Flashback Eight Years Ago...
It was sunny day, masaya akong kumakanta habang naglalakad papunta sa aming paaralan, sa Fuentabella Secondary School, isa sa mga sikat at prestihiyosong paaralan na kilala sa buong bansa, ito ay kilala na pagmamay-ari ng mga Fuentabella, na isa sa mga mayayamang angkan sa buong bansa. Ito ay isang private school para sa mga may kaya, matatalino at mga scholars, katabi lang din nito ang Fuentabella University, one of the branches ng Main University, na nasa Manila.
Nagkataong may business trip ang aking daddy, kung kaya naisip kong maglakad na lang at huwag na siyang abalahin pa, nag-aalala din kasi ako na baka ma-late siya. Pinipilit pa ako nitong ihatid ako, ngunit tumanggi ako at nagpalusot sa kaniya na mas gusto kong maglakad para makapag-exercise.
Ang nasa isip ko, maaga pa at alam kong hindi ako mali-late kahit maglakad ako, marami din akong kasabay na mga estudyanteng naglalakad papasok sa school.
Kinuha ko ang aking cell phone sa loob ng aking bag nang maalala kong may message nga pala ako at hindi ko na nakita pa kanina kung kanino galing ang mensaheng iyon.
May pagmamadali kong binuksan iyon at sunod-sunod na mga mensahe sa group chat galing sa mga kaklase ko ang na-received ko. Napaismid ako pagkatapos kong basahin ang laman ng mensahe, masyado pang maaga pero excited na ang lahat sa ball na gaganapin sa December.
Habang naglalakad, abala ako sa pag-scroll sa aking social media account at hindi ko napansin na malapit na pala ako sa may lubak na parte ng kalsada. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sumaktong may matuling sasakyan ang dumaan at tumalsik ang putik sa aking mukha at sa suot kong uniform.
Gusto kong umiyak nang makita ko ang aking suot na uniform na punong-puno ng putik.
Nakakapanggigil! Gusto kong manuntok!
Sa inis ko ay dali-dali kong pinulot ang maliit na bato na malapit sa akin at binato ko iyon ng ubod-lakas sa magarang kotse na kulay itim, na nanalsik ng putik sa aking mukha at suot na uniform.
Kung kanino at kung sino man 'yon, ay wala na akong pakialam, dahil naiinis ako!
Ngunit ang inis ko ay napalitan ng pangamba nang ilang saglit lang ay biglang tumigil ang kotse at mabilis na lumabas ang driver nito, narinig ko pa ang pabalibag na pagsara nito ng pintuan ng kaniyang sasakya at ang malakas na pagmumura nito.
"F-uck!" ang malutong na mura nito.
Ilang beses akong napakurap at bumilis ang t***k ng aking puso, nang makita ko ang kaniyang hitsura.
Natulala ako, ang guwapo at ang tangkad pala nito. Bumaba ang mga mata ko sa kaniyang katawan, nakita ko na bakat na bakat ang katawan nito sa suot nitong T-Shirt na halatang alaga sa gym.
Napalunok ako. Gosh, ang kisig niya!
Natulala ako nang lumapit siya sa akin, ngunit saglit lang, dahil nagulat ako nang pagalit siyang nagsalita.
"You! What the hell are you thinking? Are you day dreaming while you're walking? Are you blind, huh?! At bakit mo binato ang kotse ko? Look closely and see what you've done to my car! Do you have any idea how much did I buy it? Kabibili ko lang 'yan, pero anong ginawa mo, ginasgasan mo agad! Don't you know me, huh!?" ang galit at tiim bagang nitong tanong sa akin.
Dumagundong ang boses nito at sa sobrang lakas ng boses niya ay agad na nakaagaw iyon ng atensyon, sa lahat ng mga estudyanteng naglalakad, kaya ang iba ay napatigil na.
Hindi ako nakapagsalita.
Sunod-sunod na mga tawanan sa paligid ang aking narinig. Pakiramdam ko ay tila ako binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa malalim na pagkakahulog at pagkakatitig sa kaniya nang narinig ko ang mga bulong-bulongan na nasa sa aming paligid.
Napakurap-kurap ako nang bigla kong naalala ang kasalanan ng lalaking nasa aking harapan and I almost forgot na ang dungis ko din pala.
Ang damuho! Nakuha pang ngumisi sa akin at siya pa talaga ang may ganang magalit sa akin! siya na nga 'tong may kasalanan sa akin, ako pa ang hihiyain niya sa harap ng maraming tao!
Ang kapal!
Kaya naman sa inis ko, hindi ko na napigilan pa ang sarili kong patulan siya, dahil tumaas ang lahat ng dugo ko sa aking ulo at sa aking buong sistema, namumula na ako sa sobrang kahihiyan na dulot niya.
Lumakad ako palapit sa kaniya at malakas ko siyang sinipa sa kaniyang tuhod. Malakas siyang napasigaw at sunod-sunod siyang napamura.
"Aw! Ouch! What the f-uck!"
Mabuti nga sa iyo! ang pipi kong usal habang pinagmamasdan ko siyang namimilipit sa sakit dahil sa aking ginawa.
Hindi ko matanggap, dahil ito ang unang pagkakataong may namahiya sa akin sa harap ng maraming tao at ngayon ay pinagtatawanan pa ako ng mga estudyanteng usyosero at usyosera.
Umabrisyete ako bago nagsalita.
"Kung sana kasi, nagdahan-dahan ka sa pagmamaneho mo, e 'di hindi sana ako natalsikan ng putik! Paano ako papasok ngayon sa school namin na ganito ang itsura ko? Dahil sa 'yo, mapapaliban ako ng klase at hindi ka din naman pala mahangin e 'no? Imbes na humingi ka ng sorry sa akin, ikaw pa ang may ganang magalit! Walang modo! And for your information, hindi kita kilala at wala akong pakialam kung sino ka pa, mas lalong wala akong balak kilalanin ka, hambog!" ang nanggigigil at masungit kong sabi sa kaniya.
Guwapo nga antipatiko naman, never mind his looks!
Natigilan ito pagkatapos kong nagsalita, hindi yata nito inaasahang sisipain ko siya at pagtataasan siya ng boses, nakita ko pa sa gilid ng aking mata kung paano nagngalit ang kaniyang mga panga, pero hindi ako nagpakita na takot ako sa kaniya.
Hindi ko na siya hinintay pang nagsalita, dahil dali-dali ko na siyang tinalikuran at agad-agad nang naglakad ng mabilis pauwi ng bahay namin.
Sirang-sira na ang araw ko! nakakainis! sayang, guwapo pa naman sana, ang kaso walang modo!
Huwag lang sana ulit kaming magsanga ulit ang mga landas namin, dahil baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko at masapak ko na siya! nanggigigil talaga ako ngayon!
Minus pogi points.
Pag-uwi ko ng aming bahay ay nagulat pa ang mommy ko nang nakita nito aking ang itsura. Agad siyang lumapit sa akin na puno ng pag-aalala, hinawakan niya ako sa aking mukha at pinunasan ang putik na nagkalat doon.
"My goodness! what happened to you, Anak? bakit ang dumi ng uniform mo? nahulog ka ba sa kanal?" ang nag-aalalang tanong ng aking ina.
"Hindi po Mommy, may aksidente lang pong nangyari malapit sa school, pero hindi naman po ako nasaktan," ang mahinang sagot ko sa kaniya.
"Gano'n ba, o siya sige Anak, pumasok ka na sa kuwarto mo at maligo para makapagbihis ka na, hindi maganda sa ilong ang amoy mo Anak," ang pagtataboy ng aking mommy sabay takip nito ng kaniyang ilong.
Alam kong pinipigilan niyang tumawa.
Hindi na sana ako papasok, dahil naiinis pa ako ngunit naisipan kong mag-halfday na lang, sayang din naman kasi kung liliban ako, lalo pa at graduating ako.
Kaya naisipan ko na lang na magsulat ng excuse letter dahil sa pagliban ko nitong umaga. Alam kong maiintindihan ako ng mga teachers ko, kilala naman nila ako, never pa akong lumiban sa aking klase at kahit minsan ay hindi pa ako nali-late.
Ngayon pa lang talaga, dahil sa mayabang na lalaking 'yon. Sana lang talaga ito na ang una at huli naming pagkikita. Ayaw ko na siyang makita dahil iniisip ko pa lang, kumukulo na agad ang dugo ko!
Matagal akong natapos sa pagligo dahil sa pagtanggal sa putik na natuyo sa aking mukha at sa aking buhok. Pagkatapos kong maligo ay nilabhan ko agad ang aking uniform na punong-puno ng putik at agad iyong sinampay sa labas ng aming bahay at nagbihis na ng bagong uniform.
Matapos kong magpaalam sa aking mommy ay kaagad na akong pumasok sa aming paaralan.
Pagbungad ko pa lang sa gate ng aming school ay kaagad ko ng napansin ang mga matang mapanuri, mga bulung-bulungan na hindi ko maintindihan. Hindi ko na lang sila pinagtuunan ng pansin at mabilis ang mga hakbang na lumakad papunta sa aming classroom.
Pagpasok ko pa lang sa pintuan ng aming classroom ay agad na akong sinalubong ng aking mga kaibigan. Halata sa mga itsura nila ang pag-aalala.
"Beshy anong nangyari sa 'yo?" ang nag-aalalang bungad ng bff kong si Kristel, kasabay ng pagyakap nito sa akin.
"Pinag-alala mo kami, hindi mo manlang sinasagot ang mga tawag namin," ang himig nagtatampong sabi ng kaibigan kong si Glecel.
Dahil sa kanilang sinabi ay nakonsensya akong bigla, kaya agad akong humingi ng tawad sa kanila.
"Sorry mga beshy, hindi ko nasagot ang mga tawag ninyo kaninang umaga dahil naka-silent mode ang phone ko, hindi ko alam na tumatawag pala kayo."
Nang sabihin ko iyon ay hinila na nila ako paupo dahil may fifteen minutes na lang bago magsimula ang first class namin.
"Ano ba kasing nangyari beshy? Sa pagkakaalam namin on the way ka na kanina sa nagtaka na lang kami absent ka. Since first year tayo ngayon ka lang lumiban," ang nag-aalalang sabi ni Glecel.
Nagdadalawang isip ako kung dapat ko pa bang sabihin sakanila ang pangit na nangyari sa akin kaninang umaga.
"Ano na? Wala ka bang balak sabihin o ikuwento sa amin at tatahimik ka na lang diyan?" untag pa nito sa akin.
"Kapag hindi mo sinabi sa amin kikilitihin ka namin hanggang sa maihi ka sa salawal mo," ang pananakot ng kaibigan kong si Kristel.
Napabuntong-hininga ako bago nagsalita.
"Oo na, ikukuwento ko na, pero bukas na lang kasi masyadong mahaba kung ngayon. 'Tsaka magsisimula na rin ang klase natin at nandiyan na ang teacher natin, terror pa naman 'yan," ang mahinang sabi ko sa kanila.
"Okay," ang sabay at masayang sabi ng aking mga kaibigan.
Pagkatapos ng klase namin nang hapong iyon ay nagpasama ako sa kanila na ihatid ang aking excuse letter sa teacher's office.
Gaya ng madalas naming gawin, habang naglalakad kaming tatlo ay magkahawak kami ng mga kamay.
Nasa may corridor na kami at masayang nagtatawanan, nang mapatapat kami sa mga grupo ng mga estudyanteng kalalakihan.
Hindi ko alam, ngunit ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang makarinig ng mga bulong-bulungan.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa mga kamay ng aking mga kaibigan nang marinig kong binanggit nila ang aking pangalan. Mas binilisan ko pa ang paglalakad at hinila na ang aking mga kaibigan, ngunit isa sa mga lalaki sa grupo na iyon ang sumigaw.
"Juneth Angelie, are you scared of us? Ayaw mo ba kaming makilala? Alam naming sikat ka, pero hindi ko alam na gagawin mo ang lahat para lang mapansin ni Fuentabella," ang tumatawang sabi nito na ikinatigil ko sa aking paglalakad, parang may gusto itong ipahiwatig
Unti-unti akong lumingon sa direksyon nila, kung saan nakakumpol ang grupo nila at tinignan sila isa-isa, ngunit hindi sila pamilyar sa akin, hindi ko alam ang mga pangalan nila, ngunit nakakasiguro akong fourth year din ang mga ito.
Hindi naman bago sa akin kung marami ang nakakakilala sa akin dito sa aming Campus, dahil ako ang laging top one sa ranking ng iba't-ibang section, every end of quarter ay pinapaskil sa bulletin board ang mga pangalan at ID picture ng mga top ten at nakakakuha ng mga highest remarks sa exams ng iba't-ibang subjects, kaya naman maraming nakakakilala sa akin sa loob ng aming campus.
Pinag-aralan ko muna ang mga itsura nila, bago ako nagsalita.
"What do you mean?" ang tanong ko sa mababang tono.
Nahalata ko din sa mga kaibigan ko na naguguluhan sila, habang nakatingin sa grupo ng mga estudyanteng kalalakihan.
"Stop pretending Juneth Angelie, ikaw ang trending ngayon sa loob ng campus, tapos hindi mo alam? Marunong ka din pa lang magpapansin," ang tumatawang sabat naman ng isa.
Nagsalubong ang mga kilay ko at nagpanting ang aking mga tenga sa sinabi nito.
Wait, what? What are they talking about? Anong sikat at trending daw ako, ang pinagsasasabi nila? Akmang lalapitan ko na sana sila, ngunit maagap akong pinigilan ng mga kaibigan ko.
"Huwag mo na lang silang pansinin beshy, nagpapapansin lang sila, they're just wasting our precious time," ang sabi ni kristel. "Tara na sa office," dagdag pa nito at hinila na nila ako ni Glecel papuntang teacher's office.
Napangiti ako, mabuti na lang at mayro'n akong mga tunay na kaibigan, mga kaibigang maasahan.
Pagkabigay na pagkabigay ko ng mga excuse letters ko sa admin ng aming school ay kaagad na akong nagpaalam dito at dumiretso na ng parking lot para ihatid ang mga kaibigan ko.
"Bakit ba kasi ayaw mong ihahatid ka namin?" ang tanong ni Kristel.
"Gusto ko kasing mag-exercise, tumataba na ako," ang pagbibiro kong sagot.
Hindi na nila ako pinilit pa, dahil alam nilang buo na ang disisyon ko. Ngunit bago sila tuluyang umalis ay sumigaw pa ang mga ito at na silang nagpaalam sa akin.
"Bye beshy, basta bukas ha, 'yong promise mo sa amin, ikuwento mo kung anong nangyari sa 'yo kaninang umaga, mag-ingat ka sa pag-uwi mo ha?" ang sigaw ni Kristel at sabay na kumaway ang mga ito sa akin.
Tumango na lang ako, bilang pagsang-ayon sa kanila. Nasundan ko pa sila ng tingin bago ako nag-umpisang maglakad.
Pauwi na ako at nakalabas na ako ng gate sa aming school, nang sa paglalakad ko ay may humarang bigla na hindi ko inaasahan.
"So, you're studying here, huh?" ang tanong nito na nakataas pa ang isa nitong kilay.
Napatigil ako sa paglalakad at napasulyap dito. Napapikit ako ng mariin.
Okay na sana ang araw ko, makakalimutan ko na sana ang pangit na nangyari sa akin kaninang umaga, pero bakit nandito na naman 'tong damuhong 'to sa harap ko? nakakagigil!
At ano naman kaya ang ginagawa niya dito sa labas ng building namin, at paano niya nalamang dito ako nag-aaral? ngunit nasagot ko din ang tanong ko sa isip ko, malamang sa uniform kong suot!
Saglit lang akong natigilan at nagpatuloy akong muli sa aking paglalakad. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo sa kaniya ay nagulat na lang ako nang bigla na lang niyang hinila ang isa sa mga braso ko.
Para akong nakuryente sa init ng palad niya na dumapo sa aking braso. Napalingon ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.
"Don't turn your back on me when I'm talking, woman! You don't know and you won't like what I can do to you," ang mariin nitong sabi sa baritonong tinig at pagkatapos ay marahas na binitawan ang aking braso.
"Are you talking to me, Mister?" ang pagmamaang-maangan kong tanong sa kaniya at sabay turo sa aking sarili.
"What do you think? May nakikita ka pa bang ibang tao dito, maliban sa atin?" he asked and gritted his teeth. Halos magdikit na rin ang mga makakapal na kilay nito dahil sa pamimilosopo ko sa kaniya.
"What now? What do you want from me?" I asked irritatedly.
"Let's talk about the payment of the damage that you've done to my car," he seriously answered.
"What payment? Sa pagkaalam ko gasgas lang 'yon at hindi naman gano'n kalaki, bakit kailangan kitang bayaran?" ang iritado kong sagot sa kaniya.
"But still, I want you to pay for the damages and you can't do anything, but to pay me," ang maaskad na sabi nito at saka sumandal pa ito sa kaniyang kotse.
"Wala akong pera," ang walang emosyong sagot ko.
"Well, it's not my problem anymore kung wala kang perang pambayad. I will file a case against you at sinisiguro kong makukulong ka, kapag hindi mo ako binayaran," ang nakangising pagbabanta at pinal na sagot nito, saka ito nagkibit ng kaniyang mga balikat at tumalikod na ito sa akin.
Bigla akong naalarma.
"W-wait lang, teka Unggoy!" ang pigil kong sigaw sa kaniya.
"What did you just call me?!" iritadong tanong nito sa akin, bakas sa kaniyang mukha ang pagpipigil nito ng galit.
"Ha? Ah.. eh.. ang sabi ko, p-pogi," ang sagot ko nang pautal-utal sa kaniya, sa takot na totohanin niya ang kaniyang banta.
Ngumisi ito sa akin na para bang nagustuhan nito ang sinabi ko.
Buwisit na unggoy!
"Kung wala kang pambayad, madali naman akong kausap, be my slave for a month!" ang nakangising sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ko. Ano daw? Tama ba ang pagkakarinig ko?
"Ano?! Anong slave for a month ang sinasabi mo? Ang suwerte mo naman yata, sa pagkakaalam ko, gasgas lang naman 'yong nasira sa kotse mo," ang masungit na sabi ko.
"If you don't want to be my slave, then you have to pay one hundred thousand, I'm only giving you three days to pay me," ang malamig na saad nito.
Tumalikod ulit ito sa akin at akmang sasakay na sa kaniyang kotse nang muli ko siyang pigilan.
"Teka lang! Saan naman ako kukuha ng gano'n kalaking halaga!?" ang naiinis kong tanong sa kaniya.
Wala akong trabaho, oo nga at my savings ako pero hindi ko puwedeng galawin 'yon dahil for emergency purposes lang 'yon.
Napipikon na ako sa mayabang na lalaking 'to, konting-konti na lang talaga, matatadyakan ko na 'to sa gitna niya.
"I'm done talking to you woman, you're just wasting my time and about the money, problema mo na 'yon kung saan mo kukunin," ang malamig nitong turan sa akin.
Sumakay na ito sa kaniyang kotse at mabilis na umalis gamit ang magarang sasakyan nito. Naiwan akong tulala at nahulog sa malalim na pag-iisip. Saka lang ako natauhana nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Gusto kong sumigaw sa inis! kung sinusuwerte nga naman ako no, hindi ko pa nadala ang payong ko! Grr!
Mabilis akong tumakbo upang sumilong sa waiting shed na malapit sa gate. Napatingala ako sa kalangitan, biglang kumulimlim ang panahon, iilan na lang din ang mga estudyanteng naglalakad na nakapayong, dahil ang karamihan sakanila ay nakasakay sa kani-kanilang mga kotseng sundo nila.
Namamroblemang napakagat ako sa aking pang-ibabang labi, paano ako uuwi nito? Tiyak kong para akong basang sisiw na uuwi, kung susuungin ko ang malakas na ulan.
Napabuntong hininga ako. Kailangan kong patilahin muna ang ulan, bago ako umuwi, mag-iiwan nalang ako ng mensahe sa mommy ko nang sa gano'n ay hindi siya mag-alala sa akin.
Kinuha ko ang aking cell phone mula sa aking bag at agad na nag-send ng message sa aking mommy, ngunit wala akong reply na nakuha mula sa kaniya, baka na-drain ang battery ng cell phone niya o di kaya ay busy siya, sa isip-isip ko.
Muli akong napatingala at lumingon sa kapaligiran, papadilim na at mukhang wala ng balak tumila ang ulan, kaya wala na akong pagpipilian kung hindi ang takbuhin at suungin ang malakas na ulan. Ayaw kong ma-stock ditong mag-isa hanggang gabi.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa aking bag at inumpisahan ko nang tumakbo ako ng matulin.
Ramdam ko na ang tubig mula sa aking katawan, basang-basa na ako, ngunit wala akong pagpipilian.
Nagulat ako nang biglang may kotseng tumigil at humarang sa aking dadaanan na dahilan kung bakit ako napahinto sa pagtakbo.
Binaba nito ang salamin ng bintana ng kaniyang kotse at tumambad sa akin ang mukha ng lalaking kinaiinisan ko.
"Get in, ihahatid na kita sa inyo," ang seryosong sabi nito, ngunit hindi ako tuminag.
Nilagpasan ko ang kotse niya at muling pinagpatuloy ang aking pagtakbo. Ngunit mabilis ako nitong nahabol.
Tinigil nito ang kaniyang kotse at hinarang sa dadaanan ko, lumabas ito at pabalya ako nitong isinakay sa sasakyan nito.
Kitang-kita ko ang ilan sa mga patak ng ulan sa kaniyang buhok at damit nito. Pagpasok nito sa driver's seat ay agad na may kinuha ito sa likod ng kaniyang kotse at inabot nito sa akin ang kaniyang jacket. Tinitigan ko lang ang hawak niya at hindi ako nag-abalang abutin iyon.
"What are you still waiting? Kunin mo at isuot mo, dahil basang-basa ka, mamaya magkasakit ka pa, kargo de-konsenya ko pa," ang masungit na sabi nito na hindi na tumitingin sa akin.
Pagkatapos nitong sabihin iyon, ay sinimulan na nitong paandarin ang kaniyang sasakyan.
"Hindi na, okay lang ako," ang mariing tanggi ko sa kaniya.
Ayaw kong isuot, hindi dahil sa nahihiya ako, kung hindi dahil naiinis ako sa kaniya.
"Isusuot mo o ako ang magsususot sa iyo?" ang napipikong tanong nito.
"Hindi na nga, bakit mo ba ako pinipilit!" ang naiinis kong sagot sa kaniya.
"Isuot mo na sabi, dahil bumabakat 'yang suot mong bra na kulay pula! Mabuti sana kung may laman! Pang-grade one naman!" ang iritadong sabi nito sa akin.
Dahil sa sinabi niyang iyon ay napatingin ako sa aking suot na uniform, saka ko lang napagtanto na kulay pula nga pala talaga ang suot ko ngayon.
Gusto kong magalit sa pang-iinsulto niya ngunit mas nanaig ang kahihiyang aking nararamdaman.
Labag man sa kalooban ko ay ali-dali kong isinuot ang jacket na binigay nito at mahigpit na niyakap ko ang aking sarili kasabay ng aking pagyuko dahil sa pinaghalong inis at galit na aking nararamdaman, idagdag pa ang sobrang pamumula ng aking mukha na dala ng matinding kahihiyan.