"Scott?" Takang tanong ko sa kanya nang hilahin nya ako. "Anong nangyari? Ayos ka lang?" Mabilis na tanong nya. Mababakas ang pag-aalala sa boses nya. Bigla nagbalik sa akin kung anong nangyari kanina. Ako ba ang may gawa ng lindol na yon? Lutang akong napatingin sa kanila. Lahat sila ay gulat na nakatingin lang din sa akin. Maging ang mga hukbong nagsasanay ay nakatuon din sa akin. Bigla tuloy akong natauhan at nahiya. "Hala, sorry po! Pasensya na po hindi ko sinasadya." Mabilis na sabi ko sa kanila. Sakto ang lakas non para marinig ng nakararami. Bahagya pa akong napayuko sa paghingi ko ng sorry. Shet, ano ba 'tong ginagawa ko? Nakakaabala na ako ng sobra. Muli ko nanamang naramdaman ang mahinang paghila ni Scott sa palapulsuhan ko para kunin ang atensyon ko. Nakita ko ang naka

