PROLOGUE
JUNETH ANGELIE'S POV
Another year has passed. Marami na ang nagbago, I am no longer the girl who used to be innocent and easy to fall. Hindi na ako 'yong dating madaling maniwala sa mga matatamis na dila at salita.
I learned a lot from the past, ang dating Juneth Angelie Gonzales na madaling mabola at mapaibig ay tuluyan nang nagbago.
Marami na rin akong mga nakasalamuha at nakilalang iba't ibang mga tao, but most of them were men, at kung ilalarawan ko silang lahat, well, they all have something in common, they were all sweet and caring. Kaya natatakot akong makipaglapit sa kanila, kaya sa tuwing may magtatangkang ligawan ako ay binabara ko na agad sila.
I just don't want to waste my time na makipaglokohan. I had enough of heartache from the past and I don't want to play games with anyone. Ayaw ko nang masaktan, ayaw ko nang maloko at ayaw na ring tumibok ng puso ko kahit kanino.
I've tried, but my heart doesn't want to follow me anymore. Marahil, takot na ang aking pusong masaktan muli, dahil sa murang edad ko noon ay naranasan ko ang mapaglaruan at malinlang ng taong inakala kong mahal ako.
Alam kong marami na ang nabago, hindi lang sa physical kong anyo, kung hindi pati sa aking pagkatao. Ngunit alam ko, na kahit gaano karami ang mga bagay na nagbago sa aking buhay, ay gano'n din karami ang mga bagay na hindi kayang ibaon sa limot ng aking isip at puso.
Walong taon, walong taon ko na rin palang sinasanay ang aking sarili na mag-isa dito sa ibang bansa.
Napangiti ako, ngunit ang aking mga ngiti ay hindi umabot sa aking mga mata.
Maingat akong bumaba sa aking kama at agad hinanap ang aking ama sa aming bahay. There, I found him sitting outside our house. Dahan-dahan akong lumapit sa kinauupuan niya. Hindi niya ako napansin dahil tila malalim ang iniisip nito.
I cleared my throat bago ako nagsalita.
"Dad, okay lang po ba kayo? Kahapon ko pa po kasi kayo napapansin na ang lalim ng iniisip ninyo. Is there any problem? Is it about the business deal with Mr. Cheng yesterday? Tell me, I'm worried about you, Daddy," ang hindi ko napigilang tanong sa daddy ko nang tulayan na akong nakalapit sa kaniya.
Hindi siya umimik, malalim ang buntong-hiningang pinakawalan niya at tumingin ito sa malayo.
Nawala ang ngiti ko sa aking mga labi. Sa hitsura pa lang kasi nito ay makikita nang may malalim na problema ang aking ama at alam kong ayaw nitong sabihin at ipaalam sa amin iyon ni mommy.
Alam kong ayaw niya kaming mag-alala, ngunit kahit anong gawin niya ay hindi talaga nito maitatago sa amin na may problema ito, kahit pa hindi nito sabihin iyon. Ramdam kong may mabigat itong problema.
I know my dad very well at sigurado ako na tungkol na naman sa kumpanya niya ang iniisip niya. Hindi ko naman siya masisi dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang kumpanyang iyon, dahil pamana pa 'yon ng lolo sa kaniya.
Napabuntong-hininga ako at umupo ako sa kaniyang tabi at umusog palapit sa kaniya, niyakap ko siya sa kaniyang tagiliran at dahan-dahang ihinilig ang aking ulo sa kaniyang balikat.
Gusto kong iparamdam sa kaniya na nandito lang ako, laging handang tumulong at makinig sa kaniya. Because I love him so much.
"Dad, you can tell me, maybe I can help you," ang malambing na sabi ko sa kaniya.
After saying that, naramdaman ko ang dahan-dahan nitong paglingon akin. Sinalubong ko ang tingin niya, ngumiti ito ng bahagya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at hinaplos ng marahan ang aking buhok.
"It's nothing, Anak, don't worry about me, I'm okay. Ang mabuti pa, pakitawag na lang ang mommy mo dito at sabihin mo sa kaniya na ipagtimpla niya ako kamo ng paborito kong kape," ang pagtataboy na sabi nito sa akin.
Hindi agad ako tuminag, kaya pinanlakihan ako nito ng mga mata, Tinaas ko ang dalawa kong mga kamay at tumatawa akong tumayo palayo sa kaniya. Pumasok ako agad sa loob ng aming bahay at hinanap ang aking ina, ngunit wala ito sa loob.
Napangiti ako at agad na dumiretso sa aming hardin. Alam ko nang nandoon siya at kinakausap na naman nito ang kaniyang mga halaman na kung ituring nito ang mga iyon ay parang mga anak niya.
Napapailing akong lumabas ng aming bahay at hinahanap ang aking mommy sa aming maliit na hardin, at tama nga ako ng hinala. Abala ito sa pagdidilig at pagtanggal sa mga dahong lanta at hinog na, kahit kasi may kasambahay kami ay ayaw talaga nitong ipagkatiwala sa iba ang hardin nito lalo na kapag nandito sila.
Kahit nga ako ay ayaw nitong makialam ako dahil sa takot nitong masira ko ang kaniyang pinakamamahal na mga halaman. Kaya naman, kapag wala sila ni daddy dito at nasa Pilipinas sila ay ang hardinero ang tumitingin sa mga halaman niya.
Lumapit ako sa kaniya at tinawag siya, ngunit hindi ako nito narinig, paano ba naman kasi, para itong nasa bar sa sobrang lakas nitong magpa-music, dinaig pa kami ng kapatid ko. Napangiti na lang ako habang pinapanood siyang kumakanta.
Saka pa lang niya ako napansin nang pumunta na ako mismo sa harap niya at nagsalita. Nagulat pa nga ito sa akin sa bigla kong pagsulpot sa harapan niya. Pinahinaan nito ang music at muli siyang humarap sa akin.
"Is there any problem, Anak?" ang nagtatakang tanong nito sa akin.
"Kanina ko pa po kayo tinatawag, Mommy. Namimiss na kayo ni daddy," ang pabiro kong sagot sa kaniya.
"Pasensya ka na Anak, hindi kita narinig. Nasobrahan ko ang volume ng cell phone ko,may nabasa Kasi ako sa isang article na nakakabata raw ng pakiramdamak ang pakikinig ng music," ang masayang sabi nito..
"Okay lang po, Mommy."
"Bakit mo nga pala ako hinahanap, Anak? May kailangan ka ba?"
"Inutusan po kasi ako ni Daddy, ipagtimpla niyo daw po siya ng kape niya, alam niyo naman po 'yon, iyong gawa niyo lang po ang gusto niya," ang sabi ko habang nakangiti sa kaniya.
Ngumiti din ito sa akin bago nagsalita.
"O siya, ipagtitimpla ko na siya ng kape, pakibalik na lang itong host sa lalagyanan niya Anak," ang malambing na utos ng mommy ko sa akin at iniabot nito ang host na hawak niya bago siya tuluyang lumayo.
Nasundan ko siya ng tingin. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kaniyang likuran, ang sarap sa pakiramdam na makita ang aking mga magulang kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
Nakakakilig silang tignan, matatanda na sila ngunit napaka-sweet pa rin nila sa isa't isa.
Napabuntong-hininga ako at unti-unting nawala ang ngiti sa aking mga labi. Mariin akong napapikit at umusal ng maikling panalangin.
Lord, sana kapag dumating ang araw na bibigyan niyo po ako ng bagong lalaking mamahalin at magiging katuwang ko sa buhay, bigyan niyo po sana ako ng katulad ng aking ama na mabait, mapagmahal, maalaga, magalang, faithful at responsableng ama at asawa.
Nang matapos kong sabihin iyon sa aking isipan ay unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at napabuntong-hininga, naglakad ako at humanap ng mauupuhan sa labas ng aming bahay.
Nang makaupo ako ay napayuko ako at hindi ko naiwasang muling magbalik-tanaw sa nakaraan.