"Kaya mo ba anak? Gusto mo bang sumama ako?" tanong ni Nanay Erna kay Lalaine kinaumagahan. Salo-salo ulit sila sa umagang iyon. Napag-usapan nilang pumunta ngayon para magpagawa ng isusuot. Dahil sa malapit na ang event ay umatras na ang dapat ay pupuntahan nila. Kaya nagpasya siyang sa isang kakilala na lang. "If you're not feeling well..." "Gawin na natin. Ngayon o hindi, kailangan na nating gawin...para matapos na," ika ni Lalaine. Napatitig lamang ng mariin si Adrian sa babae. Pakiramdam niya ay may ibig pang sabihin ang lumabas sa bibig nito. "Magbibihis lang ako," paalam nito pagkatapos. Kinuha nito ang pinggan. Napansin niya na hindi halos nabawasan ang pagkaing naroon. Sinundan niya ng tingin ang babae. "Adrian..." tawag ni nanay Erna sa pangalan niya. Tila may tunog baba

