CHAPTER 11

1347 Words
Drey's POV: Nandito ako sa kwarto ko at nagmumukmok, hindi ko parin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako tumakbo kanina. "Baby?" Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang lumakas ang t***k nito. Tila naririnig ko parin ang boses niya sa isip ko. "Babe?" Huh! Tila nababaliw na talaga ako. Pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko. "Hubby?" "AAAAAARRRGGGHH!!!" Tila mababaliw na napasabunot ako sa buhok ko. 'F*ck! What the h*ck is happening to me?' Wala sa sariling napatulala ulit ako at napatitig sa kisame. Huh! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam ko kung anong possibleng dahilan kung bakit nangyayari sa akin ito, pero tila ayaw tanggapin ng utak ko iyon. "Anak, kakain na daw sabi ng Mommy mo!" Katok sa akin ni Daddy mula sa pinto. "Hindi ako gutom, Dad!" Sagot ko kay Daddy habang nakikipag-titigan sa kisame. Bigla niyang binuksan ang pinto at sinilip ako. Tinitigan niya ang ayos ko pero binalewala ko lang iyon at patuloy na nakikipagtitigan sa kisame. "May problema ka ba, Drey?" Napatingin ako sa kanya. "Wala po, Dad!" Ani ko. "Talaga ba? E bat ganyan ang itsura mo?" Tanong niya. "Ha? Anong itsura?" "Itsurang may iniisip na malaking problema. Ano ba yun, Anak?" Napabangon ako at pumunta sa harap ng salamin. Hinanap ko sa mukha ko ang sinasabi niyang itsura kong namumroblema. Kumunot noo ko. "Wala naman Dad e. Itsurang pogi parin naman." ani ko sa kanya. Tumawa siya sa sinabi ko at napa-iling kunti. "Babae yan nuh?" Panghuhula niya. Biglang sumagi sa isip ko si Enday na siyang ikinalakas ng t***k ng puso ko. Ito na naman, siguro nga may sakit talaga ako sa puso. "Paano mo nasabi yan, Dad?" Tanong ko sa kanya. "Paano nga ba?" Balik tanong niya sa akin saka ngumiti. "Siguro kasi anak kita, malamang alam ko pinagdadaanan mo. Ganyan din ako dati sa Mommy mo!" Seryosong ani nito. Napangiwi ako sa sinabi niya. "Paanong ganun din kayo dati kay Mommy? Yung magkakasakit sa puso sa sobrang kaba? Tapos para kang mababaliw? Ganun po ba?" Napangiti daddy ko sa akin at parang pinagtatawanan itsura ko. Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko. "Talagang binata na ang anak ko, mukhang seryoso na yang nararamdaman mo." 'Nararamdaman? Kanino? Kay Enday?' Napaisip na naman ako ng malala at napatulala sa harap ng Daddy ko. Hindi ko na tuloy alam ngayon paano haharapin si Enday. "Ikain mo na nga muna yan! Halika na at bumaba na tayo kung ayaw mong yung Mommy mo ang sumundo sa atin. Tiyak pareho tayong lagot kapag nagkaganun." Tinapik ulit ako nito sa balikat at inayang bumaba. Siguro nga kailangan kong pag-isipan ang mga gagawin kong hakbang upang harapin si Enday. Kung hindi, baka matulad kanina ang nangyari at bigla nalang akong mapatakbo. Sa pogi kong to? Si Enday lang ang makakapagpatumba? Hindi pwedeng ganun! Kailangan kong maging matatag. Hindi na muli ako tatakbo palayo sa kanya. Hindi na muli akong tatakas mula sa problema nitong puso ko, mula sa... nararamdaman ko. Enday's POV: Kanina pa ako pasilip-silip sa kwarto ng ate ko. Hindi kasi ako mapakali lalo na at pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Lukas, na paano pag nain-Love si Drey sa ibang babae? Katulad nalang ni Shanaih? Alam ko na hindi ako ang tipo ni Drey, hindi ako kagandahan katulad ni Shanaih sa panlabas na kaanyuan, pero kung sa mukha lang ang labanan alam ko namang panalo ako, walang duda. Pero hindi parin ako mapakali kapag naiisip na magkakagusto si Drey sa iba at hindi ako iyon. Kaya naman kahit diring-diri akong magsuot ng pakikay na damit ay gagawin ko para lang kay Drey. "Ginagawa mo diyan?" Nagulat ako sa boses na iyon mula sa likuran ko. Nang tiningnan ko iyon ay nakita ko ang nakataas na kilay na tanong ni Ate Eris. "Ah, hehe?!" Napakamot ako sa ulo ko. Langya, ka-awkward naman nito. "What?" Pinag cross niya ang mga kamay niya habang mataray na nakatingin sa akin. Ganyan talaga si Ate, sobrang taray niyan kaya nga hindi nagkakajowa madalas e. Suplada kasi. "Magpapatulong sana ako mag ayos?" Nakakamot na tanong ko. Pasensiya na kung ganito ako, hindi talaga ako sigurado sa mga desisyon ko sa buhay, lalo na ang pag-aayos sa sarili. Tila nabigla ang expression ni Ate sa sinabi ko. Sino ba ngabang hindi? Ako ata ang taong mukhang allergy sa mga bagay na gustong-gusto ni Ate. "Wow, that's new! What's the change for?" She asked. "Uhm, may boyfriend na kasi ako, Ate. Gusto ko lang na sa akin lang siya ma fall." Ani ko. Sumandal si ate Eris sa pader habang nakatingin sa akin. "Yun ba yung lalaking ka Realationship Status mo sa sss?" Tanong niya. Tumungo naman ako at ngumiti lalo nang maalala ko si Drey. "Hindi kana dapat mag-alala kung hindi maganda ayos mo. Na-in love nga siya sayo ng ganyan itsura mo e. You should be proud. Kung di ko pa alam, baka akalain kong ginayuma mo siya. Ang kaso, wala naman tayong lahing witch kaya imposible yun, lahing maganda lang meron." Prangka niyang sabi. Napanguso naman ako dun. In love nga ba sa akin si Drey? Or napilitan lang dahil sa kakakulit ko. Mas mukha ba takagang ginayuma ko siya? "Fine, I'll help!" Ngumiti sa akin si Ate. "This is new, tiyak na magugulat sila Dad." Ngumisi naman siya na tila may binabalak na hindi maganda. "A-ate Eris, please be gentle on me, okay?" Napabulalas tuloy na sabi ko. "I'll help you on my day off since you need a major revision from your looks. And we need to shopping too. Sama natin si Mommy, tiyak matutuwa iyon." aniya. Napamulagat naman ako. "Ha? Pero ayaw ko ng pink!" Ani ko. Isipin ko palang si Mommy na namimili ng mga pink na damit para sa akin ay kinikilabutan na ako. "Tss, I know. We need some cash, and I don't want to use mine for you, I have a lot of orders that I need to pay so we need Mom to use Dad's card. Besides, it's not like girls' fashion only revolves around pink. We can choose dresses with your favorite color, but not as manang as what you're wearing." Aniya. "Sigurado ka ha?" Naniniguradong tanong ko sa kanya. Mahirap na. Baka mamaya matruama ako sa gagawin nila sa akin. "Yup! Now, go back to your room. I need some beauty sleep now since I have a date tomorrow. Go, shu! Shu!" Taboy niya sa akin. "Thank you, Ate!" Natutuwa kong sabi sa kanya at tumakbo na papuntang silid ko. Hindi ko alam pero parang gumaan ang pakiramdam ko. Alam kong masu-surprise si Drey sa pagbabago ko. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya? Dumapa ako sa kama ko at ngumiti ng matamis. Sa kakaisip ko sa kanya parang nami-miss ko na tuloy siya. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung may message mula sa kanya. Napasimangot naman ako nang makitang walang kahit anong paramdam mula sa kanya. Ayan, kaya di ako naniniwalang in love sa akin yung lalaking iyon eh. Ako nalang lagi nag e-effort na makausap siya lagi. Hmp, matawagan nga ang mahal ko. Miss ko na talaga siya. Bakit kasi nahna siyang umuwi kanina? Dapat sabay kami e. May sakit kaya siya? Yung tiyan niya, ayos lang kaya? Tumawag na ako kesa mag-isip ng kung ano-ano. Tinapat ko iyon sa tenga ko pero walang sumasagot nito. "Loves, anong ginagawa mo-?" Ay teka, ayaw niya nga palang Loves ang itawag ko sa kanya. Ano nalang kaya? 'Hmm... Mukhang ayaw niya rin sa Baby or Babe. Hubby kaya?' 'Di ba cheesy yun? Alin bang magandang itawag sa kanya? Yung approachable pero hindi masyadong cheesy kasi ayaw niya nun.' 'Aha! Alam ko na.' Nag type na ako ng mensahe ko at sinend sa kanya. "Bakla! Anong ginagawa mo?" Napangiti ako sa minessage ko sa kanya. Ayan, friendly, approachable at hindi mukhang cheesy. Hinintay ko siyang mag reply, pero nagulat ako dahil mabilis lang na nakapag-reply agad siya. Samantalang yung tawag ko kanina di man lang sinagot. "WTF?" Reply niya. Ay, minumura niya ba ako? To be continued... Not Edited.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD