Mabilis ang pangyayari. Noong tinanggap niya ang kasal na iyon ay mabilis ang aksiyon ni Attorney Sanchez. Ngayon nga ay nasa Singapore sila para doon magpakasal. Iyon ang gusto ni Adrian kahit puwede naman sana iyon sa Pilipinas. "Madaling kumawala kapag napagod na tayo sa paglalaro," bulong nito bago siya halikan sa labi. Isang halik na alam niyang magiging dahilan ng kanyang kalbaryo. Kalbaryong pinasok niya naman ng kusa. Sa isip niya ay para iyon sa kompanya, ngunit sa sarili, alam niyang may mas malalim pang dahilan. Paniguradong nagtatalo ang isip niya at puso. Maging ano nga ba ang tama at mali. Kung pagmamahal pa nga ba ang nararamdaman niya gayong gusto niyang kasuklaman ang lalaking pinakasalan ngayon-ngayon lamang. Nanlaki ang mga mata ni Lalaine nang akala niya ay dampi la

