Drey's POV:
Parang akong natatanga habang nagbabasa ng mga comments. Di ko na alam ang gagawin ko lalo na at mas lalong dumami ang nag shared post nun.
Dali-dali kong tinawagan si Enday gamit yung account kung saan siya nag comment. Hindi kami friends pero may friend request siya sa akin. Di ko lang ina-accept, gawin ko siyang follower, bahala siya diyan.
Isang ring palang ay sumagot na siya.
"Hello, Loves!" Aniya sa kabilang linya. Langyang Loves yan.
"Hoy, Babae! Wag mo ngang ginagatungan yung post ng mga siraulong kaibigan ko, ang dami tuloy naniwala na tayo na!" Sita ko sa kanya.
"Ha? Hindi ba tayo?" Tila gulat pang tanong niyo. Putek, kelan ba naging kami?
"Nag-iisip ka ba? Ano tingin mo sa akin papatol sa mukhang mangkukulam? Baka mamaya isipin ng mga tao na baka ginayuma mo ako!" Ani ko sa kanya.
Teka parang may mali, diba ako yung nang gayuma? Pero mas mukha kasi siyang mangkukulam kaya mas mukhang siya ang nang gayuma sa akin, sa gwapo kong ito, sinong maniniwalang mang gagayuma ako? Pero nakaka-inis lang dahil palpak yung gayumang iyon dahil sa maling tao ko pa naibigay.
Natigilan ako ng parang may umiiyak sa kabilang linya. Hala! Umiiyak ba siya? Sobra ba yung sinabi ko? Parang di naman, totoo naman kasi yun.
"H-hoy teka- umiiyak ka ba?" Nag-aalangang tanong ko sa kanya.
"S-sor-ry! A-akala ko kasi tayo na. Akala ko sinasagot mo na ako. Pa-pasensiya na, hindi ko alam kung bakit ako ga-ganito!" Sumisinghot-singhot ito sa kabilang linya halatang umiiyak nga. "Hindi ko alam bakit bigla nalang ang lakas ng tama mo sa akin, hindi k-ko mapigilan ang sarili ko, so-sobrang gustong-gusto talaga kita, Drey!" Madamdaming pag-amin nito sa kanya. "Pa-para akong nakakain ng gayuma, gusto kitang nakikita, gusto ko nakakausap ka lagi, kahit ngayon, gusto kong puntahan ka. H-hindi ko na alam ang gagawin ko, so-sobrang lakas ng tama ko sayo kaya ang sakit-sakit nung sinabi mong hindi pala ta-tayo!" Humagulgol na ito sa kabilang linya.
Bigla akong na guilty sa sinabi niya. 'F*ck!' I know it's not her fault dahil ako ang mag kagagawan ng lahat-ako ang dahilan kung bakit ganun ang nararamdaman niya sa akin ngayon. Ginulo ko ang buhok ko habang pinapakinggan siyang humihikbi. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"H-hey, stop crying! Sshh, I'm sorry-ahh! Don't cry, sh*t!" Hindi malamng gagawin na pagtahan ko sa kanya. "Ugh, fine! Sige tayo na, binabawi ko na. Ano-sinasagot na kita!" Napapikit na sabi ko para patigilin lang siya sa pag-iyak. D*mn! First time kong magpaiyak ng isang babae. Kahit na alam kong di naman siya mukhang babae kasi mas mukha siyang mangkukulam pero tiyak ko pag nalaman ni Mommy na nagpaiyak ako ng babae dahil sa maling ginawa ko, tiyak na papagalitan ako nun. Masakit pa naman mapingot sa tenga.
Pero dahil alam kong mali ko iyon, kailangan kong panagutan lahat ng kasalanan ko. Tulad nga ng sabi ni Lola Lena, dapat maging responsable ako sa lahat ng mga hakbang na gagawin ko lalo na sa pag gamit ng gayuma. Ano't-ano man ang kahihinatnan nito, dapat ko yung harapin at mula sa araw na ito, responsibilidad ko na si Enday.
Napangiwi ako sa naisip. Di parin matanggap ng isip ko na magiging girlfriend ko na si Enday, pero ano nga bang gagawin ko? Kasalanan ko kung bakit nangyari ito, dapat panagutan ko iyon.
"Re-really!" Humihikbing ani ng boses niya sa kabilang linya.
Napabuntong-hininga ako bago sumagot. "Yes, boyfriend mo na ako mula sa araw na ito!" Pagsuko ko sa kanya.
"Waaah, thank you, loves!" Biglang sumigla ang boses nito habang ako naman ay parang natalo sa lotto. "Kung ganun loves, accept mo na ang friend request ko, and let's set our relationship status too on Facebook." Tila na excite na sabi nito.
Napahilot ako sa noo ko, na stress ako bigla sa mga sinasabi niya, pero ayaw ko namang sirain kasiyahan niya, baka mamaya umiyak na naman. "Fine!" Pagpayag ko sa sinabi niya. For now. Dapat na talagang humanap ako ng paraan para mapawalang bisa ang gayuma, para manumbalik na sa dati ang lahat.
"Yeeees!!! Thank you, Drey!" Masayang sabi nito. Inend ko na yung tawag bago magsabi sa kanyang may gagawin pa ako, napatitig pa ako sa profile picture niyang bola ng basketball. Napa-iling ako bago inaccept ang Friend Request niya, pati narin ang relationship status na sinet niya. Parang wala na talaga akong kawala nito.
I'm now in a relationship with Enday, ang maton na mukhang mangkukulam sa itsura suot at magulong buhok. Kulang nalang ata walis tingting para maging perpekto na ang itsura niya, pero parang napalitan iyon ng bola.
Napatigil siya ng maya-maya ay tumunog ang telepono niya. Binasa niya ang mensahe bago tinawagan ang taong iyon.
"John!" Aniya sa kabilang linya.
"Hello, señorito! Pasensiya na at hindi ko nasagot ang tawag ninyo kanina, may ginagawa lang ako dito sa bukid. Bakit nga pala kayo napatawag?"
"I need your help!" Aniya dito. Kinuwento niya ang lahat ng nangyari pati ang maling pagbigay ng gayuma kay Enday. Kailangan niya ng lunas upang manumbalik na sa dati ang lahat, lalo pa at pati si Shanaih ay akala din na sila na ni Enday. Kahit na sinagot niya ito kanina, pero ayaw niyang masira ang image niya sa harap ni Shanaih. Sa harap ng babaeng nagugustuhan niya.
"Pasensiya na Señorito, pero tulad ng sabi nina Lolo at Lola, wala gamot sa gayumang iyan. Dapat yung mismong tao mismo ang magising sa tunay na nararamdaman niya. Kaya nga sinabi ni Lola na maging responsable ka sa mga desisyon mo. Hindi po biro ang gayuma señorito, hindi titigil ang babaeng ginayuma mo hangga't di ka napapasa kanya, lagi-lagi ka niyang hahanapin hanggang sa parang mababaliw na siya.
"Huh? What do you mean?"
"Señorito, para kang isang droga na hahanap-hanapin ng babaeng iyon, mababaliw siya kapag di ka niya nakasama. Ang tanging sulusyon lang upang hindi mangyari iyon ay ang manatili ka sa tabi niya, hanggang sa kusang mare-realize niya kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman niya." Anito.
"So you mean, I need to be with her in order to cure her?" He asked.
"Mismo, Señorito!"- John.
"Paano kapag narealize niyang mahal niya pala ako talaga ako? Syempre, malay mo mainlove talaga sa akin yun, sa pogi kong ito?" Napatawa si John mula sa kabilang linya.
"Señorito, kapag nangyari iyon ibig sabihin ay wala kana talagang kawala, kailangan mong panagutan iyan habang buhay kasama ang babaeng iyon. Saka nga pala, congrats at may girlfriend kana, nakita ko status niyo ngayon lang." Tila ito natatawa at nang-aasar habang sa kabilang linya habang sinasabi iyon.
"Tsk!" Aniya at pinatay ang tawag.
To be continued...
Not Edited.
Abangan:
Enday's POV soon...