero tila wala na akong naririnig havang nakatitig kay Enday na namumulang nagnakaw pa sa akin ng tingin. Maya-maya ay napatingin ito sa pagkain na dala nung staff. "Kuya, akin ata yan. Palagay nalang dito sa table namin, thank you!" Kiming ngumiti. "Oh, I already have this one po. I think this one is not mine." Tumingin ito sa akin. "Who's order is this, lov- I mean, Drey?" Turo nito sa pagkaing kapareha nung una kong binigay sa kanya. Hindi lumampas sa pandinig ko ang una niyang tinawag sa akin. Lalo na ang pagbabago nang kilos nito na tila sinaniban nang masamang espirito. Lov-? Love? Don't tell me, she's falling in love with me? Oh no, f*ck no! No way! NO F*CK*NG WAYYYY!!! BAKIT NAMAN SI ENDAY PAAAA!!! "Dude, natulala kana diyan?" Pagtapik sa akin ni Jacob habang ina-asikaso ang mga pagkaing inorder ko para sa kanila. Natauhan ako bigla. "Ah no- M-may naalala lang ako." Utal pa na bigkas ko. "Drey?" Tumingin ako kay Shanaih nang tawagin niya ang pangalan ko. "Drey, is this yours?" Tawag din sa akin ni Enday habang hawak ang special order na kasama nung mga pagkaing para talaga sa kanya. F*ck! What is this situation? Kinuha ko muna yung pagkaing hawak ni Enday at tumingin kay Shanaih. "Shanaih, para nga pala sayo." Ngumiti ako sa babeng nagugustuhan ko at binigay yung pagkaing walang gayuma. Bahala na nga, di ko na alam ang gagawin ko sa sitwasyong ito. Pero ayaw ko din naman masira ang pagkakataong ginawa para mapalapit kay Shanaih. "Wow, you ordered it for me too? Thank you, Drey!" Ngumiti sa akin si Shanaih at tinanggap ang binigay ko sa kanya kaya napangiti narin ako. Pero nung tumingin ako kay Enday ay kitang-kita ko ang pagkunot ng noo nito at ang masamang tingin sa pagkaing binigay ko kay Shanaih. Maya-maya ay tumingin ito sa akin at nang mapansing nakatingin ako sa kanya ay tila walang nangyaring masama na ngumiti ito nang matamis sa akin. "Drey, dito kana umupo. Tabi tayo!" Bigla nitong hinila ang braso ko at pinaupo doon sa katabi nung upuang inu-upuan niya kanina. "Woah, close na kayo ah?" Tingin sa akin ni Lucas. Nakatingin lang din ang iba naming kasama sa table habang napatitig sa kamay ni Enday nakakapit sa braso ko. "Why? Is there a problem if we are close?" Tanong ni Enday dito habang sa akin lang nakatitig. "Ah n-no. It's just unusual." utal na sabi ni Lucas na tila di pa makapaniwala sa akto ni Enday. "Drey, yung pagkain mo oh!" Inabot sa akin ni Bogz ang pagkain ko at tumingin naman dun si Enday jabang di inaalis ang mga kamay niya na nakakapit parin sa akin. "Vegetable salad and chicken sandwich with lemon juice. You don't have cake, want mine?" Tumingin ito sa akin at matamis na ngumiti ulit. Natulala ako habang ang mga kasama ko sa table ay nabilaukan na ata. Nailuwa pa nang isa sa mga ka teammate ni Enday yung kinakain nito habang tulalang nakatitig sa amin. "Ca-Capt, masama ba pakiramdam mo?" Utal na tanong ni Daisy dito. "Huh? Maayos naman ako, ay ito love, kainin mo." Inalis nito ang pagkakapir nito sa braso ko at kumuha ng strawberry shortcake at iniumang sa bibig ko. "Love?"- Bogz. "L-Love?" Amon. "Love?"- Rionnel "LOVE???!" Sigaw nang lahat habang ako ay natulala lang. "Ah- eh!" Biglang namula si Enday nang ma realise ang sinabi saka nahihiyang tumingin sa akin. Nagulat ako nang bigla nitong tinulak ang upuan at lumuhod sa harap ko. "DREY, MAHAL KITA! PWEDE BA KITANG MAGING BOYFRIEND? OR MAGING ASAWA KUNG GUSTO MO NA!" Nakapikit at malakas na sigaw nito habang hawak ang kaliwang kamay ko na tila nagpo-propose. Tila nawalan ako nang hangin at napaubo sa sinabi niya. Ganun din ang nangyari sa iba na biglang napatigil sa pagkain at napatingin sa dereksiyon namin. Narinig iyon nang buong taong andito ngayon sa cafeteria. Oh, sh*t! Ito ba ang effect nang gayuma? Sobrang effective nga. Pero bakit sa lahat nang babaeng makakain pa nito ay si Enday pa? Si Enday na amazonang witch na mukhang ilang taon nang di nasusuklayan ang buhok? 'F*ck, I'm doomed!' Sa gulat ko ay bigla ko siyang sinubuan ng chicken cordon bleu na kinain din naman niya. "Ha-ha-ha, nagbibiro kana naman Enday. Alam kong sobrang gutom ka kaya ako na naman napag-tripan mo. Ito kainin mo, damihan mo pa baka may sira na sa ulo mo kaya kung ano-ano sinasabi mo." Alanganin akong tumawa at ipinarinig iyon sa iba habang walang tigil na sinusubuan si Enday para di na ito makapagsalita. Kinakain niya lang lahat nang isinusubo ko sa kanya habang nakapirmi parin sa posisyon niya kanina. Tila natutuwa pa itong sinusubuan ko. Napangiwi nalang ako. 'F*ck, what should I do with this girl?' To be continued... Not edited.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD