Napukpok ni Adrian ang tiles sa banyo kung saan ay nasa ilalim siya ng malamig na tubig galing sa shower. Pagkatapos niyang iwanan si Lalaine sa kusina ay agad siyang nagtungo sa banyo para pahupain ang init na biglang namuo sa kanyang katawan. Parang nagbabagang lava ang dumadaloy sa bawat himaymay ng kanyang katawan. Parang inaapoy ng lagnat ang kanyang pakiramdam. Ningas lamang noon iyon ngunit dahil kasama niya si Lalaine sa iisang bahay at malapit sila sa isa't isa ay namuong apoy iyon. Apoy na hindi niya yata kayang tupukin kahit anong gawin niya. "Bullshit!" bulalas niya. Ayaw niyang isipin na nahuhulog siya sa patibong na ginawa niya. Hindi iyon dapat mangyari. Pagnanasa lamang ang meron siya. Pagnanasa sa katawang inihain sa kanya. Bakit nga ba hindi? Kahit baduy manamit noo

