Enday's POV:
Tulala lang ako habang nakangiti ng matapos ang tawag na iyon. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at nagkakaganito ako kay Drey. Para akong hinahatak palapit sa kanya na kapag di ko siya nakikita o nakakausap ay para bang mababaliw na ako.
Siguro nga baliw na talaga ako, kahit ngayon ay gusto siyang makita. Pero siguro makukuntinto muna akong titigan ang mga larawan niya na pinaskil ko sa loob ng kwarto ko.
'Drey, bakit ba ganito itong nararamdaman ko sayo? Bakit tila lumakas yung damdaming tinatago ko?'
'Hindi naman ako ganito dati. Nakakaya kong magpanggap na parang wala ka lang sa akin, nakakaya kong di ka pansinin o kausapin upang hindi ako mapansin ng iba, pero bakit ganun? Bakit parang mas lalo akong na addict sayo?'
Napasabunot ako sa magulo kong buhok. Hindi ako mahilig mag-ayos mula pa noong bata ako. yung Nanay ko sumuko na sa akin dahil di niya rin ako mapilit na gawin iyon. Siguro epekto din ito ng ginagawa ng ate ko. Sa araw-araw ba naman na nakikita ko siyang nag-aayos at pinipinturahan ang sarili niyang mukha, nakakadiri niyon para sa akin. Idagdag pa yung pagbili ng Nanay ko ng kung ano-anong pink na damit upang pilitin akong mag-ayos. Eww!!! There is no way na mangyayari iyon.
Pero bakit kaya ganito?
Hayst, gusto kong makita si Drey. Anong gayuma ba ang ipina-inom niya sa akin ata ang lakas ng tama ko sa kanya?
Lol, hindi naman totoo ang gayuma. Siguro nga nababaliw lang talaga ako.
Ano kayang magandang gawin bukas? Gusto ko siyang makasama lagi, hmm... Sundan ko kaya?
Napangiti ako sa naisip ko.
'Okay! See you tomorrow, My Loves!'
Drey's POV:
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero parang mas lumala ata ang epekto ng gayuma kay Enday kahit na lagi ko siyang sinasamahan kahit saan upang mabawasan bisa niyon sa kanya. Lagi siyang nakabuntot kahit saan ako magpunta. There is even a time na nagtagal ako sa shower room after ng practice, pagbukas ko ng pinto ay andoon na siya. Sobrang gulat ko ng mga oras na iyon, para akong aatakihin sa puso dahil sa kanya.
Inis na inis ako, pero wala naman akong magagawa kung hindi ang pagbawalan siya na sundan ako sa mga pribadong parti ng paaralan kung saan ako pumupunta, gaya ng comfort room or shower area. Paano naman yung privacy ko diba?
Pakiramdam ko pati iyon ay na invade na dahil sa kapalpakang ginawa ko. Ang mas nakaka-inis pa ay ang araw-araw na pagbati sa amin ng mga estudiante sa paaralang ito tuwing nakakasalubong kami, pati na ang lihim na tawa at pagchichismissan nila tuwing lalampas sa amin.
Ito na nga ata ang kabayaran sa lahat ng mga kalukuhang pinag-gagawa ko. Pero di ko naman siya maiwan dahil iyon lang ang paraan para gumaling siya mula sa gayuma. Hanggang kailan naman kaya darating ang araw na iyon.
"Loves, ito oh kainin mo!" Akmang susubuan ako ni Enday ng pigilan ko iyon.
"Ako na!" Awkward na awat ko sa kanya. Ayukong makita ni Shanaih ang ginagawa niya lalo na at nasa malapit na table lang ito.
"Ehh, sige na. Isa lang, Loves!" Pagpumilit pa nito. Pekeng nginitian ko ito kahit medyo naiinis na at napilitang isubo nag iniumang niyang pagkain na siyang ikinalawak ng ngiti niya.
"Wag mo nga akong tawaging Loves. Ang corny pakinggan." Uminom ako ng tubig after niyon.
"Eh anong gusto mong itawag ko sayo?" Napatigil muna siya at tila nag-iisip ng kung ano. Hindi ko siya pinansin at umiinom lang ng tubig.
"Baby?" Bigla akong nabilaukan sa sinabi niya at napaubo. Lintek...
"Baby?"
"Baby?"
B-baby?
Napatingin ako sa kanya na nakapout pang tumingin sa akin. Habang sinasabi iyon.
"Anong Baby? Tigilan mo, kinikilabutan ako." Ani ko habang hinahamid ang sarili.
"Baby?" F*ck!!! Naririnig ko paring sinasabi niya sa utak ko.
"Eh ano?" Tanong pa niya habang nakatitig sa akin. "Babe?" Ngumiti siya sa akin habang tila nag-iisip pa.
F*ck! Ano bang nangyayari sa akin at tila lumalakas ang kabog ng dibdib ko?
Aish!!! Siguro kinikilabutan lang ako sa mga tinatawag niya sa akin.
"Hubby?" Napaiwas ako ng tingin at napabaling sa kabila.
Kalma lang heart, bakit ba ang ingay mo ngayon? Walanghiya naman tong babaeng to, kunti nalang aatakihin na ako sa puso.
"Eh, ano ba kasi? Teka, may lagnat ka ba? Bakit parang namumula ang tenga mo?" Kinapa niya ang leeg ko upang e check ang temperature ko.
Bigla akong napapiksi sa pagdapo ng balat niya sa akin. "s**t, ah wala! A-ano, mainit lang." Pag-iwas ko sa kanya.
"Sure ka? Ano ba kasing gusto mong itawag ko sa iyo? Mahal?" Tila pumutok na yung ulo ko na parang bulkan. Bigla akong napatayo at tumakbo palayo sa kanya.
"DREY!!!" Narinig kong tawag niya. Pero di ako lumingon at nagpatuloy lang sa pagtakbo.
Ano bang nangyayari sa akin? May sakit ba ako o ano? Haaaah!!! Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko, at mukhang di makakatulong na andito pa ako sa school. Mas mabuti na sigurong umuwi muna ako.
****
Enday's POV:
"Oh, anyare dun?" Ani ni Bogz habang natingin sa papalayong likod ni Drey.
"Baka natat*e?" Tawa ni Lukas.
"Anong ginawa mo dun Enday?" Natatawa ding tanong ni Jacob.
"Hindi ko alam, bigla nalang siyang namula pagkatapos niyang kainin iyong isinubo ko sa kanya." Depensa niya sa sarili.
"Baka allergy?" Ani ni Rionnel.
"Hindi naman siya allergy sa pagkaing iyan. Baka may nahalong kung ano diyan." Ani ni Bogz.
"O baka kay Enday Allergy yun." Natatawa pang dagdag ni Jacob.
"Hoy, grabe kayo! Baka natat*e nga lang talaga yun." Awat ni Amon sa kanila.
Nag-aalala naman akong tiningnan ang dinaanan niya kanina.
Siguro dapat sinundan ko na lamang siya.
Kinuha ko ang cellphone ko at triny na tawagan siya pero hindi niya iyon sinasagot.
Maya-maya ay nakatanggap ako ng text mula rito.
"Uuwi na ako, may emergency lang bigla." Anito.
"May emergency lang daw bigla kaya umuwi na siya." Ani ko sa mga kasama namin sa table.
"Oh diba, baka natat*e lang talaga yun." Pagtawa ng mga ito.
Tumayo ako at isinuot ang sumbrero kong itim. Nagtinginan naman sila sa akin.
"Teka Enday, saan ka pupunta?" Tanong ni Bogz sa akin.
"Ah, susundan ko si Drey. Medyo nag-aalala kasi ako sa kanya." Ani ko dito.
"Wag na, maayos lang yung lukong uyon. Baka kailangan niya lang ng oras. Ang mabuti pa ay kumain kana lang muna. Tingnan mo, hindi mo pa nauubos yang kinakain ko kasi panay si Drey ina-alala mo. Bukas maayos na yun at makikita mo na ulit kaya kumain ka na muna." Hinawakan ni Bogz ang kamay niya at pinabalik siya sa pagkakaupo.
Napasunod naman siya lalo na ng umayon pa ang mga kaibigan niya dito.
"Sure ka bang okay lang siya?" Alanganing tanong niya sa mga ito.
"Oo, ayos lang iyon. Kain na!" Ani ng mga ito. Tumungo naman siya at tinanggal uli ang sombrero upang kumain.
"Nga pala Enday, saan mo nabili iyang sombrerong iyan?" Tanong ni Rionnel sa kanya.
"Sa Department Store, maraming magagandang klase doon ng sombrero, malapit lang sa school. Pwede kayong mamili dun ng kung anong gusto niyong kulay." Aniya habang kumakain.
"Talaga? Siguro mas maganda kung sama-sama tayong lahat na pumunta dun, bonding tayo ngayong darating na sabado tapos punta tayong arcade." Ani pa nito.
"Uy, sige. Go kami diyan." ani ni Daisy. Nagtunguan naman ang iba dito.
"Nga pala Enday, bakit ganyan parin outfit mo? Mahabang palda na itim saka sombrero?" Curious na tanong ni Lukas sa kanya.
Natigilan naman ang iba at napatingin sa kanya. Binatukan pa ni Bogz si Lukas dahil sa tanong nito.
"Napaka-insensitive mo naman, baka mamaya ma offend yan." Bulong dito ni Bogz.
"Sorry naman, curious lang. Di kasi bagay sa kanya." Mahina ding ani nito. "Sorry Enday, pwede mo namang di sagotin." Alanganin itong ngumiti sa kanya habang sinasabi iyon.
"Ah, okay lang. Ano, ayaw ko lang makita yung binti ko kaya ganito." Ani ko sa kanila.
"Talaga? Eh bakit may sombrero? Hindi bagay sa ayos mo." Tanong ni Rionnel.
"Mga chismoso talaga kayo eh nuh?" Hirit ni Daisy sa mga ito.
"Curious lang, eh bat kayo? Di ba kayo curious kung bakit ganyan ang ayos niya?" Depensa ni Rionnel sa mga ito.
"Hindi, alam na namin ang dahilan e." Ngisi ni Arcille sa mga ito.
"Tss. Kaya pala." Ani ni Jacob.
"Eh ano bang sagot?" Tanong pa ni Lucas.
"Hindi naman komplikado ang sagot, tamad lang talaga siyang magsuklay kaya siya nagsusuot ng sombrero upang hindi bumuhaghag ang kulot niyang buhok." Sagot ni Jackie sa mga ito. Napangisi naman siya sa sinagot ng mga ito.
Totoong tamad siyang magsuklay at mag-ayos sa sarili dahil ayaw niyang magpakikay tulad ng ate niya. Isa pa, kulot at mahaba ang buhok niya kaya nakakatamad iyong suklayin. Ayaw niya ring nakikita ang binti niya na nakuha niya mula pa pagkabata sa conserbatibong Ama niya at mga nakakatandang lalaki na sobrang overprotective sa kanya bilang bunsong anak. Kaya mahilig siyang magpalda ng mahaba at favorite niya ang kulay ay itim. Nakasanayan na niya ang ganitong ayos mula pa noon na dinadala niya parin hanggang ngayon.
"Eh paano yan? Ngayong may jowa kana, dapat matuto kanang mag-ayos. Paano nalang pag naagaw sayo si Drey? O na-inlove sa iba?"
"Lakas ng opinyon mo, pero sabagay may punto ka." Pag-ayon dito ni Daisy.
"Oo nga naman, paano pag na-inlove siya sa iba. Tulad ni Shanaih?" Dugtong pa ni Lukas dito. Napa-ubo naman ang iba pang kaibigan nito at tahimik na binatukan si Lukas.
Sumama ang timpla niya habang umiinom ng lemon juice. Siguro may alam ang mga ito tungkol sa nagugustuhan ni Drey. Napapansin din naman niya iyon kahit noong hindi pa sila. Napatingin siya sa mga kaibigan.
"Hindi mangyayari iyon, dahil sa akin lang siya dapat mahulog." Matigas at determinadong sabi niya sa mga ito.
Talagang hindi niya hahayaang mangyari iyon, dahil kahit ang pinaka-ayaw niya pang gawin para sa saili niya ay gagawin niya para lang sa lalaking mahal niya.
.
Para lang kay Drey.
To be continued...
Not edited.