CHAPTER 6

4202 Words
"Hija, I forgot to ask, how old are you?" "I'm turning eighteen po Tita," ang nakangiting sagot ko. "I see, dalawang taon lang pala ang agwat niyo nitong bunso ko, kaka-twenty niya lang," ang natutuwang sabi nito. Lumingon ako sa katabi kong si Angelo. "Do you believe me now? I told you, my parents are good," ang mahinang sabi nito habang nakangiti. Nahihiyang tumango ako. "They admire and like you," ang sabi pa nito. Mas lalong nag-init ang aking mga pisngi sa kaniyang sinabi. Hindi ako nakaimik. Akmang hahawakan sana nito ang kamay ko nang magsimulang magsalita ang emcee na nasa stage. Kaya napatuwid ako sa aking pagkakaupo. Masayang tinawag nito ang mga magulang ni Angelo sa intablado, upang magbigay ng kani-kanilang mga talumpati. "Juneth.." ang malamyos nitong tawag sa aking pangalan. Hindi ko na siya nagawang lingunin pa, dahil nagsimula nang magsalita ang emcee. "Good evening everyone. May I get all your attention please. Can we all stand and let us give a round of applause to one of the world's most eminent couple, Mr. and Mrs. Fuentabella," ang magiliw na anunsyo ng emcee na nasa intablado. Pagkatapos sabihin iyon ng emcee ay nagsigawan at nagsitayuan ang lahat ng mga bisita. Kasabay no'n ay ang sunod-sunod na masigabong palakpakan. Mabilis na umakyat sa intablado ang mag-asawa at kinuha ng mommy ni Angelo ang mikropono nang iabot ito sa kaniya ng emcee. Inalalayan ito ng kaniyang asawa papunta sa gitna ng intablado at pagkatapos ay nagsimula na itong magsalita. "Good evening ladies and gentlemen, I would like to take this opportunity to thank all of you for attending our wedding anniversary's celebration. I know that some of you, are really busy and yet here you are accompanying us," Angelo's mom paused as she held her husband's hand and stared intently into his husband's cloudy eyes and continued her speech. "This day I and my husband marks twenty years of our wonderful union, and I'm so glad that I married a man who is one in a million. To this loving and wonderful husband infront of me, who has been great and shown me what love really is. Who is the reason for my happy days and the comfort in my sad ones. Who cheers my success and encourage me in my failures, I'm so proud to be your wife. You've always made sure that my priorities comes first, you've been the one to placate every emotional outbursts. You've always made all my dreams and wishes your own. You've ensured that I've never been sad or forlorn to you, I owe my life and much more than that and so I thank God everyday for having you in my life. I love you forever my beloved husband, Happy twentieth wedding anniversary," ang madamdaming mensahe nito sa kaniyang asawa at pagkatapos ay hinalikan niya ito sa kaniyang pisngi. Agad namin silang binigyan ng masigabong palakpakan. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti. Kitang-kita ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Pagkatapos nitong magsalita ay inabot naman nito ang mikropono sa kaniyang asawa. Magiliw namang kinuha iyon ni tito. "My dearest wife, thank you for bringing so much love and joy into our life. When I married you, I discovered my place in this world. You have made me the happiest man on earth. Whenever I lost hope, you held my hand and gave my life a new meaning. Whenever things got tough, you were there for me. I love you, is just not enough for a wonderful woman like you. You are the love of my life, and I treasure every day we get to spend together. When God brought you into my life, he knew exactly what I want. I am so grateful to God for He let you become my partner and bringing so much love in my life. Twenty years has been a beautiful journey, and I wish the rest of our lives to be even more beautiful with you. I love you forever my amazing wife, Happy twentieth wedding anniversary!” ang nakangiting sabi nito. They hugged each other afterwards. Ang ganda din ng mensahe ni tito para kay tita. Hindi ko napigilan ang sarili kong pangilidan ng luha, nakaka-touch naman kasi talaga sila. Kahit ang mga kaibigan ko ay naluluha na rin. Muling nagsalita ang emcee at tinawag nito si Angelo sa intablado. "May we call on their goodlooking and youngest son, Mr. Fuentabella, Angelo Gabriel to come here on stage and give his speech for his parents." Nagpalakpakan ang mga tao, lumingon ito sa akin at nagpaalam. Tumango ako sa kaniya at nagpaalam ding pupunta ako sa lamesa ng aking mga kaibigan. Sumang-ayon naman ito at agad na itong umakyat sa intablado habang hawak nito ang isang pumpon ng iba't-ibang klase ng mga bulaklak. Ibinigay nito iyon sa kaniyang mommy bago ito lumapit sa emcee at kinuha dito ang mikropono saka ito naglakad papunta sa gitna ng intablado. "Good evening to each and everyone of us, thank you for coming and taking the time to celebrate with us. To my sweetest mom ever, you are the best. Thank you for all the invaluable lessons you've taught me, I know sometimes you and dad fight, but never in front of me. I know sometimes you argue, but not in a way that your kids can see. I know you have your differences, but you keep them private. I know sometimes you have problems, but you don’t let them affect your fate. To my parents whose commitment and love is so true, when I get married someday, I want to have the kind of marriage that you have. Your love is so inspiring. I can see just how much you love each other by the way you look at each other, talk to each other, and touch each other. Sometimes your sweetness makes me want to gag because I didn’t think it was possible to be this madly in love with somebody! But seriously speaking, I grew up watching you love each other when we were happy and when we were going through tough times. Dad, you never left mom’s side, and mom, you were always ready with your positive and encouraging words. I am the person I am now because I grew up in a happy and loving home, with parents who have nothing but love and kindness to give. Thank you for loving each other and for loving us. I pray that your love only grows stronger and deeper over time, and that you will always have each other all the days of your lives. Happy twentieth wedding anniversary, Mom and Dad! I love you both so much," ang punong-puno ng pagmamahal na pahayag nito sa kaniyang mga magulang. Kagaya ko, hindi na din napigilang hindi maiyak ng mommy nito. Napangiti ako habang tumutulo ang aking mga luha nang makita kong niyakap nito ang kaniyang mga magulang at hinalikan sa pisngi ang ina nito. Nakikita ko sa kaniyang mga mata kung gaano nito kamahal ang kaniyang mga magulang. Uupo na sana ako nang marinig ko ang pagtawag ng isang pamilyar na tinig sa aking pangalan. Napalingon ako sa kapaligiran at nakita ko si ate Mariel na palapit sa aming lamesa, kasama nito ang apat pang naggagandahang mga babae sa puwesto naming magkakaibigan. Kagaya ni ate Mariel ay napaka-sexy din ng tatlo nitong kasama, para silang mga model kung lumakad. No doubt maraming mga lalaking business man ang napapalingon sakanila. Nang makalapit na sila sa amin ay agad nila kaming binati at lumapit sya sa akin at nakipag beso beso. "Hi Angelie, I want you to meet my other cousins, Dhevz, Jhulmae and Aika. Pinsan din sila ni Angelo, sa mother side," ang nakangiting sabi nito. "Hello mga ate, it's nice to meet you all po," ang nahihiyang sabi ko sa kanila. "Hello, gorgeous hipag," ang sabay na sabi ng tatlong mga pinsan ni Angelo. Mas lalong nag-init ang aking mga pisngi dahil sa sinabi nila. Hipag talaga? "Maiwan muna namin kayo, ha? At mag-ha-hunting muna kaming apat ng papalicous sa paligid," ang paalam ni ate Mariel sa amin. "Sige po, Ate," ang sabi ko at kumaway sa kanila. Pagkatapos nilang magpaalam ay kaagad na silang umalis. Pinagmasdan ko sila habang naglalakad palayo sa amin. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang magsalita ang katabi kong si Kristel. "Beshy, naiihi ako, pupunta muna kami ng comfortroom ni Glecel, gusto mo bang sumama?" ang paalam ng kaibigan kong si Kristel. Umiling ako. Hindi naman ako naiihi kaya pinasya kong magpaiwan na lang. "Are you sure, okay lang na maiwan kang mag-isa dito?" ang nag-aalalang tanong ni Glecel. "Yup, mabilis lang naman kayo do'n, hindi ba? Sige na, I'll be fine here," ang pangungumbinsi kong sabi sa kanila. Agad silang umalis pagkatapos kong sabihin iyon. Naiwan akong mag-isa sa aming lamesa, at dahil abala ako ay hindi ko namalayan ang paglapit ng isang lalaking estranghero sa akin. Nagulat na lang ako at napalingon nang bigla itong magsalita sa tabi ko. "My bad, did I scare you?" ang seryosong tanong ng estrangero. Hindi ako nakasagot. "Anyway, good evening to you," ang nakangiting bati nito. Dumapo ang mga mata ko sa mukha nito. May hitsura ito, halatang may dugo itong chinese dahil sa mga mata nito at sa palagay ko ay isa itong business man at sa hitsura niya ay nasa twenty five na ang edad nito. Ngumiti ito sa akin bago ito muling nagsalita. "Are you alone? Do you mind if I join you here?" Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para sabihin sa kaniyang may mga kasama ako, ngunit naunahan na ako ng pamilyar na tinig na nagsalita mula sa aking likuran. "Is there any problem Mr. Cheng? May kailangan ka ba sa girlfriend ko?" ang seryosong tanong ni Angelo sa lalaking tsinito. Tila nagulat ito sa sinabi ni Angelo, umiling ito at napaatras. Ako man ay hindi ko nagawang itama ang sinabi ni Angelo sa lalaking tsinito. "Nothing Mr. Fuentabella, I just want to get acquainted with this lovely lady who captured my eyes since I saw her, but maybe next time," ang sabi nito habang nakatitig sa akin. Akmang lalapitan ito ni Angelo ngunit mabilis ko itong nahawakan sa kaniyang braso, upang siya ay pigilan. Lumingon ito kay Angelo at ngumisi bago ito tuluyang umalis. "There will be NO f-ucking next time! A-shole!" ang pagalit na sigaw ni Angelo dito. I saw him clenched his fists. Nakakatakot ang hitsura niya, nasa mukha nito na anumang oras ay manununtok na ito. Naalarma ako at mabilis akong napatayo nang akma itong aalis. Nilapitan ko siya at pumunta sa kaniyang harapan. Hinawakan ko siya sa kaniyang magkabilang pisngi at hinuli ang kaniyang mga mata. "Angelo, calm down," ang mahinahon kong sabi sa kaniya. Unti-unti kong nakita ang pagbabago ng kaniyang mga mata, mula sa pagiging matalim nito kanina ay naging mapungay ang mga iyon, hanggang sa nagpakawala ito ng malakas na buntong-hininga. Bibitawan ko na sana ang kaniyang mukha ngunit mabilis nitong naikulong ang aking mga kamay sa kaniyang maiinit na mga palad. Tinitigan niya ako sa aking mga mata. "You're mine Juneth," ang mariing sabi nito na ikinatigagal ko. "Angelo—" He didn't let me finish talking. Dahan-dahan nitong pinakawalan ang mga kamay ko bago siya nagsalita. "Why are you alone? Nasaan ang mga kaibigan mo? Bakit ka nila iniwang mag-isa dito?" ang seryosong tanong nito. "T-they went to the comfort room, sinasama nila ako, pero ako ang nagsabing iwan na lang nila ako dahil hindi naman ako naiihi." Muli itong napatitig sa aking mukha, palipat-lipat ang tingin nito sa aking mga mata at mga labi. Unti-unting lumalapit ang mukha nito sa akin. Nang ilang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga mukha ay mabilis akong napaatras dahil sa mga narinig kong papalapit na mga boses. Napalingon ako. Nakita ko ang mga kaibigan ko, kasunod nila ang walong mga kaibigan ni Angelo. Masayang lumapit ang mga ito sa amin at umupo. Dahil mahaba at malapad ang aming lamesa ay nagkasya kaming lahat. Sunod-sunod na lumapit ang mga waiters sa aming lamesa at ibinaba ang mga iba't-ibang putahe doon. Lahat ng pagkaing nakahain doon ay halatang pang first class. Ang iba doon ay hindi pa pamilyar sa akin. Dahil katabi ko si Angelo ay siya na mismo ang naglagay ng pagkain sa aking plato. Hindi ko siya maawat sa paglagay kaya hinayaan ko na lang. Nang dadagdagan pa sana nito iyon ay agad ko na siyang pinigilan. "Enough, this is too much Angelo, hindi ko 'yan mauubos lahat." "Kaya ang payat mo, dahil ang konti ng kinakain mo, kumain ka ng marami nang sa gano'n ay magkalaman naman 'yang pang-grade one mong dibdib," ang nang-iinis na sabi nito bago nito pinasadahan ang aking hinaharap. Agad kong iniharang ang mga braso ko sa aking hinaharap at saka ko siya sinamaan ng tingin. Padabog kong kinuha ang plato ko at tahimik na kumain. Mas lalo akong nahiya dahil narinig ko ang mga impit na tawa ng mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Angelo. Pagkatapos naming kumain ay masaya kaming nagkwentuhan. Napalingon ako sa aking kaibigan nang kalabitin ako nito. "Yes?" "Beshy, nag-message si mommy, pinapauwi na niya ako, I'm sorry. Nasabi ko kasi sa kanila na uuwi din ako agad," ang sabi ni Kristel na nasa tabi ko. "Gano'n ba beshy, sige sabay-sabay na tayong umuwi," ang sabi ko at tumingin kay Angelo. "Uuwi na daw sila, makikisabay na ako," paalam ko sa kaniya. Tumayo na ako at balak ko na sanang magpaalam sa mga magulang nito bago umuwi ngunit maagap ako nitong pinigilan. "It's still early. Dito ka muna, ako na lang ang maghahatid sa'yo mamaya, ipapahatid ko na lang ang mga kaibigan mo sa mga kaibigan ko, don't worry about your friends, my buddies are harmless," ang sabi nito sa akin at saka nito sinenyasan ang kaniyang mga kaibigan na lumapit sa amin. Kaagad naman lumapit ang mga ito sa amin. "Kyler, ikaw na ang maghatid kay Kristel, ingatan mo 'yan." "Sure bro," ang nakangiting sagot ni Kyler kay Angelo. "Kenneth, ikaw naman kay Glecel, pakihatid siya sa kanila, ingat sa pagmamaneho," ang bilin pa nito. "Wait, why me, bro? Puwede bang iba na lang ang utusan mo? Si Asher na lang," ang sabi ni Kenneth na halatang ayaw nitong makasama si Glecel. Bigla akong naawa sa kaibigan ko. Bigla kasi siyang naging tahimik dahil sa sinabi ni Kenneth. Napailing ako, magkasing-ugali pala itong si Kenneth at Angelo, parehong mga sungit at laging nakakunot ang noo. Sa huli, wala ding nagawa ito kung hindi ang sumang-ayon, dahil binantaan ito ni Angelo. Niyakap ako ng dalawa kong kaibigan bago sila tuluyang lumulan sa magkaibang kotse. Matapos naming ihatid ang mga ito ay agad kaming bumalik sa garden. "Where are we going?" ang nagtatakang tanong ko nang hindi sa lamesa namin ang tinatahak namin. "To my parents," ang maiksing sagot nito. Hindi na ako tumutol dahil mababait naman ang mga magulang nito sa akin at nakilala ko na sila kanina kaya panatag na ang loob ko sa kanila. Nang makalapit kami sa kanilang lamesa ay agad silang ngumiti sa akin. Pinaghila ako ni Angelo ng upuan bago ito tumabi sa akin, nagulat pa ako ng maramdaman ko ang isang braso nito na nakapatong sa aking upuan. Hindi man ito direktang nakaakbay sa akin ay ramdam ko pa rin ang dahil backless ang aking suot na dress. Biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo dahil doon. "Do you feel cold?" ang nag-aalalang tanong nito. "No," ang maiksi kong sagot. Lumapit ang isang waiter at naglagay ito ng mga basong may laman na sa tingin ko ay juice. Bigla akong nauhaw, kinuha ko ang baso sa lamesa na may lamang juice at sumimsim doon. "Kumusta naman itong boyfriend mo sa'yo, Juneth? Hindi ka ba binibigyan ng sakit ng ulo?" ang tanong ng daddy nito sa akin. Dahil kasalukuyan akong sumisimsim ng juice mula sa aking hawak na baso ay nalagok ko iyon ng minsanan, napaubo ako ng sunod-sunod dahil sa aking narinig. Hinimas naman ni Angelo ang aking likod at bahagyang yumuko at sinilip ako. "Are you okay? Do you want to drink water?" ang tanong nito na bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Tumango ako, dahil maputi ako ay alam kong halata na ang aking pamumula. Nagtatalo ang isip ko kung paano sasagutin ang tanong ni tito. Boyfriend? Akala nila girlfriend ako ng anak nila. Itatama ko ba o hahayaan ko na lang sila sa mali nilang akala. Angelo tulungan mo ako! ang pipi kong usal habang kinakausap ko siya sa pamamagitan ng aking mga mata. Ngunit tila wala itong balak akong tulungan, kaya naman napilitan akong magsalita. "O-okay l-lang naman po Tito, mabait naman po siya," ang kinakabahang sagot ko sa kaniya. Napakagat labi ako pagkatapos kong sabihin iyon. Tama ba 'tong ginagawa ko? Bakit hindi ko itinama ang mali nilang akala. Nagsalubong ang mga mata namin ni Angelo, ngumiti ito sa akin ng nakakaloko, mas lalong nag-init ang mga pisngi at mga tenga ko. "Hija, isumbong mo sa amin kapag may ginawang kalokohan 'yang anak namin sa'yo, okay? Huwag kang mahihiyang lumapit sa amin ng tito mo," ang sabi pa ng mommy nito. "O-opo Tita," ang nahihiyang pagsang-ayon ko. Hindi ko alam pero parang biglang nag-init ang aking katawan at unti-unting umiikot ang mga nasa paligid ko. Ngunit binalewala ko lang. "Son, don't you have any plans to dance with your girlfriend?" ang biglang tanong ng daddy ni Angelo. "Okay lang po tito, hindi din po kasi ako marunong sumayaw." "Liam, come here," ang malumanay na tawag ni tito sa isang kaibigan ni Angelo na nasa kabilang lamesa. Agad naman itong tumayo at lumapit sa amin. "Yes, Tito?" ang magalang na tanong ni Liam. "Please dance with Angelie," ang nakangiting utos nito. "Sure po Tito, my pleasure." Bago pa man ako malapitan ni Liam ay mabilis na akong nahila ni Angelo at naitayo. Pumulupot ang mahabang braso nito sa aking baywang at inakay papunta sa gitna ng dance floor. Natigilan ang lahat, napunta sa amin ang lahat ng atensyon. Ihinarap ako nito sa kaniya, kinuha nito ang mga braso ko at ipinulupot iyon sa kaniyang batok. "A-Angelo.." "You're shaking, baby.." Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubingin ang mga mata niya. "Look at me, please," ang mahinahong utos nito. Sinunod ko ang utos niya. Unti-unting napalitan ang kanta ng malamyos na tugtugin, maging ang mga ilaw ay napalitan na ang kulay. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa aking baywang. Kusang gumalaw ang aming mga katawan, habang sinasabayan namin ang saliw ng musika. Tila walang tao sa aming paligid. Unti-unting lumapit ang mukha nito sa akin at pinagdikit nito ang aming mga noo. Dahil sa sobrang lapit ng aming mga mukha ay amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga. "Angelie..." ang malamyos na tawag nito sa aking pangalan. Tila napakagandang musika sa aking pandinig ang malambing nitong tinig, Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata habang hinihintay ang mga susunod pa nitong sasabihin. "Be my girl, please.." ang nakikiusap na sabi nito. Dahil sa kaniyang sinabi ay napamulat ako at bahagyang nilayo ang aking mukha sa kaniya. Titig na titig ito sa akin. Napalaklam ng kaniyang mga mata. Lumakas ang t***k ng aking puso at tila ba gusto nitong lumabas. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang kaniyang sinabi. Hindi ko maitanggi sa sarili ko na, sa ilang araw pa lang naming pagkakilala ay may nararamdaman na ako para sa kaniya. Saglit pa lang kaming magkakilala, ngunit ang pakiramdam ko ay tila ba kay tagal na. "Angelo—" "Please, say yes. I promise I will do everything to prove to you that my intention is pure. Please be my girl," ang nagsusumamong pakiusap nito. "But, why me? There are more beautiful and sexy ladies out there.. mas higit sa akin—" He cut me off. "I don't f-ucking care about them! They are not you! I want you, and not them! Do you understand me? I want only you, Juneth," he seriously said. For a few minutes, I could not speak. "Please .." ang muling sabi nito. "What if I say, no?" Sumeryoso ang kaniyang mukha, tila hindi nito nagustuhan ang aking sinabi. "You know that I don't accept 'NO' for an answer Angelie," ang seryosong sabi nito at binigyang diin pa nito ang salitang no. "If I say yes, can you promise me you won't hurt me?" "I promise, I will never hurt you. Never. Cross my heart," ang seryosong sabi nito. I looked intently into his eyes, makikita doon ang sinseridad. "Okay then, I'm giving you my YES!" ngumiti ako sa kaniya pagkatapos kong sabihin iyon. "Really? Tell me I'm not dreaming baby. God.. Yes! Thank you!" ang masayang sigaw nito. Nabigla ako nang buhatin ako nito at pinaikot-ikot, para tuloy akong bata sa kaniyang ginawa. Nakaramdam ako ng mas lalong pagkahilo at tila masusuka ako. "A-Angelo.. put me down, nahihilo ako." Dahan-dahan itong huminto at ibinaba ako. "Anong nararamdaman mo?" ang nag-aalalang tanong nito. Hindi ko na siya nasagot. Napabitaw ako sa kaniya at dali-daling tumakbo sa malapit na comfort room. Doon ay nagsuka ako, naramdaman ko ang paglapit ni Angelo, tinanggal nito ang kaniyang coat at ipinatong niya iyon sa akin, sabay hagod nito ng marahan sa aking likuran. Tila gumaan naman ang pakiramdam ko sa kaniyang ginawa. Nag-angat ako ng mukha at nakita ko sa mukha nito ang bakas ng labis nitong pag-aalala. "Baby what happened? Are you okay?" ang nag-aalalang tanong nito. "N-nahihilo ako, hindi ko alam kung bakit." Lumapit ito sa akin at nabigla ako nang inamoy ako nito. "Damn. You're drunk baby," ang sabi nito at inayos ang buhok ko na tumabing sa aking mukha. "Huh? B-but how?" ang naguguluhang tanong ko. "I remember, you drank something from the glass on the table baby, maybe you thought it was a juice." "A-alak 'yon?" ang hindi ko mapigilang tanong sa kaniya. "I'm sure it is, iyon lang naman ang ininom mo," ang seryosong sabi nito. Napayuko ako dahil nakaramdam ako ng panghihina matapos kong magsuka. Nakarinig kami ng sunod-sunod na mga katok mula sa labas. Lumapit doon si Angelo at pinagbuksan ang taong kumakatok. "What happened to her?" ang nag-aalalang tanong ng mommy ni Angelo nang makalapit ito sa akin. Hindi ko magawang mag-angat ng mukha dahil sa hiya. "She accidentally drank the wine on our table, Mom." "Hindi siya sanay uminom ng alak Anak kaya mabilis siyang nalasing. Pakiakyat mo na siya sa guest room Anak at punasan mo siya ng bimpo sa mukha. Magpapaakyat ako mamaya ng soup at pahigupin mo siya," ang dinig kong sabi pa nito. "Okay Mom, thanks." Pinilit kong nag-angat ng ulo at tumingin sa mukha ng mommy ni Angelo. "S-sory po tita." "You don't have to apologize, Anak, I understand, masyado kang inosente kaya hindi mo alam. Dito ka na muna magpalipas ng gabi, nakausap na namin ang mga magulang mo kanina, pumayag na silang dito ka matutulog." "Po? But—" "Sshh.. it's okay, you need to rest," ang agaw na sabi ni Angelo at agad ako nitong pinangko. Mabilis ako nitong iniakyat sa isa sa mga guestrooms at maingat ako nitong inilapag sa kama. Dahil sa matinding epekto ng alak ay hindi ko na nabigyang pansin ang kapaligiran. Biglang uminit ang aking pakiramdam. Maya't-maya ay nakarinig kami ng sunod-sunod na pagkatok mula sa labas. Tumayo si Angelo at agad itong lumapit sa may pintuan. Sa nanlalabo kong mga mata ay nakita ko ang maliit na palanggana na hawak nito at inilagay iyon sa ibabaw ng bedside table at sinimulan nitong punasan ang aking mukha gamit ang bimpo at maligamgam na tubig. Inalalayan ako nitong makaupo at sinubuan ng mainit na sabaw pagkatapos. Ramdam kong nag-aalala ito para sa akin. Nang maubos ko iyon ay pinahiga na ako nitong muli at kinumutan. "Baby, kaya mo bang magbihis?" ang malambing na tanong nito. "Hmmm.." "Kailangan mong magbihis baby, dito ka muna ha? Tatawagin ko lang si manang para bihisan ka." Bago pa man ito makalabas ng kwarto ay hinila ko na siya sa kama at mahigpit siyang niyakap. "F-uck! Baby what are you doing?" ang tanong nito sa nahihirapang tinig. "Kiss me, Angelo please," ang tila nauuhaw kong pakiusap sa kaniya habang nakapikit ang aking mga mata. Ngunit hindi ito tuminag. "No baby, you're drunk. I can't take advantage of you," ang seryosong sabi nito. "Please baby.." Ewan, hindi ko din alam kung saan nanggagaling ang mga lumalabas sa bibig ko. Basta ang alam ko lang, gusto ko ulit matikman ang kaniyang malambot na mga labi. "Damn!" ang mahinang mura ulit nito at ramdam kong malapit na rin mawala ang pagpipigil nito. "A-Angelo.." "I will baby, if you're no longer drunk. Okay?" ang masuyong sabi nito. Hinaplos nito ang aking buhok at pagkatapos ay hinalikan ako nito ng marahan sa aking noo at sa aking pisngi. "Wait for me here, okay? I'll just call someone to help you change your clothes," ang dinig kong sabi nito. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari dahil hinila na ako ng matinding antok, at ang huling natatandaan ko na lang ay ang mga yabag na papaalis sa kuwartong aking inuukupahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD