"We're here," anas niyang hindi nililingon ang babae. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay nauna pa siyang lumabas na para bang walang kasama. Mabagal siyang naglakad dahil hindi niya naringgan ng pagsunod na yapak si Lalaine. Not realizing na pabagsak na ang babae dahil sa matinding hilo at panghihina. Muli na lamang siyang napalingon nang may kumalabog mula sa kanyang likod. "Lalaine!" Nilusob ng matinding kaba ang kanyang dibdib. Malalaki ang mga hakbang niya pabalik para saklolohan ang babaeng wala ng malay sa labas ng elevator. "Laine..." Nanginginig ang kamay niyang binuhat ang katawan ng babae. Muli siyang pumasok sa elevator pababa. Sa itsura nitong namumutla ay kinakailangan niya itong dalhin sa hospital. "Damn!" mura niya nang tumigil pa ang elevator dahil may sumakay.

