"Aba'y kay saya naman ng umagang ito. Ganito sana lagi, Adrian, Laine. Napakagaan ng umaga kapag sabay-sabay tayong lahat kumakain," litanya ni Nanay Erna sa umagang iyon. Sa mahabang mesa ay naroon silang tatlo. Nagsalo-salo sa umagahan. "Masarap ba ang sinangag, Adrian, ha?" tanong pa ni nanay Erna sa lalaki na maganang sumusubo. Sa harapan nila ay bacon, egg at pritong pusit na siyang request ni Lalaine. Tipid na ngumiti si Adrian sa matanda. "The best ka talaga, Nay," sabi nito. Natawa naman ang si Nanay Erna habang tahimik lamang na kumakain si Lalaine. May multo ng ngiti sa mga labi nito. "Naku, hindi ako ang nagsangag ng kanin, nak. Si Lalaine, Adi. Ganyan siya kasarap magluto..." Nasamid si Adrian sa nalaman. Inubo siya nang inubo. Maagap naman na nagsalin si Lalaine ng tubig

