CHAPTER 5

5000 Words
Mahinang pagyugyog sa aking balikat at ang malambing na tinig ng aking mommy ang nagpagising sa akin. "Anak, it's time to wake up," ang dinig kong mahinahong tawag nito sa akin mula sa aking mahimbing na pagkakatulog. Kasunod ng pagtawag nito sa akin ay ang paghawi nito sa aking buhok na tumatabing sa aking mukha. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha nito. "Good morning. Get up na, Anak," ang malambing na sabi nito. "Mom it's too early, let me sleep more please. It's saturday today," ang inaantok kong pakiusap sa kaniya habang pinipilit ang aking mga mga mata na huwag pumikit muli. "As much as I want to make you sleep more, I can't Anak, may bisita tayo at nakakahiya sa tao. Bumangon ka na diyan Anak, sige na, wala ka bang balak sumama sa bisita natin? Inaasahan niyang sasama ka," ang mahabang sabi nito na dahilan ng pagbalikwas ko ng bangon. "Sino pong bisita? 'Tsaka sumama po saan, Mommy?" ang sunod-sunod kong tanong sa kaniya. "Si Angelo, nakalimutan mo ba? Kanina pa siya dumating. Hindi ba't pinagpaalam ka niya sa amin kagabi? Nakakahiya naman kung paghihinatyin mo iyong tao, Anak." Nanlaki ang aking mga mata pagkatapos kong marinig ang mga iyon sa aking mommy. "Po? kanina pa po ba siya, Mommy?" "Oo, Anak." Ang antok na nararamdaman ko kanina ay biglang nawala at napalitan ng pagkataranta. Agad akong bumaba sa aking kama at mabilis na tumakbo sa aking closet, dahil sa aking pagmamadali ay muntik pa akong madapa at mawalan ng balanse. Dahil sa pagkataranta ko ay hindi ko na alam ang aking uunahin, kung anu-ano na lang ang mga dinampot kong mga damit at may pagmamadaling pumasok na sa aking banyo. Narinig ko pa ang pagsigaw ng mommy ko mula sa labas at ang panenermon nito. "Mag-ingat ka ngang bata ka, maaaksidente ka sa ginagawa mo. Bilisan mong maligo at sumunod ka na sa baba," ang pagalit na suway nito. Hindi na ako sumagot, narinig ko ang kaniyang mga yabag nang lumabas na ito ng aking kuwarto. Mabilisan ang ginawa kong pagligo. Nang natapos ako at magbibihis na ay saka ko lang napansin na crop top pala ang aking nadampot, kagat-labi kong tinitigan iyon. Sa huli, napagpasyahan ko na lang na isuot iyon dahil wala na akong pagpipilian, wala na akong panahon para maghanap pa ng bago kaya paglabas ko ng aking banyo ay kinuha ko na lang ang jacket ni Angelo na nasa ibabaw ng aking kama at ginawang pamatong iyon sa aking suot. Pagbaba ko ay agad hinanap ng aking mga mata si Angelo. Ngunit bigo ako, dahil wala na ito. Nakaramdam ako ng lungkot. Ilang saglit lang ay narinig ko ang pagtawag ng aking mommy mula sa aming kusina. "Angelie Anak, halika na dito sa kusina at nang makakain na tayo, nang sa gano'n ay makaalis na kayo ni Angelo," ang mahabang sabi nito. Bahagya akong natigilan. Mabilis akong naglakad papunta sa aming kusina at nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si Angelo na nakaupo sa tabi ng aking daddy. Nagsalubong ang aming mga mata, napansin ko ang matalim na pagtitig nito sa akin. Ako ang unang nag-iwas ng tingin. Umupo ako sa tabi ng aking mommy na katapat nito, naramdaman ko ang matiim na pagtitig nito. Nagtataka man ay sinimulan ko nang kumain pagkatapos naming manalangin. Nang matapos kami ay agad na kaming nagpaalam sa aking mga magulang. Pagkatapos kong humalik sa kanila ay hinatid kami ng mga ito kung saan nakaparada ang sasakyan ni Angelo, may pagtataka man nang makita ko na iba na naman ang dala nitong sasakyan ay hindi ko na lang pinahalata. Kulay silver na Volvo SUV ang dala nito. Nang makalapit kami sa kaniyang sasakyan ay mabilis ako nitong pinagbuksan ng pintuan sa unahan ng kaniyang sasakyan. Pagkaupo ko ay muling nagsalita ang aking mommy. "Mga Anak, mag-iingat kayo, ha?" ang malambing na bilin ng aking mommy sa amin. Sasagot na sana ako ngunit naunahan na ako ni Angelo. "Opo Tita, salamat po," ang magalang na sagot nito. "Hijo, ikaw na ang bahala sa prinsesa namin doon, ha? Alagaan mo siya. We trust you, Iho," ang bilin naman ng aking daddy dito habang marahang tinatapik ang balikat nito. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti nito bago nito sinagot ang aking ama. "Don't worry po Tito, Tita, I won't let anything bad happen to your princess," ang magalang na sabi nito habang nakangiti sa aking mga magulang. Nagbaba ako ng aking ulo at palihim na napangiti. Ang sarap sa pakiramdam na marinig iyon mula sa kaniya. Kumaway kami sa aking mga magulang pagkatapos naming magpaalam sa mga ito. Nang mapag-isa kami sa kaniyang sasakyan ay bumaling ito sa akin. Hinuli nito ang aking mga mata. "What do you think are you wearing?" ang pagalit na tanong nito habang pinapasadahan ako nito ng tingin. "Crop-top," ang palabang kong sagot sa kaniya. "You call that crop-top? Bakit hindi ka na lang nagsuot ng bra! Sa tingin mo maganda ba ang magsuot ng ganiyan?" ang nang-uuyam na sabi nito. Namula ako sa sinabi niya. Pinukulan ko siya ng matalim na tingin bago ako nagsalita. "I don't see anything wrong with the clothes I'm wearing," ang mariin kong sagot sa kaniya. "What is the use of your jacket if you're not gonna close it? Zip it!" he angrily said. I immediately followed his order. Ramdam ko ang galit niya dahil sa talim ng pagtitig niya. Agad akong nagbawi ng tingin sa kaniya. Ibinaling ang tingin ko sa kalsada at kinausap ang aking sarili. Sungit! Napaka-OA nitong Unggoy na 'to. Hindi naman mahalay itong suot ko, pero kung makapag-react parang nakasuot ako ng bikini. "I don't want you wearing that kind of f-ucking piece of clothing Juneth Angelie! Do you understand!?" ang mariing sabi nito bago nito pinaandar ang kaniyang sasakyan. Napipilitang sumagot ako. "Fine." Labag man sa kalooban ko ay sumang-ayon na lang ako sa kaniya para matapos na ang diskusyon. "Is this your car too?" ang pag-iiba ko ng usapan para basagin ang katahimikan. "Yeah," ang maiksing sagot nito. "Bakit ilan ba ang kotse mo?" "I don't know, because I don't count how many cars I have," ang walang emosyong sagot nito habang nagmamaneho at nakatingin ito sa kalsada. Napanganga naman ako sa sagot nito. Just wow! Ibig sabihin, marami talaga itong sasakyan, dahil hindi nito alam kung ilan ang bilang ng sasakyan nito. "Sayang ang pera," ang mahinang bulong ko. "Tell that to my parents," ang sabi nito kasabay ng paglingon niya sa aking gawi. Ngumisi pa ito sa akin. Narinig pala niya, I just rolled my eyes in respond. "Where are we going? Hindi mo pa sinasabi," ang pag-iiba ko ng usapan. "We will go to the mall first." "What are we going to do there?" "Help me find a nice gift for my mom." "Huh? You mean, today is your mom's birthday?" ang hindi makapanilawa kong tanong sa kaniya. "No, today is my mom and my dad’s wedding anniversary," ang seryosong sagot nito. "If that's the case, then why would you only buy a gift for your mom? Won't you give your daddy a present too?" ang nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Don't worry about it, I already bought a present for my dad the other day. It's not that hard to find a gift for a man anyway, unlike women, they are very selective," he chuckled after he said it. Napataas ang kilay ko sa kaniyang sinabi, kung sabagay totoo naman at may punto naman siya. Bipolar talaga 'to, kanina lang ang sungit niya, ngayon tatawa-tawa na siya. Pagdating namin sa parking lot ng mall ay agad na akong bumaba at hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako nito ng pintuan ng kaniyang sasakyan. Dahil sa nararamdaman kong init ay dali-dali kong tinanggal ang suot kong jacket na pagmamay-ari ni Angelo at isinampay na lang iyon sa aking braso. Hindi maipinta ang pagmumukha nito pagbaba at pagkakita nito sa akin. Magkasalubong ang mga makakapal na kilay nito habang papalapit ito sa aking kinatatayuan. Hinaklit nito ang jacket na nasa braso ko at agad na sinuot iyon sa akin na parang bata. "Angelo ano ba, ang init!" ang iritado at nagpupumiglas kong sabi sa kaniya. Akmang tatanggalin ko na sana iyon nang muli itong magsalita. "Go ahead, take it off! You won't like what I can do to you!" ang pagalit na banta nito sa akin. "Pero naiinitan-" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay kaagad na nitong pinutol iyon. "If that's the case, then we will not go anywhere, if you're only gonna wear that f-ucking piece of clothing!" ang pabulyaw na sabi nito habang nagtatagis ang kaniyang mga bagang. "Sabi ko nga isusuot ko na 'tong jacket mo e!" ang labag sa loob kong sagot sa kaniya. Napaka-arte ng lalaking 'to! Tadyakan ko kaya ulit? Hindi alam ang usong damit! Hindi naman siya ang naiinitan e, ang pipi kong sabi sa aking sarili. "That's good then, let's go," ang sabi nito, pagkatapos ay hinila na ako nito papasok ng mall. Hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari, nagulat na lang ako nang hawakan ako nito sa aking kamay at pinagsalikop nito ang aming mga palad. Dahil sa pagkailang ko ay pilit kong hinila ang aking kamay mula sa pagkakahawak nito. Ngunit hindi ko pa man nahihila ng tuluyan ang aking kamay mula sa pagkakahawak nito ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak niya sa akin. Namamawis ang aking palad dahil sa higpit ng pagkakahawak nito. Ramdam kong namumula na naman ang aking mukha dahil sa hiya. Hindi ko na tinangka pang muling hilahin ang palad ko dahil sa tuwing sinusubukan ko ay mas lalo lang nitong hinihigpitan ang pagkakahawak sa aking palad. Tinanghali na kami sa paghahanap ng magandang regalo para sa mommy nito. Kaya naman napagpasyahan naming dalawa na kumain muna, sa isang sikat na restaurant nito kami napiling kumain. Pagkatapos naming kumain ng pananghalian, ay agad ako nitong inalalayang tumayo. Akala ko ihahatid na ako nito pauwi ngunit nagtaka ako nang dumiretso kami sa isang sikat na beauty salon. Nagtataka man ay sumunod na lang ako sa kaniya. "Hindi mo pa ba ako ihahatid?" ang nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Not yet, hindi ko ba nasabi sa'yo na pupunta tayo sa bahay namin?" "What!? A-ayoko Angelo! Hindi ako sasama!" ang mariin kong pagtanggi sa kaniya. "Sorry baby, but I don't accept no for an answer," ang nakangising sabi nito. Mabilis ako nitong hinila sa loob, sumalubong ang isang napakagandang babae sa amin na agad naman niyang pinakilalang pinsan daw nito. Ngumiti ito sa akin ng malapad at nakipagbeso-beso. Hinawakan ako nito sa isa kong braso at agad ako nitong hinila papunta sa isang ekslusibong kuwarto. "Ikaw na ang bahala sa kaniya Ate, I'll come back later to pick her up," ang bilin nito sa kaniyang pinsan. "Don't worry cousin, I'll take care of her. I'm pretty sure you won't recognize her after her make over," she said and giggled. Matapos magpaalam ni Angelo ay sinimulan na akong i-make-over ng kaniyang pinsan. Kung anu-anong mga ginawa nito sa aking katawan, kasama ang kaniyang iba pang mga tauhan. Pagkatapos ng session na iyon ay agad na ako nitong inayusan. Light make-up lang ang pinahid nito sa akin, pati ang lipstick na ginamit nito sa akin ay kulay cream. Nilagyan ako nito ng eye lashes extension ngunit ang inilagay nito ay iyong manipis at parang natural lang dahil mahahaba at makakapal na daw ang eye lashes ko. Nilagyan din ako nito ng maskara at liquid eye liner para daw ma emphasize ang mata ko, pinasuot din ako nito ng color gray na contact lenses, dahil iyon daw ang bagay sa akin. Nang matapos nitong ayusan ang aking buhok, ay halos hindi ako makapaniwala at makilala ang aking sarili nang makita ko ang sa itsura ko sa malaking salamin na nasa aking harapan. Ang ganda ko. Ang galing pala talaga mag-ayos ni ate Mariel. "You're so beautiful Juneth. I'm pretty sure, tutulo ang laway ng pinsan ko sa'yo," ang nakangiting sabi ni ate Mariel. Namula ako sa sinabi nito. "Thank you Ate," ang nahihiyang sabi ko. "Come, I'll show you the gowns and elegant design of dresses, ikaw na ang bahalang mamili ng gusto mong isusuot," ang magiliw na sabi nito. Nang makita ko ang mga gowns at dresses na sinsabi nito ay nalula ako. Ang gaganda lahat. Ngunit sa bandang huli, napili kong isuot ang kulay lavander na isang elegant dress dahil iyon ang paborito kong kulay. Ang ganda ng tabas nito, pati ang design ay nagandahan ako, backless ito at may mga design na bato. May slit ngunit hindi gaanong mataas. Parang sadyang ginawa ito para sa akin dahil hapit na hapit ito sa aking katawan. Napili ko ang black stiletto na may mga palamuti ding maliliit na bato at may taas na three inches para iterno sa napili kong dress. Matapos ang halos dalawampung minuto na pag-aayos at pagsuot sa aking dress ay kaagad na akong lumabas sa kuwartong pinagbihisan ko. Nakangiting sinalubong ako ni ate Mariel paglabas ko ng kuwarto. "You look fabulous. My gosh at ang sexy mo! Bagay na bagay sa'yo ang napili mong dress, sigurado ako mas lalong maiinlove ang pinsan ko sa'yo," ang sabi nito na nakangiti habang pumapalakpak. "Salamat po Ate," ang nahihiyang sagot ko at nagbaba ako ng ulo. "Hey chin up," ang sabi nito at lumapit ito sa akin. Itinaas nito ang ulo ko mula sa pagkakayuko at tinitigan ako sa aking mga mata. "You know what? I like you for my cousin," ang sabi ulit nito na mas lalong ikinapula ng aking mga pisngi. Hindi ako nakaimik dahil wala akong maapuhap na salita na isasagot sa kaniya. Hindi naman ako nito kinulit. Hinila ako nito at pinaupo para daw makapag-relax habang hinihintay ko ang pagbalik ni Angelo. Napasulyap ako sa wall clock na nasa aking tapat. Limang oras din pala akong namalagi dito sa beauty salon ni ate Mariel. Binawi ko ang tingin ko doon at ipinikit ang aking mga mata. Pagmulat ko ay sampung minuto agad ang matuling lumipas, narinig kong nagsalita si ate Mariel. "Look, nandiyan na ang guwapo kong pinsan," ang sabi nito sa akin na nakangiti at ngumuso ito sa aking likuran. Paglingon ko sa pintuan ay pareho kaming natigilan at nagkatitigan. Hindi ko alam kung ilang beses akong napakurap. Isa lang ang tanging isinisigaw ng isip ko ngayon. Ang guwapo niya, mula ulo hanggang talampakan! Ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang nagsuot ng formal attire. He is beyond handsome. Mas lalong lumutang ang kakisigan at kaguwapuhan nito sa suot nitong ternong black tuxedo na humapit sa matipuno nitong katawan. Hindi ko maiwasang mag-init ang aking mga pisngi dahil sa paraan ng pagtitig nito. Tila ba hindi ito makapaniwala sa kaniyang nakikita. Ako ang naunang nagbawi ng tingin. Dahil hindi ko na matagalan ang malagkit niyang pagtitig sa akin, na tila nanonoot hanggang sa aking mga buto na nakapagpatayo sa aking mga balahibo. Hindi ako makagalaw ng marinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin. Parang kay bilis gumalaw ng oras, namalayan ko na lang nang nasa harapan ko na siya. Hindi ko alam, ngunit para akong tood ng mga sandaling iyon, dahil hindi ko maigalaw ang aking mga paa upang umatras, sa wari ko ay hinihintay ng aking katawan ang paglapit nito sa akin. Maagap niyang hinawakan ang aking baywang na nagpakislot sa akin at kapagdaka ay hinuli nito ang aking kaliwang pisngi at hinarap sa kaniya. Ang katawan ko ay bahagyang nanginig nang unti-unti nitong ilapit ang kaniyang mukha sa akin. Hindi ko namalayan na kusang pumikit ang aking mga mata at hinihintay ang paglapat ng kaniyang mapupulang labi sa akin, ngunit agad din akong napamulat ng ito ay magsalita. "You look like a goddess," ang nang-aakit na anas nito sa tapat ng aking tenga. Nahihiyang napaatras ako at nagbaba ng tingin at saka pinagalitan ang aking sarili. Ano ka ba Juneth! Nakakahiya ka. May papikit-pikit ka pang nalalaman. Asa ka namang hahalikan ka niya. "T-thank you," ang nanginginig kong sabi sa kaniya. Hinila ako nito at itinaas ang aking baba. "Let's go?" ang nakangiting sabi nito habang nakatitig ito sa aking mga labi. "O-okay. Magpapaalam lang ako kay ate Mariel," ang kinakabang sabi ko sa kaniya. "Okay then, I'll be waiting for you outside," ang sabi nito pagkatapos nitong bitawan ang aking baba at tumalikod na. Pagkatapos kong magpaalam kay ate Mariel ay hinatid na ako nito sa pintuan kung saan naghihintay si Angelo. "I'll see you there guys, drive safely little brother," ang nakangiting pahabol pa nito. Nang makalapit na ako kay Angelo, ay kaagad ako nitong hinawakan sa aking baywang. Gaya ng palaging reaksyon ng katawan ko pagnagkakalapit ang aming mga katawan ay nanlalamig na naman ang aking mga palad. Nahalata yata nito ang pagiging uneasy ko kaya ito nagsalita. "Relax baby, I won't bite you, not yet," ang nakangiti nitong sabi kasabay ng marahang pagpisil nito sa aking baywang. Nararamdaman ko na mas lalong humihigpit ang pagkakahawak nito sa aking baywang sa tuwing may mga lalaki kaming madadaanan, mga napapalingon at napapatitig sa akin. Nagulat ako nang magpakawala ito ng malutong at malakas na mura. "F-uck! Damn it!" ang halos pasigaw na mura nito. "Puwede ba Angelo, 'yang bunganga mo, huwag ka ngang magmura. Masama yan!" ang pabulong ngunit may diin kong sabi sa kaniya. "I'm sorry, I just couldn't help it. Ayaw kong may ibang mga lalaking tumititig sa'yo. Gusto ko, ako lang. I am territorial," ang seryosong sabi nito at mas binilisan ang kaniyang paglalakad habang hawak ako nito sa aking baywang. "S-sandali, madadapa ako Angelo," ang pigil ko sa kaniya dahil sa takot na, anumang sandali ay baka madapa ako sa bilis nitong maglakad. Agad naman itong huminto, saka ito muling nagsalita. "Would you mind if I'll carry you?" ang seryosong tanong nito. "T-teka Angelo–" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay mabilis na ako nitong pinangko na parang bagong kasal. Gusto kong magpumiglas, ngunit mas nanaig ang aking takot. Takot na baka malaglag ako at mabalian ng buto kung pipiliin kong magpumiglas, kaya napakapit ako ng mahigpit sa kaniyang batok nang mas binilisan pa nito ang paglalakad. Pagkarating sa parking lot ay agad ako nitong pinasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Wala akong imik, dahil kinakabahan ako. "Are you okay?" ang nag-aalalang tanong nito. "N-no. K-kinakabahan ako.." "Don't be," ang sabi nito at hinawakan ang aking nanlalamig na kamay. "P-pero.." "Don't worry, okay? I'm here. My parents are good, believe me. They will surely like you," ang nakangiting sabi nito kasabay ng pagpisil nito sa palad ko. Nang pakawalan nito ang palad ko ay agad na nitong pinasibad ng matulin ang kaniyang kotse. Alam kong pinapagaan nito ang kalooban ko. Ilang minuto din ang aming binyahe hanggang sa nakarating kami sa bahay nila Angelo. Nasa tapat na kami ng gate nila at kitang-kita kung gaano kaganda ang bahay nila. "Dito ang bahay ninyo?" hindi ko mapigilang tanong sa kaniya. "Yes, why?" Hindi ako nakasagot sa kaniyang tanong. Namangha ako sa bahay nila, sobrang laki nito, ilang palapag kaya 'to? Bahay pa ba 'to? Mukhang mas tamang tawagin itong mansyon kaysa bahay. Nakakalula sa sobrang ganda. Nasa labas pa lang kami at papasok na ng kanilang gate nang pinagbuksan kami ng dalawang bantay na guwardiya. Natanaw ko ang garden nila kung saan kasalukuyang ginaganap ang party ng mga magulang nito. Marami ng mga tao, halatang mayayaman lang at mga piling tao ang invited sa naturang event. Mas lalo akong nakaramdam ng panliliit. Gusto ko nang umuwi. Kung anu-ano na ang pumapasok sa aking isipan. Nahihiya ako, baka masungit o kaya matapobre ang mga magulang ni Angelo. Baka ipahiya nila ako pagnakita nila kaming magkasama. Bababa na sana ito ng kaniyang kotse, nang pigilan ko siya. "A-Angelo, puwede bang mauna ka na lang? S-susunod ako," ang nauutal kong pagtataboy sa kaniya. "No. Sabay tayong pupunta do'n," ang maotoridad na sabi nito. Nauna na itong bumaba ng kaniyang sasakyan, mabilis ang ginawa nitong pag-ikot sa aking kinauupuan at pinagbuksan ako nito ng pintuan. "Come," ang malumanay na tawag nito. Nang hindi ako tuminag ay mabilis ako nitong hinawakan sa aking siko. "A-Angelo, t-teka lang–" he cut me off. "Shh.. I promise, I won't let anything bad happen to you there, okay? Just trust me baby," ang halos pabulong na sabi nito. Mas lalong lumakas ang t***k ng aking puso nang hinawakan nito ang aking kaliwang pisngi at marahang hinaplos iyon. "Trust me," ang sabi ulit nito bago nito binitawan iyon. Ayaw ko man ay nagpatianod na lang ako. Inalalayan ako nito sa pagbaba sa kaniyang kotse. Mabilis nitong hinuli ang kamay ko at ikinulong iyon sa kaniyang palad. Habang naglalakad kami papunta sa garden nila ay mas lalo akong nangangatog. kabadong-kabado ako. Pakiramdam ko ay tila mas malakas pa ang pagtibok ng puso ko kaysa sa tugtog na nagmumula sa garden nila Angelo kung saan ginaganap ang party ng mommy at daddy nito. Pagbungad pa lang namin sa garden ay agad kaming nakaagaw ng atensyon sa mga taong nandoon. Halos lahat ng mata ay nasa amin na. Gusto kong tumakbo dahil sa nararamdamang kaba. Hindi ako sanay sa social gatherings, lalo na sa mga ganito. Nagsimula ang mga bulong-bulungan, mas lalo akong nakaramdam ng hiya at panliliit. Ang kaba ko kanina ay mas lumala. "Relax baby," ang dinig kong anas nito. Ilang saglit lang ay sinalubong na kami ng isang grupo ng mga kalalakihan, nakangiti ang mga ito habang papalit sila sa amin. Natatandaan ko ang mga mukha nila, mga matalik na kaibigan ito ni Angelo. "Good evening gorgeous," ang sabay-sabay na bati ng mga ito sa akin nang tuluyan na silang makalapit. Akmang hahawakan ako ng isa sa mga kaibigan nito at magpapakilala ngunit mabalis itong tinapik ni Angelo. Nagsitawanan naman ang iba pang mga kaibigan nito dahil sa kaniyang ginawa. "Woah.. so possessive!" ang sabay-sabay na kantyaw at sigaw ng mga kaibigan nito. Ngumisi lang ito sa mga kaibigan niya. "Angelie, I want you to meet my crazy best friends, Nick Asher, Kenneth John, Zniv Kyler, Alexis Kurt, Mark Thyrone, Ian Gray, Liam Blaze and Harvey Clyde. Ang iba naming mga kaibigan ay nasa ibang bansa, I'll introduce you to them pag-uwi nila," ang seryosong sabi nito. "Hello Angelie," ang sabay-sabay na bati sa akin ng mga kaibigan ni Angelo habang nakangiti. Ngumiti din ako pabalik sa kanila bago ako nagsalita. "Hello, it's nice to meet you all," ang nahihiyang bati ko. "Our pleasure," ang sabay-sabay na sagot nila. Guwapo silang lahat at sa tingin ko ay may mga lahi sila. Nakakatuwa nga dahil magkakasing-tangkad silang lahat. Bigla tuloy akong napaisip kung magkakasing-edad ba sila. "Magkakasing-edad ba kayong lahat?" ang wala sa sariling tanong ko sa kanila. "Yeah," ang nakangiting sagot nila ng sabay-sabay. Napatango-tango ako. "Idol na talaga kita Angelo, ang galing mong pumili ha?" ang sabi nang isang kaibigan ni Angelo na nagngangalang Nick Asher. "Stop staring at her!" ang masungit na banta ni Angelo dito. "I'm not," ang nakangising kaila naman nito. Magsasalita sana ulit si Angelo ngunit naunahan na ito ng mga tili at sigaw ng mga pamilyar na tinig na ikinalingon naming lahat. "Beshy!" ang magkasabay na tawag sa akin ng pamilyar na mga tinig. Napangiti ako nang makita ko ang mga kaibigan ko. Sinalubong ko sila ng yakap. "Wow beshy, ikaw ba yan? Ang ganda-ganda mo!" ang hindi makapanilawang sabi ng kaibigan kong si Kristel. "Oo nga, ang sexy mo beshy!" ang masayang sabi naman ni Glecel. Napatawa ako ng mahina. "Mga bolera, kayo din naman, ang ganda-ganda niyong dalawa." "Syempre, we're bestfriends kaya magaganda tayong tatlo," ang nakangiting sabi ni Kristel. "Who invited you here?" ang nagtatakang tanong ko, pagkatapos ko silang yakaping dalawa. "Si Angelo, pinasundo niya kami sa mga kaibigan niya," ang sabay na sagot ng mga ito at sabay turo sa walong lalaking nakatayo. "Kilala niyo na sila?" "Kanina lang namin sila nakilala personally, habang nasa sasakyan kami," ang sagot ng kaibigan kong si Glecel na hindi maitago ang kilig nito. Kinurot ito ni Kristel ng palihim sa kaniyang tagiliran at saka bumulong. "Lumalandi ka na naman." "Ikaw din naman, crush mo nga si Zniv Kyler e," ang mahinang pang-aasar nito. Pinanlakihan ito ni Kristel ng mata. Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan ko silang dalawa. "Excuse me ladies, may I borrow your friend for a moment?" ang magalang na paalam ni Angelo sa mga kaibigan ko. "Sure," ang sabay naman na sang-ayon ng mga kaibigan ko. "Okay lang ba kayo dito kung iiwan ko kayo?" ang nag-aalalang tanong ko sa kanila. "Oo naman beshy, sige na sumama ka na kay Angelo," ang sabi nila at pagtataboy nila sa akin. "Kayo na muna ang bahala sa mga kaibigan ko ha?" baling ko sa mga kaibigan ni Angelo. Napangiti ako nang tumango ang mga ito. "Saan tayo pupunta?" baling kong tanong kay Angelo nang magsimula kaming maglakad palayo sa mga kaibigan namin. "Kila mommy, hindi pa nila ako nakikita simula kaninang umaga. May one hundred plus missedcalls na siya sa akin," ang sabi nito na tumatawa. "Ano? Baka isipin nila, dahil sa akin kaya hindi mo sinagot ang mga tawag niya. Ikaw na lang kaya ang lumapit sa kanila." "No. I want you to meet them." "Pero—" "No buts," ang seryosong sabi nito. Hindi na lang ako umimik. Habang papalapit kami nang papalapit sa lamesa ng kaniyang mga magulang ay papalakas nang papalakas naman ang kaba at t***k ng aking puso. kabadong-kabado ako. Alumpihit ako sa pagsunod sa kaniya. Nangangatal na rin ang aking mga labi dahil sa nerbyos. "A-Angelo—" "Just relax, okay? Mababait sila, hindi ka nila kakainin," ang sabi nito at hinila na ulit ako nito. Nang malapit na kami sa kaniyang mga magulang ay lumipat ang palad ni Angelo sa aking baywang. Napakislot ako. Gusto kong tanggalin iyon ngunit mas nanaig ang aking hiya dahil nakita na kami ng kaniyang mga magulang. Lumapit kami sa mga magulang nito. Nakangiti sila ng malawak nang makalapit kami ng tuluyan sa kanila. Tumayo ang mommy ni Angelo at masayang sinalubong kami nito. Niyakap naman agad ito ni Angelo at hinalikan sa pisngi nito. Sabay abot ng regalo nito sa kaniyang mommy. "Happy wedding anniversary, Mommy," ang malambing at nakangiting bati ni Angelo sa mommy nito. "Thank you, Anak ko," ang masayang sabi nito at bumaling ito sa akin. Agad akong lumapit sa kaniya at inabot ang kaniyang kamay upang magmano, pagkatapos ay binati ko din siya kahit na sobra ang kabang nararamdaman ko. "Good evening po, Ma'am. Happy wedding anniversary po," ang magalang kong bati sa ginang bago ako ngumiti sa kaniya. Tila naman nagustuhan nito ang aking inasal, nagulat ako nang bigla ako nitong yakapin at halikan sa aking pisngi. Hindi ko alam kung paano mag-re-react, kaya napayakap na din ako sa kaniya bilang ganti. "Anong pangalan mo, Hija?" ang magiliw na tanong nito. "Mommy, si Juneth Angelie nga po pala," ang agad na sagot ni Angelo sa mommy nito. "Ikinagagalak ko po kayong makilala, Ma'am." "I don't want you calling me Ma'am, Hija. Call me Tita starting from now and that's an order," ang nakangiting sabi nito. "S-sige po, Tita," ang nahihiyang pagsang-ayon ko. Muling bumaling ito sa kaniyang anak at nagsalita. "Where have you been, Anak? Pinag-alala mo akong bata ka, hindi mo sinasagot ang tawag ko." "I'm so sorry Mommy, I'll explain later," ang nakangiting sabi ni Angelo sa mommy nito. "Okay, let's go to our table." Aya nito. Hinawakan ako nito sa aking braso at inakay sa kanilang lamesa at nang makalapit kami sa asawa nito ay agad ako nitong ipinakilala dito. Gaya ng ginawa ko kanina sa ginang ay nagmano din ako sa daddy ni Angelo. Nakita ko sa mga mata nito ang tuwa at ramdam ko ang kabutihang loob nilang mag-asawa. Ngayon ko napatunayang totoo ang lahat ng sinabi kanina ni Angelo, mababait ang mga magulang nito. "Anong buo mong pangalan Hija?" ang nakangiting tanong ng daddy ni Angelo sa akin. "Juneth Angelie Gonzales po, Sir." "Naku, itong batang 'to, call me tito, Hija. Pakiramdam ko sobrang tanda ko na kapag ganiyan ang tawag mo sa akin," ang nakatawang sabi nito. "Salamat po, Tito," ang nahihiyang sabi ko. "Napakagandang bata, napakagalang pa, napakasuwerte naman ng anak namin sa'yo, Hija. Ano bang nakita mo dito sa binata namin at mukhang naduling ka yata?" ang nakangiting tanong ng daddy nito. Sobrang nahihiya ako sa narinig ko. Hindi ako nakasagot. Mabilis na lumapit sa akin si Angelo at pinaghila ako nito ng upuan, 'tsaka ito tumabi sa akin. "Si Daddy talaga, mamaya matakot siya sa inyo," ang sabi ni Angelo sa ama nito. "Manang-mana ka talaga sa akin anak, magaling kang pumili," ang malakas na sabi ng ama nito na dahilan para pamulahan ako ng aking pisngi. "Syempre naman Dad." "Don't get me wrong Hija, nakikita ko kasi sa'yo noon ang kabataan nitong asawa ko, ganiyang-ganiyan din siya nang pinakilala ko siya sa mga magulang ko. Sobrang mahiyain. Right hon?" ang masayang sabi nito at bumaling sa mommy ni Angelo na katabi nito. "Natatandaan mo pa talaga 'yon ha?" "Oo naman, hindi ko 'yon makakalimutan. Lalong-lalo na no'ng-" Hindi na nito naituloy pa ang kaniya sanang sasabihin dahil agad nang natakpan ng mommy ni Angelo ang bunganga nito. Napangiti ako. Ang cute nilang tignan. Parang sila mommy at daddy, ganiyan din sila kung maglambingan. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko habang pinagmamasdan sila. "Hon, huwag mo akong ipahiya sa mga bata," ang nakangiting sabi ng mommy ni angelo habang nakatakip pa rin ang kamay nito sa bunganga ng kaniyang asawa. Napapailing na lang si Angelo na nasa tabi ko. "Pagpasensyahan mo na ang mom at dad ko, ganiyan talaga sila maglambingan, kahit saan-saan na lang," ang nahihiyang baling niya sa akin na pinipigilan ang kaniyang tawa. Napangiti na lang din ako, hindi na bago sa akin na makakita ng matatandang naglalambingan dahil araw-araw kong nakikita ang mga magulang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD