CHAPTER 2

4036 Words
Kahit naiinis ako at nababastusan sa Unggoy na katabi ko ay hindi ko maiwasang pagmasdan at pag-aralan ang kaniyang guwapong mukha. Napakatangus ng ilong nito, may mahahabang mga pilik-mata na kagaya ng Barbie doll, ang kaniyang mga mata ay kulay asul na nagpapatunay na hindi siya purong pinoy at talaga namang bumagay ang mga iyon sa kaniya. Ang hugis ng kaniyang mga kilay ay napakaayos at napakaganda, makakapal din ang mga kilay nito, na kagaya ng mga artistang hinahangaan ko, may mapupula at maninipis siyang mga labi na sumakto sa hugis ng kaniyang perpektong mukha. Bagay na bagay din ang gupit nitong clean cut at napakalinis din niyang tignan. Hindi maipagkakailang galing siya sa mayamang angkan. Sa pananamit pa lamang niya ay mahahalata mo nang hindi siya pangkaraniwang tao lang, para siyang isang sikat na modelo kung manamit at pati ang porma nito ay iyong hahangaan. Puwede din siyang maihalintulad sa isang Prinsipe, dahil sa kaniyang tindig at mala-artistang itsura. Muli ko pa siyang pinagmasdan at dahil abala ang mga mata ko sa pagtitig sa kaniyang perpektong mukha ay hindi ko inaasahan ang bigla niyang paglingon sa aking direksyon. Nahuli niya akong nakatitig at pinag-aaralan ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung ilang beses akong napakurap, dahil sa matinding kahihiyang aking nararamdaman at para mapagtakpan ang kahihiyan, ay agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at umaktong sa labas ng bintana ako nakatingin at hindi sa kaniya. Alam ko at ramdam ko na namumula na ang aking mukha. Ramdam ko din ang mga matang matiim na nakatitig sa aking itsura. Mas lalo akong hindi mapakali sa paraan ng pagtitig niya, saka lang ako muling naging komportable nang hindi ko na maramdaman ang pagtitig niya sa aking mukha. "Are you done checking my perfect face?" ang mayabang at nakangising tanong nito na ikinalingon ko sa kaniya. I rolled my eyes. Nuknukan talaga ng kayabangan 'tong Unggoy na 'to. "Perfect? Saan banda?" ang mahinang bulalas ko. "Are you saying something?" ang tanong niya na halatang hindi narinig ang sinabi ko. Umiling ako. "So ano, pasado na ba ako sa panlasa mo?" ang nakangiting tanong nitong muli sa akin bago nito ibinaling ang tingin sa kalsada. Para mapagtakpan ang matinding kahihiyang nararamdaman ko ay masungit ko siyang sinagot. "Will you stop assuming, I did not look at you!" ang madiin at masungit kong sagot sa kaniya. "What a liar. What will you gain from lying? Do you think I don't know? Anong akala mo sa akin, manhid at hindi ko nararamdaman ang pagtitig mo, alam ko na kanina mo pa ako tinititigan," ang sarkastiko nitong sabi. Nagpanting ang tenga ko sa aking mga narinig. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong sumabog at sagutin siya. "Ang kapal mo din naman 'no? At bakit naman kita tititigan, guwapo ka ba? Artista ka ba?" ang mataray kong tanong sa kaniya. Tumawa ito ng pagak at nang-uuyam bago siya muling nagsalita. "I just caught you na pinag-aaralan ang perpekto kong mukha and now you're denying it," ang patuyang sabi nito. Hindi ako nakasagot. Tila naumid ang aking dila. "O baka naman.. na love at first sight ka na sa'kin?" dagdag pa nito kasabay ng pagngisi niya sa akin. Ang kapal naman talaga ng herodes na 'to at napaka-asyumero. Well, hindi ko naman ipagkakaila at totoo namang guwapo siya, pero never ko siyang magugustuhan 'no! Never! Huminga ako ng malalim bago siya sinagot. "Huh? Love at first sight, sa iyo? Hahaha.. nagpapatawa ka ba? In your dreams!" ang naiinis kong sagot sa kaniya at pinaikot ko pa ang aking mga mata para mas lalo siyang asarin. In my peripheral vision, I saw him clenched his teeth. Nakita ko din ang paghigpit ng hawak nito sa manibela na para bang may balak itong baliin iyon. Napalunok ako, nasaling ko yata ang p-agkalalaki niya dahil sa sinabi ko. Kaya naman sa takot ko ay nagsalita akong muli at binasag ko na ang katahimikan. "U-hmm p-paki tabi na lang, baba na ako diyan sa gilid," ang kinakabahan kong sabi sa kaniya. "Dito na ba ang bahay niyo?" ang masungit na tanong nito sa akin, na tila ba nagdududa siya sa sinabi ko. Ayaw ko sanang nagsinungaling pero kailangan. Wala akong tiwala sa unggoy na 'to. "Oo malapit na dito, lalakarin ko na lang, tumila naman na ang ulan." ang pagsisinungaling kong sagot sa kaniya. Pagkasabi ko no'n sa kaniya ay agad ko nang binuksan ang pintuan ng kotse nito. Pababa na sana ako nang pigilan ako nito. "What?" ang masungit kong tanong sa kaniya. "Are you really that rude? Aalis ka na lang basta? Hindi ka manlang ba magpapasalamat sa paghatid ko sa'yo?" ang nakataas na kilay na tanong nito sa akin. "B-bakit naman ako magpapasalamat sa'yo, Aber? Sinabi ko bang ihatid mo ako? Ikaw 'tong nagpilit sa akin at pabalya mo na lang akong pinasakay sa kotse mo!" ang nanggagalaiti kong sagot sa kaniya. Pagkatapos kong sabihin iyon ay tinaasan ko din siya ng kilay. "What the hell! I can't believe you woman!" ang sabi nito na napapailing. So what? Manigas ka! Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan. Narinig ko ang pag-lock nito sa pintuan ng kaniyang kotse at ngumisi ito sa akin. Naalarama ako at sinalakay ng matinding takot. "What are you doing?! Why did you lock the door? Buksan mo nga! Bababa na ako, ano ba?!" ang nanggigigil kong sabi sa kaniya. "Are you scared baby? Uh-oh, not so fast dear, I will only open it, if.." ang papambibitin nitong sabi. "If what?" ang napipikon kong tanong sa kaniya. "Only if.. you will kiss me," ang nakakalokong sagot nito, habang malawak itong nakangiti at titig na titig ito sa akin. Unti-unti pa siyang lumapit sa akin, kaya napaatras ako dahil sa matinding kaba. Nagrarambulan na ang mga lamang loob ko dahil sa takot. Napakapit ako sa gilid ng kaniyang kotse sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko, bigla ding nagsitayuan ang mga balahibo ko pagkarinig ko sa kaniyang sinabi. Hindi! Ang sigaw ko sa isip ko, mali ka lang ng dinig Juneth! Pagkukumbinsi ko pa sa aking sarili. "W-what.. did you just say?" ang nauutal at hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "You heard me clearly baby, I won't repeat what I've said," ang sagot nito, habang mas inilapit pa nito ang mukha sa akin. Kung ilang beses akong napalunok ay hindi ko na mabilang. Pakiramdam ko ay biglang natuyo ang aking lalamunan. "Ano ba, lumayo ka nga sa akin! Isa, I'm warning you! Sisigaw talaga ako!" "Go, shout if you want, but I doubt if they can hear you outside, 'cause my car is soundproof," he laughed after he said it. "Nag.. nagbibiro ka lang, hindi ba?" ang nanginginig at kinakabang tanong ko sa kaniya. Tinulak ko pa siya ng bahagya. hindi na normal ang pagtibok ng aking puso. Naramdaman yata nito ang takot ko kaya hindi na nito napigilan pa ang paghagalpak nito ng malakas na tawa, humalakhak ito na para bang wala ng bukas. "So, you really thought that I'm serious? Hell no! Hahaha.." ang natatawa pang sabi nito habang hawak ang kaniyang tiyan. "Anong nakakatawa?" inis kong tanong sa kaniya. "I'm just kidding okay, you must see yourself in the mirror baby, para kang kamatis sa pula," ang nang-aasar pang sabi nitong muli. Halata sa boses nito ang pagpipigil sa sariling huwag ulit matawa. "Will you stop calling me that endearment! Ang baduy! And unlock your car's door, now!" ang napipikang utos ko sa kaniya. "Baduy pala, ha? Okay, I'll unlock it. Only if you say, thanks to me," ang nakangising utos nito. "Paano kung ayaw ko?" ang pagsusungit kong tanong sa kaniya. "It's okay, matutulog tayong dalawa dito sa loob ng kotse ko. Hindi ka makakalabas. Now choose, you'll stay here or follow what I've said?" ang nakangising tanong nito. "Fine! S-salamat sa paghatid," ang napipilitang sabi ko sa kaniya at agad na akong nag-iwas ng tingin dito. "Good girl, " ang sabi nito sabay tawa. Nang marinig ko ang pag-unlock nito ay kaagad na akong bumaba. Nakakailang hakbang pa lang ako nang maalala kong suot ko pa pala ang jacket nito, kaya agad na tinanggal ko iyon at iniabot ito sa kaniya, ngunit hindi nito iyon kinuha. "Labhan mo muna 'yan, baka kasi may naiwang virus, mahirap na. Ibalik mo sa akin kapag malinis na," ang maaskad na sabi nito at agad na pinasibad ang sasakyan nito paalis sa aking kinakatayuan. "Buwisit ka talagang Unggoy!" ang nanggigigil kong sigaw. Ilang minuto pa akong naiwang nakatayo doon bago naglakad pauwi ng bahay. Madilim na sa paligid, tanging mga street lights nalang ang nagbibigay liwanag sa daan. Binuksan ko ang gate namin at agad naman akong sinalubong ng aking mommy. "Ginabi ka yata ngayon, Anak? Pinag-alala mo ako at basang-basa ka pa.. ano bang ginawa mong bata ka? Hala, sige pumanhik ka na muna sa kuwarto mo, para makaligo at makapagbihis ka na at makakain na tayo. Mamaya na tayo mag-usap Anak," ang pagtataboy na utos ng aking mommy. Tumango ako sa kaniya at agad nang pumanhik sa aking kuwarto. Habang naliligo ako ay hindi ko maiwasang sumagi sa isip ko ang nangyari ngayong araw na 'to. Isang araw lang, ngunit sobrang dami nang mga nangyari, dahil sa lalaking 'yon. At hanggang ngayon ay ang lakas pa rin ng pagtibok ng aking puso. Naiisip ko kung gaano ka sobrang lapit ng mga mukha namin kanina, amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Halos hindi na ako huminga sa takot na baka halikan niya akong bigla. Kinurot ko ang aking sarili at napailing ng ilang ulit, para maiwaksi sa aking sistema at isipan ang lalaking 'yon na gumugulo sa aking isipan. Binilisan ko ang pagligo at pagbihis, pagkatapos ay agad na akong bumaba patungong kusina, kung saan hinihintay ako ng aking ina at ang aking kapatid. Umupo ako sa tabi ng aking kapatid at nagsimulang kumain habang sinusubuan din ito. Tanging ang mga tunog lang ng kubyertos at ang matinis na boses ng aking kapatid ang naririnig, malungkot talaga ang aming hapag, kapag wala ang aking ama. "How's my little sister?" ang magiliw na tanong ko sa kapatid kong limang taong gulang. "I'm doing good po, Ate," ang magalang na sagot nito sabay ngiti nito. Napangiti ako at muli siyang sinubuan. Matapos kaming kumain ay kaagad na kaming dumiretso sa sala nila mommy at kinuwento sa kaniya ang buong nangyari sa akin kanina. Pagkatapos kong ikuwento sa kaniya ang lahat ay nagpaalam na akong matutulog na. Humiga ako at pinikit ang aking mga mata, ngunit ilang saglit lang ay bumalik sa aking isip ang iksenang nangyari sa pagitan namin ni Angelo sa loob ng kaniyang kotse. Akala ko talaga mawawala na ang first kiss ko, dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin kanina. Halos maduling ako dahil sa pagtitig sa kaniyang mukha. Sinungaling ako kung itatanggi ko na hindi ako nagandahan sa mga ngipin niya, pantay-pantay at ang puputi ng mga iyon, puwede nga siyang maging modelo ng toothpaste kung gugustuhin niya. Muli akong napailing at iwinaksi siya sa aking isipan. Hanggang sa tuluyan na akong tinangay ng antok at nakatulog. *** Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Matapos kaming mag-agahan ng aking kapatid at ng mommy namin ay agad na akong nagpaalam sa kaniya upang pumasok na sa aming paaralan. Pagdating ko sa school ay masaya akong sinalubong ng aking mga kaibigan pagkakita ng mga ito sa akin. Agad nila akong niyakap at hinila papasok sa aming silid-aralan. "Now speak and start from very beginning," ang utos ng kaibigan kong si Kristel na parang reporter. "Wala namang nangyari," pagsisinungaling ko. "You promised to us yesterday, sabi mo ikukuwento mo sa amin ngayon. 'Di ba sabi mo, bawal ang magsinungaling and no secrets. 'Di ba, Glecel?" "Oo nga beshy, ikuwento mo na kasi," ang pagsang-ayon na sabi ng kaibigan kong si Glecel. "Oo na, sabi ko nga ikukuwento ko na." Matapos kong maikuwento sa kanila ang buong nangyari sa akin kahapon ay agad na niyakap nila ako. Nasa gano'n kaming posisyon nang biglang tumunog ang aking cell phone sa loob ng aking bag. Kinuha ko iyon at agad tinignan kung sino ang tumatawag, nakapunot-noo ako dahil ito ay unregistered number. Nag-alangan akong sagutin iyon, kaya hinayaan ko na lang na tumunog hanggang sa kusang tumigil iyon sa pagtunog. Ngunit, hindi pa man nagtatagal ay muli na naman itong tumawag, at dahil sa kyoryusidad ko ay dali-dali ko iyong sinagot at agad inilapat iyon sa aking tenga. Nanlamig ang aking mga kamay dahil sa pamilyar nitong tinig. Kahit hindi ito magpakilala, ay alam ko na agad kung sino ang nasa kabilang linya. Hindi ako maaring magkamali, alam kong si Unggoy s***h bastos at antipatiko ang nasa kabilang linya. "Who is this?" ang pagmamaang-maangan kong tanong sa taong nasa kabilang linya. "Who else? Off course it's me, your future," he answered huskily. "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo Unggoy, anong 'Future' ang pinagsasasabi mo? Hindi ko nakikita ang future ko sa kagaya mong hambog! 'Tsaka puwede ba, wala akong oras para makipaglokohan sa'yo!" ang nanggigigil kong sabi sa kaniya. "Do I sound like I'm joking, here baby?" ang nang-aasar na tanong nito sa kabilang linya. Akmang papatayin ko na sana ang tawag ngunit naunahan na ako nitong magsalita. "Meet me at the Fuentabella University this lunch break. We need to discuss something, be on time. Ayaw ko ng pinaghihintay," ang maotoridad niyang utos sa akin. Pagkasabi nito ng mga katagang iyon ay agad na nitong pinutol ang tawag. Maya-maya lang ay muling umilaw ang aking cell phone. Tinatamad kong binuksan iyon at tama nga ako nang hinala, kay Unggoy galing ang mensahe. Guess what did he say? [PUMUNTA KANG MAG-ISA, HUWAG NA HUWAG KANG MAGSASAMA NG KAHIT SINO. AYAW KONG MAY ISTORBO KAPAG NAG-USAP TAYO.] Ang kapal talaga nang unggoy na iyon, naka-capitalized pa talaga. Matapos kong ipabasa iyon sa mga kaibigan ko ay agad nila akong niyakap at pinalakas ang loob ko. *** Pagsapit ng lunch break ay agad na akong nagpaalam sa aking mga kaibigan. Kabadong-kabado ako habang naglalakad papunta sa Fuentabella University, hindi naman ito ang unang pagkakataon na pupunta ako doon, ngunit ang lakas pa din ng t***k ng aking puso. Kahapon at ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam, parang naging abnormal na ang t***k ng aking puso at ayaw ko nito. Habang papalapit ako sa University ay mas lalong lumalakas ang t***k ng aking puso. Huminga muna ako ng malalim bago muling pinagpatuloy ang aking paglalakad hanggang sa nakarating ako sa tapat ng gate ng University. Tatawagan ko pa lang sana ito, nang bigla itongng lumitaw sa aking harapan na nakapamulsa and guess what? Hindi ito nag-iisa, dahil marami sila, kaya hindi ko naikubli ang mapasimangot. May pasabi-sabi pa siya kaninang ayaw daw niya ng istorbo, tapos siya naman pala 'tong may mga kasama. Nakakainis! Nailang ako sa pagtitig nila sa akin, kaya agad akong nagyuko ng ulo para makaiwas. Pakiramdam ko kasi, anytime ay puwede na akong matunaw dahil sa napakalagkit nilang tingin. Naikuyom ko ang aking palad nang marinig kong magsalita ang isa sa kanila. "Angelo bro, hindi namin alam na nagbago na pala ang taste mo ngayon sa chikababe. High school na pala ang dine-date mo ngayon, bro," ang dinig kong pang-aasar ng isa sa mga kaibigan ni Unggoy. "Will you shut the f-uck up!" ang tila galit at napipikong sabi naman nito sa kaniyang kaibigan. "Hey, calm down man. Don't take it seriously, he's just kidding," ang tumatawang sabat ng isa. "Leave us, I need to talk to her. Susunod na lang ako sa inyo mamaya," ang masungit na utos nito sa kaniyang mga kaibigan. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na silang umalis. Pag-angat ko ng aking ulo ay sakto naman ang paglingon nilang lahat. Kumaway pa silang lahat sa akin at saka kumindat. Napailing ako at mas lalong napasimangot. Hmmp! mga babaero, sigaw ng isip ko. "Follow me and don't say any word, not unless I allow you to speak," ang maotoridad niyang sabi sa akin. Pagkatapos nitong magsalita ay agad na itong tumalikod at naglakad patungong parking lot, ako naman ay nakasunod lang sa kaniya. "Wait nga, saan ba tayo pupunta? Bakit kailangan natin sumakay sa kotse mo, puwede naman tayong mag-usap dito." "Didn't I tell you, that you are not allowed to speak any single word," he said and grinned his teeth. Ang kapal talaga nitong lalaking 'to! Bakit ba napakabugnutin ng isang ito? Kung gaano siya ka perfect sa panlabas niyang anyo, ay gano'n naman kapangit ng ugali niya. Pinili ko nalang manahimik at sumunod sa kaniya, kahit labag iyon sa kalooban ko. Nang matapat kami sa kaniyang kotse, ay Hindi ako tuminag, hinihintay ko siyang pagbuksan niya ako ng pintuan. Ngunit ilang saglit lang ay narinig ko na ang malakas nitong boses sa loob ng kaniyang sasakyan. "What are you still doing outside? Get in!" ang pagalit na sigaw pa nito. Padabog akong pumunta sa likod ng kaniyang sasakyan at sumakay sa backseat 'tsaka ko matalim na tinitigan ang kaniyang likuran. Lumingon siya sa akin at nahuli niya akong nakasimangot. Nakipagtitigan siya sa akin at halos tumagos sa aking buto ang talim ng kaniyang pagtitig. "May I remind you Juneth Angelie, that I am not your f-ucking driver! Dito ka sa front seat umupo!" ang madiin at maotoridad na utos nito. Wala akong nagawa kung hindi bumaba ulit at lumipat sa front seat. Ayaw ko siyang sundin pero no choice ako. "Teka, paano mo nalaman ang pangalan ko? At kanino mo nakuha ang number ko? Are you my stalker, Mister?" ang masungit kong tanong sa kaniya. "Will you stop calling me, Mister? I have name. Call me Angelo or Gabriel, either one is fine with me," ang iritadong sabi nito. "Okay, whatever," ang sagot ko at pinaikot ang mga mata ko. "And stop assuming, I'm not your stalker. I never stalked anyone," ang masungit pa nitong dagdag sa kaniyang sinabi at pinasibad ng matulin ang kaniyang sasakyan. Hindi naman malayo ang nilakbay namin, tinigil nito ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant kung saan malapit lang din dito ang university. Pagbaba nito ay agad akong sumunod sa kaniya. Nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa makarating ito sa pintuan. Binati naman kami ng guard at pinagbuksan ng pintuan. Nang nasa loob na kami ay hindi ko maiwasang mamangha, napakaganda ng arrangements sa loob ng restaurant. Ang mga bulaklak na nakalagay sa mga lamesa ay napakaganda sa mata. "What are we doing here?" I asked, habang naglalakad kami at naghahanap ng aming mauupuan. "I'm starving, I haven't eaten anything since this morning," ang walang emosyong sagot nito sa akin. "Bakit mo ako isinama?" ang masungit kong tanong sa kaniya. "Alam ko, hindi ka pa din kumain ng lunch mo kaya dito na kita dinala, habang nag-uusap tayo about the payment," dagdag pa niyang sabi. Hindi ako sumagot. "What do you want to order?" he asked nang makaupo na kami. "Kahit ano na lang, ikaw na ang bahala." "Okay," ang matipid na sagot nito. Pagkatapos naming kumain ay titig na titig siya sa akin na tila ba ito natatawa. Nang akmang hahawakan na nito ang aking mukha ay mabilis ko iyong tinabig. Matalim niya akong tinitigan bago siya nagsalita. "I'm just helping you, ang kalat mong kumain para kang bata.. may kanin at sauce sa gilid ng labi mo," ang masungit na sabi nito. Napahiya ako sa kaniyang sinabi, biglang nag-init ang mga pisngi ko. Tumayo ako at agad na tumakbo sa pinakamalapit na restroom ng restaurant at agad na tinignan ang aking mukha. Ang pula ng mukha ko. Meron ngang sauce at kanin, nakakahiya. Naghilamos ako at pagbalik ko sa aming lamesa ay malinis na ito. "Ano, nakapag-isip ka na ba? Remember, you only have two days left. Hindi naman kita pahihirapan kung sakaling mas piliin mong maging slave kita. One month is a short period of time," ang malamig na sabi nito. "Kanino mo ba nakuha ang number ko at paano mo nalaman ang pangalan ko?" ang tanong ko sa kaniya, para maiba ang usapan. "I have my ways," ang maiksing sagot nito. "lyan lang ba pag-uusapan natin?" "Yup, bakit may gusto ka pa bang ibang pag-usapan natin, maliban dito?" ang nakangising tanong nito habang unti-unti nitong inilalapit ang mukha nito sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. Bakit ba ang hilig ng lalaking 'to na ipaamoy sa akin ang hininga niya. Naadik na tuloy ako, joke. "W-wala 'no! Ayaw kong maging slave mo, kaya babayaran na kita," ang masungit kong sabi sa kaniya at sabay tayo. Aalis na sana ako nang hindi pa man ako nakakalayo ay agad na nitong nahatak ang isa sa mga braso ko. "How many times do I have to tell you, don't turn your back on me!" ang madiing sabi nito. Kitang-kita ko ang pagngangalit ng kaniyang mga panga. "Bitawan mo nga ako!" ang masungit kong sabi sa kaniya. Ngunit imbes na sundin ako nito ay mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa aking braso at hinila ako nito palabas hanggang sa makarating kami sa parking lot at pilit na ipinasok sa kaniyang kotse. "Hoy Hudas! Saan mo ako dadalhin!?" ang pasigaw kong tanong sa kaniya. Akmang bubuksan ko ang pintuan ng sasakyan niya nang magsalita ulit siya. "Don't try my patience woman or else you'll gonna regret it!" ang madiing banta niya sa akin at mabilis na pinasibad ang kanyang sasakyan. Nawala ang kaba ko nang makarating kami sa tapat ng School. Binuksan ko ang pintuan ngunit ayaw nito iyong bumukas. "Bababa na ako, paki-unlock na ang pintuan please lang," ang malamig kong sabi sa kaniya. "I already changed my mind. I no longer want your money. You'll be my slave for a month wether you like it or not," ang pinal na sabi nito at ini-unlock ang pintuan ng kaniyang sasakyan. "No! Ayaw kong maging slave mo! Hindi ako papayag!" ang madiin kong bigkas. "Sorry baby, but you don't have any choice," ang nakangisi niyang sagot sa akin. Pabalya kong sinara ang pintuan ng kotse nito pagkalabas ko, sobrang lakas no'n. Ngunit wala na akong pakialam kahit pa masira iyon. Mabilis akong naglakad palayo sa sasakyan niya. Halos tumakbo na nga ako para lang makalayo. Galit ako sa lalaking 'yon! Napakasama talaga ng ugali niya. Sa ganda kong 'to gagawin niya lang akong alipin! Sambakol ang mukha ko pagkapasok ko sa aming silid aralan. Nilapitan ako ng mga kaibigan ko at hinila paupo. "Okay ka lang? Saan kayo pumunta beshy?" ang excited na tanong ni Glecel. Hindi ako sumagot bagkus ay napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil sa frustration. Ngunit sa bandang huli ay kinuwento ko na rin ang napag-usapan namin ng kumag na 'yon. "Anong gagawin ko mga beshy? Ayaw kong maging alipin ng mayabang na 'yon," ang naiiyak kong sabi sa kanila. "Ano ba ang hitsura niya beshy? Pangit ba? Baduy ba?" ang hindi mapigilang tanong ni Kristel. "H-hindi, guwapo siya actually," kagat-labi kong sagot sa aking kaibigan. "Anong pangalan niya? Natanong mo ba?" ang muling tanong nito. "Hindi ko tinanong, pero siya mismo ang nagsabi ng pangalan niya." "Ayieh.." ang kinikilig na sabay sabi ng mga kaibigan ko. Sinamaan ko sila ng tingin. "Feeling ko beshy crush ka ni Mister Unggoy mo, ayieh.. mukhang magkaka-love life na ang kaibigan namin," ang pang-aasar na sabi pa ng kaibigan kong si Glecel. "Anong 'mo' ka diyan, at bakit kayo kinikilig sa lalaking 'yon? Wala na nga siyang magandang idinulot sa akin simula no'ng nakilala ko siya," ang pairap kong sabi sa kanila. "Beshy umamin ka nga sa amin, may crush ka ba sa lalaking 'yon?" ang tanong ng kaibigan kong si Kristel. "Ano bang klaseng tanong 'yan? Ako may crush sa lalaking 'yon? 'Yong Angelo na 'yon na ubod at saksakan ng kayabangan sa katawan? Never 'no, never kong magugustuhan 'yong mayabang na lalaking 'yon at never ako magkaka-crush do'n sa Unggoy na 'yon! Never! Never! Never!" ang mariin at nanggigigil kong pagtanggi sa kanila. Hindi na sila umimik pagkatapos kong sabihin iyon ngunit ramdam ko ang kakaiba nilang tingin sa isa't-isa na tila ba hindi sila naniniwala. Nakita ko pa ang palihim nilang pagngiti. Napailing na lang ako at hindi ko na sila pinansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD