Drey's POV:
Nanatili ako sa bukid sa loob ng tatlong araw upang makumpleto ang gayumang pinapagawa ko.
Samantalang umuwi muna si John sa kanila upang ihatid ang pinapakuha ng Nanay nito at maipagpaalam narin si ako sa pamilya ko.
Dito sa bukid, hindi biro ang sakripisyong ginawa niya upang makumpleto ang mga sangkap na gagamitin sa pagawa ng gayuma. Una, sinamahan niya si Lolo Tsino sa pagkuha ng preskong Honey mula mismo sa bahay ng pukyutan na inakyat pa nila sa puno. Tudo iwas niya upang hindi makagat ng mga iyon pero sa dami ba namang bubuyog na nagliparan ay sinong maswerteng di makakagat niyon kahit-isa?
Buti sa kanya ay tatlo lang, na ginamot din naman agad ni Lolo Tsino gamit ang ginawa daw nitong pamahid.
Pangalawa ay pumitas sila ng Cacao sa gubat, kumuha ng mga dahon-dahon na di niya alam kung anong mga pangalan, buntot ng tuko na sabi ni Lolo Tsino ay isa rin daw gamot, saka pawis ko.
Oo, pawis ko. Basta may patak lang daw na galing sa akin, kaya yung pawis ko nalang kesa naman laway? Kadiri yun. Una sa lahat, naligo muna ako bago nagpapawis at dun kumuha ng ilang patak upang ihalo sa gayuma.
Sa kalagitnaan naman ng gabi ay may pinapabasa sa akin sina Lolo at Lola sa isang lumang papel, parang Latin ata ang sulat nun. Ginagawa ko yun after ko magpunas ng lunas ba ginawa nila at pinahid sa katawan ko, bago ito bigkasin ng ilang ulit havang hinahalo ang mga sangkap.
Pinapatakan din ako nila Lolo ng kandila sa likod bago ko ipahid yung parang lana na gawa nila Lola. Eto yung nakikita ko sa TV na pinapahid ng manananggal sa katawan nila bago mahati iyon sa dalawa. Sa umaga naman ay pinapaupo nila ako dun sa bato kung saan bumabagsak ang tubig sa maliit na falls na makikita doon habang sampung beses bibigkasin ang latin na salitang karugtong nung binabasa ko tuwing gabi.
Kaya naman nung matapos ang pagawa sa gayuma ay sobrang tuwa ko dahil matitigil na ang ginagawa kong pagdadasal ng di ko maintindihang salita sa hating gabi at umaga. Kaya naman nubg umuwi ako sa amin ay para akong umitim at medyo lumaki ata ang katawan tulad ng kumento sa akin nu John.
Worth it naman kasi na-enjoy ko din abg bakasyon namin sa bukid ng Lola at Lolo ni John. Kaya nga lang ay pinagod naman nila ako sa pagbubuhat ng kung ano-ano doon.
"Woah, makakapagpahinga din." Ani ko ng makahig sa kama ko dito sa mansion.
Wala pa atang isang minuto ay nakapikit na ako dahil sa pagod. Sana naman tumalab itong gayumang pinaghirapan ko, dahil kung scam to. Susugurin ko talaga sina Lolo at Lola sa bukid. .
Pero sa ngayon, magpapahinga muna ako.
****
After a week na bakasyon sa probinsiya ay naka-uwi narin kami dito sa lungsod. Nakapagpahinga na ako ng isang araw mula sa byahe at bukas ay pasukan na naman.
Excited na akong ipainom kay Shanaih itong gayumang dala ko na nilagay ko pa sa pinaka safe na box.
Plano kong ihalo ito sa pagkain o ilagay sa inumin na ibibigay ko kay Shanaih. Sana maging maayos ang lahat bukas.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil may practice kami sa basketball ngayon. One week din akong absent sa practice namin, ayos lang naman dahil wala pa naman kaming papalapit na laban. Excuse ako sa lahat ng subject ko kaya safe lang umabsent. Syempre, si Dad na bahala dun sa mga palusot niya.
Ako palang nandito, siguro masyado akong na excited sa mga mangyayari kaya napaaga ang pasok ko. Nagbihis muna ako ng sportswear ko mula sa locker at naisipang mag lapse muna para ma warm up katawan ko. Palabas na ako ng locker room nang biglang may dumaang babaeng nakaputi at buhaghag ang buhok.
"What the f*ck! AAAAHHHHHHHHH MULTOOOOOOOOOO!!!" Gulat na sigaw ko at napatakip sa mga mata ko.
P*tek, aatakihin ata ako sa puso.
"Ha? Anong multo? Tao ako nuh!" Ani nung babaeng nakaputi na nakasilip sa labas ng pintuan ng locker room.
"A-AHHHH-! LANGYA NAMAN, INDAY? TINAKOT MO AKO!" Sigaw ko sa babaeng iyon.
"Hoy! Dumaan lang ako ah! Di ko na kasalanan kung natakot ka." Aniya.
"Eh bakit naman kasi ang gulo ng buhok mo? Magsuklay ka nga!" Ani ko sa kanya.
"Ayuko, katamad mag ayos. Magbibihis lang ako para makapag practice. Magpa-practice ka din ba? Isang linggo kitang di nakita sa court ah, san ka gumala?"
"Dami mong tanong, bakit? Na miss mo ba ang kagwapuhan ko?" Inayos ko sarili ko at lumabas na ng locker room habang nakatingin sa akin si Inday."
"Ha? Gwapo ka ba?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Langya tong babaeng to, parang nangmamata.
"Wag kang masyadong tumitig baka ma inlove ka." Ngumisi ako sa kanya na ikinangiwi niya.
Nanahimik siya saka kunwaring nasusuka. "Asa ka, di kita type!" Aniya.
Napatawa ako sa akto niya. Wag kang mag-alala, di rin kita type!" Ani ko at nakangising dumeritso sa court.
Di ko na nakita ang expression sa mukha niya. Tumakbo nalang ako tulad ng una kong plano.
Hindi katagalan ay nakita ko siyang tumatakbo din sa loob ng court. Nakabihis na siya at parang wala sa ayos na ipinusod ang buhok. Napa-iling nalang ako sa itsura niya. Tomboy na mangkukulam talaga tong Enday na to. Wala ba talaga siyang balak na suklayin yung buhok niya? Parang ako ang naawa sa buhok niya, pero parang masnakkaa-awa naman yung suklay, baka maputol kapag ginamit niya dahil mukhang ilang taon nang di nadapuan ng suklay ang kulot na buhok nito.
Nag cool down muna ako saglit para mapantayan ang pace ni Enday habang nakatingin sa kanya.
"Ano?" Aniya sa akin nang makitang tila inaantay ko siya.
"Wala lang, naisip ko lang na baka gusto mong may gwapong kasabay tumakbo." Nakangisi kong ani sa kanya.
"T*ng*na, bumabagyo na naman." Bulong niya na rinig ko. Napatingin ako labas ng Gym.
"Maayos ang panahon sa labas. Tingnan mo, pati ang langit sumasang-ayon sa akin." Ngisi ko sa kanya.
"Tss, dun ka nga. Ayaw kita kasabay tumakbo." Medyo tinulak niya ang balikat ko palayo sa kanya.
"Kunwari kapa, gusto mo lang ako mahawakan e." Ani ko na napatingin sa balikat ko habang tumatakbo.
Inis na tumingin siya sa akin saka medyo binilisan ang pagtakbo. Sinabayan ko lang siya.
"Ano bang problema mo? Wag mo nga akong sabayan, nakakabanas pagmumukha mo!" Aniya.
"Hindi nakakabanas yan, nakaka-inlove kamo."
"Ul*l! Hindi lahat ng babae mai-inlove sayo. May sira lang sa ulo ang papatol sayo."
"Parang sinasabi mong halos lahat ng babaeng nag-aaral dito sa campus at may sira sa ulo? Magpapatawag reserve na ba ako ng mental hospital para sa kanilang lahat?" Ani ko.
"Lakas! Lakas talaga ng hangin, nakakabwiset!" Aniya na ikinangisi ko.
Medyo nakakawala din ng boredom kausap tong si Enday. Masarap asarin.
Nang maka-ilang lapse na kami ay tumigil upang magpahinga saglit. Wala pa mga ka team ko dahil medyo maaga pa. Hindi ko alam na ganito pala kasipag mag practice to si Enday. Kaya pala magaling din siyang maglaro ng basketball team.
"Hey, One on one tayo, gusto mo?" Ani ko sa kanya.
Tumitig siya sa akin saglit saka ngumisi ng tila may naisip.
"Sige, unang makaksampung puntos. Ang mattako siyang manlilibre ng lunch sa loob ng isang buwan." Ngisi niya.
"Woah, parang confident kang ikaw ang mananalo ah." Ani ko sa kanya.
"May tiwala ako sa skills ko, syempre mananalo ako."
"Oh? Baka nakakalimutan mong ako ang mvp ng team namin?"
"Pag pagkain ang usapan, imposibleng manalo ka sa pustahan." Aniya.
"Ha! You're too confident. Fine! Let's do this. Sisiguraduhin kong makakalibre ako ng pagkain sa loob ng isang buwan."
"Nah, your food is mine! Ako mali-libre mo!" Ngisi niya sa akin.
This witch. Sisiguraduhin kong wala kang makukuha sa akin. Ako ang mananalo sa larong ito.
To be continued...