She's pregnant. At ang sitwasyon na meron sila ni Adrian ay nakasasama sa kanya at sa kanyang dinadala. Ayyaw niyang may mangyaring masama sa baby niya. Ngunit ano nga ba ang kailangan niyang gawin? Lumaki siyang wala halos kinagisnan na ina. Hindi buo ang kanilang pamilya. Ang ama niya ay naroon nga ngunit tila wala rin naman dahil sa trabaho. Isinubsob ang sarili para bigyan siya ng magandang buhay. Bumaluktot siya sa pagkakahiga habang iniisip si Adrian. At kung anong nararapat na desisyon ang gagawin niya. Noong nasa hospital siya at hinamon ito ng hiwalayan ay napatigil ito. Nakauwi na lamang silang hindi napag-usapan ang sitwasyon na kinahaharap nila. Samantala, maging si Adrian ay hindi mapakali sa kanyang kama. Binabagabag ng mga alalahanin. Ayaw niya sa dinadala ni Lalaine hi

