Mabilis na umibis sa kanyang sasakyan si Adrian nang makarating sa parking lot kung saan nag-aaral si Lalaine. Kahit malakas ang ulan ay sinugod niya iyon upang hanapin doon ang babae. Magtatatlong oras na ang nakaraan simula sa oras ng usapan nila. "Fack!" mura niya dahil hindi niya makita roon sa parking lot si Lalaine. Nabasa na siya ng ulan dahil sa lakas ng buhos nito. Muli pa niyang inikot ang paningin. Nang matantong wala ni isang tao sa parking lot ay muli siyang sumakay sa nakabalandrang sasakyan niya. Hindi na niya pinatay ang makina para makaalis siya agad. Bago paandarin ang sasakyan ay muli niyang tinawagan ang telepono ni Lalaine. Nakapatay talaga ang telepono nito. Ngayon ay ang telepono na sa bahay nila ang tinawagan niya. "Hello?" "Nay...nandiyan na ba si Lalaine?" t

