Chapter 2
Veronica**
"What the hell are you doing vincent? huh? gusto mo ba talagang sirain lahat ng pinaghirapan ko? ano bang gagawin ko sayo?huh?".
Sigaw ko sa kapatid ko ng makauwi sa bahay,umuusok na ilong ko sa galit .
Tumawag sakin si dad na nahuli ng kanyang professor si vincent na may dalang caffeine sa kanyang bag.At anytime ay paparating na ang mga pulis dito sa bahay.
Tinadtad naman ako ng tawag ng manager ko pati narin ng management dahil sa nangyari sirang sira na ako !
"I didn't do anything ,i don't -
"Sumasagot ka pa? f**k Vincent im done! im done with you! bahala na sayo ang mga pulis ayoko na ring pakialaman lahat ng GUSTO mong gawin sa buhay mo!Sinisira mo hindi lang buhaay mo pati na rin ang buhay naming lahat".pinagdiinan ko talaga ang words ng gusto dahil iyon naman talaga ang gusto niyang gawin ,ayaw niyang makialam ako kami ni dady.
"anak calm down ,please calm down ok".Pag awat sakin ni dad,wala na tumulo nalang bigla yung mga luha ko at napayakap ako sa kanya.
"I don't know how to calm down dad,what did i do to deserve all of this s**t! My name now is in the headline at alam ko sa pag lalabas ako ng bahay dudumugin ako ng mga media ".Mas humigpit ang yakap ni dad sakin ,napansin ko naman si lola na nakiyakap narin sa amin habang si jera naman ay hinaplos ang likod ko.
"sir nandito na po ang mga pulis". Napalingon kaming lahat sa maid namin na sumulpot sa likod.Ito na nga yung sinasabi ko makukulong na talaga ang kapatid ko he's 19 already ,hes not in the middle age anymore.
"Dad ,ate ayokong makulong please tulungan nyo ako,wala akong alam sa drugs ,hindi ko alam pano napunta sa bag ko yun ". lumingon ako kay Vincent ,I saw fear in his eyes .Oo galit na galit ako sa kanya but He's my brother i remembered before when we are still kids,He promise me that no matter what happen he will be the one who protect me sa lahat ng taong saktan ako kasi dati alam na alam na niya na gusto kong maging artista .Hindi ko alam bigla nalang siyang naging ganyan ,he always put himself in trouble kahit saang school siya ilipat.Magmula ng pasukin ko ang pag aartista , Vincent changed .
" Vincent kung hindi ka talaga gumamit ng caffeine sabihin mo sa kanila lahat yung totoo don't worry anak nandito lang ang daddy ok".Muli na naman akong napaluha ng biglang yumakap si Vincent kay dad.Takot na takot siya .
"It's alright magiging ok rin ang lahat ".Rinig kong sabi ni jera sa gilid ko ,tumango tango ako bilang sagot sa kanya.
Napalingon kami sa dalawang pulis na pumasok kasunod ng aming maid.
"Magandang gabi po mr alparo,may warrant of arrest kami para sa anak ninyo na si Vincent Alparo".Kinuha ni dad yung warrant na inabot ng pulis, lumapit ako at inagaw ito kay dad saka binasa.
"no dad please wag mo akong ibigay sa kanila please , please daddy".
Ang sakit pakinggan ng mga salitang iyon mula kay Vincent.Nawala na yung galit sa puso ko ,awang awa na ako sa kanya ngayon.
"Anak nandito lang si dady ok sige na sumama ka sa kanila ,di ka namin pababayaan ng ate mo ,ok ilalabas ka namin dun-
"No daddy no!".
"Kailangan mong panagutan ang batas kaya sumama kana sa amin at sa presento kana magpapaliwanag".Sabi nong pulis habang pinusasan ang kapatid ko.Hinawakan na rin siya ng mga pulis para maglakad.
"Ate,ate tulungan mo ako promise magbabago na ako ate ".pagmamakaawa ng kapatid ko sakin, tuluyan na siyang kinaladkad ng mga pulis palabas.nag iwas ako ng tingin saka umupo sa sofa.
"Susundan ko lang ang kapatid mo , please wag ka na munang lumabas anak ,dito kana muna sa loob ok". Tumango lang ako kay dad , hinalikan muna niya ako bago siya naglakad palabas ng bahay.
"Ito na yung sinasabi ko eh , diyos ko sana hindi totoo ang paratang sa apo ko.kawawa naman ang apo ko ".Nilapitan ko si lola at niyakap.
"Don't worry la, kung talagang inosente si vincent hindi siya pababayaan ni god ".
"Ahm nica, nasa line si manager abby". Tinanguan ko lang jera bago binalingan ng tingin si lola na yakap yakap ko.
Dinala ko muna ito sa kwarto niya para makapag pahinga 11 pm na kasi unay pumalag ito dahil hindi siya mapakali at gusto niyang hintayin ang pag uwi ni dad pero napapayag ko rin naman.
pagkatapos ay binalikan ko si jera para kausapin ang manager ko.
"mama abby i really don't know how it happens, pero sure ako mama na hindi nag drugs si Vincent oo sobrang pasaway niyang kapatid pero alam ko di siya gumagamit ng druga".Sandaling nag isip ang manager ko ,Si mama abby ay bakla ,mama ang tawag ko sa kanya dahil iyon ang gusto niya . 5 years na kaming magkasama sa showbiz kaya parang tunay na mama ko na rin siya.Siya ang dahilan kung bakit ako sumikat sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya.
"I believe in you nica,maybe kagagawan na naman ito ng mga naiinggit sayo like other station na talagang lahat gagawin masisira ka lang lalo nat may movie kang ilalabas this month".
"Mama anong gagawin natin,pano natin lilinisin pangalan ko at si Vincent gusto ko siyang tulungan para makalabas ng kulungan".
"wag kang mag alala ok gagawan natin yan ng paraan"
**
"Im sorry pati birthday mo nadamay pa dahil dito".Sabi ko kay jera matapos naming mag usap ni mama abby.Nandito kami ngayon sa rooftop ng aming bahay tanaw namin ang buong manila .I ruined her birthday , supposedly nasa tagaytay lang siya ngayon para mag enjoy kasama ang mga family niya.
"It's ok ano ka ba, patapos na rin naman yun don't blame yourself ,kahit na di moko sinama dito pabalik ,susundan pa rin kita because i know you really need me today".
Lumingon ako kay jera saka siya Nginitian ang swerte ko dahil nandyan siya palagi sakin.Bumuntong hininga nalang ako saka binalik ang tingin sa kalawakan.
"You have to sleep now nica para bukas may lakas ka para harapin ang lahat".
"Mauna ka na ,i will have some minutes here tapos matutulog na ako".sabi ko , she kiss my chicks first bago ako iniwan dito sa rooftop.
Napapikit ako habang ninam nam ang haplos ng hangin sa buong katawan ko.Seriously i really don't know how to face them tomorrow.The management ,the media alam kong hindi sila titigil hanggat wala ang statement ko.
pano na lang kung di maayos to ,paano kong makukulong talaga si Vincent at masisira ang career ko? pano kung mawawala lahat ng pinaghirapan ko?
+++
Kinabukasan maaga akong lumabas ng bahay dahil pinatawag ako ng management ngunit di ko inaasahang mas maaga pa pala ang mga media kesa sakin.Nakakainis! natutulog ba ang mga to? mabuti nalang talaga at safe kaming nakalabas ng gate hanggang sa makapasok kami sa loob ng AB station.
May mga media din sa labas ng station buti nalang mahigpit ang seguridad maraming pulis ang nakabantay kaya malaya ulit akong nakapasok sa AB station.
After ng meeting with the big boss ay nakaramdam ako ng ginhawa akala ko kasiy papagalitan nila ako ,at e ban ang movie ko pero they promise me na tutulungan nila ako para masolve ang kaso ni vincent.At maglalabas na rin sila ng statement about sa issue.
Sana talaga matapos na to.
"Hey ".
Palabas na ako ng management office ng makasubong ko si matteo pati na rin ang ibang artist ng AB. "I heard everything ,im so worried about you ,You didn't answer my call last night".
"Im ok matt thank you for the concern".
"Are you free today ,gusto mo bang mag relax muna i mean, coffee?".
Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni matteo.Narinig ko kasing nagbulong bulongan ang ibang artist na nasa likod niya.Di ko man sila narinig ramdam kong ako ang pinag uuapan nila.
"Mauna na kayo guys".Rinig kong sabi ni matteo bago ako hinila palayo sa mga kasama niya.
"matt saan mo ba ako dadalhin?".tanong ko ng di pa rin niya binitawan ang kamay ko.
"Relax ok,alam kong kailangan mo to".
Naguguluhan man ay di na lang ako nagtanong pa ulit hanggang sa makarating kami sa kotse niya.
Medyo tahimik ang lugar at hindi ito yung intrance ng AB station.
"How do you know that there's an exit here?".Takang taka kong tanong sa kanya,ngiti ngiti lang ito habang pinaandar ang kotse.
"Well this place is a secret walang ibang nakakaalam dito bukod sakin and other boys in AB".
"Really?well thank you akala ko kasiy paglabas ko ng AB makikita ko na naman ang mga bwesit na media".
i heard him laugh napailing nalang ako ,sa tagal.naming magkasama sa taping ngayon ko lang siya narinig na tumawa.
Habang nasa byahe ay tenext ko si jera na mauna na siyang umuwi pero di ko naman sinabing magkasama kami ni matteo.
"We're here!".
Nagpalinga linga ako sa paligid medyo tahimik din ang lugar i guess it's a private restaurant.
"This place is my mom's resto , don't worry no one will spy us here ,this place is safe i promise".
Ngumiti na lang ako bago bumaba sa kotse niya.Dinala niya ako sa loob konti lang din ang mga tao , some people greeted us when we enter inside the resto.
"nandito ba si mom?".rinig kong tanong niya sa isang waitress.May mga pinag uusapan sila at di ko narinig kung ano man yun .Di ko alam kung saan na naman niya ako dadalhin ngayon.
"Where are we going? ".Di ko na matiis na di siya tanungin ng makarating kami sa 4th floor ,di ko din akalain na mataas pala tong restaurant nila.Mula sa 1st floor na konti lang ang tao.Pansin kong mas maraming tao dito sa taas at iba ibang pagkain ang bawat handa nila kada floor.Manghang mangha ako ngayon lang ako nakakita ng ganitong resto.
" diba sabi ko sayo you need a relaxing place so i bring you here".Nakangiti nitong sabi sabay open ng glass door na nasa gilid niya ng makapasok kami sa isang kwarto .Walang katao tao sa lugar at for sure kami lang dahil pag aari nila ito , it's a private place..
Pumasok ako kung saan nauna na siya kung kaninay manghang mangha ako ngayon namay napanga nga na ako sa sobrang ganda ng lugar.Ohmygosh! Ang ganda dito.
Feeling ko nasa ulap ako ngayon,wala akong ibang nakikita kundi mga kahoy na kulay green ,plus yung mountain na napalibutan ng white clouds na bumaba 'just wow'
Napapikit pa ako ng maramdaman ang hangin mula sa mga puno.I feel that someone stare at me kaya binuksan ko ang mga mata ko ,gulat na gulat ako ng makitang nakatitig na sakin si matteo agad akong nag iwas ng tingin sa kanya at ganun rin siya habang napakamot sa kanyang ulo.
"Ah ,ahm i ordered some foods that you might like".Kakamot kamot nitong sabi papunta sa table kung saan nakahanda na nga yung mga foods.May cuteness din palang tinatago ang isang matteo guanzon haha.
Lumapit ako sa table kung saan nandun nga ang mga foods , actually wala sa mga inorder niya ang mga favorite ko but since ayoko siyang bigyan ng frustration ,masiglang kinain ko na lang mga foods para di niya mapansin.
Pagkatapos kumain ay naupo kami sa isang single bed dito na nakaharap sa mga kahoy .Grabi ang cool ng place na to pero mas maganda kung jowa mo ang kasama sa isang lugar na kagaya nito.
"Did you enjoy?".
Rinig kong tanong niya sakin, tumango ako bilang sagot.
"i just want to thank you matt, atleast nakalimutan ko saglit yung problema , sobra sobrang thank you talaga".Taos puso kong pasalamat sa katabi ko.Ngumiti ito ng malapad .Mas lalo siyang gumwapo sa ngiti niya.Hindi lang pala siya gwapo sobrang gentleman din swerte ng babaeng magugustuhan niya.
"ahm nica".nilingon ko ito ,ngunit pansin kong pinag pawisan siya na parang di mapakali. "Ahm ca-can you be my girlfriend?".
Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko feeling ko pinako ako dito.Di rin ako makapag salita dahil sa Tanong niya.Di ko enexpect na kaya niya pala ako dinala dito dahil may gusto rin pala siyang gawin o sabihin.I thought he did all of this dahil concern siya sakin.
"Matteo pwede bang ihatid mo na lang ako?".
"ha,nabigla ba kita? im sorry please i just can't control how i feel right now.im sorry".
"It's ok matt ,i just want to go home now".
Sabi ko sabay tayo at lalabas na sana ng bigla niyang hawakan ng mahigpit ang braso ko.Napalingon akong muli sa kanya na ngayoy nakangisi sakin ewan bigla akong kinabahan sa ngiti niyang iyon.Bigla nalang naglaho yung matteo na gentleman at cute kanina.
"You can't go outside veronica alparo infact you're the 4th luckiest girl na nakapasok sa paraisong ito".Mas lalong bumilis ang t***k ng dib dib ko sa sinabi niya.First time kong marinig na banggitin ang full name ko.Naka evil grin na rin siya ngayon na mas lalong nagpakaba sakin.
"Matteo i-i really need to go". Kabadong sabi ko at muling tumalikod sa kanya ngunit di ko pa man nabuksan ang door bigla niya na lang akong hinila at hinalikan sa labi todo iwas ako sa labi niya .
"No ,stop ,ano ba ! bitiwan moko!".Pagpupumiglas ko ,sobrang lakas niya dahil hindi niya talaga ako mabitawan kahit anong hampas ko sa likod niya.
He's kissing my neck right now at dahil sa sobrang likot ko ay ibinagsak niya ako sa bed na nasa tabi lang.
"matteo please don't do this maawa ka sakin ,please ".Pagmamakaawa ko sa kanya ngunit ngumisi lang ito habang nakatitig sakin sa katawan ko ,ibang matteo na ang nakikita ko ngayon ,ibang iba na siya .demonyo na!
"you're not just beautiful veronica ,you f*****g sexy ! at hindi ako makapapayag na hindi kita matikman ngayon".Nakangising sabi nito bago tuluyang pumatong sakin.
"Demonyo ka!! palabasin mo ko dito demonyo!".halos pasigaw ko ng sabi sa kanya.Nag umpisa na naman siya ,hinalikan ako nito sa leeg , nanginginig ang buong katawan ko sa takot ,tumulo na rin ang mga luha ko.I can't believe this ,na ang lalaking mala anghel na makikita mo sa tv na akala moy isang anghel ang ugali ay isa palang demonyo .
I can feel his hands massaging my legs while kissing my neck,I was wearing dress kaya malaya niya itong nahimas buti na lang at nakasuot ako ng cycling todo hampas ako sa likod niya bahala na kung mabali mga buto ko sa kakaiwas sa kanya ,pero di pa rin ito tumigil. hanggang sa hinawakan nito ang magkabilang kamay ko.Wala na wala na akong laban . umiiyak na lang ako dahil sa pinaghalong emosyon.
"Calm down , lahat ng naging lading lady ko ay nakukuha ko dito mismo sa kamang to and I can't imagine that Veronica Alparo is now here the next . Matagal na rin kitang pinangarap alam mo ba everytime na magtetaping tayo lagi mong binuhay ang katawan ko everytime na nakikita kita walang akong ibang naisip kundi ang makasama ka sa iisang kama , you're just f*****g hot . Gustong gusto na kitang tikman and this is the right time-
"Hayop! hayop ka matteo! walang kang awa! hayop demonyo!".Pagpupumiglas ko ng muli na naman nya akong hinalikan sa leeg ,hawak hawak nito ang mga kamay ko kaya di ako.makalaban.
'Lord please ikaw lang ang makakatulong sakin please help.me' naluluhang sabi ko.
Napahinto ito sa ginawang paghalik sakin ng may nagdoorbell sa labas.Umalis agad ito sa ibabaw ko dali dali naman akong bumangon at pumunta sa table saka kinuha ang knife na ginamit namin kanina sa pagkain .
Itinutuk ko agad ito kay matteo ng lingunin niya ako.
"Don't you dare ! wag kang lumapit kundi di ako magdalawang isip na patayin ka!".
He raise his two hands to surrender .
"Veronica put the knife down baka may makakita sayo -
"Really ? huh? bakit takot ka? natakot kang malaman nilang lahat na muntikan mo na akong e rape huh? rapist! demonyo ka!". Nawala na ang nag doorbell kaya napahigpit ang paghawak ko sa kutsilyo.
"Remember we still have our movie masisira lahat pati ikaw kapag magsalita ka sa nangyari, don't tell anyone about what happen awhile ago-
"Rapist ka ! uutusan mo pa ako hindi ako natatakot sayo matteo masisira na lahat pero hinding hindi na mauulit to dahil magkamatayan muna tayo bago moko makuha".
Dahan dahan akong umatras papunta sa door ,nakataas pa rin ang dalawang kamay nito habang nakatingin sakin.Nang mabuksan ko na ang glass door ay agad ko itong isinira ng makalabas ako.
Bago paman ako makalabas sa main door ng kwarto ay narinig ko pa ang malutong na pagmura ni matteo ,narinig ko din ang pag patid nito sa mesa.
Itinapon ko agad ang kutsilyo ng makalabas ako ng tuluyan sa kwartong pinagdalhan niya sakin.
I don't know kung ano ang itsura ko ngayon pinagtitinginan kasi ako ng makasakay ako sa elevator pababa.Nandito pa rin yung panginginig ko but i need to be strong .
I didn't expect this to happen,all i thought is maka relax ako dito pero hindi pala isang bangungot ang nangyari na hindi ko makalimutan.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon? Naiwan ko pa ang phone ko sa lalaking yun kahit ang wallet ko ,nagpalinga linga ako sa paligid naglakad ako sa ibang parte ng parking lot .baka sakaling may makatulong sakin .
mabuti nalang talaga at private ito kundi baka pinakakaguluhan na ako ngayon.
Bakit ba kasi sa dinami dami ng tao kay matteo pa ako sumama hays gusto ko na namang umiyak dahil sa nangyari.
" miss veronica?".Rinig kong tawag sakin ng isang di familiar na lalaki. "Miss ihahatid na kita sa bahay nyo , request po ni sir Matteo na ihatid kayo ng safe sa bahay nyo".
Lalapit pa sana ang lalaki pero umtras ako wala na akong tiwala sa kung sino man ang may connection kay matteo .
"I can't handle myself kuya may ti-tinawagan na akong susundo sakin".Kabadong sagot ko sa lalaki , napalunok ako na parang hindi ito kumbinsido sa sinabi ko.Hanggang sa lumitaw ang isa pang lalaki sa likuran niya.
"miss request po ni sir matteo ,kaya mapipilitan kaming isakay ka sa kotse Pasensya-
hindi na nito natapos ang sasabihin ng naglakad na ako ng mabilis palayo sa kanila.Ramdam kong nakasunod sila sakin mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa may nabangga ako.
"ouch! hey tumingin ka naman sa-". reklamo ng babaeng nabangga ko napatigil ito sa pag sasalita ,hindi ko na ito tiningnan pa at dali daling naglakad ng mapansing malapit na ang dalawang lalaki.
"Hey wait!".Rinig kong sigaw nong babae hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil pansin kong nakasunod ito sakin at nakasunod din sa kanya ang dalawang lalaki.
Nasa dulo na ako ng parking lot I don't know where to go ,bahala na ang importante makalabas ako dito.
Sumasakit na rin ang mga paa ko dahil sa suot kong heels ,gusto ko mang huminto pero hindi pwede.Hanggang sa may naramdaman akong humila sakin papunta sa isang kotse.
"Get in now".Nang marinig kong babae pala ang humila sakin ay dali dali akong pumasok sa loob .Wala namang isang minutoy nakasakay na ito sa driver's seat at agad na pinatakbo ang kotse .
Nilingon ko ang dalawang lalaki ,napahinga ako ng malalim dahil safe na ako.Tilay nagtatalo pa ang mga ito ng lingunin ko.
"Who are they?". Ngayon ko lang napansin ang babaeng tumulong sakin . Lumingon ako dito at laking gulat ko ng makita ang mukha nito.
"A-alex?".
to be continued