CHAPTER 4

1595 Words
Drey's POV: "Uy, sandali! Sandali! Malayo na tayo, wala na yung ahas." Paghinto ni John. Napahinto na rin ako habang hinahabol ang hininga ko. "Bwiset ka! Wala na akong tiwala sayo, pano pag may makasalubong ulit tayong Ahas sa daan?!" Hingal na sabi ko sa kanya. "Hawak mo pa naman yang torch tapon mo nalang kung may makita ulit tayo." John. Sinamaan ko siya ng tingin. Langya to, buwis buhay din pala tong pagsama ko sa kanya. Akala ko easy lang. "Wag na nga tayong manghuli, marami na naman to." Ani ko at itinaas ang bitbit kong lagayan nung mga sinibat niya kanina. "Oo na, Oo na! Tara, dumiretso na tayo sa bukid ni Lola." Aniya. Kahit hingal pa rin ay sumunod na ako sa kanyang maglakad habang pinapakiramdaman ang paligid. Baka mamaya kasi may ahas na namang lumabas. "Ang dilim naman. Bakit kasi sa bukid pa namalagi yang Lola mo? Di kaya aswang yan?" Pagrereklamo ko. "Hoy, ginawa mo pang Aswang ang Lola ko. Di ba pwedeng binabantayan niya doon ang mga alaga naming hayop kaya doon nag nakatira?" Aniya. "Aba, malay ko! Baka mamaya sinama mo lang ako para maging pain sa lola mo, tas ipapakain mo ako mamaya. Sayang naman ang kapogian ko." Yung trust ko sa kanya ay talagang pababa na ng pababa. Hindi ko alam kung yung sinasabi niyang gayuma ay talagang effective ba? "Imagination mo Señorito, lumalala. Aling palabas ba pinapanood mo at ganyan naiisip mo?" Napaisip naman ako, ang dami kasi naming napanood na Horror movie noong mga bata pa kami kasama si Maldita, pinapangtakot yun sa amin ni Daddy, kaya ang ending doon kami sa kwarto nila natutulog. Buti nga yun, dahil nakaganti kami kay Daddy. Di siya naka score kay Mommy, hehe. "Malayo pa ba tayo?" Tanong ko kay John, ayaw ko na sagutin tanong niya dahil napapagod na ako kakalakad namin at nung tumakbo din kami kanina. "Malapit na. Ayun oh!" Tinuro niya ang isang kubo na nasa ng medyo mataas na lugar. "Wow, aakyat pa tayo diyan?" Reklamo ko. "Alangang gumapang tayo? Iyan nalang last challenge sa atin. Hindi mo naman mamalayan ang pag-akyat diyan dahil di naman masyadong pataas ang daanan." Yung mga tinginan ko sa kanya ay mga tinging nagdududa. Tulad nga ng sabi ko, nawawalan na ako ng tiwala sa kanya. Kung sa kanya ay madali, pwes sa akin ay hindi! Pero, di nalang ako nagsalita at sumunod lang sa kanya. Wala rin naman akong ibang magagawa dahil andito na kami. Alangang mag stay ako dito sa gitna ng gubat na mag-isa, baka mamaya may ahas na naman e. "Lola! Lola!" Tawag ni John sa Lola niya ng makarating kami sa kubo. Mukha lang itong maliit kapag tiningnan mongaling sa baba, pero pag andito kana mismo, makikita mong medyo malaki pala itong kubong sinasabi nila. Isang buong bahay na nga ito kung tutuosin, pero kung ikukumpara mo sa mansion, magmumukha nga siyang kubo. "Aba, sino ba yan? John? Bakit ka andito? Gabing-gabi na." Sumilip muna sa may bintana ang Lola ni John upang kumpirmahin kung sino kami bago pinagbuksan ng pinto. Nagmano muna kami sa Lola niya bago pumasok sa loob. "Inutusan po kasi ako ni Nanay na manghuli ng palaka. Ito nga at marami kaming nasibat sa daan." "Oh, kaya pala gabi na kayo napapunta dito. Sino ba itong gwapong kasama mo?" Inaninag niya ang mukha ko habang kinikilala. Napangiti naman ako nung sinabi niyang gwapo. "Si Señorito Drey yan, La. Nagbakasyon dito kasama nina Madam Luisa." Pagpapakilala sa akin ni John. "Aba, ang laki mo ng bata ka. Dati nakikita pa kita doon sa mansion habang karga-karga ng Mama mo. Ano bang meron at napadalaw ka din dito kasama ng apo ko?" Anito. "Leng, sino ba yang dumating?" May sumilip mula sa loob ng kwarto sa kubong ito. Napatingin kami doon. "Lo, mano po!" Lumapit doon si John at nagmano, kaya napasunod din ako. "Aba, ikaw pala apo. Pagpalain ka ng maykapal. Anong meron at napadalaw kayo dito?" Tumingin ito sa akin matapos kong mag mano. "Bukod po sa utos ni Nanay, may kailangan din po si Señorito sa inyo. Alam niyo na, gusto niya mapa-ibig yung babaeng nagugustuhan niya, kaso di naman siya gusto." Hindi ko alam kung sinusuportahan ako nito ni John o nang-aasar lang. Masakit kaya marinig na di ako gusto ni Shanaih kahit totoo naman. "Gusto mo ng Gayuma?" Tanong ni Lola na nagpatingin kay Lolo at natawa. "Opo, Lola!" Ani ko. "Hm, mukhang mahabang kwento ang kailangan mo para malaman natin ang dahilan mo sa pagkapit ng gayuma." Tingin sa akin ng malalim ni Lolo. "Kumain na ba kayo? Hali muna kayo at pag usapan natin yan sa hapag, sakto at nagluto ako ng bibingka kanina at marami ring tirang ulam na tiyak magugustuhan niyong dalawa. Sandali at iinitin ko habang nagkukwento ka, Señorito." Pumasok si Lola Lena sa kabilang kwarto na wala namang kahit anong harang mula dito sa sala nila. Sumunod din kami sa kanya at doon nakita kong andun din pala yung sinasabi niyang hapagkainan nila. Bali iisang silid lang ang lutuan at ang kinalalagyan ng mesang kanilang kinakainan. Maayos naman at malinis iyon, lalo pa at kumikintab ang upuan na parang araw-araw nilalagyan ng wax at nilalampaso. "Simulan mo ng magkwento, Señorito. Ano at bakit kinakailangan mo ng gayuma bukod sa hindi ka crush ng crush mo?" Aray ha, kanina pa sila masakit nga marinig yun e. "Ganito po kasi yun, Lolo Tsino..." Kinuwento ko sa kanya yung tungkol sa crush kong si Shanaih at sa kaibigan kong si Lucas na gusto nito. Kung paano ako sobrang nasasaktan dahil talagang kaibigan ko pa yung nagugustuhan niya. Nakikinig lang si Lola Lena habang binabantayan ang ininit niyang pagkain. Inihain niya muna sa amin yung bibingkang niluto niya daw. "Señorito Drey, sigurado ka na ba sa paggamit ng gayuma? Sa tingin ko kasi infatuation lang ang nararamdaman mo sa babaeng iyan at hindi pa tunay na pag-ibig." Ani ni Lolo Tsino. "Lolo, kung hindi pa po ito pag-ibig bakit ang sakit po sa dibdib ko?" Hinawakan ko ang puso ko at tila maiiyak ang mata. Napa-iling naman si Lola Lena sa akin. "Mga kabataan nga naman, makaramdam lang ng konting paghanga sa isang tao, akala nila yun na talaga tinadhana para sa kanila." Palatak ni Lola. Napanguso naman ako sa sinabi niya. "Pero Lola, seryoso po talaga ako sa nararamdaman ko sa kanya. Hayaan niyo na akong gumamit ng gayuma." Ani ko. Napabuntong-hininga si Lolo Tsino habang si John naman ay napailing nalang habang kumakain ng bibingka. Mabulunan sana. "Ito at luto na. Kumain ka muna Señorito Drey at baka gutom lang yan." Hinain ni Lola ang isang ginataang gulay na mukhang masarap. Di ko alam kung ano tong mga sangkap niya, pero nakikita kong masarap pagkakagawa nito sa amoy palang niyon. Kumain naman agad ako, nawala ata yung kinain ko kanina dahil sa kakatakbo namin ni John palayo sa Ahas na nakasalubong namin kaya hito at para akong gutom na gutom. Nagkape naman sina Lola Lena at Lolo Tsino dahil tapos na daw sila kumain ng hapunan. Nag-uusap silang dalawa ng masinsinan. Siguro tungkol iyon sa request kong gayuma. Nang matapos akong kumain ay saka naman sila sumeryoso at kinausap ako. "Señorito Drey, ang pang gagayuma ay isang napaka seryosong bagay na hindi dapat ginagawa sa kung sino-sino man. Ano man at ano man ang kahihinatnan nito, responsibilidad mong panagutan lahat ng iyon. Naiintindihan mo ba?" Seryosong sabi sa akin ni Lolo Tsino. "Opo, handa po akong panagutan lahat ng magiging aksyon ko sa paggamit ng gayuma." Tumungo ako kay Lolo. "Sigurado ka na ba talaga dito?" Muling tanong sa akin ni Lola. Determinado akong tumungo sa kanya. Nagkatinginan sina Lolo at Lola. Maya-maya ay sumusukong tumungo si Lolo. "Sige, pagbibigyan ka namin Señorito. Pero lagi mong tandaan ang mga responsibilidad mo sa paggamit ng gayuma. Hindi ito katulad ng kanin na kapag sinubo mo na ay iluluwa mo pa pabalik. Ito ay isang ulam na hinding-hindi mo na mailuluwa sapagkat ito'y nalunok mo na." Malalim na paalala nito. Tumungo lang ako sa lahat ng sinabi niya. Alam ko naman kung ano magiging responsibilidad ko patungkol dito. Gusto ko lang talaga magustuhan din ako ng babaeng gusto ko. "Ibig sabihin, hindi mo na maaalis sa taong iyon ang pagkagusto sa iyo. Habang buhay mo iyong dadalhin kahit pa sa hinaharap ay makahanap ka ng taong sigurado ka ng siya talagang nakalaan para sayo. Dika makakapili ng iba, kailangang panagutan mo iyon kahit pa, puso mo ang nakalaan dito. Handa ka ba señorito na makulong sa responsibilidad na ito?" Medyo natakot ako sa sinabi ni Lola. Pero habang naiisip ko si Shanaih at ang pagkagusto niya kay Lucas ay mas lalong nagiging determinado ako na gumamit ng gayuma. "Handa na po ako Lola sa lahat ng responsibilidad na hahawakan ko." Ani ko. "Kung ganun, kailangan mong manatili dito habang ginagawa natin ang gayuma. Dugo at pawis mo ang magiging kasangkapan upang magawa natin iyon." Ani ni Lola. "D-dugo? Masakit po ba iyon Lola?" Medyo alanganing tanong ko. Baka manaya maraming dugo ang kukunin nila sa akin e. "O, bat ka natatakot? Kala ko ba seryoso kana?" Ani ni John mula sa likod ko. Pinatapang ko naman agad ang mukha ko. "Seryoso ako!" Ani ko, bahala na kung isang galong dugo ang kukunin nila mula sa akin. "Isang patak lang Señorito, parang kagat lang ng langgam iyon." Ani ni Lola Lena nang makitang tila namumutla ako. Napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Buti naman kala ko marami e. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD