Prologue
prologue
VERONICA
"Ok one more take in three two one lights camera action!".
Sigaw ng director.
"Mahal na mahal kita jasmine please maniwala ka sakin".Sincere na pagkasabi ni jake sakin ,punong puno din ng lungkot ang mga mata nito habang nakahawak sa magkabilang braso ko.
Hinawakan ko ito sa pisngi at mangiyak ngiyak na tiningnan ito.
"im sorry jake hindi tayo pwede ,alam kong alam mo kung bakit? andaming masasaktan kapag ipagpatuloy pa natin to ,mahal na mahal din kita sobra ".Lumabas ang mga luha sa mga mata ko ng sabihin iyon.
"Cut!".Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sigaw ng director ,grabing emotion ang pinakita ko kanina. "Bravoo Veronica ang galing mo ! i really love your works ".Nginitian ko lang ito ng makalapit ito sa amin.Nagkatinginan kami ni matteo as jake magaling din naman si matteo at maraming awards na rin itong natanggap dahil sa galing nitong umarte kaya siguro nadala rin ako sa emosyon kanina dahil magaling siya.
"Well that's enough for today guys bukas ulit".
Nagpaalam din agad ito sa amin ,agad na lumapit ang PA ko para ibigay ang tubig.agad ko naman itong ininom.
"Uuwi ka na ba?".nag angat ako ng mukha ng lumapit si matt sakin.
"yes ".Sagot ko sabay tayo at para na rin kunin ang bag na dala ko kanina.Pansin ko namang nakasunod ito sakin .
"nica ,hintayin na lang kita sa kotse ".Tinanguan ko lang ang aking PA ng tawagin ako nito.
"Would you mind if ako na lang ang maghatid sayo ".Rinig kong sabi ni matt sakin napakamot pa ito ng ulo niya ng biglang lumingon ako dito.
"I know you're tired matt i have my car ,you can go home na ".Sabi ko sabay lakad ngunit sumabay din ito sakin hanggang sa makarating ako sa kotse ko.
"matt ,i told you already i have my car sige na umuwi ka na rin".11 pm na kasi at alam kong katulad ko ay pagod na rin siya .
"Sige ingat ka nica, see you tomorrow".
Ngumiti ako dito saka tumango.
"You too matt,see you".Nang tumalikod na ito sakin ay agad akong pumasok sa loob ng kotse kung saan naghintay sakin si jera ang aking personal assistant.
"Niligawan ka ba ni matteo guanzon?".rinig kong tanong ni jera sakin ng maupo ako sa passenger seat ,agad naman nitong pinaandar ang kotse.
"Hmm no ,look ngayon lang kami nag ka trabaho ni matteo and i don't think magkakagusto yun sakin remember kakabreak lang nila ng ex girlfriend niyang model after 5 years ng relationship nila ".
"Well girl kung makatingin kasi sayo parang girlfriend ka eh ,ang gwapo kaya ni matteo tapos nag aya pang ihatid ka niya meaning lang nyan eh may gusto siya sayo".Napailing nalang ako sa sinabi ni jera madalas niya iyong sabihin sakin kapag may bago akong ka love team which di na bago sakin.Jera is my PA since nagsimula ako sa showbiz industry , transgender woman siya..so bakla siya dati at ngayong naging isang ganap na babae na .
" whatever im not interested ".Sabi ko na lang sabay sandal sa upuan ko what a day!!!
naka ilang scene kami ngayon ,this is my first movie with matteo guanzon .I feel nervous din kasi first time naming dalawa sa movie.
Sana talaga kikita at mag click ang movie na to kasi para sakin sobrang ganda ng story ni jasmine at jake dito .
Nakarating agad kami ni jera sa aking bahay kung saan katatapos lang nito at ngayong buwan lang ako nakalipat .Medyo tahimik ang lugar nato kaya makakapag relax talaga ako .
Tulog na lahat ng dumating ako ,nagpaalam narin si jera na uuwi siya sa unit niya kahit may sariling kwarto naman siya dito sa bahay , Naghintay raw ang AFAM niya sa kanyang unit kaya ayun di ko na mapigilan infact 3 years na sila ng nobyo niyang german .Naiingit man ay wala akong magawa ,ayokong magmayabang pero sa dinami dami ng lalaking nanligaw akin mostly ay mga actors na naka trabaho ko na ay wala sa kanila ang type ko kaya hanggang ngayon single pa rin ako.Mababa lang naman ang standards ko sadyang wala lang talaga sa kanila ang type ko.
I want a man that's not related to showbiz ,yung simpleng lalaki lang sana na kapag magpapakasal na kami ay mamuhay kami ng simple iyong hindi magulo katulad ng buhay ko ngayon sa showbiz .
Yung lalaking protektahan ako sa lahat at mamahalin ako ng totoo not because i am famous but because of who i am.Yung tanggap ako .Sana talaga dumating na siya kasi 6 years na akong single at gustong gusto ko ng magmahal ulit sa lalaking pinangarap ko gabi gabi na kahit sa panaginip lang ay gusto na siyang makita.
Dumiretso na ako sa aking kwarto para makapag linis ng katawan at para na rin makapagpahinga na.
Kinabukasan naabutan ko yung daddy ko sa dining table habang kumakain kasama si lola at ang bunso naming si vincent .My father is a business man mr Virgil Aparo na palaging busy pero mabait ang dady ko kahit pareho kaming busy ay gumawa talaga siya ng paraan na kahit sa breakfast ay makasama namin siya .Ayaw sana niyang lumipat sa house na pinagawa ko kasi ayaw niyang iwan ang dati naming bahay nandun kasi yung memories nong kasama pa namin ang momy ko buti na lang at napilit ko ito.My mom died when i was just 10 years old in a car accident .My lola V as in vilma ang super supportive kong lola na kahit 65 years old na ay ang lakas lakas pa din siguro dahil puro gulay yung kinain niya .Lagi niya akong pinagsabihan na tumulad sa kanya puro gulay ang kakainin kaya ayun nagiging veggies na din ako.
And lastly my spoiled brother vincent alparo ,minsan nakikita rin siya sa tv kasi may mga kumukuha din sa kanya dahil gwapo naman talaga siya .Nagiging model sa commercial may mga extra din siya sa mga soap opera.Pero gusto ko pa din na ipagpatuloy ang pag aaral niya kesa mag artista .
"Good morning ".Sabay silang napalingon sakin.
"Good morning anak halikana't magbreakfast ka na ".
Ngumiti ako kay dady bago naupo sa pwesto ko .Sinulyapan ko si vincent bigla kasi ito Tumayo ng maupo ako.
"Im done".Sabi nito ng di man lang kami nilingon.Napailing nalang ako bago ibinalik ang atensyon sa pagkain.
"iyang kapatid mo nica may nakaaway na naman sa klase kahapon ,ewan ko kung hanggang kailan matauhan ang batang iyan".
Napahinto ako sa pagkain dahil sa narinig mula kay lola,saglit kong tiningnan si dad na ngayoy nakatingin na rin sakin.Naramdaman ko ang isang palad nito sa aking balikat.
"I already talked the principal yesterday don't worry anak nagawan ko na ng paraan para hindi na lumaki yung gulong kinasangkutan ni vincent".Napabuntong hininga nalang ako habang pilit na Nginitian si dady.
"Lagi na lang ganyan kung hindi nyo iyan kukunsintihin baka hindi lang gulo ang gagawin ng batang iyan ,baka pati career mo nica masisira ng dahil sa batang iyan-
"Lola wag na po kayong mag alala huminahon po kayo baka tataas na naman bp mo".Putol ko kay lola ngunit tumayo rin ito at tuloy tuloy lang sa paglalakad hanggang sa makaakyat papunta sa kanyang kwarto.
Napahilamos nalang ako sa mukha dahil sa nangyari . Naramdaman ko naman agad ang paghimas ni dad sa likod ko. Nasa senior high na si vincent pinalipat namin siya sa public school dahil sa pagiging arogante nito sa private school gusto namin siyang matutu pero di ko alam na mas lalo palang itong lumala. Galit ito sa amin lalo na sa akin dahil ako ang nagdesisyon na ilipat siya.
Im packing my things now dahil mamaya ay naparito na si jera para sunduin ako.Sa tagay tay ang last taping namin kung saan ito yung last scene at matapos na rin ang story ni jasmine at jake na ang pamagat ay. "You are the one"
TAGAYTAY*
Pagdating namin ay saktong sakto dahil lunch na may nakahanda ng pagkain para sa amin.Complete na din kami i mean ang buong cast.
Pagkatapos kumain deretso na agad kami sa place kung saan gaganapin ang unang scene namin ni matteo dito sa tagay tay.
Isa sa mga scene na ito ay ang kissing scene namin ni matteo.Medyo kabado pero ok lang sanay na rin ako dito dahil halos naman lahat ng mga naging ka love team ko ay may kissing scene .
Nakailang take kami dahil medyo nanginginig si matteo sa kissing scene namin.Gusto kong matawa sa mukha niya dahil kabado talaga siya kitang kita talaga kaya minsan napagalitan siya ng director namin.HAHA habang ako ito chill na chill pa din .Sanay na sanay .
After 10000000 hours natapos din kami sa kissing part at dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan ay di kami nakapagpatuloy hanggang sa gumabi na kayat nagpasya nalang ang buong cast na bukas na ipagpatuloy ang ibang scene.
"Saan ba tayo pupunta jera ?".Tanong ko sa kanya ng makaalis kami ,nagpaalam na rin kami sa director na babalik kami bukas ng umaga.Gusto ko na ngang mainis kay jera dahil malayo na ito sa place kung saan kami nagtetaping kanina.
Malakas pa.naman ang ulan ngunit tumila agad ito ng makarating kami sa isang resort.
'Were here!".
"Ano bang ginawa natin dito?".Tanong ko ng makalabas kami pareho.
Nagpatingin tingin ako sa paligid ,walang masyadong tao pero may ilan na nakatambay sa loob ng resort.
"well i bring you here para maka relax ka din tsaka feeling mo lang yun na malayo nuh ,malapit lang to sa taping place nyo".
Hindi nalang ako sumagot at nag simulang naglakad sa loob napansin ko naman ang pagsunod ni jera sakin.
"Don't worry it's safe here ,private ang resort na ito hindi crowded katulad ng iba dyan ".
Wala naman talagang katao tao sa loob halatang private ang lugar ,mga tustista ang mga nandito .May mga pumapansin sa amin mostly mga workers sa resorts may mga kumakaway pa nga sakin at halatang kilig na kilig ng kumaway ako pabalik.
"This is so cool ngayon palang nagpapasalamat na ako sayo dahil siguradong makakatulog ako ng mahimbing ngayong gabi".
"sabi ko sayo eh".
sumunod ako kay jera hanggang sa sinalubong kami ng isang babae .
"Maygad jeralyn bakit di mo sinabing kasama mo si ms veronica alparo!".pigil tiling sabi nong babae ,nagbeso silang dalawa maya maya pay nahihiya itong tumingin sakin.
"Hai ms veronica grabi ang ganda mo talaga pa selfie naman oh".Pag papacute nito sakin ,tinanguan ko lang ito saka ngumiti.
Lumapit naman ito agad sakin para mag kipag selfie.
"Tama na yan ok ,nandito kami para mag relax ok tama na yan".Biglang pumagitna sa amin si jera ,at hinila na ako papunta siguro sa magiging room namin.
"By the way im rea ,isa sa mga nag manage nitong resorts ,pinsan ako ni jera".
Pagpapakilala nito habang naglalakad kami pareho nasa gilid lang siya ni jera,nilingon ko ito saka ngumiti.
"nice meeting you rea ".Sabi ko dito ,natawa ako sa naging reaction niya dahil pilit nitong pinigilan ang sarili na wag tumili kaya binatukan tuloy siya ni jera.
Nagpaalam na rin ito sa amin ng makarating kami ni jera sa room na nakabakante.
Nasa kabilang room si jera,nagpasya akong humiga muna hanggang sa naka idlip ako.
It's already 9 pm ng magising ako ,medyo humihikab na rin ang tiyan ko sa gutom kaya lumabas na ako para kumain.
Buti na lang at may sariling cafeteria itong resorts ,nagmamadali akong nag order ng pagkain.Some of the worker's in cafeteria notice me titig na titig muna ito sakin bago napatakip sa kanyang bibig.
"oh my gosh si ms veronica !".Tilay hindi makapaniwalang sambit nito sa katabi niya.napailing nalang ako ng kapwa silang dalawa na ang nakatulala sakin.Ngumiti nalang ako sa kanila bago kinuha ang pagkain na nasa harap ko buti nalang talaga walang katao tao sa lugar kundi baka pinagkaguluhan na ako ngayon.
Pagkatapos kumain ay nagpasya akong maglakad lakad sa tabi ng dagat ,medyo malamig dahil katatapos lang ng ulan pero nakakarelax din at the same time.
Habang naglalakad ay may nakasalubong akong babae.Pa gewang gewang ang lakad nito na sa tingin ko ay lasing na lasing,may hawak hawak itong bote ng alak.
"Hey you hahaha ".Huminto ito sa harap ko habang tumatawa. "Know what ang lam-lamig hek * ka-katulad ng hek*panla-lamig niya sa-akin hek**".
Tawa ito ng tawa sa mga sinasabi niya pero base sa naiintindihan ko broken hearted ang babaeng ito .Hindi ko na lang ito pinansin at magpapatuloy sana sa paglalakad bg biglang hinawakan nito ang braso ko kaya napalingon ako sa kanya.
Hinintay kong magsalita pa siya pero bigo ako dahil nakatitig lang siya sakin. akmang tatalikod na sana ako pero bago ko paman iyon nagawa ay huli na ng sumuka ang babae sa harap ko arghhh hindi lang sa harap kundi sa dib dib ko pa at amoy na amoy ko ang sinuka nito.
"s**t! what are you doing?!". Singhal ko dito napaupo ito sa buhangin habang nag sasalita mag isa. "Look what you have done arghhhh nakakainis!".galit kong hinubad ang suot kong black coat at tinapon sa tabi ,gusto kong magshower agad dahil sa amoy ko ngayon .Bakit ba kasi sa lahat ng tao ako pa? ako pa ang nakasalubong ng babaeng ito!
Tatalikod na sana ako ng muli na naman niya akong pinigilan.This time ay sa kamay ko na siya nakahawak.Napalunok ako dahil ang lambot ng kamay niya.Tiningnan ko ang mukha nito.Napailing na lang ako dahil mukha namang may itsura ang babae .nagpalinga linga ako sa paligid walang katao tao dito.
"Please don't leave me".Muli akong Napatingin sa babae sa mga mata niya.Kitang kita ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon.Shit! ano ba naman ang pakialam ko? "Wag mo kong iwan please hindi ko kaya".
Napalunok ako ng mas lalong humigpit ang paghawak nito sa kamay ko.Akala koy magsasalita pa ang babae ngunit ng tingnan ko ito ay tulog na pala.
Kinuha ko yung kamay ko na nakahawak sa kanya dahilan para mapahiga ito sa buhangin.Pag ibig nga naman eh nuh ganun ba talaga ang nagagawa ng pag ibig? hays sana di mangyari sakin to .Kung iibig man ako ay sana doon sa tamang lalaki na.
"hey wake up !".Pilit kong ginising ang babae ,tinapik tapik ko pa ang pisngi nito buti nalang at nakuha pa nitong idilat ang mga mata .Natigilan ako ng makitang nakatitig na ito sakin.
Hindi ko alam kusa nalang din akong nakipag titigan sa kanya.Ang ganda ng mga mata niya ,ganun din ang buong mukha niya she's beautiful i guess ang di ko lang maintindihan ay kung bakit nasasaktan siya sa kalagayan niya eh maganda naman siya may mga lalaki ba talagang ganun kahit ang ganda ganda na ng jowa nila nakuha pa rin nilang manakit?
"who are you?".Nag iwas ako ng tingin sa kanya ng marinig ang tanong niya.
"Im nica,i just saw you sleeping here that's why i wake you up dahil mag isa ka lang dito".Pansin kong bumangon ito saka hinilot ang kanyang sentido siguro dahil nahihilo pa siya.
"I need to go".Sabi nito sabay tayo ngunit mukhang nahihilo pa rin siya kaya hinawakan ko ito sa braso niya.
"Are you ok?".hindi ako nito sinagot bagkus ay naglakad na ito palayo sakin.Wow! grabi di man lang nagpasalamat sakin ? di niya alam sinukahan niya ako tapos siya pa tong mag wowalk out sa harap ko kainis! bwesit!
Sana di ko na lang siya ginising hinayaan ko na lang sana siyang makatulog dito kainis talaga!!
Inis na bumalik ako sa room ko nag shower agad ako dahil sobrang baho ko na .Naka ilang sabon na rin ako sa buong katawan ko pero feeling ko amoy na amoy ko pa rin ang mabahong sinuka nong babaeng yun.
Kinabukasan ay maaga kaming bumalik sa lugar kong saan kami nag tetaping kahapon.Ito yung last at makakapag pahinga na rin ako .Balak ko sanang magbakasyon muna bago ilabas ang movie namin ni matteo.
"by the way nica birthday ko wag kang mawawala ah".Oo nga pala birthday na ni jerah sa makalawa .Yun sana yung plan ko para mag vacation nakalimutan kong birthday pala niya.
"i almost forgot don't worry jerah il be there".Sabi ko na lang bago itinuon ang mga mata sa labas ng bintana.Papunta na kami sa manila dahil finally tapos na rin kami sa taping namin.Di ko pa alam kung kailan ito ipalabas sa mga cinemas.
"May pupuntahan ka ba sa araw ng birthday ko?".Muli akong napalingon kay jerah paano niya nalaman ? haha phycologist ba siya para basahin tong isip ko.
"Actually yes ,i really want to have a vacation but since birthday mo pala e cancel ko na lang".
"No you can't do that nica,well i have a plan kasi sa birthday ko sa tagay tay ko ito e celebrate with my family and friends and-
"And what?".Dugtong ko sasabihin sana niya kilala ko kasi si jerah andami na rin niyang lalaking nerereto sakin mostly friends niya na mga modelo ngunit still wala pa rin akong nagustuhan sa mga ito.
"And we will have your vacation there !".
sabi na eh pero okay lang gusto ko ding bumalik doon sa tagay tay, sa resorts na pinuntahan namin ni jerah.
JERA'S BIRHTDAY***
"Happy birthday ".Bati ko kay jera ng makarating ako sa resort kung saan siya nag celebrate.Tama nga siya puro kakilala ko na ang mga narito mostly ay kamag anak niya.
Mabuti na rin para di ako makagulo sa birthday niya .
"Thank you nica ,im glad that you came".
Nagbeso muna kami bago niya ako dinala sa table kung saan doon siya nakaupo kanina.
"Hai ms veron ,masaya kami at nakita ka namin ulit".Sabi ng isa sa mga pinsan ni jera ng maupo ako sa bakanteng upuan.
Nagkwentuhan lang kami about kay jera sa mga pinaggagawa nito sa buhay habang nagtatawanan.
Agad nakaagaw pansin naming lahat ang isang babae na kararating lang wait---- i think she's familiar di ko lang maalala kung saan?
"Hai happy birthday my dearest cousin".Rinig kong sabi nong babae agad na tumayo si jera para yakapin ang babae.Nag iwas ko ng tingin ng mapansing nakatitig na pala ito sa akin
saan ko ba talaga siya nakita? i really have a doubt na talagang nakita ko na siya.
"Hai alex ,akala namin di ka makapunta".tanong ng babaeng pinsan ni jera,Naupo iyong alex sa tabi ni jera which is katapat ko.
"Hahaha malamang pupunta talaga yan kasi may inuman dito mamaya,magpapakalasing na naman yan for sure broken hearted eh".natatawang sabi naman nong lalaking pinsan ni jera.
Sumulyap ako sa katapat kong si alex nakatingin na rin ito sakin.Pansin kong nahihiya ito sa mga naririnig mula sa kanyang mga pinsan.
So siya yun? siya yung babaeng na ka encounter ko last week dito sa resorts kaya pala familiar .Napainom ako ng juice ng maalala ang nangyari hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanya .
"Wag nyo na nga tong e real talk si alex nasasaktan na nga yung tao ".Pagbawi naman ni jera sabay akbay kay alex ngumiti lang iyong alex na halatang nahihiya pa rin.
Sos bakit naman siya mahihiya eh totoo naman infairnes ang ganda niya ,Bagay sa kanya yung browny hair na nakalugay sa likod niya.Her pointed nose na bumagay rin sa kanyang mapupulang labi.she has also a perfect skin makinis din kung sino mang lalaki ang nanakit sa kanya siguradong ang tanga niya para iwanan itong si alex ,maganda kasi siya .OMG why did i check her out!?
Napailing nalang ako habang itinuon ang atensyon sa pagkain.
Pansin ko namang tahimik lang iyong alex na kumakain kahit inaasar na siya ng mga pinsan niya.
"By the way nica ,my cousin Alexandria ramos i know ngayon mo lang siya nakita right? 3 months palang kasi siya dito ".
Ngumiti ako kay jera bago binalingan ng tingin si alex na ngayoy nakatingin na rin sakin.
"oh i see ,kaya pala ngayon ko lang siya nakita. everytime na may ocasion sa family nyo wala siya,nice to meet you alex".Sabi ko na lang dun kay alex kasi nakatitig na naman ito sakin.WEIRD! iniisip ko tuloy na baka may dumi ako sa mukha .Yumuko nalang ako para ituloy ang pagkain.
"Nice to meet you din ms veronica ,atlast nakita na kita sa personal".
Napaangat ako ng mukha dahil sa sinabi niya i took a glance on jera's side pero busy na ito sa pakikipag usap sa mga pinsan niya.
Which is i feel awkward dahil nakatitig na naman sakin iyong alex kulang na lang ay lunukin na ako nito.
Muli akong napainom ng juice ewan parang umaakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko and i don't know kung pano nangyari .Basta itong alex na to ang dahilan .Nagbawi naman itong tingin sakin at nagpatuloy na ito sa pagkain pero di nakaligtas sakin yung ngiti niya habang nakayuko .Why is she smiling? bwesit! di kaya---ahh s**t! di kaya may dumi ako sa mukha?
Uminom ulit ako ng juice para marelax feeling ko sasabog na ako sa inis dahil sa kaharap ko.
After that encounter with alex sa table ay hindi ko na ito nakita pa .Siguro baka umalis na .I decided to drink with myself here sa gilid ng pool habang sila jera naman ay masyang naliligo na kasama ang mga pinsan niya.
It's relaxing after giving my whole strength sa new movie ko with mateo ay nakapag pahinga na rin ako .Ang sarap sa feeling na ito wala na akong iisipin pa dahil tapos na iyong movie.Minsan nga naisip ko kung pano kaya kapag nabuhay akong hindi artista? ano kaya ang mangyayari sa buhay ko ? ano kaya yung mga ginagawa ko?
Napatigil ako sa pag iisip ng mapansin ang babaeng umupo sa tabi ko.Nagulat ako ng makita ang mukha niya.
"Hai can i join you?".Sabi nito ng nakatingin sa mga mata ko.
"May magagawa pa ba ako ey nakaupo ka na". Sarcastic kong sagot sa kanya,tumawa ito ng mahina . Napailing nalang ako sa sarili sabay inom sa whine na nasa gilid ko lang.
"ayaw mo bang maligo?".Napako ang tingin ko kina jera ng marinig ang tanong ni alex sakin.Umiling iling ako bilang sagot Kahit na di ako nakatingin sa kanya ay ramdam kong nakatitig siya sakin.bakit ba siya ganyan? ang hilig niyang tumitig gusto ko na ngang sitahin ey!Di kasi ako comfortable sa mga titig niya ewan naiinis ako na parang umaakyat lahat ng dugo ko sa mukha.
"Here".Napalingon ako sa kanya ng iabot niya sakin ang paper bag.Kunot noo ko itong tiningnan.Agad ko namang kinuha iyon para tingnan ang laman nagulat ako ng makita ang nasa loob.
Ang black coat na tinapon ko nong sinukahan niya ako last week.
"Pinlabhan ko na yan ,im really sorry for what i had done,i didn't mean to do that infront of you"
to be continued......