Ilang minuto pa lang akong nakahiga at nakapikit sa aking kama nang naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cell phone mula sa ibabaw ng aking bedside table.
Hindi ako dumilat at nag-abalang tignan at damputin iyon, bagkus hinayaan ko lang iyon na tumunog nang tumunog, hanggang sa tuluyan na iyong tumigil ng kusa.
Ngunit ilang saglit lang ay narinig ko ang muling pag-vibrate nito, kaya tumagilid ako at inabot iyon. Nakapikit pa akong kinapa-kapa ang side table ko at tamad na tamad kong sinagot ang tawag.
Hindi na ako nag-abala pang tignan at idilat ang aking mga mata upang matignan kung sino ang tumatawag, dahil sa sobrang antok na aking nararamdaman.
Inilapat ko sa aking tenga ang cell phone na aking hawak at inaantok akong nagsalita.
"H-hello, who's this?" ang inaantok kong tanong sa caller.
"Did I wake you up, baby?" ang tanong ng baritonong tinig mula sa kabilang linya.
Para akong nabuhayan ng dugo nang marinig at makilala ko ang boses nito. Wala sa sariling napamulat ako, mabilis na napabangon at napadiretso ng upo sa aking kama. Tuluyan nang nawala ang nararamdaman kong antok.
Hindi ako nakasagot sa kaniyang tanong.
"Let's meet tomorrow at lunch break," ang
malamig na sabi nito.
"Why?"
"Because starting tomorrow you'll be my slave and you need to know all my rules," ang masungit na sagot nito.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapanilawa sa aking narinig mula dito.
"A-ano? Teka-"
Bago ko pa man natapos ang sasabihin ko ay agad na nitong pinutol ang tawag mula sa kabilang linya.
Humiga akong muli at nanggigigil na kinuha ang isang unan sa aking tabi at pinagsusuntok ko iyon. Iniisip ko na mukha nito ang sinusuntok ko habang pinaggigigilan ko ang aking unan.
Napakabastos talaga ng lalaking 'yon, hindi manlang niya ako pinatapos magsalita. Ang sarap niyang sapakin at tadyakan sa kaniyang itlog.
Naiinis akong napabuntong hininga at ibinalik ang aking cell phone sa ibabaw ng aking bedside table. Sinubukan kong pumikit ngunit mas lalo pa akong nainis nang makita ko ang mukha ng Unggoy na iyon.
Kahit kailan talaga, panira 'yong Unggoy na 'yon, wala na siyang mabuting ginawa kung hindi ang inisin ako at pakuluhin ang aking dugo. Sa umaga, sa tanghali pati ba naman sa gabi? Sana hindi din siya makatulog.
Nawala na ang antok ko, pabaling-baling ako ng higa at hindi malaman kung anong puwesto ang aking gagawin, hindi mawala-wala sa isip ko ang mga katagang binitawan nito kanina.
Starting tomorrow you'll be my slave.. Starting tomorrow you'll be my slave..
Mga katagang paulit-ulit na umuukilkil sa aking isipan. Sh!t talaga. Gusto ko siyang tadyakan ulit. Napapikit ako ng mariin at napausal.
Bakit ba ako napunta sa sitwasyon na 'to?
Wala sa sariling nakagat ko ang aking kuko sa aking hintuturo at pagkatapos ay nasabunutan ko ang aking sarili. Kakayanin ko ba siyang makita at makasama araw-araw hanggang sa matapos ang isang buwan? Matatagalan ko kaya siya?
***
Kinaumagahan at kagaya ng aking kinaugalian, ay naglakad ulit ako papasok ng school. Nasa tapat na ako ng aming campus nang may biglang magarang kotseng pula ang huminto sa harap ko, biglang bumilis ang t***k ng aking puso nang mabungaran ko kung sino ito.
Hindi kasi pamilyar sa akin ang sasakyan at wala pa akong nakikitang gumamit nang gano'ng modelo sa school, kaya naman hindi ko inaasahang si Unggoy pala ang lulan no'n.
Napasimangot ako. Siya ba ang may-ari nito? llan ba ang sasakyan niya? Noong huli ay itim na Audi ang ginamit nito, ngayon ay iba na naman at sa pagkakaalam ko, ito ang pinaka-latest na sasakyan.
Mas lalo pa nitong ibinaba ang bintana ng kaniyang sasakyan at saka nito ipinatong ang kaniyang braso doon, bago siya nagsalita.
"Don't be late this lunch break, go to Fuentabella University, I'll meet you at the gate," ang maotoridad na sabi nito at mabilis na pinasibad ang kaniyang sasakyan.
Naiwan akong nakatulala sa kalsada.
"Unggoy!" ang naiinis kong sigaw sa kaniya nang tuluyan na itong mawala sa aking paningin.
Nagngingitngit ako habang naglalakad. Naramdaman ko ang pagsunod ng mga malisyosong tingin at mga matang mapanghusga na tila ako isang artista.
Gandang-ganda ba sila sa mukha ko? Mga tsismosa, ang pipi kong usal.
Sunod-sunod akong napapailing at hindi na sila pinagtuunan pa ng pansin. Nilagpasan ko sila at dumiretso na sa aming classroom.
Habang hinihintay ang aking mga kaibigan ay naisipan ko munang buksan ang aking social media account.
As usual, maraming friend requests, puro nga lang mga lalaki at unfamiliar, kaya ang ginawa ko ay pinagbubura ko iyon lahat. Hindi kasi ako basta-basta nag-a-accept ng mga friend request lalo na kung wala namang mukha o di kaya mga dummy accounts at hindi ko kakilala.
Pinasya kong manood ng mga video clips nang matapos kong burahin ang lahat ng mga friend requests. Ilang saglit lang ay biglang nag-vibrate at rumihistro ang pangalan ni Unggoy sa screen ng aking cell phone.
Huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag nito at idinikit iyon sa aking tenga.
Halos mabingi ako sa sigaw nito.
"Why the hell did you delete my friend request?" ang galit na tanong nito mula sa kabilang linya.
"What request?" ang pabalik at naguguluhang tanong ko sa kaniya.
Ngunit imbes na sagutin nito ang tanong ko, ay madiin ako nitong inutusan.
"Add me now!" ang masungit na utos nito sa akin.
Mas lalong nangunot ang noo ko dahil hindi ko ito maintindihan.
"Add saan? Hindi kita maintindihan! Ano bang sinasabi mo?" ang napipikang tanong ko sa kaniya.
"This is my first time to add someone in f*******: and what did you do? You just deleted it! I'm waiting you Juneth Angelie, add me now! Don't let me count!" ang pagalit na sabi nito.
Hindi ako tuminag.
"Don't try my patience, Juneth!" ang pasigaw na sabi nito sa kabilang linya.
Napakurap ako ng ilang ulit bago rumihistro sa aking isip ang kaniyang pinupunto.
Dali-dali kong hinanap ang pangalan nito sa f*******: para gawin ang iniuutos nito, ngunit hindi ko talaga mahanap ang pangalan nito.
Napakagat ako sa aking labi. Patay na talaga ako nito. Kahapon ko pa halatang galit siya sa akin at ngayon mas nagalit ko pa yata siya.
"H-hindi ko alam ang pangalan mo sa f*******:," ang nauutal kong sabi sa kaniya, matapos ang dalawang minuto kong paghahanap sa kaniyang pangalan.
Ngayon lang ako nakaramdam ng pagkataranta at nanlalamig na ang mga palad ko dahil sa nararamdaman kong kaba.
"Gab Fuentabella," ang malamig na sagot nito.
Magsasalita pa sana ulit ako ngunit binabaan na ako nito ng tawag.
Mariin akong napapikit. Napakawalang modo talaga ng lalaking yon. Panira ng araw!
Ilang saglit pa akong nakapikit at napabukas ang mga mata ko, nang maalala ang sinabi nitong apelyido niya.
"Fuentabella?" kunot-noong tanong ko sa aking sarili.
Napailing ako. No, nagkataon lang sigurong magkapareho sila ng surname ng may-ari ng aming School at ang katabi naming University.
Isisilid ko na sana ang aking cell phone sa loob ng aking bag nang muli iyong umilaw at nakita ko ang pangalang rumihistro doon, walang iba kung hindi si Unggoy. Nanggigigil kong binuksan ang messenger ko at binasa iyon.
"Don't be late." Ang sabi nito sa chat.
Hindi na ako nag-abala pang replyan siya, gusto ko siyang mas lalong inisin, bahala siya sa buhay niya.
That dominant jerk! He never fails to pissed me! He's really getting into my nerves! Hmp! Gustong-gusto ko na talaga siyang sabunutan. Nanggigigil ako kapag naaalala ko ang mukha niya.
Sayang guwapo pa naman sana, kaso saksakan ng kayabangan sa katawan, nakaka-turn-off.
***
Nang matapos ang pinakahuling subject namin nang tanghaling iyon, ay agad kong inabala ang aking sarili sa pag-aayos sa aking mga gamit at isinilid iyon sa loob ng aking bag.
Naramdaman ko ang panay tusok ng mga kaibigan ko sa aking tagiliran. Noong una ay hindi ko iyon binigyan ng pansin, ngunit nang kalaunan ay tila sinasadya na nila akong kilitihin. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na tumawa nang tumawa dahil sa pangingiliti nila. Halos mapautot na ako at mapaihi sa sobra kong tawa.
"Mga beshy stop it please," ang pagmamakaawa kong sabi sa kanila.
Ngunit imbes na tumigil sila at maawa sa akin, tila mas lalo pa silang ginanahan at tuwang-tuwa sa aking itsura. Hindi talaga ako nila tinantanan. Nang maluha-luha na ako, ay saka lang nila ako tinigilan.
Dahil sa pangyayaring iyon, ay nawala sa isip ko ang tungkol sa kasunduan naming magkita ni Angelo, kaya naman nang tumunog ang aking cell phone sa loob ng aking bag, ay biglang nanlaki ang aking mga mata nang naalala ko ang usapan namin ni Angelo.
Agad akong tumayo at tumakbo na walang paalam sa aking mga kaibigan. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa aking pangalan, ngunit hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Alam kong maiintindihan nila ako.
Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo at hindi ko na rin nagawa pang sagutin ang tawag ni Angelo.
Lakad at takbo ang aking ginawa hanggang sa nakarating ako sa gate ng Fuentabella University.
Hingal na hingal ako nang nakarating ako at sa sobrang pagod ay napayuko ako. Napaangat lang ang ulo ko nang narinig ko ang pamilyar na tinig na nasa harap ko, pag-angat ko nang aking mukha ay bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Angelo, nakapamulsa ito at salubong ang dalawang kilay nito.
Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para magsasalita, ngunit naunahan na ako nito.
"You're late!" ang masungit na sabi nito.
Wala sa sariling naitikom ko ang aking bibig at napasulyap sa aking pambisig na relo. Napakagat ako sa aking labi nang makitang late ako ng ilang minuto.
"Five minutes lang naman-"
Bago ko pa man masabi ang lahat sa kaniya ay agad na nitong pinutol ang sasabihin ko.
"I don't want to hear your explanation. Five minutes or not, you're still late. Remember this woman, what I hate the most is waiting!" ang madiing sabi nito.
Tinalikuran na ako nito at mabilis na naglakad papasok ng kanilang campus. Naikuyom ko ang mga palad ko. Malayo na siya sa akin nang bigla itong huminto at muli siyang nagsalita.
"Why are you still standing there? Follow me!" ang paasik nitong sabi na hindi manlang nag-abalang lumingon sa akin.
Matapos nitong sabihin iyon ay mabilis na itong muling lumakad papasok sa loob ng kanilang University.
"Wait Angelo, paano ako papasok diyan, hindi naman ako college!" ang nanggigigil kong sigaw sa kaniya.
Nasa labas pa ako ng gate ng University at may guard na nagbabantay. No ID no entrance policy, may ID nga ako ngunit pang secondary ito.
Ano ba kasing nakain ng unggoy na iyon at dito pa niya kami gustong mag-usap, puwede namang sa ibang lugar na lang, andami pa namang estudyante. Gusto niya ba kaming mapag-usapan.
Lumingon ito sa gawi ko at napahawak ito sa kaniyang sintido, nakita ko pa ang paghimas nito sa kaniyang noo na tila ito naiinis. Sinenyasan niya ang guard na nagbabantay doon at pinapasok na niya ako.
Huminto ako at nagpasalamat sa guard.
"Salamat po kuya," ang kiming sabi ko at nahihiyang ngumiti dito. Tumango at ngumiti lang ito sa akin.
Magsasalita sana ako ulit at tatanungin kung saan kami pupunta, ngunit laking dismaya ko nang hindi ko na ito makita sa aking harapan.
Ang bilis naman maglakad ng lalaking 'yon, asan na ba 'yong Unggoy na iyon?
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at luminga-linga ako sa paligid. Hindi ko talaga siya makita.
Napapikit ako ng mariin, inuubos niya talaga ang natitirang kabaitan ko. Iwan ba naman ako dito, ano bang malay ko sa mga pasikot-sikot dito sa university nila.
Napakalaki nito dahil kompleto sa mga kurso, naglalakihan ang mga iba't-ibang building sa iba't-ibang departamento. Kung ikukumpara sa mga ibang naglalakihan ding Universities sa buong Pilipinas ay malayong mas malaki at malawak ito.
Dahil abala ang mga mata ko sa paghahanap sa unggoy na iyon ay hindi ko na namalayan na may nakalapit na pa lang lalaki sa akin.
"Hi Miss, you're new here?" ang magalang na tanong ng isang lalaking estudyante na nakapagpatigil sa aking paglinga-linga. Napansin yata ako nito na hindi alam kung saan pupunta.
"A-ah, kasi ano, 'yong kasama ko hinahanap ko, hindi ko alam kung saang building siya tumuloy, ang bilis niya kasing maglakad," ang nahihiyang sagot ko sa kaniya.
"Ano bang pangalan niya Miss, baka kilala ko," ang nakangiting sabi nito.
Bago pa man ako makapagsalita ay may malaking kamay nang humila sa aking braso palayo sa lalaking kausap ko. Nagulat ako at napalingon sa mukha na nagmamay-ari ng kamay na humawak sa akin. Si Unggoy pala, sino pa nga ba. Para itong nakikipagkarera dahil sa bilis nitong maglakad.
"Puwede bang bagalan mo ang paglalakad? Madadapa ako sa kahihila mo sa akin e," angil ko sa kaniya.
Ngunit tila wala itong narinig, mas binilisan pa nitong maglakad at ang siste ay napapatakbo na ako, para lang masabayan siya sa kaniyang paglalakad.
Paano ba naman kasi, yong isang hakbang niya ay dalawang hakbang ko na. Napakatangkad kasi nito sa edad niya.
"Angelo, bitawan mo na ako. Ano ba! Nakakahiya! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao!" ang naiinis kong sigaw sa kaniya.
Pilit kong binabawi ang braso ko sa kaniya, ngunit mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa akin. Seryoso ang kaniyang mukha habang hawak ako, halatang naiinis ito ngunit pinipigilan lang niya.
Ano naman ang ikinakagalit niya? Hindi ba dapat ako ang magalit dahil bigla na lang siyang nawala at iniwan nalang ako basta..
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at napaangat ang aking mukha nang namalayan kong tumigil ito sa harap ng isang private room.
Bigla akong nakaramdam ng takot. Sinalakay ako ng matinding kaba.
Anong gagawin niya sa akin? Ang pipi kong tanong sa aking sarili.
"S-sandali.. anong gagawin mo sa akin?" ang kinakabahan kong tanong habang pinipilit kong kunin ang kamay ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot. Mav pinindot itong code sa harap bago ito kusang bumukas. Nakapasok na kami sa loob ngunit tila wala itong balak na pakawalan ang aking braso. Hindi niya pa rin kasi ako binibitawan hanggang sa nakaupo kami sa malambot na sofa.
Naiilang ako sa puwesto naming dalawa. Gusto ko siyang tarayan, ngunit tila naumid ang dila ko dahil sa mga titig na pinupukol niya sa akin, sa itsura kasi niya ay para siyang liyon na ano mang oras ay puwede na niya akong lapain.
Napalunok ako ng sunod-sunod.
"A-ang k-kamay ko Angelo," ang nauutal at hindi makatinging sabi ko sa kaniya.
Nagbaba ako ng tingin at napahawak sa laylayan ng suot kong uniform. Agad naman nitong binitawan ang kamay ko bago siya muling nagsalita.
"Nawala lang ako saglit, kung kani-kaninong lalaki ka na kaagad nakikipag-usap," ang tiim bagang na sabi nito.
"Anong masama? 'Tsaka, siya itong unang lumapit-"
Ngunit bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay maagap na nitong pinutol ang ano pa mang lalabas sa bibig ko.
"I don't care! Listen to me carefully and you have to remember everything that I will tell you. As my slave, you have to follow my rules. ALL my rules," ang madiing sabi nito.
"Saglit lang, bakit-"
Once again, he cut me off from talking.
"Listen to me very carefully, because I shall say this only once," ang seryosong sabi nito.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi.
"F-uck! will you stop biting your lips!" angil nito sa akin.
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at pinakawalan ang pang-ibaba kong labi. Nilaro-laro ko ang panyo na aking hawak habang nakikinig sa mga sinasabi niya.
Hinila nito iyon sa akin at inilagay iyon sa kaniyang bulsa.
"Bakit mo kinuha?" nakasimangot kong tanong sa kaniya.
"Are you listening to me?" ang masungit na tanong nito.
"Y-yes.." ang sagot ko sa mahinang tinig.
"Let's continue, what's my first rule?"
Hindi ako nakasagot, dahil sa totoo lang, hindi talaga ako nakikinig sa kaniya.
"I'm asking you Juneth!" ang masungit na sabi ulit nito.
"I will follow all your rules," ang matabang kong sagot sa kaniya.
Pasalamat kang unggoy ka at wala ako sa mood magsungit ngayon, ang pipi kong usal.
"Good. Are you in a relationship? Do you have boyfriend?" ang muling tanong nito, habang matiim na nakatitig sa aking mukha.
Nagkibit lang ako ng mga balikat, hindi ko siya sinagot, bahala siyang mag-isip ng kung ano. Bakit niya ba ako tinatanong ng ganiyan, unang-una sa lahat, wala siyang pakealam dahil masyado na 'yong personal.
"I'm talking to you, Juneth Angelie! Answer my f-ucking question!" ang pagalit na sabi nito.
"What?" ang walang emosyong tanong ko.
"I'm asking you, if you have a boyfriend."
"Why do I need to answer that? And why do you need to know? It's not your concern anymore," ang masungit kong sagot sa kaniya.
"Because I want to know and I need to know! Just answer my damn question, do you have any?" ang napipikong tanong niya.
"Secret," ang nang-aasar na sagot ko.
"Even if you have, you have to break up with him, at once," ang nakangising sabi nito.
Nakipagtitigan ako sa kaniya.
"Ano?! Bakit pati love life ko pakikialaman mo?"
"Because, I said so at wala ka nang magagawa pa!"
Matapos nitong sabihin iyon ay tumayo ito at nagpalakad-lakad na parang may iniisip itong kalokohan. Ilang saglit lang ay tumigil ito at humarap sa akin.
"And one more thing, I don't want seeing you near with any other men, are we clear with that?"
"But-"
"No buts!" ang madiing sabi nito.
Punong-puno na ako.
"Bakit ba kung makaakto ka, parang boyfriend kita!" ang naiinis kong sigaw sa kaniya.
Natigilan ito, nakita ko ang pagtagis ng kaniyang mga bagang. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at napalunok.
Unti-unti siyang lumalapit sa akin, kaya kaagad akong tumayo mula sa aking pagkakaupo. Napaatras ako.
Habang lumalapit siya sa akin, ay paatras din ako ng paatras. Bigla akong nakaramdam ng pagkataranta.
"A-anong ginagawa mo?" ang kinakabang tanong ko.
"I haven't done anything to you... yet," ang sabi nito habang titig na titig sa mga mata ko.
Palipat-lipat sa mga mata at sa mga labi ko.
Nagsimula ulit siyang humakbang palapit sa akin, kaya napaatras ulit ako hanggang sa naramdaman ko ang lamig ng pader, indikasyon na wala na akong maaatrasan pa.
Para akong matutunaw sa paraan ng pagtitig niya, unti-unting natuyo ang lalamunan ko at ang labi ko. Napadila ako upang basahin iyon. Lumunok ako ng ilang beses bago nag-iwas ng tingin sa kaniya.
Ang lakas ng t***k ng puso ko at naririnig ko na rin ang pagkabog nito. Pakiramdam ko, ano mang oras ay mahihimatay ako sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.
Amoy na amoy ko ang mabango niyang katawan, pati na ang mainit niyang hininga ay tumatama sa aking mukha. Ang bango ng hininga niya ay amoy na amoy ko na rin.
"A-angelo ano ba, lumayo ka nga sa akin," ang kinakabang sabi ko sa kaniya.
Sa totoo lang, hindi ako kumportable sa puwesto ko at ayaw kong mahalata niyang kinakabahan ako, kaya tinulak ko siya.
Ngunit hindi sya natinag, bagkus ay mas inilapit pa niya ang guwapo niyang mukha sa akin. Kaya sa sobrang taranta ko ay nasampal ko siya. Hindi naman iyon malakas ngunit sapat iyon upang mapalayo siya sa akin.
Makikita sa kaniyang mga mata ang pagkagulat at galit. Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na inaasahan, marahas niya akong hinila at hinawakan ang aking baywang.
Agad niya akong sinunggaban at nanlaki ang mga mata ko ng lumapat ang kaniyang mga malalambot na labi sa akin.
Hindi ako makagalaw, pakiramdam ko, para akong tuod na naitulos sa aking kinakatayuhan. Nanlalambot ang aking mga tuhod at pakiramdam ko ay matutumba ako ano mang oras, kaya napakapit ako sa kaniyang braso upang kumuha ng lakas.
Naramdaman ko ang unti-unting paggalaw ng kaniyang mga labi sa ibabaw ng aking labi. Nakatikom lang ang aking bibig dahil bago lang ito sa akin. Hindi ko alam kung paano gaganti sa mapusok niyang halik, dahil wala pa ni isang nakaka halik sa akin.
Diniinan pa nito ang pag halik sa akin at bahagyang kinagat nito ang pang-ibaba kong labi. Ramdam ko na tila gusto nitong pumasok sa loob ng aking bibig.
Malapit na akong kapusin ng hininga, kaya napilitan akong ibuka ang aking mga labi. Kinuha niya ang pagkakataong iyon na kinalaki ng mga mata ko.
He sucked my lower lip.
Mabilis nitong naipasok ang kaniyang malanding dila sa loob ng aking bibig, tila may hinahanap ito sa loob. hinuli nito ang dila ko na nanahimik at saka nito iyon dahan-dahang sinipsip. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapaungol.
Bakit ganito? Bakit nag-iinit ang pakiramdam ko? Bago ito sa akin, ngunit bakit pakiramdam ko kilala ng katawan ko ang lalaking ito.
Bakit hindi ko siya kayang pigilan? Bakit imbes na magalit ako sa kaniya ay natutuwa at masaya ang pakiramdam ko na hinahalikan ako ng lalaking 'to?
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, kusa nang napapikit ang aking mga mata upang namnamin ang halik niya.
Ngunit, agad din naman akong napamulat nang bigla itong tumigil sa paghalik sa akin. Hinuli niya ang mga mata ko at tinitigan na parang nakikiusap. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya, agad akong nag-iwas ng tingin.
Mabilis na hinawakan niya ang aking pisngi at pilit ihinarap sa kaniya. Nagsalubong ang aming mga mata. Ang kaniyang kulay asul na mga mata ay nag-aalab na.
"kiss me back Angelie," ang pakiusap nito sa akin sa malamyos na tinig.
"B-but I.. I don't know how," ang nahihiyang sagot ko.
"Just close your eyes and follow my lips," anas niya.
"N-no.. I.."
Bago ko pa man ako matapos ang sasabihin ko ay agad na ulit bumaba ang kaniyang mukha sa akin at hinuli nitong muli ang aking mga labi.
Niyakap niya ulit ako sa aking baywang upang maalalayan. Hindi ko alam kung paano ko siya sasabayan, ngunit kagaya ng sabi niya ay unti-unti kong sinabayan ang galaw ng kaniyang mga labi. Biglang nag-init ang aking pakiramdam. Pumikit ako at kusang ikinawit ang mga braso ko sa kaniyang batok.
Kahit wala akong alam kung paano siya gantihan at kung paano humalik ay parang may mga sariling isip ang aking mga labing ginagaya bawat galaw ng kaniyang mga labi. Napakasarap sa pakiramdam, naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa aking baywang.
Kaya naman, mas humigpit din ang yakap ko sa kaniyang batok. Hinahalughog ng dila niya ang loob ng bunganga ko at tinudyo-tudyo pa nito ang dila ko. Kusa namang sinundan ng dila ko ang bawat galaw ng dila niya.
Nag-espadahan ang aming mga dila at nang kinapos na kami ng hininga ay sabay na naghiwalay ang aming mga labi.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya pagkatapos ng mainit na tagpo na aming pinagsaluhan, ramdam ko ang pag-init at pamumula ng aking mga pisngi dahil sa aming kapusukan.
Ang pagtibok ng puso ko ay sobrang lakas pa rin. Nakahawak pa rin siya sa aking baywang at hindi pa rin niya ako binibitawan. Sa itsura niya ay wala itong balak na pakawalan ako.
Umangat ang isa nitong kamay at dumapo iyon sa aking pisngi.
"Look at me baby," ang malambing na utos niya.
Hindi ako tuminag, hindi ko kayang salubingin ang mga mata niyang malamlam, nag-iinit ang mukha ko at nanginginig sa nararamdaman kong kahihiyan.
Ang aking mga tuhod ay nanlalambot pa rin. Niyakap niya ako nang ilang minuto. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap bahagyang nilayo nito ang aking mukha sa kaniyang dibdib at pinagpantay nito ang aming mga mukha.
Nagulat ako nang mapatingin ako sa kaniyang labi, may sugat iyon at bahagya nang namamaga. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi.
Ako ba ang may gawa no'n? Ang pipi kong tanong sa aking sarili.
"Thank you," ang nakangiti nitong sabi, bago ako ulit nito niyakap at sinampay ang kaniyang mukha sa aking balikat.
Hindi ko alam kung bakit napangiti ako.
Bahagya ko siyang naitulak at mabilis na lumayo nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan at marinig ang papasok ng mga yabag.
Saglit na natigilan din ang mga taong kakadating lang at nagpalipat-lipat ang mga tingin nila sa akin at kay Angelo na may halong pagtataka at pagkagulat.
"Did we disturb you?" ang alanganing tanong ng isa sakanila.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila, ramdam kong pati ang tenga ko ay namumula na. Kailangan ko ng umalis.
"Ma.. mauuna na 'ko," ang nauutal kong paalam sa kanila.
Hindi ko na hinintay na may magsalita pa sa kanila, agad na akong tumakbo palabas ng kanilang opisina. Nang makalayo sa lugar na iyon ay para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.
Ano ba 'tong napasukan ko? Kagat labi kong tanong sa aking sarili. Isang oras lang kaming nagkasama pero bumigay agad ako.
Juneth Angelie, bakit ba ang rupok mo! 'Yong first and second kiss mo binigay mo agad.
Habang pinapagalitan ang aking sarili ay di ko maiwasang haplusin at hawakan ang aking mga labi nangangapal at namamanhid pa rin. Pakiramdam ko tuloy, naiwan ang kaniyang mga labi sa akin.