Isang buwan sana silang mananatili sa Singapore ngunit dahil Sq kalagayan ni Lalaine ay napagpasyahan nilang umuwi na lamang. Kailangan ng moral support ng babae na hindi niya kayang ibigay. Kinakailangan ni Lalaine ng isang taong aalalay at makakaintindi dito. Alam niyang hindi siya iyon kaya, minabuti niyang iuwi na ito, muli'y sa mansyon ng mga Dy sila titira. Gusto sana ni Adrian na sa isang apartment sila titira ni Lalaine. Pero pinipigilan siya ni Attorney Sanchez. Baka raw gamitin na butas iyon ng ibang against sa kanila. Baka hanapan lalo sila ng proof na may relasyon sila kaya mas maigi na lang daw na mag-ingat. Nakasalalay ang lahat sa kanya ngayong naroon na sila. "Mga anak, kumusta ang honeymoon?" salubong na bati ni Nanay Erna sa kanila. Niyakap silang pareho. Alam ni Nanay

