CHAPTER 4

4999 Words
Tunog mula sa aking cell phone ang nagpabalik sa aking diwa mula sa aking pagbabalik-tanaw. Agad kong dinukot iyon sa loob ng aking bulsa at nang nakita ko ang pangalan ni Paul David sa screen ng aking cell phone ay natigilan ako. I was very hesitant to answer his call, ngunit sa bandang huli ay nanaig pa rin ang awa ko sa kaniya at sinagot ang kaniyang tawag. "Yes, David?" I asked on the other line. "Bonjour ma chère, comment vas-tu? Est-ce que je t'ai dérangé?" he asked with his sweet french accent. Ipinilig ko ang aking ulo, bago ko sinagot ang tanong niya. "Bonjour aussi David. No, it's okay. Anyway, I'm doing good, thank you for asking. Why did you call? Is there any problem?" I asked. "Non, je veux juste te demander si tu es disponible ce soir? Because I want to invite you to have dinner date with me." "Je suis vraiment désolé, Je ne peux pas. My parents are with me, I can't leave them alone. They will go back to Philippines tomorrow morning. Again, I'm sorry David." "C'est vrai? It's okay, you don't have to apologize. Maybe next time then. Fais attention, au revoir Angelie," he said in a sad voice. "Y-yes, au revoir, David." After I said it, I ended the call. Matagal kong tinitigan ang aking cellphone bago ko ibinalik iyon sa aking bulsa. Napailing ako, isa si Paul David sa mga lalaking hindi sumusuko sa panliligaw sa akin, kahit pa nga ilang beses ko na siyang binasted at sinabi sa kaniya na ayaw kong magpaligaw at makipagrelasyon sa kahit kanino ay hindi niya pa rin ako sinusukuan. He's a Parisian and one of my colleagues. He's tall and handsome actually, siya ang pantasya ng mga kababaihan sa aming kumpanya. In addition, he's smart, friendly, kind and gentleman, wala akong masabi na pangit tungkol sa kaniya, pero kahit minsan ay walang tumayong balahibo ko para sa kaniya. Tanging pagtinging kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay at nasabi ko na iyon sa kaniya, una pa lang, ngunit kagaya ng iba ay hindi niya pa rin ako sinusukuan. Sa walong taon kong pamamalagi dito sa France ay natuto na ako sa kanilang lengwahe, marahil dahil sa madalas ko iyong marinig sa iba, kahit pa nga salitang Ingles ang ginagamit ko upang makipag-usap sa mga katrabaho ko. I really love to learn and discover new things at 'yon ang isa sa mga bagay na hindi ko na kayang baguhin pa sa aking sarili. Kahit ang aking mga katrabaho ay bilib na bilib, dahil mas magaling pa daw akong magsalita ng banyagang salita kaysa sa mga mas matagal ng empleyado na katrabaho namin at sa tuwing sinasabi nila iyon ay ngumingiti na lang ako. Hindi ko napigilang sundan ng tingin ang dumaang magkasintahan sa kalsada,na sa tingin ko ay kasing edad ko nang unang tumibok ang aking puso. Napapikit ako ng mariin nang muli kong naalala ang tungkol sa nakaraan. *** "Hoy babae, anong nangyari sa iyo at para kang naengkanto diyan?" ang untag na tanong ng kaibigan kong si Kristel. "Wala," ang maiksing sagot ko. Hindi ko sinabing nagugutom ako. "Para kasing natuklaw ka ng ahas sa itsura mo," ang nagdududang sabi nito. Oo, natuklaw ako ng malaking ahas Kristel at si Unggoy 'yong anacondang 'yon, gusto ko sanang isigaw, pero mas pinili kong itago na lang. "May iniisip lang ako," pagsisinungaling ko. "Kumain ka ba? 'Yang tiyan mo ang lakas makareklamo, dinig na dinig." Unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin at tinuro ang labi ko. "Bakit namamaga 'yang labi mo? Parang kinagat ng langgam?" ang nagdududang tanong nito. "H-huh? O-oo n-nakagat nga ng langgam kanina," ang kinakabahang sagot ko. Kung alam niyo lang, hindi langgam ang kumagat ng labi ko. Hindi na virgin ang lips ko mga besh. Wala na ang pinakaiingat-ingatan kong first kiss at second kiss ko. Kinuha na ng Unggoy na 'yon at pumayag naman ako ng walang pag-aalinlangan, ang pipi kong usal. Ang rupok ko kasi. Hindi pa man nakakapagsimulang magsalita ang aming guro ay sunod-sunod na malalakas na katok sa pintuan ang aming narinig. Mabilis na tumayo ang isa sa aking mga kaklase at pinagbuksan ang kumakatok. Nang tuluyan na niya iyong maibukas ay sabay-sabay na napasinghap ang aking mga kaklaseng babae at nagsimulang umingay ang aming silid-aralan. "Si Angelo Gabriel!" ang tili ng mga kaklase kong babae na ikinalingon ko sa labas. Angelo Gabriel? Sinong Angelo Gabriel? Ang pipi kong tanong sa aking sarili. Dahil sa kyuryosidad sa narinig na pangalan ay lakas loob akong dumukwang sa harap at bahagyang sumilip sa may pintuan. At nang tuluyan ko nang makita ay nanlaki ang aking mga mata at nanlamig ang aking mga palad nang matunghayan ko ang mukha ni Angelo. Hindi makapaniwalang natutop ko ang aking bibig gamit ang aking kanang kamay dahil sa gulat. Mabilis akong napabalik sa aking upuan at yumuko para makapagtago. Ayaw kong makita niya ako. Pakiramdam ko kasi, wala na akong mukhang maihaharap pa sa kaniya dahil sa nangyari sa pagitan namin kanina. Nakakahiya, ano na lang kaya ang iniisip niya tungkol sa akin? Easy to get? Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Naramdaman ko na may humawak sa aking likuran at bahagya ako nitong niyugyog. "Beshy, anong ginagawa mo diyan?" ang tanong ng kaibigan kong si Kristel sa akin. "N-nahulog 'yong ballpen ko," ang pabulong kong sagot sa kaniya. "Bakit ka bumubulong?" ang takang tanong nito. Hindi ko na siya sinagot, bagkus nagkunwari akong abala sa paghahanap sa aking ballpen na nahulog. Anong ginagawa ng lalaking 'yan dito? Wala ba siyang klase? Class hour kaya namin, tapos nambubulabog siya, ang pipi kong usal. "Ang guwapo niya talaga.." ang dinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko. "Mapansin niya lang talaga ako, puwede na akong matigok," ang sabi naman ng isa pa. "In your dreams!" ang dinig kong sabay-sabay na sabi ng mga grupo na sabay-sabay habang tumatawa. Naramdaman ko ang pagpadyak ng mga kaibigan ko. Napailing ako, mukhang pati ang mga kaibigan ko ay kinikilig na din. Tsk! "Class, quiet!" ang sigaw ng aming teacher at kinatok nito ang kaniyang lamesa ng tatlong beses para patigilin ang mga kaklase kong panay ang tili at panay ang sigaw sa pangalan ni Angelo. Natahimik ang buong klase dahil sa ginawang iyon ng aming guro. "Yes, Mister Fuentabella?" asked our teacher. "May I excuse Juneth for a while, Ma'am?" He asked politely and smiled after. "Where is Miss Gonzales?" "Ma'am, she's hiding under the chair," ang sabay na sigaw ng mga kaibigan ko at naramdaman ko ang pagturo nila sa akin. So I had no choice but to come out, and that time, I felt so embarrassed. "Miss Gonzales, Mister Fuentabella is looking for you. Lumabas ka muna, you are excused," ang seryosong sabi ng aming guro. Atubili man ay tumayo na ako at inabot ko ang aking mga libro at bag. Napasulyap ako sa aking mga kaibigan, nakangiti sila ng malapad sa akin at ang mga tingin na ipinupukol sa akin ay tila may panunudyo. Napailing ako, pahamak talaga tong mga kaibigan ko, ibuking ba naman ako. Kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to? Ang sarap nila kurutin sa singit e, ang bulong ko sa aking sarili. "Marami kang ipapaliwanag sa amin mamaya," ang pahabol na sabi ni Kristel. Tumango na lang ako. Paglabas ko ng classroom ay agad na sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Angelo. Mabilis akong nag-iwas ng tingin, dahil hindi ko kayang salubingin ang kaniyang mga mata. Ngunit hindi ko maiwasang palihim siyang sulyapan. Nakita ko ang kaniyang mga mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin. Lumapit siya sa akin, kaya agad akong napaatras. May pagtataka sa kaniyang mukha dahil sa aking ginawa. Muli siyang humakbang palapit sa akin. Kinuha nito sa akin ang dala kong libro at pilit na kinukuha ang aking bag, ngunit hindi ko hinayaang makuha niya iyon. Naiilang ako dahil maraming estudyante ang nakadungaw sa mga bintana at tila nanonood ng pelikula. "Huwag na.. kaya ko na 'to Angelo," ang nahihiyang pigil ko sa kaniya. Tila naman hindi nito nagustuhan ang aking sinabi. Ang ngiti nito sa labi ay unti-unting napalis. Naging seryoso ang kaniyang mukha at pati ang kislap sa kaniyang mga mata kanina ay naglahong parang bula. Mabilis itong tumalikod at naunang naglakad palayo sa akin dala ang mga libro ko. "Follow me," ang maotoridad na sabi nito. "May pag uusapan ba tayo? Sana tinext mo na lang," ang mahinang sabi ko. "I'm hungry and I know, you're hungry too," ang hindi lumilingong sabi nito. "H-hindi ako nagugutom," tanggi ko, ngunit ang traidor kong tiyan ay tumunog ng malakas at sigurado akong narinig niya iyon. "Hindi ka pala gutom sa lagay na 'yan, huh?" ang sabi nito na nakalingon at nakataas ang sulok ng mga labi na halatang pinipigilan nito ang pagtawa. Napahawak naman ako sa tiyan ko at nagbaba ng tingin. Sigurado ako namumula na naman ako nito. Hiyang-hiya man ay sumunod na rin ako sa kaniya. Tumigil kami sa parking lot at agad hinanap ng aking mga mata ang kulay pulang sasakyan na gamit nito kaninang umaga. Nang akmang lalapitan ko na iyon ay agad nitong hinawakan ang aking braso at nilagpasan namin ito. Gumuhit ang pagtataka sa aking mukha, ngunit nagpatianod na lamang ako sa kaniya. "M-maglalakad ba tayo?" "No," ang maiksing sagot nito. "Saan tayo pupunta-" hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin ay nagsalita na agad ito. "As much as I wanted to use my motor bike para may dahilan sana ako na yakapin mo, I can't.." ang mahinang sabi nito at saka ako nito tinignan pababa hanggang sa tumigil ang mga mata nito sa aking mga hita. "Ang iksi ng suot mong palda, ayaw kong masilipan ka at baka may masapak pa ako ng wala sa oras," ang mariing sabi nito. "Anong gagamitin natin kung gano'n?" ang inosente kong tanong habang nasa likod niya. "This," he answered and pulled me infront of blue Jaguar XE. Napanganga ako, iba na naman 'to? Alam kong latest din to dahil madalas ko itong makita sa TV. Gaano ba siya kayaman at tatlo ang sasakyan niya? "Sa'yo 'to?" ang hindi makapanilawang tanong ko sa kaniya. "Yes, why?" "W-wala.. 'yong jacket mo nga pala, bukas ko na ibabalik ha?" ang nahihiyang sabi ko. "You can have it." "Huh? Naku hindi, ibabalik ko sa'yo bukas promise, nakalimutan ko lang talaga dalhin kaninang umaga." "Remembrance mo na sa akin 'yon," ang sabi nito. Naglakad ako ako papunta sa likod at nang akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng kaniyang sasakyan ay agad na hinuli nito ang aking braso at hinila papunta sa front seat. "Didn't I tell you, I'm not your f'cking driver Juneth," ang masungit na sabi nito. Hindi ako umimik, hinawakan ko ang aking bag at inilagay iyon sa ibabaw ng aking mga hita. Humarap siya sa akin habang hawak ang manibela. "Keep this in mind, I want you to sit beside me whenever I'm with you. Do you understand?" Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Wala akong magagawa dahil ika nga niya, siya ang master at slave niya ako. "Where are we going?" ang kabadong tanong ko. "Just relax, okay? wala pa akong ginagawa, kakain lang tayo," ang sabi nito at sinimulan na nitong paandarin ang kaniyang sasakyan. Teka, anong ibig niyang sabihin na wala pa siyang ginagawa? Tinatakot niya ba ako? "Where do you want to eat?" "Sa Jollibee na lang," ang kiming sagot ko. "No, choose another one." "Do'n ko nga gusto, bakit mo pa ako tinatanong kung ayaw mo din naman pala na ako ang masunod?" ang napipikong tanong ko. Mag-aaway na naman yata kami ng Unggoy na 'to, ang bulong ko sa aking isipan. "I'll pick you up tomorrow morning," ang sabi nito at pag-iiba nito sa usapan. "Pero.. sabado bukas, wala akong pasok." "I know, kaya nga kita susunduin, hindi ba?" "H-hindi ba puwedeng sa lunes na lang tayo magkita?" "No!" ang mariin nitong sabi. "Pero kasi-" He cut me off from talking. "I said, NO. Mahirap bang intindihin ang sinabi kong 'NO', Juneth?" ang naasar na tanong nito. "Fine!" ang sumusukong sagot ko. "That's my girl, masunurin," ang nakangising sabi nito. "What did you just say?" ang nakataas na kilay kong tanong sa kaniya. "What? I didn't say anything," ang tumatawang sagot niya. Bahagya itong sumulyap sa hita ko at nagsalubong ang kaniyang makakapal na kilay. Kaya nahila ko ang laylayan ng suot kong palda pababa, dahil lumihis pala. "Are you wearing something inside, aside from your undies?" ang masungit na tanong nito. "N-no," ang nahihiyang sagot ko. "F-uck!" Matapos itong magpakawala ng malutong na mura ay hinampas nito ng malakas ang kaniyang manibela na ikinagulat ko. Bigla nitong kinabig ang kaniyang manibela at iginilid ang sasakyan nito. Nang tumigil ang makina ng kaniyang sasakyan ay matiim ako nitong tinitigan bago siya nagsalita. "Starting on monday, wear something inside!" "Safe naman 'to-" "Paano kung masilipan ka?" "Wala naman-" "Just follow what I said. Kapag hindi mo ako sinunod ako mismo ang magtatanggal ng undies mo para magtanda ka," ang napipikong sabi nito. "Sabi ko nga, sungit," ang mahinang sabi ko. "You're saying something?" "Huh? Wala a," ang tanggi ko at muling bumulong. "Nagmamaang-maangan ka pa narinig mo na nga. Tadyakayan kaya kita ulit diyan! Andami mong alam na Unggoy ka!" "Will you stop whispering! I can clearly hear and understand what you're saying. So it's useless.You're just irritating me!" angil nito at muling pinaandar ang makina ng kaniyang sasakyan. Gaya ng sinabi niya ay tumahimik na lang ako sa buong biyahe at sa isip ko na lang kinausap ang sarili ko. Bipolar yata 'tong lalaking 'to. Minsan mabait pero mas madalas masungit. Pinaglihi yata siya sa matandang unggoy na hindi makaanak. Inabala ko na lang ang aking sarili sa pagtingin sa kalsada hanggang sa nakarating kami sa isang fine dining restaurant. Mapapa-wow ka na lang talaga sa ganda ng paligid nito. Very class, halatang mayayaman lang ang nakakakain dito. Pure glass ang nakapalibot dito at ang ceiling nito ay may mga nakasabit na iba't-ibang ilaw. Ang ganda ng interior design at dahil nagustuhan ko ang lugar ay naisipan kong kuhanan ang sarili ko ng larawan gamit ang aking cell phone. Napalingon ako sa kasama ko na tahimik na nagmamasid sa akin. "A-Angelo, can you please help me take a photo?" ang pakiusap kong sabi sa kaniya at iniabot ang cell phone ko dito. "Are you ordering me?" ang tanong nito. Dahil sa pagkapahiya ko ay binawi ko na lang ang aking cell phone na nakaumang sa kaniya at ibinalik iyon sa aking bulsa, kasabay ng pagyuko ko sa aking ulo. "Give me your phone," ang malamig na utos nito. "Lowbat na," ang tinatamad kong sagot sa kaniya. "I said give me your f-ucking phone," ang maotoridad na sabi nito. "Ito na nga oh, ano bang gagawin mo sa cell phone ko?" ang masungit na tanong ko sabay abot sa kaniya ng aking cell phone. Hindi siya sumagot. Ibinulsa na nito ang cell phone ko at nagtawag ng waiter. Pagkatapos namin kumain ay agad na akong nag-ayang umalis para hindi ako ma-late sa aking next subject. Tumalima naman ito at agad na akong ihinatid sa aming campus. Pagbaba ko ng kaniyang sasakyan ay bumaba din siya, kaya nagtataka akong napalingon sa kaniya. "Huwag mo na akong ihatid sa classroom ko Angelo, okay na ako dito, salamat," ang pakiusap kong sabi sa kaniya. Ngunit parang wala itong naririnig. "Angelo, sandali!" ang tawag ko sa kaniya. "Just walk," ang masungit na sabi nito. "Ano ba, ang kulit mo naman kasi, ayaw ko ngang mapag-usapan, kaya huwag mo na akong ihatid," ang naiinis kong sabi sa kaniya. "Don't mind them." "B-baka.. isipin nila b-boyfriend kita!" "So, what?" ang walang pakialam nitong tanong. "Anong so what?! Ayaw ko nga! Hindi naman totoo e!" Huminto siya sa paglalakad at lumingon siya sa akin bago siya nagsalita. "Hindi kita ihahatid, okay? Pupunta ako sa teacher's office." Bigla akong namula pagkatapos niyang sabihin iyon. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at humigpit ang pagkakahawak ko sa aking bag dahil sa pagkapahiya. Aalis na sana ako nang muli itong nagsalita. "I'll fetch you after your class. Ihahatid kita sa bahay niyo," ang maotoridad na sabi nito. "No need Angelo, may dadaanan pa kasi ako," ang pigil kong sabi sa kaniya. "Wether you like it or not, I will fetch you and that is final," ang mariing sabi nito at iniwan akong nakatulala. Pabalik na ako ng aming silid-aralan nang bigla kong maalala ang aking cell phone na hawak pa pala niya. Dahil doon ay pinagalitan ko ang aking sarili. Mabilis natapos ang klase ko nang hapong iyon, gusto ko sanang umuwi ng maaga para makaiwas kay Angelo ngunit tila walang balak akong pakawalan ng dalawa kong kaibigan, nakaharang kasi sila sa aking dadaanan habang nakataas ang kanilang mga kilay at nakapamaywang. Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para magsalita ngunit naunahan na ako ng kaibigan kong si Kristel. "Kilala mo pala si Angelo, bakit hindi mo manlang sinabi sa amin?" ang himig nagtatampong tanong nito. "Bakit kayo, kilala niyo nga siya nang wala akong alam e," ang sagot ko habang nakatingin sa mga mukha nila. "Iba 'yong sa amin, dahil sa pangalan lang namin siya kilala at hindi pa namin siya nakakausap o nakakasama. E sa inyong dalawa, ibang label na. Saan kayo pumunta kanina? Bakit may pasundo-sundo pa?" ang nanunudyo na sabi nito. "Anong label niyo beshy? Umamin ka nga, may something na ba sa inyo?" ang nakangiting tanong ng kaibigan kong si Glecel. "Anong label? Wala no! Tumigil nga kayong dalawa!" ang mariin kong sabi sa kanila. "Ows.. aminin.." ang di paawat at sabay pang sabi nila. "Wala nga. Slave nga niya ako, remember?" "Naku beshy, duda ako diyan kay Angelo," ang sabi ni Kristel. "What do you mean?" ang naguguluhang tanong ko. "Type ka ni Angelo, pustahan tayo beshy," ang nakangiting sabi naman ni Glecel. Napasimangot ako sa sinabi niya. "Magtigil nga kayong dalawa, huwag nga kayong mag-assume at baka masaktan lang kayo. Hindi niya ako magugustuhan, okay? Trip niya lang akong paglaruan," ang mahabang sabi ko. Nagkatinginan silang dalawa. "Maiba nga tayo, curious talaga ako, paano kayo nagkakilala ni Angelo? At anong slave ang sinasabi mo?" ang kunot-noong tanong ni kristel. Magsasalita na sana ako nang muli itong magsalita. "Y-you mean to say, 'yong kinukwento mo sa amin na lalaking nagmamay-ari ng sasakyang nagasgasan mo the other day at si Angelo Gabriel ay iisa?!" ang na gulat at hindi makapaniwalang tanong nito. "Oo, siya nga." "Kaya pala, hindi mo talaga siya makikilala dahil wala ka namang alam sa paligid mo kung hindi libro. Paano ba naman kasi, kung hindi sa library ka naglalagi, nasa laboratory ka. 'Yan tuloy huli ka sa mga latest chika, hindi mo tuloy kilala kung sinong tao 'yong nakaaway mo," ang mahabang sabi nito. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Teka nga, naguguluhan ako sa sinasabi mo beshy, himayin mo nga." "Hindi mo ba talaga kilala si Angelo?" ang tila nagdududang tanong ulit nito. "Di ba nga, ilang araw pa lang simula nang nagkakilala kami, naikuwento ko nga sa inyo ng buong detalye kung paano ako naging slave niya." "Ang swerte mo naman beshy," ang singit na sabi ng kaibigan kong si Glecel habang nakangiti. "Anong swerte do'n? O sige ikaw na lang ang maging alipin niya, palit tayo," ang nakangising suhestiyon ko. "Hmm.. mabuti kung gugustuhin niya kaming makasama at maging alipin," ang sagot naman ni Kristel. "E kayo, paano niyo siya nakilala? Bakit lahat ng classmate natin kilala siya? Hindi naman 'yon pumpunta dito a, 'tsaka College kaya 'yon. Bakit parang ako lang ang hindi nakakakilala sa kaniya?" ang takang tanong ko. "Paano mo nga kasi siya makikilala beshy, wala kang inatupag Kung hindi, puro libro at kapag may ikinukuwento kami sa'yo tungkol sa mga papalicous puro ka lang tango, nakikinig ka nga pero lumalabas naman yata sa kabila mong tenga," ang mahabang litanya ng kaibigan kong si kristel. "E hindi ako interesado. 'Tsaka, alam niyo namang study first ang motto ko hindi ba? Wala akong panahon sa mga lalaki." "Sabi nga namin," ang sabay na sabi nila. "So, paano niyo nga siya nakilala?" ang pangungulit kong tanong sa kanila. "Papaanong hindi namin siya kilala, e sikat siya, 'tsaka siya lang naman si Angelo Gabriel Fuentabella, anak ng nagmamay-ari ng school natin at ang Fuentabella University," ang seryosong sagot ni Kristel. Napanganga ako sa aking narinig, seryoso ba sila? Sa kanila 'tong school namin at ang katabing University? Akala ko nagkataon lang na magkapareho sila ng surname. Napahawak ako sa aking ulo dahil parang ayaw mag-sink-in sa isip ko ang mga impormasyong aking mga narinig at nalaman. "Ulitin mo nga 'yong sinabi mo beshy?" "Ang sabi ko, sila ang may-ari nitong school natin at ang katabing University at iba pang mga Fuentabella Universities sa iba't-ibang sulok ng bansa," ang sagot nito. "Seryoso kayo? Bakit wala akong alam?" "Dahil hindi ka nga interesado," ang sabay na sabi ng mga kaibigan ko. Hindi ako nakapagsalita. Bigla akong natahimik at napaisip ng malalim. Kaya pala andami niyang sasakyan. Ngayon alam ko na kung bakit, sobrang yaman pala nila. Napabuntong-hininga ako at pakiramdam ko ay bigla akong nanliit sa aking sarili. Alanganin kami para sa isa't-isa, sobrang layo ng agwat namin sa buhay. Oo nga at may kaya kami pero hindi kami gano'n kayaman. Sa sobrang yaman nila Angelo ay malayong-malayo kami ng antas sa buhay. "Juneth, nandiyan na ang Prince charming mo," ang tawag sa akin ng isa sa mga kaklase ko na nagpabalik sa lumilipad kong diwa. Nadinig ko pa ang panunudyo at sigaw ng isa sa mga kaklase kong lalaki na nagpalingon sa amin ng mga kaibigan ko. Alam ko na agad kung sino ang tinutukoy nila. Mabilis akong tumayo at lumabas ng aming silid-aralan dahil sa nararamdaman kong kahihiyan. Agad naman akong hinabol ng mga kaibigan ko at niyakap bago nila ako pinakawalan. "Ingat kayo beshy," ang pahabol pa ng kaibigan kong si Kristel. Tumango ako at kumaway sa kanila bago ako tuluyang naglakad palayo sa aming silid-aralan. Nang matapat ako sa kinatatayuan ni Angelo ay mabilis ko siyang nilagpasan. Naramdaman ko ang pagtitig nito sa aking likuran at pagsunod nito sa akin. "Is there any problem?" ang dinig kong tanong nito. "Hindi mo naman ako kailangan sunduin," ang masungit kong sabi sa kaniya na hindi siya nilingon. "I have already told you that I'll fetch you, didn't you remember?" "Pero puwede mo naman akong hintayin sa parking lot, bakit kailangan mo pa akong puntahan sa classroom ko?" ang madiin kong tanong sa kaniya. "Bakit ayaw mong sunduin kita? May iniingatan ka ba? May tinatago ka ba?" ang pagalit na sunod-sunod na tanong niya. "Wala.. I just d-dont want to-" "Wala naman pala," ang sabi nito at pagputol nito sa sasabihin ko. Huminga ako ng malalim para pigilin ang galit ko sa kaniya. Mas binilisan ko na lang ang paglalakad papunta sa parking lot. Nang matapat kami sa pulang kotse ay binuksan niya ang pintuan at mabilis na umikot sa kabila. "Get in, ano pang tinutunga-tunganga mo diyan," ang masungit na sigaw nito. Napairap na lang ako. Nang akmang pupunta na ako sa likod ay sumigaw ulit ito. "Don't try my patience Juneth!" Oo nga pala, sa front seat daw ako dapat umupo. Sinunod ko na lang siya at pinili ko na lang na manahimik. Mabilis kaming nakarating sa aming bahay at nang akmang bababa na ako ay bigla itong nagsalita. "Aren't you going to invite me in?" Natigilan ako. Hindi puwede, anong sasabihin ko kay mommy kapag nagtanong kung sino siya? alangan namang sabihin kong kaklase ko siya? "Kasi ano, ah baka magtaka si mommy. Matanong pa naman 'yon. Maybe next time?" ang hindi sigurado at alanganing sabi ko sa kaniya. "But I want to meet your mom," ang sabi nito na ikinatigil ko sa pagbaba ng kaniyang kotse. "But-" Naunahan na ako nitong bumaba at lumakad palapit sa aming gate. Hinila ko ang damit niya para pigilin siya. Napansin ko ang sasakyan ng aking ama, dumating na siya. "Angelo, umuwi ka na, next time na lang kita aayain please," ang pakiusap kong sabi sa kaniya habang hawak ko ang laylayan ng suot niyang damit at hinihila siya palayo sa aming gate. Ngunit hindi ito tumitinag. Tila wala itong naririnig, pinadyak-padyak ko ang mga paa ko na parang bata. Nasa gano'ng akto kami nang biglang lumabas si mommy sa pintuan. Huli na ang lahat dahil nakita na nito si Angelo. Bumaba pa ang mata nito kung nasaan ang kamay ko. Agad naman akong napabitaw sa hiya. Ngali-ngali kong tadyakan ang Unggoy na katabi ko. Anong sasabihin ko ngayon sa mga magulang ko? "Oh Anak, nandiyan ka na pala at may bisita pala tayo. Bakit hindi mo papasukin muna 'yang kasama mo?" "Uuwi na din po kasi siya Mommy. Hindi ba Angelo?" ang sabi ko at hinuli ko ang mata niya. Ngumisi lang siya sa akin ng nakakaloko. "Magandang hapon po, Ma'am," ang magalang na bati nito sa mommy ko. "Magandang hapon din sa'yo Hijo. Gano'n ba, ayaw mo bang pumasok sa loob?" "Hindi pa naman po. Ang totoo po niyan Ma'am, gusto ko po san-" bago pa man nito matapos ang sasabihin ay sinipa ko siya. Napadaing pa ito sa sakit ng ginawa ko. "Aw! Aray," ang mahinang usal nito habang pasimpleng hinaplos ang parte ng katawan nito kung saan ko siya sinipa. Alanganin itong ngumiti pero ang mga mata nito ay nagbabadya ng panganib. Patay ka bukas Angelie! ang piping kong usal. "Dito ka na mag-dinner kung gano'n Hijo, saktong-sakto dahil marami akong ipinahanda sa kasambahay namin, kakadating lang din ng asawa ko." "Salamat po," ang sagot nito saka ako nito muling nginisihan. "Angelie anak, papasukin mo na ang bisita natin. Maraming lamok," nakangiting sabi nito at naunang pumasok na sa loob. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" "Bakit mo ako sinipa?" "You deserved it, nakakainis ka kasi!" "Bakit, gusto ko lang naman makilala ang mga magulang mo." "Bahala ka! Sumunod ka sa akin." Pinaupo ko siya sa aming sala at mas lalo akong nainis nang umakto itong parang bahay niya ang bahay namin. Iniwan ko siya at pumanhik sa taas upang magpalit ng damit. Napili kong isuot ang simpleng blouse at three forth cotton pants na ternong kulay pink. Pababa na ako ng aming hagdan nang marinig ko ang tawanan nila ng aking ama. Nabaling ang atensyon nila sa akin at tinawag ako ng aking daddy para lumapit sa kanila. Agad ko siyang sinalubong ng yakap at hinalikan sa kaniyang pisngi. "I miss you Daddy." "I miss you too my princess." "Dad may pasalubong ba kami?" "Syempre naman," ang sabi nito at hinalikan ang aking noo bago humiwalay sa akin. "Dad, si Angelo nga po pala." "Nagpakilala na siya sa akin kaninang wala ka Anak, napakagalang na binata." nakangiting sabi nito. "Hon, nakahanda na ang lamesa. Ayain muna si Angelie at ang bisita natin ng sa gano'n ay makakain na tayo," ang tawag ni mom mula sa aming kusina. Pagkatapos naming maupo at magdasal ay nagsimula na kaming kumain. "Tignan mo nga naman, magkasing tunog pa ang pangalan niyo nitong prinsesa ko, Angelo," ang sabi ni dad. Katapat ko si Angelo at magkatapat naman ang mga magulang ko. "Kaya nga po," ang magalang na sagot ni Angelo habang nakangiti. "Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa Hijo, manliligaw ka ba nitong dalaga namin?" ang diretsong tanong ng daddy ko kay Angelo. Bigla akong napa-ubo at nabulunan sa aking narinig.Tinapik-tapik ni mommy ang likod ko sabay abot nito sa akin ng tubig. "Dad, ano ba 'yang tanong mo?" ang nakasimangot kong baling sa kaniya. "Hindi pa ba? Naku Hijo, huwag kang kukupad-kupad diyan. Maganda itong dalaga namin, sige ka baka maunahan ka pa ng iba," ang nakangiting biro ng dad ko habang nakaharap kay Angelo. Namumula ang mga tenga nito. "Okay lang po ba sa inyo kung ligawan ko ang dalaga niyo, Sir?" ang balik tanong naman nito sa daddy ko na dahilan para matigilan at manlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapanilawa sa aking mga naririnig. "Oo naman and you can call me tito or much better if you call me dad, masyado ka namang pormal Hijo. Isa pa, kapag naging kayo na nitong anak ko, hindi naman maganda kung sir pa ang itawag mo sa akin," ang biro nito habang malawak na nakangiti. "Dad stop it!" Nahihiya ako sa pinagsasasabi ng daddy ko. Kulang na lang ipahingi ako nito. Mukhang botong-boto siya sa kumag na 'to. Ano bang pinag-usapan nila kanina habang wala ako at nakuha niya agad ang loob ng mga magulang ko. Especially my dad, knowing him strikto siya lalo na pagdating sa akin. Pero bakit ganito na lang ang lapit nila sa isa't-isa. "What? I'm just saying what is on my mind Anak, I'm just being honest here." "Huwag mo nang asarin ang anak mo hon, tignan mo nga at pulang-pula na siya." ang sabi ni mom. "Ganiyang-ganiyan ka no'ng kabataan natin," ang sagot naman ni dad. Napahagikgik naman si mommy na tila kinikilig. "Tito, Tita.. ipagpapaalam ko po sana si Juneth bukas, kung okay lang po sana sa inyo," ang nahihiyang paalam nito sa mga magulang ko. "No problem, basta ikaw na ang bahala sa dalaga namin. Ingatan mo siya sa pupuntahan ninyo. We trust you Hijo," ang sagot ng dad ko. Tumango lang naman ang mommy ko bilang pagsang-ayon sa daddy ko. Madami pa silang pinagsasasabi, mga tanong at parang close na close na agad sila kay Angelo. Matuling lumipas ang oras. Napangiti ako, may bahagi sa aking puso na sobrang saya. "Magpapaalam na po ako, Tito, Tita. Salamat po ulit sa masarap na hapunan at pag-invite niyo sa akin," ang nakangiting sabi nito. "Next time na pagpunta mo dito, ang tita mo ang magluluto para matikman mo ang specialty niya," ang pahabol pa ni dad. "Opo." Pagsakay nito ay kumaway ito sa amin bago tuluyang pinasibad ang kaniyang sasakyan. Nakatulog ako ng may ngiti sa labi nang gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD