Drey's POV:
Hindi ko alam pano ako nakalusot sa sitwasyon ko kanina, pero isa sa mga pinag papasalamat ko ay yung pagsunod ni Enday sa lahat nang sinabi ko na para bang iyon ang pinaka-importanteng bagay na dapat niyang gawin.
"That's all for today class, see you next schedule." Paalam sa amin nang professor namin.
"Pre, si Enday ba yun? Kanina ko pa nakikita yang nag-aantay sa labas. Pasilip-silip pa." Napalingon ako kay Rionnep nang sabihin niya iyon kay Jacob. Napatingin din ako sa tinitingnan nila at tahimik na napam*ra sa isip.
Napatakip ako nang mukha ko nung tumingin ito sa gawi namin particilar na sa akin. Yumuko ako at nagpatay malisya na walang napapansin.
"Si Enday nga, ano kayang ginagawa niyan dito?" Ani ni Jacob na nakatingin din doon.
"Tingnan mo suot niya pre, ang weird." Tumatawang bulong ni Rionnel kay Jacob.
"Pfft, Manang na maton. Hahahaha." Tawa din Jacob dito.
Napalingon ulit ako at napa-iling nang makitang nakapalda ito ng itim at nakajacket nang brown habang may sumbrerong itim din na suot.
"Tingin ko di yan nagsuklay at tinakpan lang nang sombrero yung ulo niyan." Chismosong bulungan nang dalawa. Napa-iling nalang ako at niligpit na mga gamit ko.
Kailangan kong makausap si John mamaya upang malaman ko kung paano maiiwadan itong problema na dinulot ko ngayon.
"Mga pre, bilisan niyo na at gusto ko nang umuwi!" Ani ko sa dalawa.
"Uuwi kana agad? May practice pa tayo mamaya ah?" Ani ni Jacob.
"Nag text si Cap. Sabi may pupuntahan daw siyang importante mamaya kaya di siya makaka-attend. Wala din si Coach dahil may inaasikasong meeting kasama nang committee." Ani ko sa dalawa.
"Talaga? Nakapatay Cellphone ko kaya di ko alam." Tumingin si Jacob kay Rionnel.
"Di ako nagbubukas nang Cellphone sa klase. Mabait kaya akong estudyante." Anito.
"Mabait ka? Weeh ba?" Kontra dito ni Jacob.
"Top ako, wag kang ano diyan."- Rionnel.
"Anong-ano? Wala pang Grades, paano ka naging Top?" Tanong ko dito.
"Top sa kama daw." Tawa ni Jacob.
"Oo din, hahaha." Sang-ayon dito ni Rionnel.
"Puro kayo kalukuhan, bilisan niyo na at gusto ko nang umuwi." Ani ko.
"Bakit ka ba nagmamadali? Natatae ka ba?" Jacob.
"Bunganga mo, siraulo." Ani ko.
Nagtawanan lang ang dalawa. Sarap pag-untugin tong mga to. Sadyang may prinoproblema lang ako kaya di ako makasunod sa mga trip nila.
"Arat, okay na kami." Ani ni Rionnel at sinukbit ang bag nito.
"Oh, andiyan parin si Enday. Di kaya ikaw ang hinihintay niyan Drey?" Ani ni Jacob.
"Ha? Bakit naman ako hihintayin niyan?" Pagpatay malisya ko.
"Bakit nga ba? Ano bang meron kanina sa Cafeteria at parang iba yung asal niya kanina. May nangyari ba sa inyo?" Jacob.
"A-anong nangyari?" Medyo kinabahan ako sa tanong niya sa akin.
"Oo nga, yung kaninang umaga sa gym. Diba may usapan kayo? Ano yun, pre?"
"Sinabi ko na yun sa inyo kanina tungkol dun sa pustahan namin, yun lang yun." Depensa ko.
"Eh bat nag pagluhod kanina si Enday sa cafeteria?"-Jacob.
"Trip niya lang yun, nang-aasar lang. Wag niyo na nga seryosohin yun."
"Weeh ba? Hindi kaya may pagtingin na sa iyo si Enday?" Sinamaan ko nang tingin si Rionnel. Napaka-chismoso talaga. .
"Kung mahuhulog man siya sa akin, normal lang yun. Sa pogi kong ito?" Ani ko sa mga ito.
"Ayun, lakas!" Alaska nang dalawa.
Nang makalabas na kami ng classroom ay binati pa talaga nang dalawa si Enday.
"Hey Enday, ano atin?" Ngiting bati dito ni Jacob.
"Hinihintay mo ba si Drey?" Ngisi din ni Rionnel.
Hindi sila sinagot ni Enday at parang tangang nakatitig lang sa akin habang kumikislap ang mga mata.
"What?" Masungit na tanong ko dito.
"Hi Loves, pwede sabay na ako sayo?" Matamis itong ngumiti sa akin.
"Woah!"- Jacob. Tulalang napatitig ang dalawa kong kaibigan sa amin na parang tinatanong kung anong meron.
"At bakit ka naman sasabay sa amin?" Masungit na tanong ko dito. Langya, alam kong epekto din ito nang gayumang nakain niya. Kailangan ko na talagang makausap si John tungkol dito.
"Kasi gusto kitang kasama. Di ba tayo na?" Ani nito. Napatanga ako.
"Anong tayo na?" Takang tanong ko sa kanya.
"Tayo na. A-ano Girlfriend mo na ako at B-Boyfriend na kita. Tinanggap mo na yung proposal ko kanina diba? Sinubuan mo pa ako. You're so sweet talaga." Mahinhin at nauutal pa na sabi nito.
"Ha!?" Tila nag loading ang utak ko sa sinabi niya.
Napaubo naman ang dalawang kaibigan na nanunuod sa amin.
"I'm your Girlfriend!" Ulit pa nito.
"Girlfriend mo daw!" Pag-ulit ni Jacob.
"Wow, taken na si Drey Silvano." Ani pa ni Rionnel.
"Taken kay Enday!" Natatawang dagdag pa ni Jacob.
Girlfriend?
Who???
Si Enday?
Napatitig ako sa mukha niya pati sa ayos niya mula ulo hanggang paa.
Sh*t!!!
"N-No way!?" Wala sa sariling sabi ko.
"Congrats, Dude!" Tinapik ako ni Jacob sa balikat.
"Hehe, ibabalita namin to sa buong Campus, pre. Congrats sa inyo!" Ani pa ni Rionnel.
Hindi ako makapagsalita habang si Enday ay nakangiting tumitig lang sa akin.
"Sige, pre! Una na kami. Mukhang may date pa kayong dalawa. First date niyo bilang mag-on." Natatawang ani sa akin ni Rionnel at nagpaalam din kay Enday.
Lumapit sa akin si Enday at isinukbit ang kamay niya sa braso ko.
"Okay, steady lang kayo. Say Cheese!" Ani ni Jacob at pinicturan pa kami.
"Cheese!" Ani ni Enday at ngumiti pa sa camera habang ako ay tulala pa rin.
"Ayun! Sige, pre! Enday, alagaan mo yang kaibigan namin. Sayong-sayo na yan." Natatawang ani ni Jacob at sumunod na kay Rionnel na hinihintay naman siya.
"Ako bahala sa kanya, byeee!" Ani pa ni Enday.
Just what the f*ck?!-
"Loves?"
"Loves!"
"Wuy! Drey!"
"DREEEEEYYYYY!" Tila ako nagising sa malakas na tapik ni Enday sa akin.
"Aray ah!" Ani ko sa kanya.
"Natulala kana kasi. Ano, magstay pa ba tayo dito?" Ani nito.
"Sino ba naman kasing nagsabi sayong sumabay sa akin?" Inis na tanong ko dito.
"Girlfriend mo ako, syempre automatic na yun. Alangan namang iwan mo ako dito?" Ani nito.
"May paa ka naman, bakit? Nakadikit ba yan sa akin?"
"Hindi! Pero simula ngayon, didikit na yan sayo." Anito.
"Ha?" Di ko alam ano ang ibig niyang sabihin pero mukhang nakakakaba iyon.
"Ha ka diyan ng Ha, halikan kita eh. Tara na nga!" Hinila nito ang kamay ko at nagpatiuna nang maglakad.
Halikan? Ha?
Sh*t, nababaliw na ata ako.
Teka? Sino nga daw Girlfriend ko?
Si Enday ba?
Pero pano yun? Eh si Shanaih gusto ko?
Teka... Nakakalito naman, kailangan ko na talagang maka-usap si John asap!
No, hindi ko matatanggap ito. Parang babangungutin ata ako pati sa pagtulog.
*****
Gabi na pero di parin sumasagot si John sa tawag ko. Kanina pa ako hindi mapakali lalo na at naaalala ko ang mga tinginan ng mga estudyante sa amin ni Enday kanina sa campus habang pauwi kami.
Biglang may nag pop sa aking notif hanggang sa magtuloy-tuloy na iyon at walang tigil sa pag beep.
Ano bang meron? Nakaka-inis naman, isa pa tong si John na di sumasagot sa tawag ko.
Binuksan ko iyon hanggang sa mapunta ako sa website ng school namin at sa isang particular na post na gawa ng isa sa mga magaling kong kaibigan.
"Congratulations to my Dear Friend Drey Silvano and her Girlfriend Enday Forteza, our newest and hottest couple this 2022."
-posted by: Jacob Mondragon.
May naka insert pa na picture namin ni Enday habang nakakapit ito sa braso ko at naka peace sign.
Bogz Ancillo: Woah, seryoso ba to? Congrats, @Drey Silvano.
Arcille Rodriguez: OMG!!!? @Deane Forteza Capt, for real?!"
Daisy Navarro: Hoy, Legit ba to? Capt. @Deane Forteza we need your explanation RN!!!?
Rionnel Legaspi: Totoo po yan mga kababayan at hindi fake news. Isa ako sa saksi nang pagmamahalan nilang dalawa.? @Drey Silvano @Deane Forteza Congrats ulit, sakit parin nang tiyan ko hanggang ngayon.???
Siraulo tong Rionnel na to, siguro kanina pa ako pinagtatawanan nito.
Lucas Del Fuego: Wow, kaya pala iba na akto niyo mula pa kaninang umaga. Congrats, @Drey Silvano
Isa pa tong siraulong kaibigan ko na sumang-ayon din.
Amon Denise Tianco: Capt, iba ka talaga. Congrats!!! @Deane Forteza
Ito yung ka teammate ni Enday may nilagay pa itong picture namin ni Enday habang ito ay nakaluhid at sinusubuan ko ng pagkain.
May iba pang nag post ng picture namin, lalo na yung picture namin habang pauwi kami kanina at nakahawak ito sa braso ko. Madami ding comment ng nga schoolmate at classmates namin na di makapaniwala sa balitang ito.
Eros Steven: Ganyan pala tipo mo Drey? Haha, congrats. Lol
Tss... Isa pa tong hinayupak na to na insecure sa kapogian ko. Tiyak na pinagtatawanan na ako ng buong kakilala ko nito
Sh*t!!! Paano to? Kalat na kalat na sa buong campus na kami na ni Enday. Paano pag nakita to ni Shanaih? Paano pag naniwala siya dito?
D*mn, bakit ba kasi hindi sumasagot si John sa tawag ko?
Biglang may nag comment na naman na dumagdag sa sakit ng ulo ko.
Deane Forteza commented on a post you're tagged in.
Deane Forteza: Thank you, guys!
Anong thank you? Hoy, siraulo! Wala namang tayo.
Shanaih Dominguez commented on a post you're tagged in.
Shanaih Dominguez: Congrats!
Ap*tangjaksidooeorrokfndsnsblalshdhjdjrikfkfkgkg f*ck!!!
JOOOOOOOHHHHNNNNN!!!!! HELP!!!
To be continued...
-Not edited.