chapter 1

2916 Words
CHAPTER 1 ALEX * "alex tama na nga yan lasing ka na uy".Saway ni rea sakin kanina pa niya gustong kunin ang hawak kong alak.pero di ko hinayaang maagaw niya ito.Kailangan ko to ngayon sobrang durog na durog ako dahil sa ginawa ni rica ang girlfriend ko.ex na pala hays. "Pabayaan mo muna ako please ,durog na durog ako ngayon ito yung kailangan ko bahala na kung malulunod ako sa alak gusto kong maglasing ". "Bahala ka nga dyan".Finally sumuko na rin si rea ,bahala na kung malasing ako total ako ang may ari ng resorts na to wala akong pakialam sa lahat ng madaaanan ko. Ano pa bang kulang lahat binigay ko na pero bakit di pa rin sapat ? bakit? Kanina lang ay nalaman kong buntis si rica ,lasing daw siya kaya may nangyari sa kanila ng kaibigan niya at nangyari nga ang di dapat mangyari.Sobrang sakit para sakin napaka wlang hiya ..niloko niya lang ako. Ayaw nitong makipag hiwalay sakin dahil mahal daw niya ako haha nagpapatawa ba siya? kung mahal niya ako di siya nagpapabuntis sa iba. Muli kong inubos ang botelya ng alak pagkatapos ay kumuha na ulit ako. Gabi na ng mapad pad ako sa tabi ng dagat. Habang naglalakad ay nakaramdam na ako ng hilo feeling ko naduduwal ako .Di ko alam na may makabangga akong babae hindi ko ito mamukhaan kaya ayun parang wala sa isip ko itong kinausap,lalagpasan na sana ako nito ng biglang ako nahilo kaya napahawak ako sa braso niya.At sa di inaasahang pangyayari nasukahaan ko ito sa suot nitong jacket. Hilong hilo na ako di ko na rin naintindihan ang mga sinasabi ng babae ,pansin kong naghubad ito ng jacket at ng akmang aalis na ito ngunit nahawakan ko ito sa kamay ,s**t ang lambot ng kamay niya. "please don't leave me".Hilong hilo na ako ng sabihin iyon.Nanatiling nakatingin lang sakin yung babae pero di ko pa rin siya mamukhaan. "wag mo akong iwan please di ko kaya". At yun nakatulog ako dahil di ko na kinaya yung hilo. Ilang minuto lang ng biglang may gumising sakin.Minulat ko yung mga mata to .Gulat na gulat ako ng makita ang mukha ng babae . Napalunok ako ng paulit ulit gusto kong sampalin ang sarili ko dahil baka nanaginip lang ako pero hindi eh kitang kita ko sa dalawang mga mata ko si Veronica alparo ,ang ganda niya di ko kayang ialis ang ang tingin ko sa kanya. Kung dati kapag nakita ko siya sa tv ay gandang ganda ako sa kanya pero now mismo sa harap ko sobrang ganda pala niya sa malapitan.Nakalimutan ko na ata ang mga nangyayari sa araw na to ng makita ang mukha niya.Naalala ko ang mga nangyari kanina di ko mapigilan ang sariling hiya kaya nagpanggap akong di siya kilala. "Who are you?". Tanong ko ng di pa rin inalis ang tingin sa kanya. "Im nica i see you sleeping here that's why i wake you up". Hiyang hiya na talaga ako sa kanya kaya kahit nahihilo ay pinilit kong bumangon at tumayo . "Are you ok?".Tanong nito pero wala na nilamon na ako ng hiya ,isang Veronica Alparo ang sinukahan ko what an embarrassing night! s**t Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya kaya iniwan ko na siya don. Pagdating sa room ko ay agad akong naligo habang bumagsak ang daloy ng tubig sa katawan ko ay mukha ni veronica ang nasa isip ko.Yung maganda niyang mukha ,yung mga mata niyang nakatitig rin sakin at ang malambot niyang kamay. Napapikit ako ng maalala ang nangyari mula umpisang encounter namin hanggang sa nong sumuka na ako sa harap niya. ahhhhh nakakahiya ! Kinabukasan ay nalaman kong nag check in pala si Veronica Alparo sa resort kasama ang pinsan kong si jera ngunit umalis agad ng maaga ang dalawa. may taping pala si Veronica dito sa tagay tay. Kahit masakit ang ulo ko ay binalikan ko yung lugar kung saan nagkita kami ni veronica.Nadatnan ko pa din ang jacket na tinapon niya kagabi .Dahan dahan ko iyong dinampot kahit amoy panis ito dahil sa nangyaring pag suka ko kagabi ay naamoy ko pa din ang pabango niya ,amoy vanilla . Napapikit ako ng nanatili ang pabango nito sa kanyang jacket!saka dahan dahang inamoy ,s**t ang bango . Napalunok ako habang na imagine muli ang kanyang mukha.shes so damn beautiful .. Bago paman ako mabaliw sa kakaisip kay Veronica ay bumalik na ako sa loob para dalhin sa laundry iyong jacket niya ng malabhan at kapag may mukha na akong iharap dito ay ibabalik ko ito sa kanya para na rin makahingi ng sorry dahil sa nangyari pero hindi ko alam kung magkikita pa ba kami ulit pero sana makita ko siya ulit .Sana darating yung araw na yun. days passed ay nagpapaka busy ako para makalimutan ang ginawa ni rica sakin.Hindi naman ito nagpakita pa mabuti na lang din ng sa ganun ay makaka move on ako agad. Today is jera's birthday ewan kinakabahan ako dahil ayun sa mga naririnig ko pupunta dito sa Veronica Alparo.At ayun kay rea magbakasyon ito ng 2 weeks dito sa resorts .Masaya ako dahil makikita ko siya ulit pero di ko maiwasang kabahan dahil baka galit ito sakin dahil sa nangyari sa una naming pagkikita. "Maam nasa line po si mr. guanzon gusto daw po kayong makausap". Napataas ang isang kilay ko ,bakit naman kaya gusto niya akong makusap? nereject ko na ang gusto niya dahil may mga nakabook sa resorts,ayoko namang e pacancel lahat ng mga turistang gustong pumunta dito. Matteo guanzon ay isang sikat na actor na gustong rentahan itong resorts ko dahil ito lang daw ang private resorts na mapag katiwalaan. Next month pa naman daw ang event nila kaya may time kami para e cancel lahat ng mga naka book next month. Makulit talaga tong lalaking to! sabi ko sa sarili ng damputin ang telepono. "Yes mr guanzon?". "Hai ms ramos ,i hope nakapag isip ka na we really need your approval ,we can rent it as much as you want nakahanda kaming magbayad kahit magkano- "Mr guanzon i have my final decision and that is to decline it again im sorry". Narinig kong napabuntong hininga ito sa kabilang linya."if you don't have anything to tell ,i will hang the call ". "oh ok ,ok ". Nauna na itong ibaba ang tawag kaya Napailing nalang ako. Ewan ko kung bakit naiinis ako sa lalaking yun alam kong kikita ako ng malaki once na pagbibigyan ko siya pero over my dead body ayoko talaga. When i heard that si matteo guanzon ang e papareha kay Veronica sa isang movie ay don nagsimula ang inis na nararamdaman ko sa kanya.Lalo na nong nalaman ko sa news na may rumors daw na may relasyon sila ni veronica. I admit Veronica Alparo is my long time crush ,simula nong makita ko siya sa tv sobrang nagandahan na ako sa kanya.Minsan nga pinag seselosan ko pa ang mga lalaking nakasama niya sa mga show,or movies .Napaka childish ng ginawa ko kay matteo pero bahala na basta ayoko sa kanya. Tok tok tok 'Come in".Sabi ko ng may narinig akong katok sa labas ng office ko. "Maam dumating na po si ms veronica at nasa venue na siya kung saan nandun sina maam jera". "Ok sige".Agad na lumabas ang assistant ko.Tumayo na ako at nag ayos ng sarili . Huminga ako ng malalim bago kinuha ang paper bag kung saan narito ang jacket ni veronica. Kinakabahan ako sobra di ko alam kung paano siya harapin pero bahala na kailangan makapag sorry ako ngayon sa kanya ayoko ng maghintay ng marami pang araw ,sasamantalahin ko na ang pagkakataon. Pagkalabas ng office ay dumiretso na ako sa venue ,di pa man ako nakalapit ay natanaw ko na siya.Mas lalo siyang gumanda kapag nakangiti ,iyong ngiti na maiinlove ka talaga.Bagay din sa kanya ang suot niyang white croptop na pinarisan ng high waist pants,makikita mo talaga yung kasexyhan niya. Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumapit sa kanila. "Happy birthday my dearest cousin".Sabi ko ngunit na kay veronica ang mga mata ko.Natuwa naman ako ng tumitig ito pabalik sakin. Hindi ko na lang pinansin ang pang aasar ng mga pinsan ko although sobrang hiyang hiya na ako sa harap ni veronica. ++ Hanggang nakita ko siyang nakaupo sa may pool ,siguro ito na yung tamang oras para makahingi ng sorry. I ask her kung bakit di siya naliligo nakaramdam naman ako ng tuwa dahil kinakausap niya pa rin ako kahit alam kong nakilala na niya ako. Nagulat siya may inabot ako sa kanya,agad naman niya itong kinuha at saka tiningnan. "sorry talaga sa nangyari sobrang nakakahiya ng ginawa ko sayo". I heard her chuckle ,medyo may inis akong naramdaman dahil sa ginawa niya feeling ko kasi pinagtatawanan niya lang ang paghingi ko ng sorry pero something inside me na parang natutuwa dahil narinig ko ang tawa ni veronica alparo..more people out there ang nagkandarama na makita at makausap ang babaeng nasa tabi ko ngayon.Swerte ko naman kung iisipin haha! "Seriously? why ? tinapon ko na ang jacket na yan i didn't expect na pupulutin mo pa yan ". Sabi nito sabay lapag ng paper bag sa gilid niya. "That was the most embarrassing happened to my life unang una , it's you ms Veronica Alparo the super star tapos susukahan lang ng isang katulad ko if i were the one in your place di mo ako kakausapin but still you approach me after what happen,you really have a good heart ,di kami nagkamaling hangaan ka". Napalunok ako ng bigla itong tumingin sakin, nakatitig lang ito na parang binabasa ang isip ko hanggang sa sumilay ang napakaganda nitong ngiti sa labi. "Alam mo hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa sinabi mo binobola mo ba ako para di na ako magalit sayo?". "Of coarse not ,totoo yan ". Di na ito sumagot sakin ininom lang nito ang whine na nasa baso niya. "Actually i hate you so much ! ".Nagulat ako ng bigla siyang magsalita ,hindi siya nakatingin sakin nandun ang mga mata niya kina jera na masayang naliligo. "Naiinis ako sayo that time kasi bukod sa ang baho baho ko na iniwanan moko dun without any words". "Im really sorry ,di ko talaga sinasadya". "wala ng magagawa yang sorry mo ". Saglit kaming natigilan dalawa ng mag ring ang cellphone niya. "Yes dad?".daddy pala niya ang tumawag ,hindi ko naintindihan ang sunod sunod niyang sagot sa kanyang ama ,bigla na lang din siyang napatayo at lumayo sakin halata sa mukha niya yung galit habang kausap ang ama. I never thought na may problema din pala ang isang Veronica Alparo which is hindi halata lalo na pag napanood mo siya sa tv.Pansin ko kasing may problema base sa pag uusap nila ng dady niya. Di ko naman maiwasang di mapangiti i still can't believe na nag uusap kami ng long time crush ko.Pinsan ko si jera at alam kong PA siya ni Veronica pero di ko talaga na meet si veronica simula nong naging PA niya si jera ,bukod sa doon ako nag stay sa Australia ng 3 years kaya siguro di ko siya nameet kasi sa pagkakaalam koy present ito palagi sa birthday ni jera . "Hey".Napalingon ako kay jera ng bigla itong sumulpot sa harap nakalusong pa rin ito sa tubig. "Kumusta ka na ,ginugulo ka pa rin ba ni rica?". "Hindi na ! atsaka ok na ako di naman yun kawalan". "Eh yung pag uusap nyo ni nica kumusta ,kilala kita alex the way mo siya tingnan".Mapanukso akong nitong tiningnan ,kaya pinamdilatan ko ito ng mata dahil baka mamayay marinig siya ni veronica. "Stop it jera ,mali yang nasa isip mo- "Mali? hahaha umamin kana alex , gusto mo yung alaga ko nuh?". "Hoy!jera ano ba! baka may makarinig sayo".sabi ko sabay lingon sa paligid buti na lang talaga kami lang dalawa dito. "Oo crush ko si veronica noon pa pero yung sinasabi mong gusto ko siya ,naku malabo kaya pwede ba tigilan moko sa kakatukso mo sakin". "Asus dun rin naman yan patungo eh ,hahahhaha". Hinampas ko ang tubig papunta sa kanya mabilis naman itong nakalangoy pabalik doon sa mga pinsan namin. Tumayo na rin ako para bumalik sa office ko ayokong maligo kasama ang mga baliw kong pinsan dahil aasarin lang ako ng mga yun. Tatalikod na sana ako ng mamataan ang paperbag kung saan binigay ko kay veronica kanina. Kinuha ko ito at dinala muli sa office mukhang nakalimutan ata niya saka ko nalang ibigay ulit. Naglalakad na ako pabalik sa office ko ng makita si rica sa may hallway malapit sa office ko .Halatang hinintay nito ang pagdating ko. "Anong ginagawa mo dito?".Inis kong tanong sa kanya.Lalagpasan ko lang sana ito pero nahawakan na nito ang braso ko bago ko pa man nabuksan ang pinto. "Lex please bigyan mo pa ako ng isa pang chance please".Marahas kong kinuha ang braso ko saka ito hinarap. "Chance? Baliw ka ba ha ? magkakaanak ka na rica,wag kang selfish ! isipin mo ang anak mo kailangan ng ama yan ,alam kong paninindigan ka ni joshua so please lang tantanan mo na ako dahil kahit na anong sabihin mo my answer is No! as in no! hindi na ako babalik sayo ,wala ng tayo at hindi na magiging tayo kailan man!". Hindi na ito sumagot hanggang sa umiiyak na ito sa harap ko.Tumalikod na ako dito at akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla niya akong hilain pabalik sa kanya hanggang sa maglapat ang mga labi namin. Pinipilit kong ilayo ang sarili ko pero naging matigas si rica ,madiin pa rin ako nitong hinalikan blag! Nagulat kami ng may narinig na ingay sa likod ,agad akong lumayo kay rica ng makita kung sino man ang nasa likod ng halaman na nakatayo. 'Veronica' Napalunok ako ng magtama ang mga mata namin,nakita niya kaya? or narinig niya ang pinag uusapan namin ni rica? "Im-im sorry i didn't mean to disturb the two of you ".Sabi nitong nakataas pa ang dalawang kamay . Napalunok ako ng nasa akin pa rin ang titig niya di ko mabasa ang nasa isip niya for sure diring diri na siya sakin. "Ahm- Di ko na naituloy ang isasagot sana ng bigla siyang naglakad palayo sa amin ni rica. "f**k!".Mura ko habang sapo ang noo,napasabunot ako sa sariling ulo dahil sa inis!!! "Lex- "Damn rica! enough!".Sigaw ko kay rica , nagulat ito sa ginawa ko ngunit wala akong pakialam ,iniwan ko na ito at tuluyang pumasok sa office . Shit s**t s**t nakita niya ,alam na niya ang pagkatao ko paano ko siya haharapin ? pano kung galit siya sakin? pano kung ayaw niya sa mga katulad ko? pano kung diring diri nga siya sakin at ayaw na akong mgaing kaibigan o kausapin? Pasalampak.akong naupo sa sofa sapong sapo ang buong mukha sa dalawang kamay ko.I really don't know how to approach veronica now. The way she stare at me kanina alam kong nandidiri na siya! nakakainis kung kailan naging magkaibigan na kami saka pa to nangyari. Siguro nga hanggang imahinasyon na lang ang lahat.Na hanggang fan nalang ako sa kanya. 'bakit ano pa bang gusto mo? ' Natigilan ako ng marinig ang tanong ego .Oo nga naman bakit naman ako affected ?ano naman kung alam na ni veronica ,ano namang pakialam nun sakin? napahilamos ako sa mukha habang tumatawa.haha.Para na akong baliw dito. Natatawa ako sa sarili ko ngayon . Walang pakialam sakin yun kaya dapat di ako affected .Sino lang ba naman ako diba? ngayon lang kami nag kausap at hindi rin kami magkaibigan hahaha .baliw ka alex! 'Kung makareact kasi parang bestfriend mo si veronica'.singit ni ego. Oo na ! baliw na nga ako wag mo ng ipaalala sakin .Gusto ko na ngang batukan sarili ko ey! Napabuntong hininga nalang ako saka ene relax ang sarili. tok tok tok Sino na naman ba to? teka di kaya si rica na naman to? s**t babaeng to talaga sarap sapakin ng paulit ulit ng matauhan. Naiinis man ay tumayo na ako at binuksan ang pinto. "alex!". "Rea bakit?". Isinara ko na ang pinto ng tuluyang makapasok si rea ang pinsan ko isa sa mga kasama kong nag manage ng resorts. "Ms veronica and jera went back to manila,pina cancel na rin ni ms veronica yung 2 weeks vacation niya dito". Hindi ko alam pero biglang tumigil ang dila ko ng marinig ang sinabi ni rea ,di ko rin maintindihan ang sarili ko yung pagka miss ko agad sa kanya.Bakit nakaramdam ako ng ganito? "Ah ,ahm ganun ba then let's replace her ,may mga gustong mag pabook pa,yung iba nga tawag ng tawag ,sabihin mo na lang sa receptionist lahat". Napatigil ako ng mapansing nakatitig sakin si rea ,kunot noo ko itong tiningnan. "What was that look?".I glared at her ng makitang inaasar na naman ako nito ,yung tingin niyang nang aasar. "Miss mo agad si crush ?".Nanlaki ang dalawang mata ko sa sinabi ni rea.Tiningnan ko ito ng masama.seryoso pano niya nalaman yung nasa isip ko. "Shut up rea jane!umalis ka na nga!".tinutulak ko na ito hanggang sa mapatayo na ito. "alis na alis".Tulak ko pa din ito hanggang pinto. "Pwede ba alex ,ito na aalis na no need to push me".Reklamo nito . padabog kong sinara ang pinto ng tuluyan na itong makalabas.Kainis! nakakabwesit tong mga pinsan ko na to.Ang malas ko para maging pinsan ko sila. Arghhh Veronica Alparo can't you get out of my mind?! to be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD