"Please, love me." Tila iba ang ibig sabihin ng mga pakiusap na iyon ni Lalaine para kay Adrian. Muling nanumbalik ang nararamdaman niyang pagnanasa kanina. Ang init na kanina ay muling tumutupok sa kanyang katawan Ayaw niyang pagsamantalahan ang kahinanan nito ngunit, ito na naman ang naghahain ng sarili sa kanya. At lalaki siyang marupok din naman.. ''F*ck'', mahinang mura niya. Sana ay hindi na lamang siya bumalik. Kung bakit kasi naiwan niya ang susi ng bahay. Di sana ay hindi nagtatalo ang makamundong pagnanasa niya kay Lalaine at ang katinuan ng kanyang isip sa nararapat na gawin. At ito ay ang iwasan dapat ang babae. "Love me..." muling anas ni Lalaine. Nang maramdaman niyang naroon si Adrian ay tila nawala ang mga bumubulong sa kanya. Yumakap siya rito ng mahigpit at kinuhaa

