Drey's POV:
Nababagot akong nakatingin sa naglalaro ng liga dito sa barangay kasama si John. Para sa akin, mas masayang maglaro kisa manood lang.
"Tsk!" Rinig kong sabi ni John habang nakatingin sa isang player dun.
"Problema mo? Kanina kapa titig ng titig diyan sa lalaking yan, may gusto ka ba diyan?" Tanong ko sa kanya na mas lalong ikinasama ng tingin niya.
"Asa, yan yung crush ni Señorita Diana. Tingnan mo yung nakaupo dun sa may bleachers. Nagche-cheer pa siya." Napatingin ako dun sa tinuturo niya at nakita ko ngang nakaupo dun ang kapatid kong maldita.
"Eh bakit ang sama ng tingin mo dun sa naglalaro? Siguro may gusto ka talaga dun nuh tas in denial kalang? Diba dapat yung kapatid ko ang tinititigan mo kung talagang siya nga ang gusto mo? Eh mula nung dumating tayo, diyan kana nakatitig sa naglalaro. " Ani ko sa kanya na nakapag paawang ng bibig niya.
"What the f*ck?!" Wala sa sariling bigkas niya habang gulat na nakatingin sa akin.
"Okay lang yan, tanggap kita kahit ano pa magustuhan mo. Wag lang ako dahil may iba na akong gusto. Kaso nga lang, yung babaeng gusto ko, mulhang kaibigan ko naman yung gusto. Masyadong masakit sa puso, kaya nga hito at nagdesisyon muna akong magpakalayo-layo." Tila naiiyak na ani ko sa kanya.
Nakatanga lang siyang nakatingin sa akin. "Kaso ang malas mo naman John, mukhang kapatid ko pa magiging karibal mo. Goodluck nalang, wag sana kayo magsabunutan." Sabi ko pa sa kanya.
Napa-ubo siya ng wala sa oras at tila nasamid sa natuklasan ko. Maya-maya ay nagpa-alam siyang bibili daw muna ng tubig kaya nagpasama nalang din ako ng maiinom pra di na sayang pagpunta dun sa tindahan.
Tinitigan ko lang si Bunso na enjoy na enjoy na nagche-cheer dun sa crush niyang player. Nakita ko pa kung paano magbigay ng sulyap yung player na yun sa gawi ni bunso. Mukha nga talagang crush siya ng crush niya. Mukhang magiging broken din tong si John ah. Buti pa sila crush ng crush nila. Eh ako kaya? Kailan kaya ako magugustuhan ni Shanaih?
Nalulungkot na naman akong isipin iyon. Masakit talaga sa dibdib. Ano va kasing meron sa Lucas na yun at siya pa nagustuhan ni Shanaih?
"Sana ako nalang nagustuhan niya." Bulong ko sa hangin.
"Nagustuhan nino? Yun ba yung sinasabi nila Madam kanina na crush mo, Señorito? Yung dahilan kung bakit ka napapunta dito?" Biglang tanong sa akin ni John mula sa likuran habang may dalang buko juice sa pareho niyang kamay.
Narinig niya pala yung bulong ko kanina. Chismoso din nito e.
"Oo yun nga. Mukhang si Lucas kasi na kaibigan ko ang gusto niya." Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinahid sa mata ko kahit wala namang luha ang pumapatak doon.
"Gusto mong magustuhan niya?" Tanong ni John.
"Syempre, sino bang ayaw magustuhan ng crush nila? Parang tanga nito magtanong. Automatic na dapat yun." ani ko.
Napapalatak nalang si John sa sinabi ko.
May alam akong paraan tungkol diyan, Señorito. Iyon ay kung mananahimik ka tungkol sa natuklasan mo." Napatingin ako bigla sa kaniya.
"Kung tungkol dun sa crush mo at ng kapatid ko, sige. Di ko sasabihing crush niyo ang isa't-isa- I mean, crush mo yung crush niya." Medyo magulo king sabi. "So anong paraan ang sinasabi mo?" Excited at puno ng kyuryusidad na tanong ko sa kanya.
"Gayuma!" Aniya.
"Gayuma?" Ulit ko.
"Oo, gayuma. Iyon epektibong alam ko upang mapaibig mo yung crush mo."
"Ha? Uso pa ba yan? Panahon pa yan nu kupong-kupong e." Pamba-bash ko sa sinabi niya.
"Nasa panahon din yan ng Lola ko, Señorito. Uso pa yan, saka pinakamabisang paraan para magustuhan ka rin ng taong wala namang gusto sayo."
"Aray ha, tinamaan ako ng sinabi mong taong walang gusto sa akin. Oo na, aminado naman akong talagang walang gusto sa akin yung crush ko, kahit ako yung pinaka-pogi sa aming lahat."
Ininom muna ni John ang hawak niyang dalawang buko juice bago kumapit sa poste na nasa gilid niya.
"Napakalakas ng hangin dito, Señorito. Tatangayin ata ako." Aniya.
"Oo nga, siguro dahil nasa probinsya tayo kaya mapuno at malakas ang hangin. Pero teka, bat mo ininom din yung buko juice ko?" Kunot-noong ani ko sa kanya.
"Ha? Di ko pa ba nabigay sayo yung sa iyo?" Aniya.
"Nauna salita mo, kinalimutan mo na agad iabot sa akin. Pinakain mo pa ako ng salita." Ani ko at napa-iling nalang. "So, ano na nga yung gayumang sinasabi mo? Effective ba yan?"
"Effective yun. Doon nakuha ni Mama si Papa e."-John.
"Talaga? E bakit di mo e try sa crush mo para maging crush ka rin?" Ani ko.
"Magka-iba naman yun. Gusto ko pag nagustuhan ako ng isang tao, totoo at walang halong gayuma."
"Eh bakit mo sinu-suggest sa akin? Parang sinasabi mong okay lang maging fake nararamdaman ni Shanaih sa akin ah?"
"Suggest ko lang naman para di niyo ipagkalat yung nalaman niyo tungkol sa akin. Isa pa, pag di ka kumapit sa gayuma, magkakaroon ka ba ng pag-asang magustuhan din nung Shanaih na crush mo?" Parang sinaksak ako sa katutuhanan dahil sa sinabi niya.
"Fine! So, how can I get that potion?" Sumusukong ani ko sa kanya.
John smirked at me and said, "Well..."
F*CK!!! Now, here I am holding a torch while walking on the dark path in the middle of the night.
Mukhang napasubo ata ako sa desisyon ko.
"Bakit naman gabi pa tayong pupunta sa bukid niyo? Di ba pwedeng bukas nalang ng umaga?" Reklamong ani ko kay John.
Ang walangyang to, di ko alam kung anong nginiti-ngiti niya kanina. Ito pala iyon.
Nagpa-alam pa siya kina Grandma kanina habang naghahapunan kami na pupuntang bukid upang dalawin ang Lola niya. Akala ko bukas pa yun, langya at ngayon palang gabi agad.
"Bakit pa natin ipagpapabukas kung pwede namang ngayon?" Aniya.
"Loko! Balak mo lang may kasamang manghuli ng palaka sa daan papuntang bukid. Sinama mo pa ako. " Inis na ani ko.
Tumawa lang ang loko habang sinisipat ang bawat madaanan naming tubig upang maghanap ng palaka.
"Nautusan lang ni Nanay kanina, sakto naman at may kailangan din tayo kay Lola. Wag kana magreklamo Señorito, ayusin mo paghawak mo nung flashlight para makahuli tayo ng marami."
"Maayos hawak ko, pero tanong ko lang. Anong connect nitong torch na hawak ko kung may flashlight naman tayo?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. Tumawa lang siya sa sinabi ko. Baliw talaga to, napaka luko-luko.
"Malalaman mo ang silbi niyan katagalan, pero kung maayos naman ang huli natin ngayong gabi, ay baka di natin yan magamit. Pang-ilaw nalang yan mamaya-uy ayun, tutukan mo at sisibatin ko." Aniya ng makakita ng palakang bukid. Parang walang naman akong nakita pero siya ang bilis ng mata. Galing naman.
"Siguraduhin mo lang na palaka yan at hindi ahas, kung hindi, talagang yari ka sa akin." Ani ko.
"Yan nga silbi ng hawak mong torch. Ibabato mo pag may nakita tayong ahas."
"G*go! Ginawa mo pa akong pain." Tawa lang siya ng tawa. Mautot sana, langya. Makahanap na nga lang ng palaka para dumami na at matapos nato.
"Uy señorito, wag kang maingay at may isda." Ani ni John at tinutukan ang isdang tila natutulog sa gilid ng tubig.
Naging seryoso naman ako para makuha niya iyon. Medyo malaki kasi at mukhang mataba.
Napangiti ako ng matamaan nga iyon ng sibat niya. Ang galing, bagong experience ko din ito. Naging seryoso tuloy ako bigla na makahuli pa ng marami.
"Sakto, masarap ulam natin bukas. Siguradong igagata ito ni Lola." Ani ni John.
"Anong isda ba to?" Tanong ko habang sinisipat ang huli namin. Ako nag may dala niyon para makapag focus siya sa panghuhuli.
"Halwan fish. Tanda ko paborito mo yang kainin noong bata ka pa, Señorito." Aniya. Natatandaan ko ngang may isdang niluluto dati si Grandma na gustong-gusto kong
kainin.
"Oo, ito nga yun. Di ko nga lang alam ang pangalan." Ani ko.
Naghanap pa kami ng iba pang mahuhuli at humihinto sa may mga tubig nadadaanan namin.
Napatutok ako dun sa parang gumagalaw. "John, dito. May palaka ata." Ani ko at inilawan maigi iyon. Napatitig din doon si John at tinitingnan kung meron nga, nang biglang gumalaw yung d**o at nakita namin ang katawan ng ahas.
"AAAAAAHHHHHHH!!!" Sa sobrang taranta ko ay napatakbo ako kasama ni John na nagulat din sa pag sigaw ko. Sabay kaming nagtakbuhan habang hawak ko ang laylayan ng damit niya. Sa sobrang gulat ay di ko na natapon yung torch at tumakbo nalang ng mabilis.
To be continued...